chapter 7
“Declined”
Veronica
ilang oras na akong pabalik-balik ng tingin sa screen ng cellphone ko nagbabakasakaling may mahita akong pwedeng makapag-paganda sa masama kong mood ngayun mismo.
pero wala, kahit ata baliktarin ko ang napakawalang-kwentang selpong ito ay wala talaga.
'I hate texting people first. it makes me feel awkward, annoying, and f*****g unwanted.... pero hito't nanghihintay ako sa reply ng lalaking iyon!!'
maaga akong pumasok sa skwelahan nagbabasakaling maabutan ko ang isang iyon. pero kung hindi man ay alam ko na naman kung saan siya pupuntahan.
malapit na ang oras para sa first subject pero wala parin ang lalaking hinihintay ko. at nang tumunog ang bell ay wala na akong nagawa kaya naman pumasok nalang din ako.
first step--- unsuccessful.
its high time for the last step then.
'too much effort, huh?'
----------------------------------------------
Zeo
habang walang imik at tahimik na naghihintay sa Professor namin para sa pang-unang subject ngayun ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaklase ko na ngayun ay kausap ang mga kaibigan nila at masaya itong tumatawa. gusto ko ring maranasan na may makausap habang naghihitay, gusto ko ring maranasan ang makipag-pikonan habang naghihintay, gusto ko ring maranasan ang magtampo-tampuhan kunwari habang naghihintay, at gusto ko ring may makausap lalong-lalo na kapag masyado ng mabibigat ang nararamdam ko. gusto kong may malabasan lahat ng hingain ko sa buhay.
at sa bawat paghihimutok ko ay hindi kailanman nawaglit ang babaing 'yon.
gustong-gusto ko rin siyang maging kaibigan....
noon, ilang ulit akong nagdasal na sana kahit isa man lang ay may makipag-kaibigan sa akin...
pero nung nandoon na siya sa harapan ko at sinasabi sa harap ko ang mga katagang hiniling ko, ay parang natakot ako.
natakot ako para sa kanya, at mas natakot ako para sa sarili ko.
kabaklaan man, pero 'yon talaga ang naramdaman ko...
takot, isang napakalaking takot.
ilang beses kong pinagsabihan ang sarili ko kahapon, na.....
'wag manghinayang sa alok pakikipag-kaibigan ng babaing iyon.
'wag pakinggan ang bawat masasarap na salitang namumutawi sa bibig ng babaing iyon.
na huwag matukso sa angking ganda ng babaing iyon.
dahil pag pinagpatuloy ko ang gusto ko ay hindi lang ako ang magsasakripisyo, na hindi lang ako ang maghihirap, na hindi lang ako ang masasaktan, na hindi lang ako ang pagtatawanan.
halata pa naman sa babaing iyon na alagang-alaga ito ng mga magulang.
kutis palang nito alam kong maykaya na. postura palang nito alam kong mahinhin na....
maliban nalang talaga pag nagsalita na ito, parang hindi umu-urong ang dila at napakatigas pa ng ulo.
'kaya mabuti na itong magsarili nalang ako, walang perwesyo, walang ina-alala, walang pangamba, at walang kwenta.'
"Good morning," malaking boses na bati sa amin ng aming professor kaya naman minabuti ko nalang na itoon sa kanya lahat ng atensyon ko.
"Good morning, Prof." maarteng bati 'rin ng mga kaklase ko
"Sit down,"
"thank you po, Sir."
"by the way, mag bago kayong ka-klase. She left and now she's back, so behave. She will be here any minute now"
"oh em geeee!" maarteng sigaw ng kababaihan
"for real?? dito talaga sa atin??" nagtatakang tanong naman ng iba parang hindi makapaniwalang dito talaga sa klase namin ito babagsak
"swerte natin ahh!" nakangising sabi naman ni Leo... ang number one bully sa buhay ko.
marami ang nagtataka, nagtatanong, natatakot at may iba ring nasiyahan sa balita ni Sir. at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla-bigla akong nakaramdam ng pangamba. hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko ngayun, hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng ganon, at hindi ko maisatinig ang lahat ng ito kasi mag-isa lang akong naka-upo sa dulong likod ng classroom na ito. kaya pinagwalang bahala ko nalang din lahat ng pagdududa ko sa sarili ko na wala namang basehan para makaramdam ako ng ganito.
ang lahat ng ingay ay parang bulang nawala ng bigla nalang pumasok ang taong dahilan ng lahat ng kakaibang nararamdaman ko.
ang mga kaklase ko ay parang baliw na nagpalakpakan at nagsisigawan ng mapag-alamang siya ang bagong salta...
gusto ko sanang maging masaya, pero lamang ang pagkairita at pagka-disgusto ko nang malamang siya pala ang bagong kaklase ko.
ang taong gusto daw akong maging kaibigan na ilang ulit ko 'ding tinaggihan at ilang ulit kong winaksi sa aking isipan kase hindi nararapat at hindi pupwedeng mangyari kahit gustuhin ko man.
'ngayun pang nalaman kong sikat din pala ang isang ito dito sa unibersidad.'
mabuti nalang talaga at hindi ako nagpadalos-dalos sa pagdedesisyon, dahil pag nagkataon hindi ko alam kong saan ang bagsak ko.
"good morning, Miss Veronica, and welcome back" nakayukong bati sa kanya ng prof.
"welcome back Ver" bati ng ibang kababaihan
"thanks," walang gana naman nitong sagot at pinalibot sa buong classroom ang mga mata nito, naghahanap.
"pwede bang malaman ang reason why you transfer here?" tanong ni Leo, habang may kakaibang kislap sa mga mata... at wala man akong karapatan ay hindi ko gusto ang paraan niya ng pagkakatitig dito.
"I'm looking for someone," yukong-yuko ang ulo ko, nagbabasakaling hindi niya ako mapansin at kung suswertehin ay baka lumipat na din ito sa ibang klase.
"and, who might that be?" kaso parang ayaw ata akong pagbigyan ng pagkakataon dahil sa naging sagot niya.
dahilan para ma-estatwa ako sa upuan at mapatitig nalang sa magandang mukha niya.
"Zeo Reese" bigkas niya sa pangalan ko habang nakatingin kami sa isa't isa, hindi ko maiwasang mapatitig sa napakaganda niyang mukha
"do you know him by chance?" iritableng tanong ni Leo sa kanya. nanunuya, nang-iinsulto, nangkwekwestyon ang paraan ng pagtatanong nito habang ang masamang tingin ay nakapukol na sa akin.
napapahiya, natatakot, at naiinsulto kong ibinaba ang aking tingin.
"He is mine." hindi ako makahinga, masyado akong nalulunod sa mga binibitawan niyang salita. at ang mas nakakatanga pa ay sa harap pa talaga ng buong klase niya iyon sinabi
'No, no no no no no no no!' piping sigaw ko.
"finally." bulong niya tamang-tama lang na magkarinigan kaming dalawa. may magandang ngiti sa mga labing titig na titig ito sa akin. ang paraan niya ng pagkakatitig ay hindi ko mapangalanan kung nang-iinsulto, nanghahamon, nakakaloko.... nakatayo lang ito sa harap ko at magka-krus ang mga braso, pinapasadahan ng tingin ang bawat sulok ng mukha ko. at nang makuntento ay tatango-tango ito at umupo sa tabi ko.
wala parin ako sa huwisyo kaya hindi ko namalayan na merienda na pala at nakatayo na naman ito sa harap ko habang nakalahad ang kamay nito sa napaka-arteng paraan...
katulad ko ay nakatanga lang din ang mga kaklase namin sa kanya nakatitig kaming lahat na para bang may tumubong kung ano ano sa mukha niya at nagsiputukan iyon. kahit nga nong marining namin ang bell ay wala paring gumalaw, lahat nakikiramdam, lahat naghihintay kung ano ang susunod niyang gagawin.....
nang walang mahitang tugon mula sa akin ay buntong hiningang napapairap itong nakatitig sa akin.
"you didn't text me back" nagtatampo, nanunumbat ang paraan niya ng pagsasalita.... at sa isang kisap-mata lang ay ang lahat ng mga mata ng mga kaklase namin ay nakatuon na lahat sa akin....
nagtatanong, nandidiri, nanunuri at hinding makapaniwalang titig na titig ang mga ito sa akin.
sinasabing anong karapatan ko para ganitohin ang babaing ito? at sino'ng nagbigay ng pahintulot sa akin para maging kaibigan ko ang isang babaing ito ngayun
"w-wala akong natanggap" nakayuko kong sagot.
umupo siya sa upuang nakaharap sa mesa ko, ipinatong ang siko at nakahalumbabang tumitig sa akin.
"liar liar pants on fire----" pakantang bulong niya kung kaya naman masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. imbis na magalit ay ngumiti lang ito ng napakaganda kaya napapayuko na naman ako dahil sa hiya pinalibot ko ang aking paningin at mukhang nakuha naman nito dahil maarte niyang nilingon ang mga kaklase naming nakatingin lang sa aming dalawa
"shoo." nakapameywang na sabi niya at lakad takbo naman kung magsialisan ang mga ito. ang huling lumabas ay ang grupo ni Leo at masamang-masama ang tingin nitong nakapukol sa akin...
maangas itong naglakad papunta sa akin ng bigla nalang iharang ni Veronica ang katawan niya. kaya walang nagawa ang grupo nito kung hindi ang lumabas nalang at iwan kaming dalawa
'kaming dalawa.'
"so, lets eat??? hehe" nahihiyang alok niya at may inilagay na pagkain sa table ko... at lahat ng 'yon ay lutong bahay.
"bakit mo sinabing-----" marahan kong tanong, pero naputol lang iyon ng mapansin ko king gaano siya napakakalat kumain.
"whut??" ngumunguya niyang tanong
"ang baboy mo naman!" nakakunot noong sabi ko sa kanya
"ang arte nito" irap namang bwelta niya sa akin
"tsk!" sabi ko sabay kuha ng panyo sa bulsa ko at pinahiran ang nagkalat na sauce sa pisngi niya
"t-thanks" nahihiyang pasasalamat niya
"bawiin mo yung sinabi mo kanina" sabi ko habang nakabuntong hiningang sumandal sa upuan ko at pinagkrus ang braso at tinitigan ang magiging reaksyon niya.
"ang alin?" patay malisyang tanong niya...
"yung pa, 'he is mine, he is mine' mo kanina... bawiin mo 'yon!" nahihiyang sabi ko, tinatago ang galit sa puso ko
"ayaw" kumakain parin siya, ang tigas talaga ng bungo ng babaing to.
"a-anong ayaw!?, bawiin mo!" nag-uumpisa nang mag-init ang ulo ko.
"ayaw ko nga!" kung pikon ako, mas pikon naman siya.
"ano bang problema mo? alin sa ayaw kitang maging kaibigan ang hindi mo maintindihan?" napepekang tanong ko, hinihilot ang sintido para mabawasan ang pagka-irita ko
"alam mo!? ang swerte mo na nga eh, dahil ikaw ang gusto kong maging kaibigan! alam mo bang ang daming nagkakandarapa diyan para lang pansinin ko!??" sabi niya nasa tono at mukha ang pagkakatotoo
"pwes sila ang kaibiganin mo!" nauubusang pasensyang sabi ko....
"eh sa ikaw ang gusto ko eh!" nauubusang pasensya niyang 'ding sigaw, masama ang tingin at kunot ang mga noo nito.
"AYAW NGA KITANG MAGING KAIBIGAN!!!" pikit matang sigaw ko, ng minulat ko ang aking mata ay parang gusto ko na atang bawiin lahat ng sinabi ko nang tumulo ang isang luha sa kanyang mga mata. pero kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko.
maalala ko lang ang paraan ng titig ni Leo sa akin ay alam kong hindi na ako aabutin ng umga.
"WHY!? WHY WHY WHY WHY WHY!!!!" nakatayo, nakapameywang, at nanggagalaiting sigaw niya. pinipigilang pumiyok ang boses niya.
"DAHIL SA MAPEPERANG KATULAD NIYO NAGKANDALECHE-LECHE ANG BUHAY KO!!!" nakatayo ko ring sigaw sa pagmumukha niya, totoo naman kasi kung hindi dahil sa kanila okay sana ako ngayun, walang takot at walang pangamba.
"GAGO KA BA??? NGAYUN PA NGA LANG TAYO NAGKAKILALA TAPOS KUNG MAKABINTANG KA SA AKIN AY PARANG AKO ANG SUMIRA SA BUHAY MO!" frustrated niyang sabi sa akin, oo nga naman alam kong wala siyang kinalaman pero gusto ko lang talagang makaiwas sa kanya kung kaya kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ko pero mukhang matalino ang isang ito. hindi basta-basta tumitiklop.
"same feather flocks together." 'yon nalang any sinagot ko, nauubus ang buong lakas ko dahil sa kanya
"WHETHER YOU LIKE IT OR NOT, YOU.ARE.MINE" nang-aangkin ang pagkakasabi niya. at kahit wala akong emosyong pinapakita sa kanya alam kong apektado ako.
apektadong apektado ako.
"and I decline." at tinalikuran na siya.
'I'm dead, I'm so f*****g dead!'