VANDAVE POV “Ms. Hernandez!” sigaw ko dahilan upang bitawan niya ang buhok ng babaeng empleyado at yumuko siya sa akin. Lumapit ako at nagsi–atras naman ang mga ito. “What the f**k is going on here at para kayong mga batang nagsasabunutan,” matigas na saad ko. “Siya po ang sumugod sa amin, Sir. Wala naman kaming ginagawang masama sa kanya pero bigla na lang uminit ang ulo niya,” pahayag sa akin ni Ms. Fatty dahilan upang sulyapan ko si Gabriella. “Totoo ho ‘yon, Sir. Sabi lang namin na i–mop niya itong sahig dito, kaso nagalit siya. Sabi niya’y pagod na siya, tapos nang–uutos pa kami,” wika naman ng isa kaya naman nagsalubong ang kilay ko . “Anong pinagsasabi ninyong dalawa, ha? Sinugod ko kayo dahil sa mga bunganga ninyong masa–saguwa! Mga sinungaling kayo, at kung anong ikinalaki

