-Prixon’s POV-
Napailing agad ako. Bumungad na naman sa paningin ko ang mag kapatid na Alcantara! Pag minamalas ka nga naman! Hanggang dito ba naman sa canteen makikita ko ang mga to!? BADTRIP TALAGA!
Naupo kami ni Paolo malapit sa kinauupuan din ni Wincess, William at Franco. Wala na kaseng ibang bakanteng table kundi dito na lang malapit sakanila, sa madaling salita NO CHOICE kami. Hindi ko sigurado kung nakita na nila kami, pero sa palagay ko hindi pa. At wala naman talaga akong pake kung makita nila kami o hindi!
“Mukang close na close talaga sya sa kuya nya no?” patukoy pa ni Paolo kay Wincess
“Tama ka dyan. Muka ngang mag kaugali din sila eh!” medyo iritado na ko
“Huh?”
Hindi ko na nagawang kumibo. Halos hindi ako makakain ng maayos, hindi kase maiwasan ng mga mata ko na mapatingin sa banda nila Wincess. Para bang hinihigop nila papunta roon ang mga tingin ko. Inis! Lalo na nung may tatlong lalaki lumapit sa table nila mga nakangisi ito habang pinapasadahan pa ng tingin si Wincess. Napailing na lang. Nakaramdam ako ng lalong pag kainis!
“Aba! William bagong chix yan, ha?” sabi ng isang lalaki
Tumaas agad ang isang kilay nya “Mga siraulo! Kapatid ko to!”
“Ganon ba bayaw? Baka naman pwde mo kami ipakilala sakanya?” sabi naman ng isa
“Oo nga naman! Pakilala mo naman kami” at ng isa pang gago
Inis kong ginulo ang buhok ko! Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling itong inis ko. Bumaling ako ng tingin kay Wincess na panay na naman ang pag irap. Halatang-halata ang pag kairita nya. She's always like that.
“Oh. Bakit ganyan ang hitsura mo? Anong problema?” tanong pa ni Paolo. Napansin yata nya ang pag kairita ko
“W-wala ‘to!” pinakalma ko muna ang tono ko ng sa gayon ay hindi naman makahalata ang isang to'
Pasimple ko ulit sinulyapan ang table nila.
“Bayaw ka pa dyan! Mag silayasan nga kayo dito! Hindi ko paliligawan tong kapatid ko kahit kanino!”
“Naku. Baka naman tumandang dalaga yang si babe!”
Naningkit ang mga mata ko. Niyukom ko ang kamao ko. Bwesit! Ano ba talagang kinaiinis ko!?
Napatayong bigla si William sa pag kakaupo nya “Layas sabi eh! Kung ayaw nyong pag buhol-buhulin ko kayong tatlo dyan!”
“Joke lang naman yon pare!”
“Tara na nga. Kayo kase eh!”
Napairap na lang si Wincess. Lagi naman yon ang ginagawa nya. Umaliwalas namang bigla ang mukha ko ng umalis na ang mga lalaking yon. Baliw na yata ako! Tapos may napag tanto ako. Ganyan pala sya pag dating sa mga lalaking pumapaligid sa kapatid nya. Hahaha! Nakakatawa! Nakalapit na ko sa kapatid nya wala pa din syang alam.
-Wincess’s POV-
Kinabukasan..
*Kriiing!*
Halos mapatalon ako ng tumunog ang cellphone ko. Nabasag kase ang pag katulala ko. Andito ako ngayon sa canteen kasama sila Janelle. Kanina pa ko walang kibo, nakatulala lang ako, habang iniisip ang mga nanyare kahapon. Tinignan ko agad ang cellphone ko.
Call from ‘Kuya William’
Napaisip pa ako kung bakit sya tumatawag kaya mabilis ko din to sinagot.
“Hello?”
“Nasan ka?” agad na tanong nya
“Dito sa canteen, bakit may problema ba?”
“Wala naman. Gusto ko lang manuod ka ngayon ng laro namin sa basketball”
“Laro nyo sa basketball?”
“Oo. Gusto kong mapanood mo kung pano ko tatalunin sa basketball si Prixon”
Hindi agad ako nakapag salita. Parang may kung Anong biglang bumara sa lalamunan ko. Bakit mag lalaro sila ni Prixon? Anong meron!?
“Hello? Baby? Are you still there?”
Bumalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni kuya William.
“Yes! Uhmmm. Panong nanyare yon?”
“Napag kasunduan namin na sa basketball namin itutuloy ang laban namin”
WHAT!? Totoo ba yung sinabi nya!? Kung ganon mag lalaban sila ni Prixon sa basketball ngayon!? Hindi ko ‘to pwdeng mapalampas!
“Okay. Nasan ka ngayon?”
“Andito ko sa court namin sa COE. Bilisan mo, ilang minuto lang mag start na din kami”
“Okay!”
*Tooot! Tooot! Tooot!*
“Girls, I have to go. Kita-kits na lang sa klase mamayang 3pm” mabilis kong kinuha ang bag ko sa tabi ko para makaalis na
“Wait! San ka pupunta?” ani Leni
“Sa COE building”
“Pupuntahan mo na yung kuya mo?” naka todo ngiting tanong ni Janelle. May pinapahiwatig.
“Oo. May game sila ngayon sa basketball, manunuod ako”
“What!?” sabay-sabay na sambit pa nila
“Bakit di mo agad sinabi!? Sama kami!” ani Kath na tumayo na at kinuha ang bag nya
“Gusto nyo talagang sumama?”
“Oo naman no! Siguradong madaming gwapo don!” malanding usal ni Janelle
“Okay let's go?”
Ako ang nauuna sa pag lalakad. Super excited kaming lahat na pananood ang game na yon. Halos ilang hakbang lang yata ay narating na agad namin ang COE Building. Isa-isang nalaglag ang panga namin ng makarating na kami sa court. Pinasadahan ko agad ng tingin ang buong court. Ang akala ko simpleng game lang to. Pero bakit ganito kadami ang tao? Parang isang game sa intrams ang magaganap sa dami ng tao, karamihan pa mga babae na galing sa iba’t-ibang courses. Hindi ko to in-expect.
“Ang gwapo nila!”
“Oo nga! Lalo na si William!”
“Ako mas type ko si Franco”
“Well mag kalaban pala ang team natin. Si Prixon kase ang gusto ko yung nasa kabilang team”
“OMG! Si Prixon? Si babe Prixon Isaac?”
Ilan lang yan sa mga nakakairitang usapan ng mga babaeng nanunuod sa game nila kuya. Napairap agad ako sa kawalan at pinilit na lang na hindi pakinggan ang usapan nila. Nakakairita talaga sila. Mga bwesit! Sa di naman kalayuan ay nakita kong nakaupo sa isang bench si kuya kasama si Franco, maging si Rex, Kevin at Andrei na galing din sa ibang course kaya lumapit na kami sakanila.
“Kuya!”
“Oh. Andito ka na pala”
“Bakit ganito kadami ang tao?”
“Nag taka ka pa? Syempre mga gwapo din ang mag lalaro!” singit naman ni Franco na kumindat pa sakin
Napalunok ako sa kindat nyang yon. Sh*t! Is he trying to flirt with me? Gusto ko syang irapan pero imbis yun ang magawa ko napapangiti pa ko! Bwesit talaga. Gwapo kase. Grrr! Kinagat ko agad ang labi ko para pigilan ang pag ngiting yon.
“Wincess! Pakilala mo naman kami sakanila” bulong pa sakin ni Janelle
“Ah. By the way. This is my friends, Leni, Janelle and Kath”
“Hi” sabay-sabay na sambit pa ng tatlo
“Sila naman yung mga barkada ng kuya ko, si Franco, Andrei, Kevin at Rex”
Naupo kami malapit sa team nila kuya. Katabi ko ang mga bag pack nila. Parang P.A lang tuloy ang peg ko dito.
“Teka girls! Si Prixon at Paolo yon diba? Bakit naka Jersey sila?”
Nag pintig ang tenga ko sa sinabing yon ni Kath. Pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko kaya hindi ko agad nagawang lingunin sila Prixon.
“Oo nga no?” si Leni
“A-ah k-kase... Sila yung kalaban nila kuya ngayon sa game”
“What!? Seriously!?” si Kath
“Aba! Exciting to mga gwapo vs. Mga gwapo!” si Janelle
“Sino naman yung babaeng kasama ni Prixon?” si Leni
Pinilit kong lingunin sila Prixon kahit na sobrang naninigas talaga ang buong sistema ko. Nakagat ko agad ang pang ibabang labi ko ng makita sya kasama ang babaeng tumawag ng ‘babe’ sakanya kahapon. Sobrang sweet pa nilang dalawa sa isa’t-isa. Putcha! Ang sakit nilang dalawa sa mata! Naiinis ako sakanila. Bakit? Ay ewan! Hindi ko din alam. Basta naiirita ko sakanila.
Napairap na naman ako sa kawalan.
Sa wakas nag simula na din ang game. Ang basketball ang isa sa mga hilig ni kuya maliban sa pag gi-gitara at pag sasayaw. Halos mag wala kami sa twing ang team nila kuya ang nakakakuha ng puntos. At todo cheer naman ang mga sumusoporta sa team nila Prixon lalo na ang girlfriend nya sa twing sila naman ang nakakakuha ng puntos. Halos dikit na dikit lang ang laban ng matapos na ang unang quarter.
“Ang galing nyo!” pag che-cheer ko kela kuya ng mag time out na sila
“Aba syempre!” aniya habang binubuksan nya ang isang mineral water
Sa kabilang side naman ng court andun ang team ni Prixon, sweet na sweet pa talaga ang girlfriend nya sakanya, habang pinupunasan pa nito ang pawis nya. Napairap at napailing na lang ako sa nakita ko. Ang haharot!
“Umiikot na naman yang mata mo” Nakangising sabi pa ni Franco sakin ng mahuli nya ang pag irap ko.
“Ano naman pake mo!?” Hindi ko mapigilan mag sungit
Kanina lang parang kinikilig ako kay Franco pero ngayon bigla na lang din akong nainis sakanya. Bwesit! Napaka moody ko talaga.
“Itigil mo nga yan!” Napadaing ako ng ipasada nya ang palad sa mukha ko
Hinawi ko agad ang kamay nya “Ano ba!? Kainis ka!”
Inirapan ko sya. Pag irap ko, bigla na lang ako napatingin sa gawi nila Prixon. Hindi ko sigurado kung sakin ba talaga sya mismo nakatingin, basta dito sya sa gawi namin nakatingin, habang naka salubong ang dalawang kilay nya. Nag sayaw tuloy bigla ang mga mata ko. Naa-awkward ako! KAINIS NAMAN KASE! Ano bang nanyayare sayo Wincess!?
Nag simula na ang 2nd quarter, super excited akong mag cheer para sa team nila kuya kaso bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Sinapo ko agad ng palad ang aking noo, nahihilo ko at parang naduduwal kaya nag paalam muna ko kela Kath at patakbo akong nag tungo sa banyo. Masyado silang busy sa panunuod kaya siguro hindi na nila napansin ang pag duwal ko. Sa madaling salita hindi na nila ko pinag tuunan ng pansin. Binuksan ko ang tripo para hugasan ang bibig ko pag katapos kong dumuwal. Pakiramdam ko bumabaligtad ang sikmura ko. Ano ba talagang nanyayare sakin? Napapansin ko na napapadalas ang pag sama ng pakiramdam ko.
Umiling ako ng may bigla akong mapag tanto. T-teka! Hindi ‘to pwde! Nag simula ng kumalabog ang dibdib ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag mamadali kong tinignan dito ang ‘calendar’ kung san naka tanda ang huling araw ng menstruation. Nalugmo agad ako ng makita ito. Napasapo na lang akong bigla sa noo ko. Ginulo ko ang buhok ko.
Damn! 1 month na kong delay! Hindi kaya buntis ako? NO. HINDI. HINDI YUN PWDE! Imposible yon! Gusto kong paniwalain ang sarili ko na imposible yon pero may parte sa utak ko na sobrang napapaisip pa din ako na baka nga totoo. Madalas kase akong makaramdam ng pag kahilo at pag kaantok tapos naduduwal pa ko pag naamoy ko yung ibang pag kain na dati ko namang kinakain. Napakagat agad ako sa labi ko. What if. I'm really pregnant? Anong gagawin ko!? Halos manginig ang buong katawan ko ng maiisip yon. Kalma ka muna Wincess. Hindi pa naman sigurado, hindi pa! Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko.
WHAT IF?
Namuo na agad ang lintik na luha sa mga mata ko.
~
To be continue...