-Prixon's POV-
Pang 1 week na ngayon ng pasok namin pero wala pa ding magandang nanyayare sakin, puro kamalasan lang. Ang boring! Sana lang talaga ngayon maging exciting naman ang araw ko.
"Ang aga mo yatang pumasok ngayon?" sabi ni Paolo, habang nag lalakad kami papunta sa classroom namin. Ngayon lang kase ko hindi na late ng pasok.
Ngumisi ako "May feeling kase ko na magiging exciting ang araw ko ngayon"
Damn! Pag kasabi ko pa lang non ay bumagsak na agad ang balikat ko, dahil sa biglang pag sulpot si William Alcantara samin'g harapan. Ang akala ko pa naman magiging maganda na ang araw ko kaso ang mukhang 'to lang pala ang bubungad sakin? WTF!
Masasabi ko na sya ang number enemy ko at alam kong yun din ang tingin nya sakin. Halos sa lahat ng bagay na lang kase nag kakatapat kami at talaga namang malaki ang galit namin sa isa't-isa, kasama pa nya ang isang barkada nya na si Franco Valdez
"So, totoo nga na dito ka talaga nag enroll?" bungad nya sakin
Ngumisi ako "Obvious ba?"
Napangisi din sya "Sa dami naman nang university na pwde mong pag enrollan at sa dami nang course dito mo pa talaga napili no? Hindi kayo sinusundan mo lang ako?"
Humalakhak ako. JOKER TALAGA ANG ISANG 'TO!
"Nag papatawa ka ba? Ano tingin mo sa sarili mo chix para sundan ko?"
"Tandaan mo freshman pa lang kayo, mas a head pa din kami sainyo kaya gumalang kayo sa senior nyo. Hindi mo alam kung anong nag hihintay sainyo dito"
"Senior o mukhang mga senior?"
Nakita ko ang biglang pag dilim ng kanyang mukha. Dahan-dahan syang lumapit sakin at mahinang tinapik ang aking balikat.
"Yan ang gusto ko sayo masyado kang mahangin. Ingat ka baka hindi kita matansya" pag yayabang pa nya bago nya kami lagpasan
"Napaka yabang talaga non" undag ni Paolo
"Sinabi mo pa. Kalalaking tao insecure masyado"
"Yan ba yung sinasabi mong exciting na manyayare sayo ngayon?" humalakhak sya
Ngumuso ako.
"Oo nga eh. Kelan pa naging exciting yung pag mumuka nang William na yon?"
Badtrip pa rin ako, nang makarating na kami sa classroom, naupo kami ni Paolo sa bandang dulo kung san din kami laging nauupo. Dalawang babae ang naupo sa tabi ko kaya bigla na lang naging good ulit ang mood ko. Baka sila na yung mag papaganda ng araw ko. Kelangan ko sila pakitaan ng ninja moves ko.
"Hi" Ito na ang simula ng aking da'moves
Nakita ko ang pag kinang ng mga mata nila.
"H-hi" sabi nung nasa tabi ko
"Ngayon ko lang napansin na may magaganda din pala kaming classmate"
"Naku. Napaka bolero mo naman" pumula ang pisngi nya
"Huy! Ano yan ha? Umiiral na naman yang pagiging babaero mo, huh?" Bulong ni Paolo sakin, na nakaupo sa kabilang side ko. Kahit kelan panira sa diskarte ang isang 'to
"Wag kang magulo! I need to be focus" bulong ko din sakanya
"Focus ka pa dyan! Siraulo ka" humagikgik sya ng mahina
"Prixon nga pala. Prixon Isaac Evans" pakilala ko saking sarili.
"Sounds nice, are you a foreigner?" nag papacute na tanong pa nya sakin
"My biological father is a british"
"Kaya pala you looks like a foreigner, by the way I'm Karla and this is Divine" pakilala naman nya sa sarili at sa kanyang kasama nya
"Hi" sabi nung Divine
"This is my friend Paolo"
"Hi Paolo?" sabay na sambit pa nilang dalawa
"Grabe.. iba ka talaga! Napaka galing mo pag dating sa mga chix. Lodi ka talaga!"
Hinaplos ko ang aking labi at napangisi na lang. Grabe, masyado talagang proud sakin ang kaibigan kong 'to.
"Syempre! Ako pa ba?"
"Eh. Pano na si Monica?"
"Don't need to worry about her. She's the same, nothing special to her"
"Eh. Bakit mo sya jinowa? Dahil lang ex sya ni William?"
"Exactly! Gusto ko lang talaga malaman kung sinong babae ba talaga yung kahinaan ng siraulong yon!"
"Kelan kaya darating yung babaeng seseryosohin mo talaga nang totoo no?"
Napatunganga ako saglit sa sinabi nya "Wala pa ulit sa dictionary ko yon"
"Curious lang kase ko kung pano ka kaya pag seryoso ka na ulit? Nakalimutan ko na kase. Ang tagal na kase nung huli, diba?"
"100 years ago na" pilit ang halakhak ko
Nakarating na kami sa COE canteen pero sobrang daming tao ngayon. Nakakainis! Halos wala na kaming makitang pwdeng upuan sobrang gutom pa naman na ko. Nag desisyon kami ni Paolo na sa ibang canteen na lang mag lunch. Bawat faculty naman kase dito may kanya-kayang canteen o cafeteria.
Sa College of Political Science namin naisip na pumunta, bukod kase sa sigurado akong walang ganong estudyante don, (kase hindi naman kilala yung course nila) sigurado din ako na walang nakakakilala sakin dun. Medyo malayo na kase ang building nila, bandang dulo na ito kaya iwas ako sa mga matang nakatingin, habang kumakain ako. Hindi naman kase sa pag yayabang pero sa dami kase ng engineering may iilan na din talagang nakakapansin sa ka-gwapuhan ko.
"Tama ka nga, konti lang yung mga estudyante dito!" si Paolo, nang makarating na kami sa 'COPS'
Mabuti at konti lang ang tao dito, napaka daming bakanteng upuan kaya makakakain na kami.
"Konti lang talaga sila at wala naman kabuhay-buhay yung faculty nila"
"Tara na um-order na tayo?"
"Tara. Dun tayo" sabay turo ko sa isang store kung san isang babae lang ang customer
"Teka. Si Wincess ba yon?"
Kumunot agad ang noo ko sa sinabi ni Paolo. Wincess? Uhmmm. S-sinong Win- ah! Yung... Yung bungangera? Yung babaeng yon? Asan?
Sinundan ko ng tingin ang nguso ni Paolo na nakaturo sa isang babaeng nakatayo roon sa store na tinuro ko kanina sakanya. Pinasadahan ko agad mg tingin ang babaeng yon. Ewan ba! Pero gusto kong ma-sigurado kung sya nga yon.
-Wincess's POV-
"Ate. Gusto ko po toasted, huh?" sabi ko pa sa suki na namin dito sa cafeteria, isang order ng toasted fishball at kikiam kase ang binibili ko sakanya
"Okay sige"
"Wincess?"
Napatalon ako ng biglang may tumawag sakin. Pumilig ako saking likuran para lingunin sya. Isang familiar na lalaki ang bumungad sakin.
Te-teka? Sya yung...
"Wincess right?" sabi pa nya
Nambilog ang mga mata ko "Yes. I-ikaw yung..." yung...?
"Order na tayo Paolo"
Literally'ng nalaglag ang panga ko. WTF! Na high-blood agad ako ng marealize ko kung sino sila. Sh*t! Bakit andito mga 'to? Napairap na lang ako sa kawalan. Sira na naman araw ko neto! Ka bwesit lang nakita ko na naman sya!
Ano ba kaseng ginagawa ng mga engineering dito sa department namin?
"Nakalimutan mo na yung pangalan ko?" ngumuso pa yung si Paolo yata yon
"Huh? uhmmm. Paolo right?"
"Tama! Paolo nga. By the way this is-"
"Bakit naligaw ang isang engineering students dito samin?"
Pag uusisa ko agad sakanila, para na din hindi na nya mabanggit yung pangalan ng antipatikong kaibigan nya! Wala naman kase akong balak alamin ang pangalan nya. So you don't need to mention it.
"Uhmmm. Actually andito kami para mag lunch, puno na kase yung cafeteria samin wala na kami maupuan dun sa dami nang tao"
Ah! So pati cafeteria namin nire-rebound na din? Aysus!
"Ah.." tumango-tungo pa ko "So bakit dito?"
Sabay kumunot ang noo nila.
"Kase alam namin na konti lang naman yung mga estudyante sa mga boring course na tulad ng course nyo"
Napangiwi ako, dahil sa biglang pag sabat ng antipatikong kaibigan ni Paolo. As in, naramdaman ko talaga na parang biglang umakyat ang dugo ko papunta saking ulo. Ramdam ko ang pag gapang ng galit sa buong sistema ko! Leche! Humalikipkip ako at nag taas ng kilay sakanya.
"Aba! Hindi ka lang pala talaga antipatiko, no? Epal ka din pala! Sino ka sa tingin mo para mag salita nang panget sa course namin?" sigaw ko sakanya
Sa gilid ng mga mata ko ay ang mga estudyante na nakatingin na samin.
"Bakit hindi ba totoo?" sigaw nya pabalik sakin
"Damn! Oo. Sikat nga yung COE at sobrang dami nga nang po-pulasyon nang mga estudyante sainyo, but it doesn't mean na pwde mo ng lait-laitin yung course namin!" Nanginig ang boses ko "Pwde din sana kaming mag enroll sa course nyo pero itong Political science ang pinili namin kase ito yung gusto namin! And FYI kaya konti ang estudyante samin kase mahirap tong course namin! Bihira ang pumapasa sa entrance exam. Hindi naman kase basta-basta lang tong course namin!" inirapan ko agad sya! Bwesit!
Nakita ko ang biglang pag yukom ng panga nya. Yabang mo! Tamaan ka sana ng kidlat bwesit! Saka mo na ko yabangan pag na graduate mo na yang course mo! Kainis ka!
Inis akong nag walkout dala ang fishball na order ko. He's a jerk! Sino ba sya sa akala nya para mag salita ng panget sa Department namin? Ano bang pinag mamalaki nya? Ugh! Kung yung kuya ko nga na sophomore na sa engineering never nag salita ng ganon sa faculty namin tapos sya akala mong kung sino! Badtrip!
"Uy. Wincess sino yung mga gwapong yon na kausap mo, huh?" malaki ang ngisi ni Janelle nang makabalik na ko sa table namin
Nag kibit balikat ako "H-hindi ko kilala, eh. M-may tinanong lang sila"
"Ano naman tinanong nila?" pag usisa ni Leni
"Uhmmm. K-kung san daw yung.. dean's office" I lied
"Ah ganon ba? ang swerte mo! Naman. Sana sakin na lang sila nag tanong" si Janelle
"Tama ka dyan" humagikgik pa ng mahina si Leni
"Ang malas ni Kath at wala sya dito!"
Panay na ang ikot ng mga mata ko sa kawalan. San banda naman kayo doon, yung gwapo? Tsss. Halos maturog ko na ang fishball, sa inis ko. Kung alam nyo lang girls ang ugali ng lalaking yon, hindi nyo na masasabi sakanya lahat ng yan.
-Prixon's POV-
Naupo kami sa table na malapit lang sa table nila Wincess
"Masyado ka yatang naging hard sakanya" sabi ni Paolo
"Hindi naman, ah!" Totoo lang mga sinabi ko
"Anong hindi? Halata sa itsura nya kanina yung sobrang pag ka offend"
Na-offend ko sya? So ano naman ngayon? Hays!
Ilan minuto pa ay tumayo na sila Wincess at dalawang kasama nya, dumaan silang tatlo sa harapan namin pero ni hindi man lang nag baling ng tingin samin si Wincess naka deretso lang sa daan ang mga tingin nya. Umakyat agad ang dugo sa ulo ko. Kung umasta sya parang invisible lang kami. Napaka arte nya. Akala nya naman kung ano yung ginawa at sinabi ko sakanya! Damn!
Napailing na lang ako. Pero teka! Bat ba nagagalit ako na hindi nya kami pinansin? Eh. Hindi naman talaga nya kami papansinin kase hindi naman kami close. Walanya! Baliw ka talaga Prixon!
~