“Be My Friend”

2814 Words
chapter 6 “Be My Friend” Veronica "good morning." walang  buhay kong bati kay Nanay Dess na hindi magkandaugaga sa paglalagay ng pagkain sa lamesa. at parang hindi ata ako narinig dahil patuloy parin ito sa ginagawa. nakataas ang kilay at nakatayo lang ako sa may pinto habang tinitignan siya at dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko sa lamesa na ngayun ay puno na ng pagkain na kung tutuusin ay tatlo lang naman kaming kakain. 'ano 'to? may fiesta ba?' tanong ko sa sarili ng hindi ako makakuha ng sagot mula sa kausap. "tapos na ba? my god! nagugutom na ako!" sabi ng isang boses mula sa kabilang pinto. at hindi ko maiwasang pagkunutan ng noo dahil sa narinig ko. "malapit na po Madame, matatapos ko na po lahat ito"  sagot ni Nanay Dess na may magandang ngiti sa mga labi. halata sa mukha ang pagod at kababaang-loob sa kausap "bilisan mo pa, abat nangangayat na ang anak ko dahil kanina pa kumukulo ang tiyan dahil sa gutom!" sabi nito at tinapunan pa talaga ng isang piraso ng batong si nanay bago tuluyang umalis sa kusina. hindi ata nabalitaan ng hampaslupang iyon na nakauwi na ako sa mansyon kaya kung makautos sa nanay ko eh parang siya ang nagpapasweldo nito. bago pa mapulot at maihanda ni nanay ang mga pinagluto niya at minabuti ko nang lapitan ito at yakapin sa likod. gulat na gulat niya akong nilingon at dahan dahan ay biglang lumaki ang mga mata nito at bibig nang makita niya ang pagkapikon ko. "a-anak" tawag niya sa akin sa kinakabang boses titig na titig ito sa akin at ganon din ako sa kanya kaya hindi niya ata napansin ng naagaw ko na nang tuluyan sa kanya ang hawak niyang mga pagkain "tsk tsk tsk" sabi ko habang nakatitig sa kanya, nang-uuyam, nang-iinsulto, nasasaktan, at  nangkwekwestyon ang paraan ng pagkakatitig ko sa kanya "anak" paulit-ulit niyang sabi sa napakababang boses ng marahan akong umalis sa pagkakayakap sa kanya habang hawak ang dalawang plato na puno ng pagkain nanunuya kong pinasadahan ng tingin ang dalawang pagkain na ito... 'peste' "Anak, okay lang ang nanay, akin na'yan at nang makapag almusal ka na" nangangambang sabi niya akmang aagawin niya sa akin ang mga pinggan ng mas inilayo ko pa ito sa kanya "akin na ang mga iyan anak, baka magusot ang uniporme mo" "bitaw" sabi ko ng maabot niya ang mga pinggan "anak, wag mo nang pansinin ang mga iyon. maliit lang na bagay ang mga iyon ano ka ba" sabi niya nang-aamo ang paraan ng pagkakasabi niya nangkwekwenta at isinasa-isip ang mga salitang namumutawi sa kanyang bibig, iniiwasang dagdagan ang aking pagkamuhing nararamdaman "manang ano ba?! peste, ang bagal mo, hoy!!!" sigaw ng hampaslupang iyon mula sa dining area ng bahay ko. "na-nandyan na po Madame!" ganting sigaw ni nanay sa pesteng hampaslupang 'yon. at bago pa niya makuha iyon sa akin ay inunahan ko na ito sa may pintoan. nakangisi kong nilingon si nanay na mukhang na estatwa na ata habang nakatitig sa akin. "open it" utos ko sa kanya. "Nica, anak naman, kung ano man 'yang ini-isip mo ay wag mo nang gawin... pabayaan mo na lang ang mga iyan, wag mo nalang pansinin." nagmamakaawang sabi niya "nagugutom na ang mga senyora nanay, baka mangayayat ang mga iyon" nang-iinsultong sabi ko sa kanya at napapatitig nalamang ito at buntong-hiningang binuksan ang pintoan papuntang dining area "'wag mo masyadong awayin anak ha?" pabulong na sabi ni nanay sa akin... nagmamaka-awa "baliw" 'yun lang at iniwan ko na siya sa may kusina para kunin ang natitirang pagkain na inihanda niya para sa mga hampaslupang nandirito ngayun sa pamamahay ko. "haynaku, salamat naman at natapos ka rin napakabagal mong kumilos kung ako lang talaga ang masusunod ay matagal na kitang pinalayas dito napakawalang silbi mo na kaya, mamamatay pa ata kami sa gutom dahil sa katandaan mo!" nakataas lang ang isang kilay ko habang nakikinig sa mga walang kwentang pinagsasabi niya... at dahil nakayuko siya dahil abala ito sa paglalagay ng lampin sa hita niya eh pabagsak kong binitawan ang mga hawak kong pinggan na puno ng pagkain kaya nagsitapunan ang mga laman 'non. tutok na tutok ako sa pagmumukha 'ng napaka-ingay na babaing ito ngayun. at kitang kita ko kung paanong nag-iba ang ekspresyon sa kanyang retokadang mukha. ang galit na mukha nito ay parang kidlat na nawala ng mapagtantong ako ang kanyang kaharap. marahan at namumutla itong tumayo, pinakatitigan ako na para bang isa lang akong multo ng nakaraan na bigla nalang pumasok sa kanyang isipan at mawawala sa isang kurapan lang "good morning........ fuckers" bati ko sa kanilang dalawa na may napakatamis na ngiti sa aking labi. wala akong nakuhang pagbati sa babaing kaharap ko maliban nalang sa matatalim na tingin na pinupukol niya sa akin ngayun "Veron---" "its Miss Veronica to you fucktard" nanghahamon, nanunuya, nang-iinsulto kong putol sa pagtawag niya sa pangalan ko. dahil sa nakamao niyang mga kamay alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko... pakialam ko? "hindi mo kailangan itapon ang pagkain sa mesa Miss Veronica" buntong-hiningang sabi niya, nagpapakalma "hmm, pasensya." walang pagsisisi kong sabi "upo" sabi habang nakalahad ang napaka-arte kung kamay sa kanyang upuan, nang hindi niya ako pinakinggan ay napipikon kong inilapat ang aking dalawang kamay sa lamesa at inilapit ang aking mukha sa kanya "sit" dahan-dahan ko itong binigkas, nanghahamon na pag hindi niya ako pinakinggan ay may hinding mangyayaring maganda sa kanya... halata man sa mukha niya ang pagka-disgusto ay minabuti nalang niyang umupo at masamang tumitig sa pagkaing nagkalat sa lamesa at nang mamatyagan ang paparating na si Nanay Dess ay dito pinukol nito ang kanyang masasamang tingin wala namang nagawa ang matanda kung hindi ang yumuko para hindi makita ang galit na titig nito sa kanya "'nay," at mabilis pa sa alas kwatro kung bigyan ako nito 'ng pansin, umupo ako sa aking upuan at sinandal ko ang aking sarili dito at maarteng ipinatong ang aking mga siko sa armchair ng upuan "coffee please." yumukod ito bilang paggalang at umalis sa aming harapan "eat" walang bakas ng kasiyahang tugon ko sa dalawa "its dirty" kung maarte ako ay mas nag-iinarte naman ang bruhildang ito sa harapan ko, nakakalimutan ata nito kung sino ako. nakahalumbabang tinitigan ko siya wala ni ano mang emosyong pinapakita sa kanya at bago pa ako makapagsalita ay siya namang dating ni nanay at inilapag nito sa aking harapan ang kapeng hinihingi ko. "anong oras ka peneste ng dalawang ito 'nay?" walang lingunang tanong ko sa matanda. "'nak!" naaawa, nahihiyang saway sa akin ni nanay "nasa hapag ka." bulong niya ang huling salita gustuhin man akong pagsabihan ay hindi niya magawa  sa kadahilanang ayaw niya akong ipahiya sa mag-ina. napapa-irap ko namang pinagsawalang bahala ang sinabi niya "nakitulog na nga kayo, inutus-utusan ang katulong ko, pinagsalitaan ng nakakapang-init 'ng ulo ang katulong ko, tapos ngayun tutunganga lang kayo sa harap ko?...... hala, kain." utos ko nang hindi sila gumalaw sa kinauupuan nila. "its dirty! at pwede ba? bahay 'rin namin to... kaya wala kang karapatan pagsabihan ako, kung sino ang uutus-utusan ko!!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin habang nakatayo at nakalapat ang mga kamay sa lamesa ginagaya ang pustura ko kanina. at dahil sa pikon na pikon na pikon na talaga ako ay hindi niya napaghandaan ng bigla ko nalang hablutin ang mukha niya at hinigpitan ang pagkakahawak ko doon, sinisigurong bakat na bakat talaga ang kuku ko sa pesteng pagmumukha niya "Veronica!" nagbabantang saway sa akin ni Nanay "Mommy!!!!" hysterical na sigaw naman ng isa pang bruhilda sa buhay ko 'peste talaga tong mag-inang bruhildang 'to.' "sinong nagbigay ng karapatan sayo para mang-angkin 'ng mga bagay-bagay na hindi naman nakapangalan sayo??" "b-bit-bitawan mo ako!" "SINO!!!" sigaw ko sa mismong pagmumukha niya at mas diniinan ko pa ang mga kuku ko sa paraang makukuntento ako sa kalalabasan niyon... imbis na sagutin ako ay sinubukan nitong tanggalin ang kamay kong naka-glue na ata sa panga niya, binitawan ko lang ang mukha niya ng maramdaman ko ang isang haplos mula sa ulo ko.... pinapakalma ako. maarte kong pinikit ang aking mga mata at pinapakalma ang sarili, pabagsak akong umupo sa upuan ko at nakahalumbabang dahan-dahan tinitigan ang ngayun ay humihikbing babae sa harap ko at hawak-hawak nito ang magkabilang panga nito na ngyun ay namumula-mula na.... tsk, sayang 'di pa dumugo. "susubuan mo ang sarili mo o ako ang susubo sa'yo??" nauubusang pasensyang tanong ko, habang maarte at mahinhing sumimsim sa tasa 'ng kape. unang kumilos ay ang anak nitong babae, ayaw na sigurong palakihan ang tensyon, humihikbi parin ang madrasta ko ng pulutin nito ang kutsara at kumain. mabuti naman. "paki-ubos, please" pikit matang paki-usap ko sa dalawa.. ayaw na ayaw ko panamanag nagsasayang ng pagakain. "hindi namin to mauubus Miss Veronica," galit man ay alam kong pinapakalma lang anak na babae nito ang kanyang sarili, kahit sino naman siguro pag sinaktan ng kahit sino ang nanay mo ay magagalit ka talaga, malas lang talaga niya dahil hindi niya maipagtanggol ang bruhildang nanay niya laban sa akin. "sana na isip niyo 'yan bago kayo nagpa-catering sa katulong ko" nakasandal at maarteng nakapikit matang sagot ko. "and when you're done eating, leave my f*****g house alone." ----------------------------- "hindi mo na sana ginawa 'yun anak" nagpapa-intinding sabi ni 'tay nestor sa akin alam kong subra ang ginawa ko kanina pero wala parin akong mahitang awa para sa kanila, masyado na akong nilalamon ng galit, poot, pagkamuhi para sa mag-inang 'yon kaya kahit anong paki-usap nila nanay at tatay ay sarado na talaga ang isip ko. 'umaga palang peneste na' "oh siya, nandito na tayo" sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan 'ng mapansing lutang ako. titig na titig ako sa mukha niya ng yakapin niya nalang ako bigla, kaya kahit papaano ay gumaan na'din ang pakiramdam ko. "oh ito, pinabibigay ng nanay mo. kumaan ka ng marami at nangangangayat ka na oh" nakangiting biro ni tatay. pero hindi ko parin makuhang ngumiti sa biro niya ang isip ko ay kinukuha masyado ng paaralang ito. "gusto ko na atang mag drop out 'tay" nakanguso kong sumbong sa kanya habang nakayakap parin sa kanya, nagpapalambing "hala pasok!" striktong sabi niya habang nakaturo ang isang kamay sa gate paaralan at nakapameywang naman ang isang kamay nito... bagsak ang balikat na tumitig ako sa kanya nagmamakaawa na sana ay payagan akong mag drop-out "wala naman akong kaibigan dito tatay ehh, mga plastik lahat ng tao dito ayaw ko sa kanilang lahat!" "ang sabi mo sa akin ay may gusto kang maging kaibigan dito?  anong nangyari at parang nabahalag ata ang buntot mo?" tanong niya na may nakakalokong ngisi sa may edad na niyang mukha. "ayaw naman niya sa akin eh!?, ilang beses nga niya akong pinagtabuyan eh!" nawawalang pag-asang sumbong ko "ahhh, so nabahag nga ang buntot mo?  akala ko ba ay wala kang kinatatakutan? huh, Veronica?" ayaw ko sa paraan 'pagkakatanong niya, feeling ko ay ako na ang pinakawalang-kwentang tao sa mundo at ako na ang pinakamahinang tao sa mundo. "hindi ah! magiging kaibigan ko 'rin 'yong kutong lupang iyon 'tay, tandaan niyo 'yan!" taas noong sabi ko at may kumpyansang iniwan ito dahil naiirita na ako sa paraan ng titig niya at kahit anong pigil niya para hindi matawa ay kumakawala parin ito. malayo na ako kay tatay nang marinig ko ang malakas na tawa nito kaya naman masama ang tingin na nilingun ko ito pero dahil kilalang-kilala talaga ako nito ay may pagkabilisan nitong pina-andar ang sasakyan palayo sa akin. masama ang loob na pumasok ako sa paaralan at pumonta sa registrar. kung gusto ko talagang maging kaibigan ang napaka-ilap pa sa langaw ang taong 'yon ay kailangan ko munang makuha ang schedule niya. "good morning, Miss Veronica" nakangiting bati sa akin ng isang staff mula sa loob ng registrar office. kilala ako dito kase, isa ang pamilya ko sa stock-holders sa skwelahang ito. "hi," wala man sa mood ay kailangan kong magpakabait dahil may kailangan akong makuha dito "may maitutulong ba ako sa'yo Miss Veronica?" alinlangang tanong nito "pwede ko bang matinggan ang files ng mga studyante dito?" "sorry po Miss Veronica pero confidential ang mga files 'ng studyante dito hindi ko po pwedeng basta-basta nalang ipamahagi 'yon" "naiintindihan ko, kaso nakalimutan ko kase ang bracelet na bigay sa akin ni daddy, at pag nalaman 'non na naiwala ko ang bracelet na bigay niya ay baka ano pa ang gawin non sa estudyanting iyon  kasalanan ko kase pinahawak ko sa kanya 'yun kase nagka-emergency--" hindi pa nga ako nangangalahati ay hinila na niya ako papasok sa loob at humarap sa computer. lihim akong napangiti dahil sa nangyari "ano pong pangalan niya?" nagmamadaling tanong niya "ahm, ano po kase, hindi ko nakuha ang pangalan niya pero natatandaan ko ang mukha niya" nahihiyang sabi ko "hala pano po 'yan? gusto ko sana kayong tulungan pero medyo busy din po kase ako ngayun Miss.... mas madali sana kung pangalan man lang niya ay nakuha mo" natatakot at nahihiyang pagkakatoo niya natatakot na baka magalit ako, ako na anak 'ng isa sa stock-holders dito. "pano po 'yan Maam, magagalit talaga si daddy, okay lang po sana kung sa akin kaso baka hindi" pananakot ko, nakayuko dahil ayaw kong makita niya ang pagkairita ng mukha ko. "ay, ganito nalang ikaw nalang ang maghanap? kung okay lang? total sabi mo nga natatandaan mo ang mukha niya?" nahihiyang sabi niya, na siya namang gusto ko talagang mangyari. "okay lang po ba? wala pong magagalit???" plastik kong sabi sa napakahinhin kong boses.... subukan lang talaga nilang magalit. "okay lang ayaw naman nating ang daddy mo ang magalit di'ba?  baka kung ano pa ang mangyari" naka-ngiting sabi niya at may pa kindat-kindat pa talagang kasama "thank you po!" at dahil masaya talaga ako ay mahigpit ko itong nayakap at natatawang pinakawalan naman niya ako bago ito tuluyang nagpa-alam. tutok na tutok ako sa harap ng computer 'ng bigla nalang may naglagay ng pagkain sa harap ko, napapatangang nag taas ako ng tingin at napatitig nalang ako sa napaka-ganda ng ngiti niya sa akin "kumain ka, hindi ka na nakapag-merienda dahil busy'ng-busy ka sa ginagawa mo" nakangiting sabi niya habang tinapik-tapik ang tupperware na naglalaman daw ng pagkain "t-thank you po." hindi ko maiwasang mahiya sa kanya "kainin mo hah? magtatampo ako pag hindi mo ito ginalaw" sabi niya saka niya ako iniwan..... titig na titig lang ako sa lalagyan ng pagkain, buntong-hiningang sinandal ko ang sarili ko sa upuan bago minasahe ang noo ko. hindi na ako nakapasok sa klase ko dahil mas binigyang pansin ko ang paghahanap sa pangalan niya, wala pa nga ako sa kalahati sa files ehh nananakit na ang buong katawan ko. 'peste, hindi ko parin mahanap ang litsing pagmumukhang iyon!' saan ko ba pwedeng makuha ang pangalan ng lalaking 'yon?? una ko siyang nakita sa may hall-way nakahiga siya doon tapos dinala ko siya......... tama! "sa clinic!!!" at nagmamadaling tumakbo ako papuntang clinic, wala na akong paki-alam sa mga matang tumitingin sa akin basta lakad-takbo lang ang ginawa ko. 'nang ihatid ko siya sa clinic ay hindi naman kinuha ng nurse ang pangalan niya pero sa reaksyon niya nung makita ito ay parang kilala naman nito ito, kaya posibleng may mahita ako don na makapagtuturo sa akin sa lalaking iyon..... sana naman may mahita ako ngayung araw mapapagalitan talaga ako ni nanay at tatay pag nalaman nilang hindi ako pumasok. tsk, sana naman worth ang pag absent ko.' piping dasal ko nang sa wakas ay marating ang clinic ay wala doon ang nurse kaya naman naghalungkat nalang ako sa log book sa may lamesa.... at dahil hindi ko matandaan ang araw ng na-confine siya rito ay binsa ko nalang lahat ang pangalang nakasulat dito at saka ito piniktyuran at nang matapos ako ay bumalik ako sa registrar para matapos ko na 'rin itong kahibangan ko, dahil sa totoo lang nagsisimula nang mang-init ang ulo ko. at nang ako ay nakabalik na sa registrar ay minabuti ko na munang pansinin ang pagkain na bigay ni ateng staff 'masarap ahh, infairness.' at dahil naghahabol na ako sa oras ay binilisan ko pa ang pagkain ko. at saka ko pinagpatuloy ang ginagawa kanina... at salamat sa listahan ng pangalan ay mas madali na sa akin ang lahat ngayun ... hindi naman karamihan ang nagpapa-clinic maliban nalang sa isang pangalan na parang ginawa na atang tambayan ang apat na sulok na kwartong iyon. 'Zeo Reese, ang natatanging taong ginawang tambayan ang clinic.... at ang taong hinahanap ko.' "checkmate" malapad ang ngiti ko habang nakatitig sa  larawan ng lalaki sa harap ng screen. at dahil pagud na pagud na ako ay, sinulat ko na sa notebook ko ang importanteng impormasyon niya.... name, number, address. kuntentong nakasandal lang ako sa upuan 'ng mahagip ng mata ko ang aking selpon sa gilid ng mesa. 'hmmmm, ma text nga ang mokong na iyon' (Be my friend. - sent!) mabilis kong nilisan ang registrar office at nag-iwan nalang ako ng post-it note na nakalaga ang pasasalamat ko at dinikit iyon sa tupperware at saka ko iniwan ang kwartong iyon... hindi na ako pumasok sa araw na ito at umuwi na ako... bukas ko na sisimulan ang pakikipag-kaibigan ko sa kanya... Mr. Zeo Reese, you will be my friend. whether its by hook or by crook. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD