*Tok-tok!*
Pang anim ko ng katok ito sa kwarto ni kuya pero putcha! Wala pa din sakanilang dalawa ang nag bu-bukas ng pinto. Mukang tamado pa din ang mga loko. Anong oras na, malalate na ko nito. Nababuntong hininga na lang ako. Malalate na talaga ko kaya papasok na lang akong mag-isa. Laglag ang panga ko pag akyat ko pa lang sa bus. Langya! wala naman na palang bakanteng upuan dito. As in wala na talaga. WALA NA! Sh*t! Ang sarap pag walaan ng ganitong mga driver!
No choice! Tumayo na lang din ako sa dami ng dalawang lalaking naka tayo din. Nakakagigil talaga! Kung may choice lang talaga ko hindi ako tatayo ng 30 minutes sa bus na'to kaso wala naman talaga kong choice at malalate na din ako. Tumingala pa ko at tumingin sa bubong ng bus. Kung may maliligaw lang talaga kahit isang gentleman sa bus na'to na mag papaupo sakin, promise kahit sino at ano pa ang itsura nya makikipag kilala talaga ko sakanya!
"Miss ikaw na lang maupo sa upuan ko"
Halos tumalon ang puso ko sa tuwa ng marinig ko ang mga katagang yon mula sa lalaking nasa likuran ko. Lord Thankyou po! sobrang lakas ko po pala talaga sainyo, answered prayer na po agad. Dahan-dahan ko syang nilingon, kelangan kase may 'slowmo' moment kami. Ang gwapo kase ng boses nya kaya I'm sure gwapo din talaga sya. Destiny!
Bumagsak ang balikat ko ng makita kung sino ang lalaking yon. Damn!
"IKAW!?"
"Oo ako nga" wala syang ekspresyon na ipinakita
OMG! Bakit sya pa? BAKIT? Diba may kotse naman sya? Eh. Bakit sya nakasakay ngayon dito sa bus? Nananadya lang?
Well. Sya yung antipatikong lalaki na bumusina sakin, noon. Di ko pa din yon nakakalimutan!
Lord sorry po pero binabawi ko na po pala yung promise ko kanina, joke lang po yon. Hindi ko po magagawang tuparin yung promise na yon sa antipatikong lalaking 'to. I can't! Never. Mag titiis na lang po akong nakatayo dito.
"Nakikinig ka ba?"
Napatalon ako. Medyo mataas na ang tono ng boses nya. Umikot ang mga mata ko at tumingin sa kawalan.
"Huh? Uhmmm. H-hndi na.... S-salamat na lang" Saka baka mamaya pinag titripan lang nya ko, no!
Sa gitna ng pag iisip ko ay nagulat na lang ako ng bigla nyang agawin ang librong dala ko.
"Anong ginagawa mo?" galit kong sabu
"Hindi ko kayang makakita ng babaeng nakatayo, habang ako ang nakaupo"
Seryoso pa ang mukha nya at malumanay ang boses nya. Napangiwi na lang ako. Weh? Ako pang ga-gaguhin ne'to! Edi pumikit ka. If I know naman, nag papaka gentleman lang sya kunyare sakin para ma-impress ako sakanya o baka para ma-impress sakanya yung mga tao dito? Tsk.
Inirapan ko nga ulit. Kainis, eh! Kaso bigla na lang nyang hinila ang kamay ko saka nya ko sapilitang pinaupo sa isang bakanteng upuan roon, siguro dito sya nakaupo kanina. Putcha! Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko talagaang init ng pisngi ko, feeling ko, mapula pa sa kamatis ngayon ang pisngi ko. Kinikilig yata ako? Feeling ko kase ako ang bida sa mga k-dramas na pinapanood ko, pero hindi ibig-sabihin non may gusto na ko sakanya.
Gwapo nga sya at sobrang ma-appeal pero kung mag kakagusto lang din naman ako sa katulad nyang gwapo at ma-appeal, edi kay Franco na lang ako. Andito na kami sa school. 30 minutes ang byahe, kaya 30 minutes din syang nakatayo sa bus. Medyo na kaka guilty. Bwesit!
Nauna na sya sa pag baba tapos sumunod naman ako sakanya, dalawa lang kase kaming bababa dito sa tapat ng university. Gusto ko sanang mag pasalamat man lang sakanya pero ang bilis-bilis naman nyang mag lakad. Ang haba kase ng pata nya.
"M-mr?" sigaw ko nang medyo malayo na sya sakin. Napahinto sya at nilingon ako gamit ang iritado nyang ekspresyon
Mabilis kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan akong lumapit sakanya.
"Bakit?" tamad nyang sabi
Kaka-bwesit yung reaksyon nya. Gusto ko na tuloy mag backout.
"Uhmmm. K-kase-"
"Ano nga?"
Bahagya pa kong napapikit saglit. Bwesit talaga! Relax lang Wincess. Di ka pwdeng magalit ngayon, mag papasalamat ka lang naman, eh! Nag buntong hininga muna ako bago mag salita.
"Uhmmm. S-salamat kanina"
"Okay" tamad nyang sabi. Pumihit sya para talikuran ako.
Pero sh*t! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang syang hinawakan sa braso nya para pigilan sya. Parang bang kusang gumalaw ang mga kamay ko. Namutla ako ng lingunin nya ko gamit ang nakakunot nyang noo. Kinagat ko ang aking labi, habang dahan-dahan ng binitawan ang kanyant braso. Damn! STUPID ka talaga Wincess!
"Bakit na naman?"
Pinag pawisan agad ako ng malamig "Uhmmm. S-sorry!"
"May gusto ka pa bang sabihin?" pag tataas nya ng kilay sakin
"Uhmmm. Can I ask for your name?"
F*ck! Ano ba tong sinasabi ko? Anong 'Can I ask for your name?' Sh*t ka talaga Wincess! Nakakahiya ka! Kung pwede ko lang ibaon ang sarili ko sa lupa ginawa ko na talaga. Tumindig ang balahibo ko sa bigla nyang pag evil smile nya. Shuck!
"Matagal mo na sigurong gustong itanong yan, no?"
Bahagya akong natigilan at nag isip kung saan ba nya nahuhugot ang kakapalan ng mukha? Tss! Ang assumero talaga.
Tumaas agad ang isang kilay ko "What? Ang kapal mo-" sh*t! "Nevermind na-"
"Prixon"
Kumunot ang noo ko "Ha?"
Binaliwala na nya ang huli kong sinabi. Pumihit agad sya para talikuran ako. Napatunganga ako, habang pinag mamasdan sya sa pag martsa. Ramdam ko ang pag akyat ng dugo ko sa buong ulo ko. Aba! Feeling yata talaga nya gusto kong malaman yung pangalan nya? Napaka yabang- t-teka? Ano na nga ba yung sinabi nya PRIXON? Oh my! Mabilis dumapo ang palad ko saking bibig. Shuck! T-tama ba yung dinig ko? Prixon ba yung pakilala nya?
Seriously? NO WAY! Baka naman ka pangalan lang nya? P-pero hindi naman ganon ka-common ang pangalang Prixion at saka imposibleng coincidence lang din na pareho ang course nila. Sh*t! Tumindig bigla ang balahibo ko. Kung ganon sya nga si PRIXON ISAAC EVANS? WHAT THE f**k!
Para akong zombie na nag lalakad sa campus. Hindi pa din ako maka-paniwala! As in, HINDI! Pero sa bagay match naman yung mga kwento ni kuya sa ugaling nakita ko sa antipatikong yon! Pero yung... Yung hitsura nya sa mga kwento ni kuya William sobrang mag kaiba. Hindi naman malaki ang mga mata nya tulad ng sabi ni kuya, hindi din sya n***o, hindi pango ang ilong, at hindi din makapal ang mga labi nya. Kabaliktaran lahat ng yon sa totoong hitsura nya. Ginulo ko ang buhok ko. DAMN!
"Buti naman Wincess andito ka na" bungad sakin ni Kath, habang nakatayo silang tatlo sa labas ng classroom namin
"Bakit? May problema ba?"
"Sino sya, ha?" ani Leni
"Ano? Sino?" Lutang pa din ako
"Yung lalaking naka motor na sumundo sayo, kahapon?" si Janelle
Napa-face palm agad ako.
"Boyfriend mo ba sya?" pag usisa ni Kath
"Grabe! Naka-kainggit ka Wincess. Balita ko isa sya sa mga heartthrob ng engineering"
"Oo nga nakakainggit ka talaga Wincess!"
Ano bang sinasabi nila? hinintay lang ba talaga nila ko para intrigahin? Nag buntong hininga na lang ako. Iniisip ba talaga nila na boyfriend ko si kuya William? Ngayon lang nag proseso lahat sa utak ko. Pero sabagay hindi lang naman sila ang nag iisip non. Madami pa. Nakakatawa talaga!
"Wincess? Ano na?" usisa pa ulit ni Leni
"Teka nga. Hindi ganon yon okay?" iritado na ko
"Ha? So, hindi mo sya boyfriend?" si Kath
"Hindi ka din nya nililigawan!?" si Janelle
Na high blood agad ako ng makita ang bakas ng ngisi sa mga mukha nila.
"Hindi mo din sya-" naputol ang sasabihin pa sana ni Leni ng mag salita na ko
"Wait! Ako muna pwede?"
"Okay!" sabay-sabay na pag sang-ayon naman nila
"The truth is... That guy, who's with me yesterday... was my brother"
"What!? Omg!" medyo OA pa talaga ang reaksyon ni Leni
"Seriously?" isa pang OA tong si Kath
"Probably yes"
"Kelan pa?" pero pinaka OA talaga tong reaksyon ni Janelle
"Joke ba yan?"
Joke nga yata? Halata talagang hindi sila maka-paniwala sa sinabi kong yon. Ang o-OA talaga ng mga reaksyon nila. I'm not sure kung good thing or bad thing ba yon! I didn't get it, why people always have the same reactions after knowing that William Alcantara is my sibling? WHY!? Ano ba kaseng kaduda-duda don? Minsan talaga Nakaka insulto na! I also have the looks, the talent and the brain. We're the same! That's why I treat myself as a girl version of him.
"Look. He's William Alcantara, and I'm Wincess Jane Alcantara. So why don't you get it?"
"Oo nga no? Mag katunog yung pangalan nyo at parehas Alcantara ang surename nyo" ani Janelle na ngayon pa lang nag sisimulang matauhan sa mga sinabi ko
"It because we're siblings! Duda pa din ba kayo?" inirapan ko na
"Hindi na! naniniwala na kami!" si Leni
Nag kibit-balikat na lang ako. Para namang kelangan ko talagang patunayan pa sakanila.
"Kung ganon, will you introduce us to your brother?" si Kath
"Oo nga naman! Ipakilala mo kami?" si Janelle
Damn! How can I? Sorry girls pero maniwala kayo sakin, hindi nyo gugustuhin ang mapalapit kay kuya. Baka masaktan lang nya kayo kaya hindi ko kayo pwedeng ipakilala sakanya. NO!
~