GABRIELLA'S POV “Don’t move dahil masama na tingin sa atin ng gagong boss mong ‘yan,” ngisi ni Gray sa akin. Ngunit kinakabahan naman ako sa takot dahil baka lumapit sa amin si Sir Vandave at manggugulo na naman siya rito. Subalit nakita ko siyang umurong nang ‘di man lang tumitingin sa amin ni Gray, kaya siguro’y wala lang sa kanya ang nakita niyang panghahalik sa akin ni Gray. “Um, magtrabaho na ‘ko, Gray. At saka hindi na ‘yan manggugulo dahil tingnan mo naman na putók ang labi niya . May business meeting pa ‘yan bukas kaya tiyak kong nagpakakalma na siya,” komento ko. “Tsk! Akala niya kasi ay hindi ko siya papatulan. Siguro kahit siya na pinakamayaman sa mundo’y hindi ko siya aatrasan,” wika nito sa akin. “Hayaan mo na lang siya, Gray dahil laging mainit ang ulo ng boss kong

