Nag punta agad ako sa pinaka malapit na butika para bumili ng P.T (Pregnancy Test)
Hindi na ko bumalik ng school kaya hindi ko na din natapos panoorin ang game nila kuya. Umuwi na ko ng bahay at dumiretso agad ako sa kwarto ko para dito subukan ang p.t
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, habang hawak-hawak ko ang p.t. huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang tignan ang resulta nito. Bumagsak ang balikat ko. Parang jelly'ng nanlambot ang buong katawan ko nang makita ko na ang dalawang pulang guhit rito. Mabilis bumagsak ang luha sa mga mata ko.
SHEEEET!
Hindi ‘to pwde! Hindi pa ko ready. Kelangan ko munang mag-aral. Ano ng gagawin ko? Pano na to?
Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at napahagulgol na ako ng iyak. Wala na akong ibang maramdaman, kundi... SOBRANG TAKOT!
Anong gagawin ko? Pano na ko? Pano na yung pag-aaral ko? Ano ng manyayare sakin ngayon? Sunod-sunod na tanong ang nabuo sa utak ko, kasabay pa din ng pag buhos ng mga luha ko, pakiramdam ko sasabog na ngayon ang dibdib ko halos hindi na ko makahiga sa sobrang sikip nito.
Medyo matagal din bago ko tuluyang mapakalma ang sarili ko. Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa tyan ko para himasin ito.
"Totoo ba talaga ‘to? Anak? Andito ka ba talaga sa loob? Alam mo ba na sobrang takot na takot ako ngayon, pero wag kang mag-alala kase wala naman akong balak ipatanggal ka. Alam kong magiging okay din ang lahat. Sana nga maging okay pa ang lahat" Onti-onti ulit namuo ang luha sa mga mata ko
*Tok-tok!*
Bumungad agad si kuya pag bukas ko ng pintuhan. Agad nyang hinawakan ang mag kabilang balikat ko.
“Hays! Thank God you are safe!" Malalim ang naging buntong hininga ni kuya. Bakas ang matinding pag aalala sakanya. Naiiyak na naman tuloy ako "Ano bang nanyare sayo? Sabi ng mga kaklase mo nag paalam ka lang sakanila na mag babanyo ka tapos hindi ka na daw bumalik? Tinatawagan ko yung phone mo wala naman sumasagot. I'm f*cking worried. Are you okay? Is there something wrong?”
“Y-Yes, I'm okay. Sorry kuya kung hindi na ko nakapag paalam na umuwi na ko, s-sumama kase bigla yung pakiramdam ko”
“May sakit ka ba?” agad dumapo ang palad nya sa noo ko "Gusto mong dalin kita sa hospital-"
“W-wala naman kuya. Uhmmm. Medyo na hilo lang ako kanina, sa init lang siguro ng panahon”
“Medyo napapadalas yata yung pag sama ng pakiramdam mo ha? Gusto mo ba samahan na kitang mag pa check-up?”
“Naku! Wag na! A-ah.. I-I mean. Hindi naman na kelangan, okay lang ako kuya”
“Are you sure? I'm worried”
“Y-yes. I'm okay, so you don't have to worry” I faked my smile
“Okay. Tara sa baba at mag papabili ako ng mga paborito mong pag kain- Ininvite ko rin pala yung mga kaibigan mo dito”
“Huh? Bakit?”
“Mag ce-celebrate tayo sa pagka-panalo namin sa game”
“Talaga? Nanalo kayo?” Lumaki ang ngisi ko
“Of course! I told you na tatalunin ko ang Prixon na yon diba?”
“A-ah! Oo nga pala! Congrats kuya!”
“Salamat!” saka nya hinimas ang ulo ko “Oh. Tara na sa baba” dagdag pa nya
“Sige na kuya susunod na lang ako, mag bibihis lang ako saka mag aayos ng konti”
“Osige. Bumaba ka kaagad ha?” Hinimas nya ang ulo ko
“Okay”
Pag kasara ko pa lang ng pintuan ay muli na naman bumagsak ang luha na kanina pa nang gigilid sa mga mata ko. Pano ko sasabihin sakanya na buntis ako at si Prixon Isaac Evans ang ama? Ayokong ma-disappoint si kuya sakin, ayokong magalit sya sakin, ayokong masira ang relasyon na meron kami. Kaya anong dapat kong gawin?
Ginawa ko ang lahat para maitago ng make-up ang bakas ng pag iyak ko bago ako bumaba para maki-celebrate sakanila. Inabutan ko silang lahat sa garden namin. Naupo ako sa tabi ni kuya at Franco. Sobrang daming pag kain halos lahat paborito ko meron, may binili din silang beer. Kumuha agad ako ng siomai saka ko ito kinain.
“Ayos ka na ba Wincess?” bakas ang pag aalala sa tono ni Kath
Tumango lang ako sakanya, hindi kase ako makapag salita, dahil may laman pang siomai ang bibig ko.
“Ang galing-galing pa naman sila William kanina!” ani Janelle na nag papa cute pa kela kuya
“Oo nga! sayang Wincess hindi mo natapos yung laban, hindi mo nakita kung nakailang sablay si Prixon kanina. Parang wala kase sya sa sarili nya!” dagdag pa ni Leni
“Kilala nyo pala si Prixon?” nag tatakang tanong naman ni Franco, habang naka kunot ang noo nya
“Oo nga. Kilala nyo sya?” dagdag pa ni Kuya
“Oo naman! Na-”
“Oo! K-kanina lang nung nai-kwento ko sakanila na si Prixon yung number one enemy ni kuya. Diba girls?” Pag putol ko sa dapat sasabihin ni Janelle
Pinandilatan ko sila ng mata at mabuti na lang at mukhang na gets naman nila agad ang ibig kong sabihin sakanila.
“Oo! Tama nga sya!” si Janelle
“Ah. Ganon pala”
Napalunok na lang ako, saka ko kinuha ang isang baso na may juice saka ko ito ininom.
Muntik na yon!
“Bakit hindi mo naman agad sinabi samin na ganon pala yung sitwasyon ng kuya mo at ni Prixon?” Tanong Kath ng samahan nila kong tatlo sa kusina namin para kumuha ng yelo at ice cream
“S-sorry girls kung hindi ko agad nasabi. Hindi ko naman in-expect na makaka-close nyo si kuya”
“Sige na. Okay lang yon”
“Basta promised me, na hindi nyo sasabihin kela kuya na minsan na natin nakasama si Prixon okay?”
“Okay. Promise!” sabay-sabay na sambit pa nilang tatlo
Nag kanya-kanya agad sila ng kuha ng yelo at beer, mukang pati sila kath balak ding uminom.
“Bakit hindi ka kumukuha ng beer mo?” Tanong ni Andrei sakin
“Ha? H-hindi na. Okay na ko dito sa juice”
“Naku! Wag ka ng matakot dyan sa kuya mo! Papayagan ka naman nyang uminom eh” dagdag pa ni Rex
“Oo nga naman saka andito lang naman tayo sa bahay nyo” dagdag din ni Kevin
“Mga Bad influence kayo sa kapatid ko ah!”
“Ano ka ba naman William? Celebration natin ‘to. Kaya dapat iinom tayong lahat diba?” si Franco
“Oo nga naman!” Singit ni Leni. Nga buyo! Tss.
“Naku. Hindi na! Juice na lang ako!” saka ko pa bahagyang iniangat ang juice na hawak ko
Hindi ako pwdeng uminom. Makakasama sa baby!
“sige na William payagan mo na si Wincess” pag pilit ni Janelle. Naku naman!
“Wag na! Okay na talaga ko sa juice”
“Okay fine! Pumapayag na ko na uminom si Wincess, pero isang beer lang”
“Yes!” sambit pa nila
“Dahil celebration ‘to. Iinom tayong lahat!” si kuya
“Ayoko talagang uminom kuya!”
“Oh bakit?”
“K-kase... Uminon ako ng gamot sa sakit ng ulo kanina kaya hindi ako pwdeng uminom ng beer ngayon baka hindi tumalab yung gamot” Pag sisinungaling ko sakanila
“Oo nga pala. O ayan ha? Pumayag ako na uminom si Wincess kaso bawal lang talaga sya”
“Ay. Sayang naman!” si Leni
In-enjoy ko na lang ang moment na‘to para na din makalimutan ko kahit saglit ang problema ko at makaiwas ako sa stress.
~