-Prixon's POV-
Napahalakhak ako. Matagal na siguro talaga nyang gustong malaman yung pangalan ko. Tsss! Hindi ko tuloy matanggal ang ngiti sa mga labi ko, hindi dahil sa natutuwa ako kundi dahil sa natatawa ako sakanya. Mukang dahil pa sa ginawa ko lalo pa syang nag ka-crush sakin. Eh, kahit naman sinong babae ang makita kong nakatayo dun pauupuin ko pa din nag kataon lang na sya yon at nag kataon lang din na nag bus ako ngayon kase nahiram ng pinsan ko yung kotse ko.
"Anong ningingiti-ngiti mo dyan?"
Napatalon ako ng bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Paolo kaya mabilis kong itago ang aking ngiti at pinilit na ikunot ang aking noo.
"Ha? W-wala!" I lied
Ngumisi sya "Babae yan no?"
"Of course not"
Inakbayan nya ko "Naku! Anim na taon na kitang kilala. Alam ko yung ganyang galawan mo brad!"
Napailing ako sakanya at mabilis kong hinawi ang kamay sa balikat ko.
"Baliw! Alam mo namang si Lauriz lang ang babaeng mag papangiti sakin. SYA LANG!" pag didiin ko pa sa huling salitang sinabi ko
Bigla na lang syang natahimik at napatunganga sakin.
Si Lauriz Ann Avellano ang nag iisang babaeng sineryoso ko. Naging girlfriend ko sya nung nasa 1st year high school pa lang ako. But our 8 months relationship will end up, since her parents decided to live in Singapore for good.
"Hanggang ngayon ba, umaasa ka pa na babalik sya?"
Hilaw ang ngisi ko "Babalik naman talaga sya, and I'm really sure about that" puno ng kumpyansa kong saad, kahit deep inside 50% na lang talaga ang chance na bumalik pa sya
"Pano mong nasabi?"
"Because, she promised me. At feeling ko malapit na yung araw na yon"
"Napa-praning ka na pre" humalakhak sya
"Siraulo! Totoo yung sinasabi ko"
"Eh. pano kung bumalik nga sya tapos may iba na pala sya?"
May kumirot sa dibdib ko.
"Edi aagawin ko sya"
"Aba! Very nice answer, huh?"
"Syempre, ako pa?"
"Eh. Pano kung pag balik nya, ikaw naman tong mag karoon ng iba?"
"You always like that Paolo! It's nonsense, okay?" binatukan ko nga
Nonsense talaga yon, imposible naman kaseng manyare yon! Never. Kilala ko ang sarili ko. Sobrang dami ko ng babaeng nakilala pero ni isa sakanila walang kayang pumantay kay Lauriz. WALA! Kaya nga ang plano ko kung hindi man makabalik si Lauriz dito, ako mismo ang pupunta sakanya. Mag kikita at mag kakasama ulit kami kahit anong manyare.
-Wincess's POV-
Uwian na. Nag punta ko sa waiting shed para dito hinatayin si kuya. Nag text na din sya na papunta na sya. 20 mins lang andito na yon. Kasama ko din sila Kath, Janelle at Leni. Ang alam ko wala naman silang sundong hinihintay pero bakit hindi pa sila umuuwi?
"Bat hindi pa kayo umuuwi?" prangkang tanong ko pa sakanila
"Susunduin ka ng kuya mo, diba? Pakilala mo kami sakanya mamaya, ha?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Janelle. Sila ipapakilala ko? kay kuya?
"Uhmmm. I don't think that's the good idea" kinamot ko ang ulo ko
"Ha? Bakit naman?"
"Hindi naman sa sinisiraan ko yung kuya ko, pero siguro ganon na nga din yon. Alam nyo kase.. Uhmmm. Super babaero yung kuya ko at ayoko na isa sainyo ang mahulog sa bitag nya"
"Ah. Yun lang ba? Wala sakin yon! Payag akong maging isa sa mga babae nya"
Humalikipkip ako sa kinikilig pang si Kath.
"Ako din! Super payag ako" si Leni
"Mas lalo ako. Sabihin mo sa kuya mo payag akong maging isa sa babae nya!" si Janelle
Napailing na lang talaga ko sa mga sinasabi nila. Tinaasan ko pa sila ng kilay.
"Girls, seriously!?" tumaas ang boses ko
"Kung ganon naman kase ka-gwapo sa kuya mo papayag kami kahit gamitin lang nya kami. Right girls?" si Kath ulit
"Yes!" sabay na pag sang-ayon pa ng dalawa
"Pakilala mo kami huh?" si Janelle
Nag kibit-balikat na lang ako, kasunod ng pag buntong hininga ko. Hey! I'm damn serious! Anong pag-iisip ba talaga ang meron ang tatlong to? Sa totoo lang kanina ko pa sila gustong batukan isa-isa. Bakit ba napaka daming babae na katulad nila? Yung kahit maging panakip butas lang sila okay lang basta gwapo yung gagamit sakanila? Diba dapat kung magiging kayo man ng isang lalaki, it's because you loved each other, yun lang dapat ang dahilan. Kaya ako pag nag karoon na ko ng first boyfriend ang gusto ko yung totoong mahal ako, yung ako lang! At gusto ko yung magugustuhan ni kuya, yung makakasundo nya. Parang si... Si Franco! Shuck. Namula agad ang pisngi ko.
"May mga kasama ka pala"
Nabasag ang pag papantansya sya ng dumating na si kuya.
"Hi" sagot naman ng tatlo
"Kuya ko si kuya William, kuya mga kaklase ko sila. Si Janelle, Kath, Leni" tamad kong sabi
Napilitan lang naman ako na ipakilala sakanila si Kuya. Kainis mga to! Nakipag shakes hand pa talaga sila. Naiinis ako pag may mga babaeng lumalapit sa kuya ko. Ayoko kaseng maagaw ng babaeng yon ang atensyon sakin ni kuya. Ayokong may ibang babaeng inaalala ang kuya ko! Gusto ko ako lang! Siguro ganon din si kuya William sakin kaya nagagalit din sya pag may mga gustong manligaw sakin. Naupo agad ako sa sofa ng makauwi na kami. Sobrang sakit ng katawan ko. Pinag masdan ko si Kuya William na nakasandal sa kabilang sofa, at nakapikit.
"Kuya?"
"Oh?" hindi pa din sya dumidilat
Lumunok muna ko "A-ano ba talagang hitsura ni Prixon Evans?"
Gusto ko lang maka- 100% sure. Napa-dilat syang bigla at napaupo ng maayos. Iba talaga epekto ni Evans sakanya.
"Naging interesado ka naman bigla?"
"K-kase. Uhmmm wala lang" I looked away
"Nasabi ko na sayo non diba? Panget sya! Sobrang itim, ang laki-laki pa ng ilong at mata nya at sobrang kapal ng mga labi nya"
Hinawakan nya ang kanyang tiyan at humalakhak ng malakas. Napairap na lang ako sa mga sinasabi nya sakin. Bakit nga ba hindi ko to naisip dati? Pano nga naman magiging karibal ni kuya yon sa mga babae kung panget sya? Syempre! Malamang puro panget ang sasabihin ni kuya about kay Prixon kase kaaway nya yon.
Bobo mo talaga Wincess!
~