VANDAVE POV “Bullshít! Bullshít!” sigaw ko at patakbo kong tinungo ang labas. Sumakay ako sa kotse at pinaharurot ko ito at binaybay ko ang daan patungo sa bahay nina Gabriella. “What the f**k is going on with you, Gabriella!” inis na sambit ko at sinuntok ko ang manibela. Pagdating ko sa bahay nila’y bumaba agad ako. “Gabriella!” tawag ko, pero walang sumasagot. Binuksan ko ang pinto at walang tao rito. “Gabriella!” sigaw ko, at lahat ng sulok ng kuwartong ito’y nilibot ko, hanggang sa likod nito, pero wala akong nakitang mukha ni Gabriella. “Why did you do this to me, Gabriella!” garalgal na sambit ko. Nakita ko ang isang papel na nakaibabaw sa envelope, katabi ng vase, kaya kinuha ko ito. Sinuri ko laman nito, at isa itong titulo ng lupa. Binasa ko ang sulat, at sinasabi ritong

