-Prixon's POV-
Sinasadya ba talaga yang mag pakita sakin? Nakakairita na talaga sya!
"Pano mo sya nakilala?" Usisa agad sakin ni Paolo, kaibigan ko sya simula pa nung first year high school ako.
"Accidentally ko lang syang na meet kanina, but we really don't know each other, I didn't even know her name" at ayokong malaman
"Wincess" biglang bulalas nya
Kumunot agad ang noo ko "Huh?"
"Her name is Wincess"
Inirapan ko lang sya "I'm not interested!"
"Talaga?"
"Oo! P-Pero.... c-curious lang ako... k-kung pano mo syang na kilala?"
Namutla ako ng humagikgik sya "Hindi ka nga interesado, no?" bulong nya, pero narinig ko din naman "Well nilapitan nya ko kanina para tanungin kung saan yung COE building" pag papatuloy nya
Napangisi akong bigla. Hindi naman kase sa assuming ako pero sigurado, ako yung gusto nyang hanapin sa COE building. Tsss. Ganon ba nya talaga ako ka-type at kelangan pa nyang malaman kung saan ako naka-room? Tsk. Tsk. Tsk. Mga babae nga naman!
Alam na alam ko na talaga ang mga galawan ng mga ganyang babae. Hindi naman ako ganong ka sikat, pero masasabi ko naman na may iilan din naman nag kakagusto sakin, dahil sa kakaibang appeal ko.
"May gusto lang siguro syang hanapin sa building natin" Sabi ko. At ako yon, sigurado.
"Oo nga. Sino kaya yon?"
Nag kibit-balikat ako sakanya "Baka crush nya o kaya lalaking ini-stalk nya" At ako talaga yon
"What? Yun ba talaga yung tingin mo?"
"Oo naman! Kabisado ko na yung mga ganong galawan!"
"Oo nga pala. Ikaw nga pala si Prixon Isaac Evans. Tsss.. Sayang naman!" ngumuso pa sya
Kumunot naman ang noo ko "Sayang? Bakit?"
"Ang ganda nya kase, napaka angelic ng face nya, hindi sya nakakasawang titigan. Sayang nga at hindi ko sya naka kwentuhan ng matagal"
"So type mo sya?"
"Oo naman! Kahit sino naman siguro yung makakita sa ganong kagandang babae mag kakagus- teka? Don't tell me na hindi mo sya type?"
Humalakhak agad ako "Kelangan ba maging type ko sya?"
"Ikaw tong mahilig sa babae, diba? Saka kung tutuusin mas maganda pa sya sa mga chix mo dati!"
Agad napawi ang pag tawa ko. Bakit ko naman magugustuhan ang babaeng yon? Wala nga syang ka appeal-appeal! And she's...
"She's the same!" nasabi ko ng wala sa sarili
"Huh?"
Hindi ko na pinansin ang mga sumunod na sinabi ni Paolo, para naman wala ng mahabang usapan pa.
Yes she's petty. Kahit sino talaga magagawa nyang makuha ang atensyon kung gugustuhin lang nya, pero madami na kong nakilalang katulad nya, masyado na syang common para sakin. Masyado ng 'boring' yung mga katulad nya!
-Wincess's POV-
"Naka busangot ka na naman"
Napatalon ako at agad napalingon sa bandang kanan ko kung saan nanggaling ang boses na yon ni Franco. Sya na naman? Ang lalaking walang ginawa kundi pansinin ang bawat galaw ko. Minsan tuloy naiisip ko na baka may gusto lang sakin ang lalaking to! Ang assuming ko ba? Eh. Pano ba naman wala akong ginawa na hindi nakaligtas sa paningin nya. Nagiging assuming pa tuloy ako, dahil sakanya!
Inirapan ko agad sya "Asan na naman si Kuya?"
Ngumisi sya sakin "Ayun oh? may kausap lang na babae"
Sabay turo pa nya kay kuya, habang may kausap itong dalawang babae na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan namin. Napailing na lang talaga ko.
"Babae na naman"
"Bakit ka nga naka busangot?"
"Bakit ba lahat na lang sakin pinapansin mo?" iritadong kong sabi
"Eh. Kase hindi naman bagay sayo yung nakabusangot"
Uminit bigla ang pisngi ko ng mag seryoso ang tono nya. Whaaat? Ano daw? Ano na naman bang ibig sabihin nya? Pang aasar na naman ba yon o may ibang meaning sya don? Damn! Malisyusya na ko!
"Uhmmm. M-muka ka kaseng bibeng naka nguso!" sabay humalakhak pa ang hinayupak
Halos masuntok ko sya dahil don. Promise! Umakyat talaga lahat ng dugo ko sa ulo ko. DAMN! Pumihit ako para tignan sya. Mangiyak-iyak pa ang g*go kakatawa!
"What a stupid joke!" sigaw ko sakanya
"It's not a joke" natatawa pa din sya
"Whatever!" inirapan ko nga
"Tara na?"
Thanks God! Andito na din sa wakas ang kuya ko na halatang nag enjoy pa sa pakikipag kwentuhan sa mga babae kanina. Ngayon kase ulit yung usapan namin na sasamahan nya kong tumingin nang gitara. Ito kase ang hilig ko ang tumugtog ng gitara at gumawa ng mga kanta.
Mabilis akong lumapit sakanya, at ipinulupot ko ang aking kamay sa isang braso nya. Sinadya ko talagang gawin ito, kase alam kong nakatingin samin yung mga babaeng kausap nya kanina. Nag seselos kase ko! Gusto ko dalawa lang kami ni mommy'ng babae sa buong nya. Ang selfish diba?
"Kuya kain muna tayo, huh?"
"Wag ka ngang kumapit sakin baka isipin nang mga chix ko girlfriend din kita!" aniya na tinangka pang tanggalin amg kamay ko pero syempre hindi ako pumayag
"Bakit sino ba mas importante sayo? Mga girlfriend mo o ako?"
"Syempre ikaw!"
"Yun naman pala, eh! So from now on ako lang ang girlfriend mo okay?"
"Oo na! Basta bawal din sayo yung boyfriend boyfriend na yan! Kung ayaw nilang matikman tong kamao ko!" Pag yayabang pa ng kapatid ko
"Aysus! Oo na. Tara na kuya gutom na ko"
"Okay. let's go na"
Sa mall kami pupunta kasama si Franco para kumain nang lunch at bumili nang gitara pero uunahin muna namin ang pag kain, kanina pa kase ko nagugutom.
"Kuya kain na tayo"
"Ito na nga, oh!"
"Lagi ka naman gutom, eh" ani Franco
pinandilatan ko sya ng mata "Aba! FYI kanina ko pa kayo hinihintay kaya nagutom na ko" as in gutom na gutom
"Ano bang gusto mong kainin?" si Kuya
"Gusto ko nang... Uhmm... Seafoods!"
"Sa dami talaga yun pa?" reklamo ni Franco. Kala mo talaga kasama sya sa usapan! Tse.
"Sa yun nga yung gusto ko, eh! Bat ba ka kontra mo?"
"Tama na yan, dito tayo, masarap yung Seafoods nila dito" si Kuya ulit
Fresh tuna, inihaw na tahong at pusit, ginataang alimango at hipon, sinigang na hipon at fish fillet ang inorder namin. Grabe! Nag lalaway na ko! Ilan months ko din yatang hindi nakain ang mga 'to. Pano ba naman sa bahay gulay, manok at karne lang ng baboy o kaya ng baka ang madalas lutuin ni manang Percy.
"Wow! Sarap" natatakam na ko
"Kumain ka nang madami" ani kuya
"Kakain talaga ko nang madami"
"Dahan-dahan lang mabulunan ka na naman"
Kumunot ang noo ko kay Franco.
"Sus. Masyado ka naman yatang concern? Hindi bagay sayo"
"Baka kase sisihin mo na naman ako pag nabulunan ka"
"Tama na yan. Baka ma-develop pa kayo nyan sa isa't-isa"
I swear, kinilabutan talaga ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Kuya, it's nonsense you know? Imposibleng may madevelop saming dalawa, no? Eh. Mag kaugali kaya kayo!"
"O-oo nga naman. S-saka napaka takaw kaya nya para syang lalaking kumain"
Napangiwi ako sa sinabi ni Franco. Para akong lalaking kumain? Sheeet! Kung pwede lang pumatay!
"Sinabi mo pa" dagdag pa ni kuya
"So pinag tutulungan-"
"Saka kapatid mo sya William, kaya parang kapatid ko na din sya"
Parehas kaming napatunganga ni kuya sakanya. Bakit bigla syang nag seryoso? Ang awkward tuloy. Ako? Parang kapatid na sya? Felling ko dapat akong matuwa, dahil yun ang tingin nya sakin, pero bat di ko magawa?
Honestly kase dati nung nasa first year high school ako naging sobrang crush ko din talaga sya, dahil gwapo sya at sobrang bait nya sakin pero isang araw bigla na lang syang nag bago, lagi na lang nya kong inaasar parang si kuya na din sya kung itrato ko. Kaya nga yung pag ka-crush ko sakanya parang bula na lang na nag laho at napalitan pa yon ng medyo inis pero MEDYO lang.
"Ang drama mo brad" biro pa ni kuya sakanya
"Mana lang sayo" hilaw ang ngisi nya
Ewan, pero parang nag iba parehas ang mood nila.
"Kumain na nga lang kayo" sabi ko
"Kita mo William? nag susungit na naman sya"
"Whatever!" inirapan ko ulit. Bwesit!
Ngumisi lang si kuya "Oo nga pala. Wincess anong oras yung pasok mo bukas?"
"8 am" tamad kong sagot
"Anong oras uwian nyo?"
"5pm. Bakit kuya?"
"Hanggang 1pm lang kase yung klase namin bukas. Itext mo na lang ako kung mag papasundo ka na"
"Yun lang ba? Pwde naman akong mag bus na lang"
"Hindi pwde! Ako yung susundo sayo bukas"
"Hindi na ko bata para sunduin mo pa"
"Pero sabi mo nga girlfriend kita diba? Ganon talaga yung ginagawa nang boyfriend sa girlfriend nya"
"Sus! Hindi mo nga ako masundo na gamit yung kotse mo"
"Wincess!"para bang nainsulto sya dahil sa sinabi ko
"Okay fine!"
Nag paalam si kuya William para mag cr kaya kami lang ni Franco ang nainwan sa table. Ano ba yan? Bad timing din talaga si kuya eh! Kung kelan naman wala ako sa mood humarap kay Franco saka sya aalis.
"Ang tahimik mo yata?" tanong ni Franco, kanina pa kase ako walang kibo
"Wala. Sobrang busog lang ako"
"Oh. Sayo na to"
kumunot ang noo ko "Egg pie?"
Isang slice ng egg pie ang inilapag nya sa table. Paborito ko 'to, huh? Bakit nya kaya ko bini-bigyan nito?
"Diba paborito mo yan?"
Kumalabog bigla ang dibdib ko. Alam nya yon?
"Oo"
"Pero hindi ko yan binili, may nag bigay lang sakin eh. Hindi naman ako mahilig dyan, tapos naalala ko na paborito mo nga pala yan, kaya naisip ko na sayo ko na lang ibigay yan" depensa agad nya
Napangisi ako. Sh*t! "Ang haba naman masyado nang paliwanag mo. Hindi ko naman sinabi na binili mo 'to para sakin"
Pinag masdan ko agad sya. Halatang naman sakanya ang pag ka-guilty. Kagat-kagat nya ang labi nya, habang tulalang naka titig sa lamesa. Siguro nga totoong binili nya 'to para sakin. Okay fine! Dahil don hindi na muna ko maiinis sakanya ngayon.
"Mamaya ko na kakainin to. Salamat" saka ko inilagay sa bag ko ang egg pie
Napansin ko ang pag ngisi nya. Uminit tuloy ulit ang pisngi ko. Kainis sya!
Natapos na si kuyang mag cr. Nag punta na kaming tatlo sa bilihan ng mga gitara. Sa kalagitnaan ng pag titingin namin ng gitara may isang babaeng lumapit kila kuya. Isang maputi pero hindi naman kagandahang babae (mas maganda kase ko di-hamak!) straight ang buhok nya na medyo blonde pa. Sa tingin ko isa na naman sya sa mga babae ni kuya.
"Willam?"
"Oh. Joan ikaw pala"
"Long time no see, huh?" sabay beso pa sya kay kuya
"Oo nga, eh!" hilaw ang ngisi nya
"S-sino sya?" pag tukoy pa nito sakin
"I'm his girlfriend!"
Mabilis akong kumapit sa braso ni kuya. Nakita ko ang pag titig nung babae sa kamay ko. Tignan lang natin kung anong masasabi ng babaeng to! Nabatid ko ang pag protesta ni kuya Wiliam.
"oh. I see"
"Naku. Wag kang maniwala dito, She's my sister" tsss. Napaka kontrabida talaga nya
"Ah. Akala ko talaga girlfriend mo sya, ang cute nyo kase together!"
Ngumisi pa ang demonyita. Plastik naman. Grrrr! Bakit kahit san angulo nakakainis ang pag mu-mukha nya? Ka-badtrip bwesit!
"By the way si Franco nga pala naalala mo pa sya diba?"
"Of course I remember Franco" lumaki pa ang pag ngisi nya at nag beso kay Franco "kamusta ka na?"
"Ayos lang ikaw?"
"Eto masaya ko at nakita ko ulit kayo"
Pinag mamasdan ko lang sila. Kahit sobrang naiirita na ko! Yan kase ang mga ugali nila. Pag may lumapit na babae sakanila nakakalimutan na nila yung totoong kasama nila. Sino ba kase yung babaeng to? Napaka arte may pa beso-beso pa. Damn! Dahil tuloy sakanya hindi na kami nakahanap ng gitara.
"Excuse me?" sabat ko naman sa masarap na kwentuhan nila
"Bakit Wincess?" si kuya
"Tara na kuya sa iba na lang tayo tumingin nang gitara"
"Huh? Bakit?"
"Ayoko na dito. Tara na?" sabay hila sa braso nya
"Sige Joan una na kami" paalam naman ni kuya sakanya
"Sige ingat kayo"
"Sige Joan" si Franco
"Bye Franco" at nag beso ulit 'to sakanya
WHAT THE HECK!
Nanlaki bigla yung mga mata ko. Sh*t! May pabeso na nga kanina tapos umisa pa? Adik ang hanep! Sarap ipa-rehab. Naka-kagigil! Napaka harot talaga! Ewan ko kung bakit ganito kumukulo ang dugo ko.
"Sino ba yon, huh?" tanong ko, nang makahanap na ko ng syempo
"Nakilala namin yon sa bar" si Franco ang sumagot
"Sa bar?"
Ngumisi agad si kuya "Oo. Pero hindi ko chix yon"
"William!" Suway ni Franco
Napansin ko ang biglang pag pula ng muka ni Franco. Kumunot agad ang noo ko. Punong-puno ako ngayon ng tanong sa isip ko!
"Bakit ba? Ano ba yon?" curious talaga ko
"Eh. Kase-"
"William wag!"
Iritado na si Franco pero humalakhak lang si kuya sakanya. Kilala ko tong kapatid ko. Makati dila nito kaya sasabihin pa din nya ang lahat ng alam nya kahit magalit si Franco.
"Chix yon ni Franco dati"
"Ganon?"
Sheeet! May karayom na tumusok sa dibdib ko. Medyo OA pero... It's really damn hurt! Okay sige binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Siguro nga crush ko pa din hanggang ngayon si Franco, pero MEDYO na lang.
"Dati yon no! Saka wala lang yon jamming lang naman yon"
"Jamming? Eh ano yung ginawa nyo dati sa hotel?" dadag ni kuya na nag palaglag lalo sa panga ko
"Wala!" Namutla sya
"Wala? Ano yon natulog lang kayo?"
"Ano pa nga bang gagawin? Eh. lasing ako non kaya antok na antok na ko non" iritado na talaga sya
"Naku. Maniwala!"
"Totoo naman, eh!"
"Tama na nga yan. Heller may kasama kaya kayong babae dito? Tapos puro kababuyan yang usapan nyo!" basag na ang boses ko
"Wala naman kase talaga kaming ginawa non" paliwanag pa ulit ni Franco
"Sa hitsura pa lang nang babaeng yon imposibleng wala"
Napangiwi sya sa sinabi ko.
"Sa wala nga, eh!" tumaas lalo ang tono nya
Inirapan ko nga. Naiinis na talaga ko! "Ewan ko sayo!" sabay walkout ko pa
"Para kayong nag aaway na mag asawa" narinig ko pang sabi ni kuya
Mag-asawa? Tsss. B*LLSH*T!
~