PANO NA TO?! 1 week na lang acquaintance na namin, pero hanggang ngayon hindi pa din ako nakakapag paalam kay mommy at kuya William. Honestly, sa tingin ko naman kase, hindi ko na kelangan pang mag paalam kay mommy. Sigurado kase ko na kahit sumama ako sa acquaintance na yon hindi din nya malalaman dahil mauuna pa kong makauwi sakanya.
Si kuya William lang talaga problema ko!
"Oh Wincess may problema ka ba? Bat di mo ginagalaw yang pag kain mo?" kumunot ang noo ni kuya, habang kumakain kami sa isang restaurant kasama si Franco
Napansin siguro nya na kanina pa ko naka-busangot.
"Uhmmm. K-kase kuya, ina-nounce ng advicer namin yung about sa Acquaintance naming mga freshman"
"acquaintance? Kelan yan? Nang makabili na kami ni Franco ng isusuot" aniya gamit ang seryosong tono
Bumagsak ang mukha at balikat ko. Halos mabitawan ko ang hawak kong kurbyertos. F*ck sh*t! Nyeta talaga! Ito na nga ba yung hinala ko.
"Ano? Kelan ba?" ulit pa nya
"Next week!" inis kong sabi
"Lapit na pala eh. Ano Franco attend tayo?"
"Sige ba" sang-ayon pa nito
Napangiwi ako "Kuya naman! Kung sasama kayo hindi na lang ako a-attend!"
"Edi mas okay!"
"Kuyaaaa!"
Puno ng pag po-protesta ang mga tingin ko sakanya.
"Baka mapano ka don pag hindi mo kami kasama" aniya
Ngumuso ako. Hindi ko na talaga kaya to! Halos bumaliktad ang lamesa dahil sa padabog kong pag tayo.
"Kuya! Hindi na ko bata okay? I'm old enough! I can take care of myself"
Tumindig ang balahibo ko, dahil sa pag dilim ng kanyang mukha.
"Hindi Wincess! A-attend ka lang ng acquaintance nyo kung kasama kami ni Franco!"
Grabe sya! Ang lupit talaga nya sakin. Nakakaiyak! Pano naman ako mag kaka-boyfriend neto kung lagi syang ganyan?
"Pano ko naman mae-enjoy yung acquaintance kung wala akong ibang iisipin kundi yung pag babantay nyo sakin?" pumiyok ang boses ko
"Hindi ka na nga bata, kaya nga mas dapat kitang bantayan at ingatan. Hindi mo alam ang mga tumatakbo sa isip ng mga kabataan ngayon! Iniiwas lang kita sa mga gawaing mapupusok!"
Mariin kong kinagat ang labi ko. Grabe, huh? Kung maka say parang lolo na sya. 2 years lang naman ang tanda nya sakin. Kainis! Sinasabi lang nya yon kase ganon sila. Ganon yung mga nakikilala nyang babae. Ganon yung mga naging jowa nya! Hindi naman ako katulad ng mga kilala nya na mapupusok! At kaya ko din naman umiwas sa mga lalaking ganon. Kung hindi ko nga lang sya kapatid matagal ko na din syang nilayuan. Ang pusok din nya, eh!
"Kuya! Acquaintance lang naman yon, saka yung mga new friends ko lang yung kasama ko don. Pag tatawanan lang nila ko kung may kuya pa kong nakabantay sakin" kahit ang totoo naman sigurado akong matutuwa sila pag kasama ko si kuya
"Dati naman nung 4th year high school ka okay lang sayo nung sumama kami ni Franco sa prom nyo"
"Yun na nga eh. Alam mo bang pinag tawanan nila ko kase sa buong history ng JS Prom ako lang yung umattend don na may kuya pang bantay!" I lied
Hindi naman talaga ko pinag tawanan non, naiinggit pa nga noon, ang mga ka-klase ko, dahil ang gwapo daw ng mga bantay ko.
"Kahit na!" aniya
"Gusto ko din naman mag enjoy! Yung... Yung.. totoong mag e-enjoy ako-"
"May point naman si Wincess, brad"
Napatunganga akong bigla sa kay Franco na nakaupo sa tabi ni kuya, sa tapat ko. Sa wakas ay nag salita na din sya at sumang-ayon pa sya sakin. Balak ko na sana talagang mag walkout, eh! Kaso inaalala ko naman yung pag kain ko, hindi ko pa kase ubos yung kinakain ko. Sayang naman!
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni kuya
"Mas mabuti siguro na hayaan mo na lang muna na ma-enjoy ni Wincess yung acquaintance nila"
"Franco!" pag suway pa ni kuya sakanya
Parang sila na ngayon yung nag aaway.
Ang cool ni Franco at ang gwapo nya. Hindi ko maialis ang tingin ko sakanya, habang pinag tatanggol nya ko kay kuya. Hindi na kami nag kibuan ni kuya pag katapos naming mag talo.. Si Franco ang nag hatid sakin sa school, pag katapos namin kumain, may klase pa kase ko. Tapos sila kuya naman wala ng klase kaya sigurado ko mag ba-bar na naman sila mamaya.
"May isusuot na ba kayo"
"Oo naman! Last month pa ko bumili"
Naka-pangalumbaba lang ako, habang nakikinig sa usapan nung tatlo. Umuusok talaga yung tenga ko kapag naririnig ko yung mga usapan nila about sa acquaintance na yon! Damn! Sarap mag wala. Gusto ko din umattend pero pano?
"Ikaw Wincess? May dress ka na ba para sa acquaintance?" tanong ni Kath. Napansin siguro nya na kanina pa ko walang kibo
"Huh? W-wala pa"
"Kelan mo balak bumili?"
"Hindi ko alam. Baka nga hindi ako umattend, eh!"
"Whaaaat!?" isa-isa nalaglag ang panga nila
Napailing na lang ako sa naging reaksyon nila sakin. Oa talaga ng mga to!
"Bakit naman? Umattend ka na!" ani Janelle na niyugyug pa ang balikat ko
"Si kuya kase ayaw akong payagan" sabay nguso sakanila
"Huh? Napaka istrikto naman pala nya" si Leni
Napansin din nila sa wagas! Ngayon nyo mare-realize na hindi nyo sya dapat hangaan.
"Aba! Sinabi mo pa! Sobraaaa! Ni wala ngang nag lalakas loob na manligaw sakin dahil sakanya!"
"Nakaka-inggit ka nga, eh! Napaka sweet nyang kuya sayo lalo na siguro pag naging boyfriend ko sya!"
Nanlaki ang mga mata ko kay Leni. Umayos ako ng pag upo at hinarap sya.
"Labo nyo talaga" buntong hininga ko
Tapos na ang klase. Nag text si kuya na hindi nya ko masusundo kaya nag bus na lang ulit ako. Galit pa din siguro sya kaya hindi nya ko sinundo. Dumiretso ako saking kwarto at nahiga na. Buo na sa isip ko ang hindi pag attend sa Acquaintance namin, hanggang sa...
*Tok-tok!*
Tumayo agad ako para pag buksan ang kung sinong kumakatok. Napa-awang ang bibig ko ng bumungad sakin si kuya William. Naka salubong pa ang kilay nya kaya alam kong galit pa din sya.
Problema na naman nito?
May bigla syang inabot sakin na paper bag.
"Ano to?"
"Buksan mo" kalmado nyang sabi
Kuminang ang mga mata ko ng makita ko ang dress na laman nito. Isang black fit long sleeve at maroon na palda na 1 inch about the knee ang haba.
OMG! I swear, hindi ko na talaga naitago pa ang pag laki ng ngisi ko.
"Binili na kita ng isusuot mo sa acquaintance nyo para medyo conservative naman ang isuot mo, saka ako mag hahatid sayo, ako din susundo sayo ng 10 pm"
Sumimangot naman ako sakanya.
"Di ba ko pwdeng tumawad, hanggang 11pm?"
"10:30 pm. And it's final!" Maawtoridad nyang usal
Napa nganga akong bigla sa saya. Hindi ko talaga in-expect ang biglang pag babago ng isip ni kuya. Siguro dahil kinausap sya ni Franco? Napayakap agad ako sakanya. Sobrang saya ko. For the first-time feeling ko pinag katiwalaan ako ni kuya.
"Thankyou kuya"
"Tama na! Nasasakal na ko" reklamo nya
Kumalas ako sa pag yakap sakanya, at hinarap sya.
"Alam mo namang hindi kita matitiis diba?"
pinigil ko ang pag ngisi "Aba! Syempre. Alam ko naman yon"
Alam nya pag nag tatampo ko sakanya kaya hindi nya yon pinapatagal at sinusuyo nya agad ako ganon din naman ako sakanya. Para talaga kaming mag jowa, no? Pero ganito lang talaga kami. Kami na kase ang mag kasamang lumaki. Ang isa't-isa lang talaga ang meron kami.
"Basta behave ka lang don, huh?"
"Opo. Teka kuya susukatin ko lang tong dress!" excited na ko, eh!
"Sige"
Ngumisi at at hinalikan sya sa pisnge.
"Salamat ulit kuya, huh?"
"Welcome. Bumaba ka na agad pag ka sukat mo dyan"
"Okay!" sabi ko bago sya tuluyang makalabas ng kwarto ko
~