GABRIELLA'S POV “Na anong na–realize mo’t bumalik ka rito, ha?” untag ko kay Sir Vandave dahil hindi niya itinuloy ang sasabihin niya at kumalas agad siya sa akin. “I realize that—” “Gabriella!” narinig naming tawag ni Gray dahilan upang lingunin namin ito at hindi naman naituloy ni Sir Vandave ang gusto niyang sabihin. “Bumalik ka, Gray?” takang tanong ko nang bumaba ito. “Yeah, because of this,” wika nito na may kinuhang kung anong bagay at ipinakita sa akin at pouch ko pala ito. “Kaya bumalik ako dahill alam kong mahalaga ang laman nito sa ‘yo,” ngiti nito. “Salamat, Gray dahil talagang mahalaga ito sa akin,” tugon ko dahil nandito ang singsing ko. “Open your pouch, Gab,” muling ngiti nito, kaya naman bahagyang lumayo sa amin si Sir Vandave at sumandal siya sa kotse haba

