Hindi ako mapakali kakaisip kung san nga kaya talaga pupunta yung dalawa na yon?
Umakyat ako saking kwarto para mag shower. Halos 15 mins lang ay natapos na agad ako, kakamadali ko para lang maabutan sila kuya. Nag lalagay ako ng lotion saking braso nang bigla ko na lang marinig ang sasakyan ni kuya mula sa labas. Kotse ang ginamit nya para siguro maayos na makasakay si Franco. Nag mamadali ko silang sinilip mula sa bintana ng kwarto ko. Napansin ko na may dala silang isang paper bag? Ano kayang laman non?
Narinig ko ang pag bukas ng pintuan ng kwarto ni kuya. Ngumisi ako at mabilis kinuha ang puting kumot para italukbong ito sa mukha ko. Nag madaling akong lumabas ng aking kwarto at tumayo ako sa labas ng pintuan ng kwarto ni kuya. Ngayon pa lang ay natatawa na ko sa ideya kong takutin sila. Mga gwapo lang sila pero sobrang duwag nila sa multo. Hihihi!
Dahan-dahan ko ng binuksan ang pintuan ng kwarto ni kuya. Sabay silang napatalon at napa sigaw ng makita nila ko. Napahagalpak ako ng malakas sa naging reaksyon nila.
“Ang duwag nyo talaga! Nakakatawa kayo!” mangiyak-iyak na ko kakatawa
“Wincess? Gusto mo ba talaga kaming mag kasakit sa puso?”
Lalo akong napahalakhak sa sinabi ni kuya, sa sobrang tawa ko, eto at sumasakit na ang tiyan ko.
"Oopps! Sorry" sabi ko ng medyo humupa na ang tawa ko
Pinasadahan ko sila ng tingin, habang parehas silang nakasalampak sa sahig. Mukang balak nilang mag foodtrip at movie marathon.
"Ang kulit mo talaga" si kuya
"Pwede akong maki-join?"
Hindi pa man sila naka-kapayag ay naupo na agad ako sa tabi ni Franco. Pasimple kong sinulyapan ang paper bag na dala nila saka ko ito pinag tangkaang kunin, kaso naunahan naman ako ni kuya. Mabilis nya itong nailayo sakin.
“Ano ba kase yang nasa paper bag?”
“Wala! matulog ka na nga! May pasok ka pa bukas diba?”
“8:30 pa lang naman, ah! Maaga pa para matulog. Ano ba kase yang nasa paper bag? Pag kain? Yosi? Alak? O baka naman shabu yan kuya, huh? Isipin mo kami ni mommy-”
“Damn your stupid idea! Bakit naman magiging shabu to? Sira ka talaga!” iritado na si kuya
“High blood ka na naman. Ano nga kase yan?” pangungulit ko
“Sisig lang to saka ihaw-ihaw” si Franco
Nanlaki agad ang mga mata ko “Ihaw-ihaw? Wow! Gusto ko nyan. Pahingi ako” with my puppy eyes
“Hindi pwde. Ang ingay-ingay mo!”
Ngumuso ako “Sorry na kuya, please? Hindi na ko mag iingay. Basta bigyan mo lang ako”
“No!”
“Please!”
Napabuntong hininga na lang sya “Promise?” paninigurado pa nya
“Promise nga ang kulit!”
“so, hindi mo kami isusumbong kay mommy kahit uminom kami ng beer dito sa loob ng kwarto?”
Napangisi ako “So, iinom nga kayo? Tsss. Sabi na nga ba eh. May plano kayo. Kaya pala puro pang pulutan yang binili nyo huh?”
“Akala ko ba hindi ka mag iingay?”
“Kung ayaw mo talagang mag sumbong ako kay mommy, painumin mo din ako?”
“What? Are you nuts? Hindi pwde. Bata ka pa”
“Anong bata pa? Heller nasa legal age na kaya ako! Saka kung parehas tayo iinom walang mag susumbong” nag evil smile pa ko sakanya
Tumaas agad ang isang kilay nya “Kahit na. Hindi pwde!”
“Okay fine! Penge na lang ako nag ihaw-ihaw”
“Eto oh”
Tumindig agad ako balahibo ko ng makitang iniaabot nya sakin ang isang bbq. Damn! Sh*t! Nakangisi kong tinanggap ang bigay nya.
“S-salamat- kuya! Panoorin ulit natin yung action na pinanuod natin last week” pag iiba ko agad sa usapan. Awkward eh.
“Huh? So, wala ka pang balak bumalik sa kwarto mo?”
“Why should I?”
“May bbq ka na diba? Kaya bumalik ka na sa kwarto mo”
Ngumuso ulit ako “Ayaw mo na nga ako patikimin ng beer tapos pati sa movie marathon ayaw nyo pa ko isama”
“Oo nga naman William hayaan mo na si Wincess dito. Ikaw din baka mag tampo pa sayo yan hindi mo din matiis”
Napangisi ako. OMG! Parang bigla nag tatatalon ang puso ko sa saya. Pinag tatanggol pa ko ni Franco kay kuya. Kinikilig ako.
Pero, sh*t! Bakit? Bakit ganito nararamdaman ko? Leche! There's something wrong with me.
“Ayoko lang kase na makita nya tayong umiinom, baka matuto din sya” pangangatwiran naman ni kuya William
Umirap agad ako “Eh. Nasa legal age naman na ko eh. Kahit ayaw mo matututo din ako nyan, gusto mo ba na sa iba ko pa yan matutunan?”
“Oo nga naman” pag sang-ayon pa ni Franco sakin
Isang malalim na pag buntong hininga pa ang ginawa ni kuya “Oh sya sige na. Hahayaan kitang andito kase ayokong mag tampo ang pinaka magandang kapatid ko. Pero....Hindi ka iinom!”
Isang malaking ngisi ang ibinigay ko sakanila “Yes boss”
“Sige na William mag play ka na ng movie”
“Oo nga pala”
“Wait! Kukuha lang ako ng ice cream”
Nag madali akong bumaba papuntang kusina para kumuha ng ice cream. Madalas kase pag walang pasok nag mo-movie marathon din kami ni kuya, ito ang madalas bonding namin maliban sa pag gi-gitara, tapos mga action movie ang paborito naming panoorin at ice cream, pancake, chocolate o kaya chips ang madalas na snaks namin.
Naka balik na din ako sa kwarto ni kuya dala ang ube ice cream na paborito ko. Hindi talaga kompleto ang araw ko pag hindi ko ’to nakakain o natitikman man lang. Naupo ulit ako sa tabi ni Franco na nakaupo lang sa bungad.
“Nasan yung ice cream namin?” tanong ni Franco
“Wala. Hindi to match dyan sa iniinom nyo”
“Sabi ko nga, eh!”
“You keep watching na lang pwde?”
Ayokong maging mabait bigla sakanya. Sanay kase sya na mataray ako lagi kaya kung bigla akong mag babago ng pakikitungo sakanya baka kung ano pa isipin nya. Ngumisi sya sakin. Isang nakakatunaw na ngisi. Sh*t!
Inaantok na yata ako. Malapit ng bumagsak ang mga mata ko sa sobrang antok. Kainis! Kaaga pa, eh. Pero hindi na kaya ng mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang dahan-dahan na pag bagsak ng mga mata ko. Nagising na lang ako at namalayan ko na lang na nakasandal na pala ko sa isang balikat.
Napatalon akong bigla. OMG! Medyo late na ng ma-realize ko na sa balikat pala ko ni Franco naka sandal. Sobrang nataranta talaga ko kaya mabilis kong inilayo ang ulo ko sa balikat nya pumihit ako para tignan sya. Seryoso naman syang nakatitig sakin. Uminit ang pisngi ko at naramdaman ko ang malakas na pag kabog ng dibdib ko.
“Ang bilis mo naman magising” mahinang sabi pa nya sakin
“Huh? Uhmmm” kinagat ko ang labi ko at nag mamadali akong tumayo saka ako muling nag salita “k-kuya p-punta na ko sa kwarto. Inaantok na ko eh” natatarantang paalam ko pa sakanya
“Mabuti pa nga. Maaga pa pasok mo bukas”
Wala namang ekspresyon na pinakita si kuya. Lumapit ako sakanya para ibeso sya.
“S-sige. G-good night sainyo”
Hindi ko na nagawang bumaling pa ng tingin kay Franco, dahil sa sobrang lakas ng kabog nitong dibdib ko. Dumapo agad ang palad ko saking noo. Nang makalabas na ko sa kwarto ni kuya. Badtrip talaga, hanep! Wala na kong mukhang maihaharap kay Franco! SH*T!
~