Kabanata 23: Pati virginity ko

1511 Words
-Prixon's POV- Linggo ngayon kaya pag katapos naming mag simba ni Lauriz nag punta kami sa mall para kumain. Sa isang Japanese restaurant kami kumain ni Lauriz, mahilig din kase sya sa mga Japanese foods. "Madalas kang kumain dito before?" tanong nya "No. Ngayon lang" "Ah. Akala ko kase madalas kayong kumakain dito ng mga naging girlfriend mo dati" saka sya ngumiti sakin Ngumiti din ako sakanya "Pag katapos ng naging relationship natin dati, never na ulit akong nag karoon ng seryosong relationship. Kaya ngayon ko na lang ulit mararanasan ang ganito. A-ang makipag date" Napansin ko ang bahagyang pag pula ng mukha nya. Kinilig siguro sya sa sinabi ko. Pero hindi ko sinabi yon para lang pakiligin sya, totoo lahat ng yon. Si Lauriz lang talaga ang babaeng sineryoso ko. Bata pa lang kami wala na kong ibang ginusto kundi sya lang. SYA LANG! Nang matapos na kami sa pag kain ay nag aya si Lauriz sa department store baka bumili ng sapatos kaya naman sinamahan ko sya don. Habang namimili ng sapatos si Lauriz, hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko si Wincess habang tumitingin sya ng mga gamit pang baby. Hindi ko maiwasan mapaisip kung ano kayang ginagawa nya rito? Mag-isa ba sya? Bakit sya tumitingin ng mga gamit pang bata? Napailing na lang ako. I don't care anyways! Ano bang pake ko? BADTRIP! Hanggang sa maihatid ko na si Lauriz at hanggang makauwi na ko hindi pa din mawala sa isip ko si Wincess na nakita ko kanina. Para san ba talaga yung mga pang batang tinitignan nya kanina? Mag ni-ninang ba sya? Siguro nga ganon yon. P-pero p-pano kung? Ginulo ko agad ang buhok dahil sa walang kwentang pumasok sa isip ko. Humalakhak pa ko ng malakas, habang nakahiga ako sa kama ko. STUPID IDEA Prixon! Hinagis ko agad ang unan ko sa inis. Tsss! Ano ba yan Prixon!? Imposible yang iniisip mo! Ni wala ngang sign of pregnancy sakanya eh- oh sh*t! SIGN OF PREGNANCY? Yung pag duwal ba nya ng madalas at pagiging maselan sa pag kain ay hindi pa din mga sign ng pregnancy? Ginulo ko ulit ang buhok ko. HINDI! Don't be paranoid Prixon! Wala lang yung nakita mo okay!? Siguro nga may pupuntahan lang syang binyagan kaya sya bumibili ng mga pang baby na gamit. Tama ganon nga lang yon! Haaaaaaaaaa! BWESIT! Kinabukasan ng mag uwian na. Nakita naman ni Paolo si Wincess na nakaupo sa student center ng faculty namin, siguro hinihintay na naman nya sila William. Mabilis syang umiwas ng tingin ng mag tagpo na ang mga mata namin. Nag madali din syang tumayo at umalis. Kumunot agad ang noo ko at pinasadahan ko ng tingin ang bawat pag yapak nya palayo samin. Iniiwasan ba nya ko? At bakit!? Dahil buntis sya at ayaw nyang malaman ko!? F*ck! Hindi ko na talaga kaya to! Kelangan malaman ko ang totoo! Hindi ko talaga nagawang pigilan ang sarili ko kaya sinundan ko agad sya para kausapin. Ni hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Paolo habang papaalis ako basta ang focus ko lang ay na kay Wincess. "Sandali lang Wincess!" Napatalon syang bigla ng marinig ang boses ko. Huminto syang sa pag lalakad pero hindi nya ako nagawang lingunin. Humakbang ako palapit sakanya. Hindi pa din sya lumilingon kaya ako na mismo ang tumayo sa harapan nya. Laglag ang panga nya ng makitang nasa harapan na nya ko. "May kaylangan ka?" malamig ang tono sabi nya "Uhmmm. K-kase k-kahapon n-naki-" Hindi pa man ako natatapos sa sinasabi ko ay napahinto na agad ako sa pag sasalita. Kumalabog agad sa kaba ang puso ko at halos mamutla ang mukha ko ng makitang naduduwal na naman sya. Tumakbo sya para pumunta sa banyo na malapit lang sa kinatatayuan namin. Sh*t! Nakaka punyeta na talaga! Ano ba talaga tong nanyayare!? Sa inis ko nasundok ko agad ang pader sa gilid ko. Hindi ko na talaga kaya to! Kelangan ko na talagang malaman ang totoo. Walang ano-anong sinundan ko sya hanggang sa loob ng ladies room. -Wincess's POV- Tumalon sa kaba ang puso ko ng may mapangahas na humawak sa braso ko, hinila nya ko paharap sakanya. Bumungad sakin ang madilim na mukha ni Prixon. "Ano bang ginagawa mo? Bakit pumasok ka pa dito-" "Are you pregnant?" deretsong tanong nya Napatunganga akong bigla sa tanong nyang yon. Biglang kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko. Nanginig ang buong katawan ko. Halos hindi na ko makatayo mg maayos dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Ano bang sinasabi nya? Bakit ganon ang tanong nya? Hindi ako umimik, wala kaseng boses ang lumalabas sakin parang may nakabara sa lalamunan ko. "Sagutin mo ang tanong ko!" medyo basag ang boses nya I looked away. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sakanya at kinakabahan rin ako na baka may makarinig samin. "a-are you stupid!?" nauutal kong usal "Uulitin ko. Are you pregnant!? Buntis ka ba!?" madiin ang mag kakasabi nya sa huling pangungusap na binanggit nya "N-nonsense!" Mag tatangka na sana akong umalis para makatakas sa mga tanong nya pero bigla na naman nya kong hinawakan sa braso ko, hinila ulit nya ko paharap sakanya. Mas mahigpit pa ngayon ang pag kakahawak nya sakin. Pilit akong kumakawala sa sakanya pero hindi nya hinayaang makawala ako. Nanlilisik ang mga mata nya at sumisigaw ang galit sa awra nya. "You're pregnant right!?" aniya na animo sigurado sya sa kanyang sinasabi Hindi na ko nakakibo. Namuo na lang bigla ang mga luha sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang galit nya dahil sa papahigpit na pag hawak nya sa braso ko. "Sumagot ka!" "Yes!" naiusal ko ng wala sa sarili Kitang-kita sa mukha nya ang pag ka-bigla sa naging sagot ko. Bullsh*t! Ano ba yung sinabi ko? Bakit ko nasabi yon? Hindi ko alam kung sa gulat o kusa lang talagang nag salita ang bibig ko. Kahit ako nagulat sa biglang pag amin ko. Ano na ngayon ang gagawin ko? "B-bakit hindi mo sinabi sakin agad?" Mas mahinahon na nyang sabi kasabay ng pag luwag ng pag kakahawak nya sa braso ko "Bakit kelangan pa ba? Okay ka naman na diba? Masaya ka na sa girlfriend mo!" Nabasag ang boses ko "Pero karapatan ko pa din malaman! KARAPATAN KO YON!" "Hindi mo yon karapatan! At hindi mo din kelangan panindigan!" Halos mapatili ako sa gulat ng bigla nyang nyang suntukan ang pader na nasa gilid namin. Kitang-kita ko ang pag daloy ng dugo sa kamay nya. Lalo akong napaiyak at nakaramdam ng takot dahil sa pag dilim ng mukha nya. Kinagat ko ang labi ko na kanina pa nanginginig saka ko pinunasan ang pisngi kong basa na sa luha. "Tang*na naman!" nanginginig pa ang boses nya sa galit saka nya ginulo ang buhok nya "Wincess karapatan ko yon kase ako ang ama nyang dinadala mo!" "Hindi mo kelangang maging ama sakanya, ako na ang bahala sakanya!" matapang na sabi ko "Bakit ba kung mag salita ka parang napaka wala kong kwenta!?" pasigaw ang pag kakasabi nya sa huling salitang binanggit nya "Tama na nga Prixon! Anak ko to. Anak ko lang to! Kaya ako ang mag di-desisyon kung papapasukin kita sa buhay namin o hindi!" Nag evil smile pa sya sakin kaya kinilabutan agad ako "Baka naman kaya ka ganyan sakin kase hindi ka din sigurado kung ako nga ba ang ama ng batang yan. Bakit Wincess ilan ba kaming pinag dududahan mong ama nyan!?" *Pak!* Parang nag karoon ng sariling buhay ang kamay ko at kusa itong dumapo sa pisngi nya. Hindi agad sya nakagalaw sa lakas ng sampal ko. Humikbi ako "Ang kapal ng muka mo!" Hindi pa din nawawala ang panginginig ng boses ko. Halos mapunit na ang labi ko sa pag kagat ko rito. Ang kapal ng mukha nya! Pakiramdam ko sasabog na ko sa galit, galit na kumalat na sa buong sistema ko. Dahan-dahan nyang ipinihit ang ulo nya hanggang sa mag tagpo ulit ang mga mata namin. Pinunasan ko muna ang mga luha sa pisngi ko bago ako mag salita "Ang dami ko pang pangarap, ang dami ko pang gusto at kelangang gawin. Pero pano ko na magagawa ang lahat ng yon ngayon!?" humikbi ako habang basag pa din ang boses ko pero nag sikap pa din ako na ayusin ang pag sasalita ko "Pano ang pag aaral ko? Ngayon pa lang ako nag sisimula eh! Pero dahil lang sa gabing yon nasira nang lahat! Sa isang iglap lang nawala ng lahat, kinuha mo ng lahat sakin!" sigaw ko sakanya at parang bata ng umiiyak "Ang pangarap ko, kalayaan ko, pati virginity ko kinuha mo na! Tapos yan lang sasabihin mo sakin!?" Halos maligo na ang mukha ko sa luha ko, pero wala akong pakialam kahit mag muka akong basang sisiw sa harapan nya, basta gusto kong mailabas ngayon ang lahat ng sama ng loob ko! Napansin ko din ang pag pula ng mga mata nya. Halata din ang gigil sa mukha nya. Ginulo ulit nya ang buhok nya. "Tang*na! Tang*ina talaga!" sigaw nya, habang paulit-ulit nyang binira ang pader ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD