-Prixon's POV-
Ito ang first day ko as a freshman engineering student. Excited na ko ang balita ko kase madaming maganda sa engineering. At isa sa mga nag papa-excite sakin ay ang pag kikita ulit namin ni William Alcantara. Ang balita ko sophomore engineering student sya. Ayos to!
15 mins na lang mag i-start na ang klase. Sa kabilang gate ako dumaan kase andun yung parking.
"Oh. Sh*t!"
Napamura ako sa sarili ko dahil sa isang babaeng nag lalakad dito sa parking. Damn it! Kung makapag lakad dito sa parking akala mong nasa shopping mall ang bwesit!
*Beeep! Beeep!*
Isang malakas na pag busina ang ginawa ko sa sakanya. Napangisi ako ng mapatalon sya sa gulat at halos maibalibag pa nya ang mga librong hawak nya.
"Sh*t!"
Malakas na tili pa ng babaeng yon. Napairap lang ako sa kawalan at hindi ko na sya pinansin pake ko ba sayo? Nakaharang ka, eh!
Naiparada ko na ang MBW X5, color white ko. Pag kasarado ko pa lang ng pinto ay may mga yapak akong naririnig na papalapit sakin mula sa likuran ko.
"Hoy ikaw!"
Bakas sa boses nya ang sobrang pagka-inis pumihit ako para harapin sya. Nakasalubong ang dalawang kilay nya at namumula ang mukha at tenga nya sa galit. Tumaas agad ang isang kilay ko. Tssss! Sya pa galit? Sya nga tong nakaharang kanina!
"Bakit?" tamad kong sagot sakanya
Ngumiwi sya at tumaas ang isang kilay nya "Anong bakit! Ang bilis mo naman makalimot?" sigaw nya
Ngumisi lang ako at nag cross arams "Bakit? Isa ka ba sa mga naging ex ko? O isa ka lang sa mga pinaasa ko?"
Kumunot yung noo nya"anong ex? Anong pinaasa? Hindi nga kita kilala, eh!"
"Yun naman pala. Edi kung wala ka nang sasabihin edi aalis na ko"
Napatingin ako sa mapula at manipis nyang labi ng mariin nya itong kagatin. Napa-evil smile ako at tinalikuran na sya. Nag papapansin lang to! Sigurado. Isa lang sya sa mga babaeng gustong mag papansin sakin. Confident naman kase ako na gwapo ako at ma-appeal pa kaya hindi ko sya masisisi.
"Hoy teka lang! Kinakausap pa kita!"
Galit at mataas ang tono nya. Para syang manok na putak ng putak, pero hindi ko na sya pinansin hanggang sa....
*Boooog!*
DAMN!
Mabilis akong napahawak sa ulo ko. Bullsh*t naman! Ano ba yung binato nyang yon sakin? Naalog na yata yung utak ko sa lakas ng pag kakabato nya rito. dumilim ang mukha ko at muling nag baling ng tingin sakanya.
"Ano ba talagang problema mo, huh?" hindi ko na napigilan pa ang galit ko. Kung hindi lang sya babae, nabira ko na talaga sya!
"Wala kang balak mag sorry diba? Kaya dapat lang sayo yan!" sigaw nya
Para akong bulkan na sumabog sa galit. Puta! Nakaka high-blood sya! Tinitigan ko sya ng mga nanlilisik kong mata. Bahagya namang namula ang pisngi nya. Dahan-dahan kong syang nilapitan at dahan-dahan din syang napa-atras, hanggang sa mapasandal sya sa isang kotse na hindi ko alam kung kanino. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Nanliit ang mga mata kong tinitigan sya. She's cute, kaso walang appeal para sakin.
Maliit ang mukha, maamong mga mata, nakapilantik na pilik mata, maliit na ilong, mapula at manipis na labi, slim na katawan, maputi, mahaba ang paalon-alon na buhok nya, nasa 5'4 ang taas nya. Ganyan ko sya maidi-describe.
Bahagya nya kong itinulak "a-ano bang ginagawa mo?" pumiyok ang boses nya at lalong pumula ang pisngi nya
"Kung ginawa mo yon para maagaw ang atensyon ko, sorry miss I'm not interested!"
Tumaas ang isang kilay nya at punong-puno ng pag protesta ang mga tingin nya.
"What? Seriously?"
Ngumisi ako "Sulitin mo na yung pag titig sakin baka ito na yung huli!"
"What? Are you stupid?" pag kasabi nyang yon ay tinalikuran ko na din sya "Hoy! Mayabang. Wala akong gusto sayo, no! Kapal mo!" Halos umalingawngaw ang ang boses nya. Medyo malayo na ko pero dinig ko pa din ang bawat hinain nya
Hindi ko na ulit sya nilingon. Nakakairita talaga yung mga babaeng katulad nya, but she's quite cute, masyado syang angelic face para sa ugali nya, parang wala yata sa dictionary nya yung salitang mahinhin.
Pero pasalamat sya kase kahit papano nag tagumpay syang makuha ang konting atensyon ko, pero hanggang dun na lang yon.
-Wincess's POV-
Wow naman! Sesyoso? Iniisip ba talaga ng antipatikong yon na may gusto ko sakanya? WTF! Never ako mag kakagusto sakanya, no! Over my dead body! Ang kapal nya. Napaka yabang nya, akala mong kung sinong gwa- Okay fine! gwapo nga sya, pero napaka yabang pa din nya!
May maga-ganda syang mga mata na kulay brown at mahahabang pilik mata, matangos ang ilong, manipis at heart shape ang mapupula nyang labi, matangkad sya na nasa 5'10, slim ang pangangatawan, katamtaman ang puti, medyo brown ang nakataas at gulo-gulo nyang buhok. May maliit at malalim din syang dimple sa right chin nya. May suot din syang itim na hikaw sa kanang tenga nya. Mukha syang half.... Half... Ay Ewan! Basta halata sa itsura nya na hindi sya purong pinoy. Kung titignan ang kabuuan nya astig at malakas talaga ang dating nya (at mayabang). Mukhang ganon din naman talaga yung ugali nya. Napaka walang modo nya!
Bahagya pa kong natigil sa pag protesta sa isip ko ng maalala ko na may klase pa nga pala ko. Tumingin agad ako sa relos ko tapos dun ko na realize na late na pala ko kaya patakbo akong pumunta sa classroom namin. Dami kong kaklaseng lalaki pero walang gwapo hanep! Badrip to dude!
"Hi" isang babae ang nag salita habang nakaupo sya sa tabi ko
"H-hi!" Tipid ang ngiti nya
"Wala ka pa sigurong kilala dito no?"
"Tama ka. Wala pa nga" obvious naman sana!
"By the way I'm Kath and this is Janelle and Leni"
"I'm Wincess... Wincess Jane Alcantara"
"Oh. Nice name!" ani Janelle
"Thanks"
"Wag kang mahiya actually kanina lang din kami nag kakila-kilala" ani Leni
"Talaga? Akala ko kase matagal na kayong friends kaya medyo awkward ako"
"Ngayon hindi na?" sabi nung Kath
"Hindi na" hilaw ang ngisi ko
"Ayos! So from now on, tayo na yung magiging college best friends okay!?" si Janelle
"Okay!" sabay-sabay naman na sambit namin saka kami nag tawanan
"So gusto nyo bang mag mall muna? Tutal maaga pa naman" aya naman ni Kath samin ng matapos na ang klase, 11 am pa lang nag dismissed na ang advicer namin, first day naman daw, eh.
"Naku. Sorry girls pero baka hindi muna ko makasama ngayon" pag tanggi ko sakanila, may usapan kase kami ni kuya ngayon
"Huh? Bakit?"
"Yung ano kase... Uhmmm. Yung kuya ko may usapan kase kami ngayon"
"Aysus! Are you sure na kuya mo talaga yon? Baka naman nahihiya ka lang aminin samin na may date lang kayo nang boyfriend mo?" panunukso pa sakin ni Janelle
"Of course not! Wala akong boyfriend no. Kuya ko talaga yung ime-meet ko" wala naman kase talaga
"Oh sya. Sige bukas na lang mauna na kami" si Leni ulit
"See you tomorrow, bye!"
Putcha! Kanina pa ko lakad ng lakad dito umiinit na talaga ang ulo ko pero hindi ko pa din makita yung engineering building. Tumingin ako sa cellphone ko. Why he didn't answering my call? Hindi pa ba tapos yung klase nila!? Bakit ba kase ang aga kaming pinauwi? Nasan ba kase yung COE (College of Engineering) building? Ang dami kong tanong pero wala ni isang sagot.
Oh my! DESTINY! Isang engineering student ang natanaw kong nakatayo malapit sa gym, alam kong yon ang course nya dahil sa uniform na suot nya parehas kase sa uniform ng kuya ko kaya mabilis ko syang nilapitan para tanungin. Hindi na ko nahiya wala naman ako non. Hahaha!
"Excuse me?"
"Y-yes?" mukhang nagulat pa sya
"Pwde ko bang matanong kung san ang COE building? Alam mo kase kanina pa ko nag hahanap pero hindi ko makita kung nasan yung building na yon"
Ngumisi sya "Naku. Miss hindi mo talaga makikita dito yon, kase malapit yung building namin sa admin building hindi dito sa gym"
Napakamot ako bigla sa ulo "Sa Admin building?" mas lalo namang hindi ko alam kung san yon
"Oo. Pag punta mo sa admin building makikita mo sa gilid non yung building na may nakalagay na College of Engineering"
"Uhmmm. San... San naman yung admin building?"
Kinagat ko agad ang labi ko. Napatalon ako ng bigla syang humalakhak. Tsss! Ang bwesit na'to pinag tatawanan pa ko!
"Alam ko naman na hindi mo alam kaya isa-suggest ko na sana sayo na sasamahan nalang kita" agad napalitan ng malaking ngisi ang halakhak nya
Dami pa nyang sinasabi. Mga engineering talaga. Kakabwesit! Engineering din kase si kuya at Franco. Dagdag mo pa yung bwesit na lalaki kanina.
"Talaga?"
"Oo. Pero okay lang ba na hintayin lang natin saglit yung friend ko para sabay-sabay na tayong mag punta don?"
Ngumisi ako sakanya "Sure! No problem"
"By the way I'm Paolo, Paolo Ramirez" sabay lahad nya ng kamay sakin
Gwapo naman sya, kaso nagiging plain ang itsura nya kase yung kuya ko ang basehan ko ng ka-gwapuhan.
"I'm Wincess" simpleng sabi ko at agad tinanggap ang kamay nya
"Obviously you're not engineering student, because of your uniform so anong kelangan mo sa COE building?"
"I'm actually looking for my-"
"Paolo!" Isang na boses ang pumutol sa pag sasalita ko.
"oh. Andito ka na pala. Tara may papakilala ako sayo"
Literal na nalaglag ang panga ko, nang makita ko kung sino sya. Alam nyo yung feeling na bigla na lang umakyat ang lahat ng dugo mo sa ulo mo, tapos kumulo ng bongga? Ganon ang feeling ng makita ko ulit sya. DAMN! Sya yung mayabang na lalaking naka kotse kanina na sumira nang araw ko. Ano bang kasalanan ko sa universe para manyare sakin to?
"Ikaw?" Sya yung antipatikong lalake
Inirapan ko agad sya, habang wala naman syang pinakitang ekspresyon sakin. Sh*t! No reaction lang no? Galing! Parang wala syang ginawang masama sakin kanina e'no? Sarap ibaon sa lupa! BADTRIP!
"So, you already know each other?"
"Of course not!" pag dedeny ko agad. Pero hindi naman talaga kami mag kakilala
Tumaas ang isang kilay nya at nag cross arms sa harap ko. Naks! May ekspresyon na sya. BWESIT!
"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ko?"
Napangiwi ako sa sinabi nya. Ay kapal! "excuse me? Are you stupid? Bakit naman kita susundan, dito?"
"Bakit nga ba?"
I looked away.
"Grabe! Napaka yabang talaga!" bulong ko sa kawalan
"Wait? Ano ba talagang meron sainyo?" si Paolo
"Wala! Mabuti pa aalis na ko" mahi-high blood lang ako dito
"Huh? Diba pupunta ka din naman sa COE?"
"Oo pero mag tatanong tanong na lang ako sa iba kung san yung admin. Salamat na lang sa tulong mo"
"Uhmmm. Osige ikaw bahala"
Pinasadahan ko muna ng tingin ang lalaking sumira sa araw ko. Ngumisi pa ang siraulo! Padabog ko silang tinalikuran. Akala nya siguro porket gwapo sya mag kakagusto na lahat nang babae sakanya? Bwesit talaga!
*Kriiiiiing!*
Napatalon ako ng mag ring ang cellphone ko. Mabilis kong kinuha ito sa aking bag.
Kuya William's Calling....
"Hello?"
"Class dismissed na namin. Nasan ka na?"
"Andito ko sa gym"
"Sige wag kang aalis dyan papunta na kami ni Franco"
"Okay"
~