-Wincess's POV-
"Good morning class" ani Mrs. Cruz na adviser namin, nang mga sumunod na araw
"Good morning ma'am" sabay-sabay na sambit ng buong klase. Kahit wala naman talagang good sa morning
"Class I have a good news for all of you!"
Napairap na lang ako sa kawalan. Eh. Mukhang sya pa yung totoong excited sa kung anong announcement nya.
"Ano naman kaya yon? Sana lang good news talaga" bulong ko
"Excited na ba kayo?"
No!
"Yes ma'am!" Anila
"Kayong lahat nang freshman dito sa university ay mag kakaroon ng isang acquaintance"
Muntik pa kong malaglag sa kinauupuan ko. Whaaaat? Acquaintance? Anong ka gaguhan naman yon? Bakit kelangan mag karoon pa kami non?
"Acquaintance ma'am?" Rinig ko ang excitement sa tono ng mga ka-klase ko
"Oo. Ito ang tinatawag na alay para sa freshman gaganapin yon after ng preliminary exam nyo"
"Omg! I'm too excited! Sigurado madaming gwapong a-attend sa prom na yon!" Si Kath
"Oo nga! Kelangan maka-hanap na agad ako ng dress na isusuot ko" kuminang naman ang mga mata ni Janelle
"Oo nga. Tama. Ako din mamaya sisimulan ko nang mag hanap ng dress" si Leni naman
Napailing na lang ako sa bulungan ng mga ka-klase ko. Sana all excited! Tss
"Ano ba kayo? Hindi ba masyado pang maaga para isipin yan? Almost 2 months pa yata bago yung prelim exam natin. Yun kaya muna isipin natin?" iritado na ko
"Ang kj mo naman Wincess" ngumuso si Kath
KJ ako o OA lang kayo? Masyadong mga excited! First-time nyo ba? Wala ba kayong JS Prom nung highschool? Kainis! Nag pangalumbaba ako at tumingin na lang sa kawalan.
"Oh. Tapos, ano na? Anong kulay kaya ng dress ang bagay sakin?"
Naririndi na talaga ko sa mga kaibigan kong to. Buong araw na kase nilang topic ang acquaintance na yon. Kainis talaga sila!
Masaya at excited na silang lahat except yata sakin. Pano ba naman ako mae-excite sa acquaintance na yon? Eh. Kahit gustuhin kong sumama don mukhang malabo pa sa malabong relasyon na maka-attend ako don. Sigurado kase ko na hindi ako papayagan nang napaka istrikto kong kuya, at kung payagan man nya ko sigurado ko na a-attend din sila ni Franco sa acquaintance na yon para bantayan ako, tulad na lang ng ginawa nila sa ‘JS Prom’ ko nung high school, kaya imbis na mag enjoy ako puro stress lang ang naranasan ko. Tsss!
"Wincess?"
Bumalik ako sa sariling ulirat ng marinig ko ang boses na yon ni kuya Willam. Naka-sakay sya sa motor nya, habang naka hinto ito sa tapat nang gate nitong university. Ganyan sya ka protective sakin, hatid at sundo na lang ako palagi. Pero hindi ko naman sya masise kase nag karoon ba naman sya ng napaka gandang kapatid diba? Well. Hahaha!
"Omg! S-sino sya Wincess?" Inuga ni Janelle ang balikat ko
"Huh-"
Napailing ako ng makita ko ang pag kinang ng mga mata nitong tatlo kong kasama.
"Sige bukas na lang girls. Una na ko" I'm totally ignored them
"Sandali Wincess!" sigaw ni Kath sakin pero hindi ko na sya nagawang lingunin pa
"Dahan-dahan lang, baka naman madapa ka" ani Kuya sabay abot nya ng helmet sakin
"Ang tanga ko naman kung madadapa ako"
Ngumisi ako at isinuot ko ang helmet na yon at mabilis akong umangkas sa likuran nya. Lagpas tuhod ang palda ko kaya okay lang ang umangkas ako. Kaso paside lang ang upo ko ayaw kaseng pumayag ni kuya na ganon ang maging upo ko sa upo nya.
"Sino yung mga yon?"
Pag tukoy nya sa mga kaibigan ko. Lagi syang ganyan pag naka-kakita sya ng mga hot na babae.
"New friends ko- Naku! Kuya kung ano man yang binabalak mo sa mga kaibigan ko itigil mo na" inunahan ko na. Advance ako, eh!
Humalakhak sya "Ang sama naman talaga nang tingin mo sakin"
"Talaga naman, no!"
"Masaya lang ako at puro babae yung kasama mo, alam mo naman na kung nag kataon na makita kitang lalaki ang kasama mo- naku! Patay sakin yon!"
Umikot ang mga mata ko. Pano naman ako mag kakaroon ng boyfriend eh' ganyan lagi sinasabi mo?
"Hay. Naku! Tama na nga yan. tara na"
"Okay" ngayon pa lang nya ni-start ang sasakyan
"H-hindi mo yata kasama si Franco?" Inosente kong tanong
"Bakit namimiss mo ba sya?"
As in, pinag pawisan talaga ako ng malamig doon.
"NO WAY! Hindi ko sya namimis, no! Naninibago lang ako"
"Nasa bahay sya, nag papahinga"
Kumunot ang noo ko "Huh? Nag papahinga, bakit?"
"Nag basketball kase kami kanina, tapos yun na aksidente sya medyo namamaga yung paa nya"
Hindi na ko naka-imik. Napatunganga na lang ako. Nakaramdam ako ng biglang pag alala kay Franco. Ano kayang nanyare sakanya? Ayos lang kaya sya? Sana okay lang sya.
"Andito na pala kayo?"
Bungad samin ni Franco ng nakauwi na kami. Pinasadahan ko agad sya ng tingin. May benda ang kaliwang binti nya. Mukha ngang may pilay sya.
"Ayos ka lang ba?" biglang bulalas ko
"Huh? Uhmm. O-oo naman. Malayo sa bituka to, no!" ngumisi sya
"Mukha nga, eh!"
Ngumisi na lang din ako. Sa sagot nyang yon medyo nakampante na ko. Baka nga okay na sya. Nakakapag joke na, eh!
"Hi manang Percy"
Si manang Percy ang kasama namin dito sa bahay. 13 years na syang nag ta-trabaho para samin. Pamilya na din namin kung iturin sya.
"Oh. Andito na pala kayo?" aniya
"Opo. Mag luluto na po ba kayo ng dinner?"
"Oo. Eto hinahanda ko na nga"
"Mag bibihis lang po ako, tapos tutulungan ko po kayo"
"Sige"
Nag madali akong umakyat sa kwarto ko para mag bihis. Ano bang magandang isuot? Kelangan mag muka akong disente sa harapan ni Franco. Damn! Napailing na lang ako. Kainis! Bumabalik na naman yata talaga yung dating pag ka gusto ko sakanya. Isang t-shirt at pedal ang pam-bahay na isinuot ko. Simple pero maganda pa din. Syempre!
Bumaba ako at tumulong kay manang sa pag luto. Nang matapos na kami ni manang sa pag luluto ay nag hain na din kami sa dinning table. Chicken curry at ginisang ampalaya ang ulam na niluto namin ni manang. Inaya ko nang kumain si kuya at Franco. Inalalayan pa ni kuya si Franco papunta sa dinning room. Sa tingin ko naman okay na sya mukang wala naman syang pilay pero bakit inaalalayan pa sya?
"Wow! Mukang masarap yung niluto nyo ah?" Sabi Kuya
Mag katabi si kuya at Franco, habang ako ay naupo sa tapat ni Franco.
"Aba syempre naman, luto naman ni manang yan, eh!" pag yayabang ko sakanila
"Tara kain na tayo!" Si Kuya
"Oh. Manang Percy?"
"Bakit Wincess?"
"Sumabay na po kayong kumain samin"
"Naku. Hindi na! Sa kusina na lang ako kakain"
Mabilis akong tumayo at hinila ang knayang braso nya para pa upuin sa tabi ko. Medyo istrikto din kase si mommy. Pag andito kase sya bawal sumabay si manang Percy samin.
"Okay lang po manang tutal wala naman si mommy ngayon"
"Oo nga naman manang. 2 days pa naman si mommy sa seminar nya, kaya sumabay na po kayo samin"
"O-oh sige. Tutal mapilit kayo"
"Si manang talaga" humagikgik pa ako ng tawa
"Anong oras ang pasok mo bukas?" tanong ni kuya sakin
"9 am, bakit?"
"Gisingin mo ko bukas para maihatid kita"
"Bakit anong oras ba pasok nyo?"
"Wala kaming pasok bukas"
"Huh? Bakit kami meron? Andaya!"
"Wala talaga kaming klase nang tuesday"
"Ganon? Buti pa kayo!" Ngumuso ako. Kainggit
"So, pano ba yan Franco? Walang klase bukas. Ano dito ka na lang matulog?" pag iiba ni kuya sa usapan. Lagi din syang ganyan kaya madalas napapahiya ako pag kausap ko sya
"Huh? Naku. Hindi na, no!"
"Sige na. Mahihirapan ka din makauwi dahil dyan sa paa mo"
"Hindi no. Okay na yung paa ko"
Sus! Kunyare pa talagang nahihiya sya. Sige na kase! Dito ka na matulog.
"Nahihiya pa sya kunyare, pero may toothbrush naman na sya dito" umirap pa ko pag kasabi non
Ngumisi sya sakin "Ano kamo?"
"Kunyare ka pa kaseng nahihiya ka!"
"Oo nga naman. May mga damit at toothbrush ka pa ngang naiwan dito" humalakhak na din si kuya
"Hindi naman ako nahihiya eh. Natatakot ako"
Kumunot ang noo namin ni kuya
"Natatakot san?" si kuya
"Sayo! Baka gahasain mo na naman ako pag nag tabi tayo" humaklakhak din sya
Uminit bigla ang pisngi ko lalo na ng makita ko ang mangiyak-iyak nyang mukha, dahil sa tuwa.
"Damn your stupid mouth!"
"Tumigil nga kayo! Nasa harap kayo nang pag kain at magagandang babae oh!" damn!
"Huh? Totoong nasa harap kami ng pag kain pero yung sa harap nang magandang babae? I doubt it!"
Halos mabato ko ng plano si kuya dahil sa sinabi nya.
"Whatever!" Inirapan ko na lang
"Oh. Ano na Franco? Dito ka na matulog huh? Mag mo-movie marathon tayo saka-"
Tumaas ang isang kilay ko at humaba ang tenga ko. Hindi ko na naintindihan ang huling sentence na sinabi ni kuya, halos pabulong na kase nya iyon sinabi kay Franco.
"Anong sinabi mo kuya?"
"Wala!"
"May narinig ako, eh!"
"Wala nga. Boy's talk lang yon"
"Talaga lang, huh?" Tumaas lalo ang isang kilay ko
"Oo. Kumain ka na nga lang!"
Lumiit ang mga mata ko at mariin silang tinitigan. Ewan, pero hindi ko talaga magawang maniwala sakanila. I'm sure, may binabalak na naman itong dalawa! Basta mag kasama silang dalawa puro kalokohan talaga ang alam nila. Kaya kelangan kong malaman kung ano yung plano nila.
Ilang sigundo lang ay natapos na din sila sa pag kain. At Nag mamadali namang tumayo si kuya. Mukang tama nga ako, may plano talaga yung dalawang to! Mukang may lakad pa sila, eh.
"Lalabas lang kami saglit ni Franco" paalam ni kuya
"Huh? San kayo pupunta?" Gusto ko talagang malamab
"Dyan lang?"
"Anong dyan lang? San nga yung dya lang? Akala ko ba na mamaga pa yung paa ni Franco? Tapos gabi na gagala pa kayo?" Tumaas ang tono ko
Nakita ko ang pag kinang ng mga mata ni Franco.
"Ayos na yung paa ko. Are you really worried? Don't you?"
"W-what!?" Pinag pawisan agad ako ng malamig " Nonsense! Gabi na kase oh!" I looke away
"7:30 pm pa lang. Maaga pa"
"Kuya?"
"May pupuntahan lang kami saglit babalik din kami agad. Tara na Franco" aniya at tuluyan na silang umalis
"Sandali lang kuya!" sigaw ko pero hindi na nila ulit ako nilingon "San kaya talaga sila pupunta?"
~