This is it.
Acquaintance na namin. Hinatid ako ni kuya gamit nya ang kotse nyang BMW M6 convertible. Infairness naman kay kuya William ngayon lang yata nya ginamit ang kotse nya na ako ang sakay nya. Masyado kaseng maingat si kuya sa mga gamit nya kaya ginagamit lang nya ang kotse nya pag may mga chicks o bagong girlfriend sya. Suot ko yung dress na binili nya sakin at naka hills ako na halos 4 inches ang taas kaya hindi nya ko pwdeng ihatid ng motor. No choice sya!
Naka light make-up lang ako at maroon lipstick na terno sa dress ko, saka ko itinali ang alon-alon kong buhok. Hindi na ko nag pa salon, ako lang ang syang nag ayos sa sarili ko. Ayoko naman kaseng maging oa ang ayos ko at ayokong mag mukang pinag handaan ko talaga ng husto ang acquaintance na'to. Pag lapit ko pa lang sa gate ng university namin ay andun na si Janelle, Leni at Kath na nag hihintay sakin. May usapan kase kami na mag hihintayan kami sa labas ng gate. Pinag masdan ko agad sila isa-isa at namangha talaga ko sa itsura nila. Ang gaganda ng ayos nila halatang mga nag pasalon pa.
"Kanina pa kayo?"
Tanong ko agad sakanila ng mabatid ko na sobrang badtrip na sila. Nakakunot na kase ang mga noo nila.
"Finally you're here Wincess!"
Bungad sakin ni Leni na naka cross arms pa. Well. 6:30 pm pa lang naman. I'm pretty sure that I didn't came too late. It just like... They're came too early.
Eto na. Kinakabahan na ko. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Papasok na kase kami ngayon sa gate, papuntang open gym kung san gaganapin ang acquaintance namin. Ang gaganda ng mga ayos ng mga freshman na nakikita ko, compared sa simpleng ayos ko. Yung iba medyo revealing pa ang dress, compared sa medyo conservative na dress na suot ko. Naka buffet din ang dinner namin. Ang sosyal diba? Pano ba naman hindi magiging sosyal, eh. Ang mahal ng binayad namin. Bwese! It was a simple, but nice place and event. May pa circle na space sa gitna kung san yun ang magiging dance floor, may mga upuan at table din na naka paikot sa dance floor.
Dumiretso kaming apat sa bakanteng table na nasa bandang harapan. Sabi kase ni Janelle ito na ang pinaka magandang pwesto para mapansin daw kami ng mga lalaking gusto kaming isayaw. Aasa pa ba ako na meron nga? Sabagay may mga itsura din naman kami. Not bad!
"Tamang-tama lang talaga tong pwesto natin" ani Janelle
"Very right! Pansinin ang pwesto natin" buong pang sang-ayon naman ni Kath
Ewan ko ba sa mga to. Wala na silang ibang ginawa kundi mag turo at mag hanap ng gwapo.
7 pm ng mag simula ang party. Nag simula na din ang kainan. Pumila ako kasama sila Kath. Ang sasarap ng mga pag kain. May iba't-ibang klase ng pasta, tulad ng bake mack, carbonara at macaroni salad. May vegetable salad din, taccus, bbq at club house, may chocolate fountain din na pwdeng isawsaw ang marshmallow at stick-o. Halos lahat ng klase ng pag kain kinuha ko talaga para naman masulit yung binayad ko. Minsan lang to kaya kelangan kong sulitin. Hihi!
"Asan na kaya sila?"
Bulong ko agad sa sarili ko ng bigla na lang mawala sa paningin ko ang mga kaibigan ko pag katapos nilang makakuha ng pag kain. Luminga-linga pa ko para hanapin sila sa paligid pero wala talaga sila. Napailing na lang ako. Naka-balik na siguro sila sa table namin. Hindi man lang nila ko hinintay.
Naka busangot akong nag lakad mag-isa pabalik sa table namin nang...
"Wincess? Ikaw ba yan?"
Napatalon ako at napalingon sa gilid ko. Bumungad agad sakin ang naka-todo ngising si Paolo. Napalunok ako ng makita kong kasama nya si Prixon. Damn! Nawala sa isip ko na freshman nga din pala sila. Pinilit kong ngumisi din, pero isang pilit na ngisi lang ang naibigay ko.
"Oh. P-Paolo?"
"Buti nag kita tayo dito"
Anong mabuti don? "O-oo nga eh"
Uminit ang pisngi ko ng mapansin ko ang pag pasada ng tingin nila sakin. Leche!
"Kaya mo ba talagang ubusin nyang nasa plato mo?"
Kumunot ang noo ko sa kay Prixon na naka-pamulsa ang dalawang kamay. He's wearing a simple black long sleeve na tinupi nya hanggang siko at black pants with black formal shoes. Naka taas din ang gulo-gulo nyang buhok at may suot syang shades kung san naka-tago ang mga mata nya.
He's quite cool. Damn it!
"Sinusulit mo talaga yung binayad mo, huh?" dagdag pa nya
Hindi ko nagawang umapila. Ewan ba! Pero parang tuyo ang lalamunan ko. Lumikot bigla ang mga mata ko. Nailang akong bigla hindi ko alam kung bakit. Shuck! Ang weird ko ngayon.
"Nakain mo na yata pati dila mo"
Humalakhak sya ng mahina kaya lumabas na naman ang dimple nya sa right chin. Tumaas agad ang isang kilay ko. Aba! Siraulo talaga.
"Pake mo ba? Sa nagugutom ko, eh!" Tumaas ang boses ko
Kaka-high blood talaga yung hinayupak nato!
"Anyways! You're pretty good tonight nice dress and make up"
Napawi ang inis ko sa sinabi ni Paolo. My God! Buti pa ang isang 'to, may sense ang mga sinasabi.
"Uhmm. Thanks" Uminit ang pisngi ko
Walang imik si Prixon, mabuti at hindi na sya kumontra, kundi baka nasapak ko talaga sya. Nag paalam na ko sakanila pag tapos non.
"Akala namin sa ibang table ka na napunta" sabi ni Kath, nang makabalik na ko
"Huh? H-hindi. Uhmmm nakalimutan ko kase bigla kung nasan tong table natin"
"Ah. Ganon ba?"
"Oo"
Exactly 8pm ng dumilim na ang buong paligid. Tanging ang pabilog na ilaw na puti na lang ang nag bibigay liwanag sa dance floor, habang nakatayo roon ang dalawang professor na tumayong emcee ng gabing ito.
"WELCOME Freshman!"
Nag hiyawan ang lahat sa paunang bati ng dalawang emcee. Bakas ang excitement sa buong venue.
"Thankyou very much for being here tonight!" sabi naman ng babaeng emcee
"Well. Are you excited? "
"Yes!" sigaw ng madla
"This night is for all of you so let's enjoy the party!"sabi naman ng lalaking emcee
"Wooaaah!"
Halos mabinge ako sa hiyawan ng lahat. Mga abno.
MAM
"Okay. Hold your breath..... Because now... the dance floor is Finally open!"
Kasabay nito ang pag tunog ng isang love song...
I do...I do...I... I do... I do......
All I am... All I'll be...
Everything in this world
All that I'll ever need...
Is in your eyes...
Shining on me...
Unang line pa lang ng kanta ay mas umalingawngaw na ang hiyawan sa buong lugar. Parang ngayon pa lang talaga mag sisimula ang acquaintance.
"OMG! This is really it! I'm too excited. Sino kayang maswerteng lalaking makaka first dance ko?" ani Janelle
May nag lahad agad ng kamay para maisayaw si Leni. Isang matangkad, moreno at may hitsura ang lalaking nag aya ng sayaw sakanya. Nag tilian kami ni Kath at Janelle. Tinanggap naman ni Leni ang kamay ng lalaki at nag tungo na sila sa dance floor. At dito ko nalaman mula kay Kath na criminology student ang lalaking yon at matagal na itong nanliligaw kay Leni.
"Excuse me?"
Isang malaking boses ang narinig ko mula sa gilid ko,kaya agad akong lumingon. Isang matangkad, moreno at cute na lalaki ang bumungad sakin. Naka ngiti sya sakin, habang nakalabas pa ang medyo may kalaliman nyang dimples.
"Shall we dance?"
Mabilis syang nag lahad ng kamay sakin. Nag tilian agad ang dalawang kasama ko. Uminit tuloy ang pisngi ko. Hindi agad ako nakagalaw o nakapag salita man lang. Napatunganga lang ako sakanya, habang pinag mamasdan ko ang gwapo nyang mukha. Sh*t! What a cute smile!
Nagising ako sa sariling ulirat ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako sa dance floor. Ramdam ko ang malakas na pag kabog ng dibdib ko. Dahan-dahan nyang inilagay ang dalawang kamay ko sa balikat nya at dahan-dahan din nyang inilagay ang kamay ko sa bewang nya. Damn! Naninigas ang buong katawan ko. Parang hindi ako makahiga sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Nakatingin lang ako sa mukha nya at dahan-dahan din nya kong tinignan.
"Are you okay?" medyo napa-kunot ang noo nya pero naka ngiti pa din sya sakin
"H-huh? Y-yes!" hilaw ang ngisi ko
"By the way I'm Raiko. Freshman student from the faculty of tourism"
Nyek! Ang formal naman non, masyado. So, tourism pala sya? Kaya naman pala napaka pleasant ng personality nya.
"Uhmmm. I'm Wincess. Freshman ako sa Political science"
"Oh. Really?"
Kinagat ko ang aking labi "Yeah"
"How interesting!"
Nambilog ang mga mata ko.
"A-ah! D-Do you think so?"
"Of course!"
Nag iwas ako ng tingin sakanya, hindi ko kase magawang tignan sya ng deretso at baka lalong mangatog itong tuhod ko. Pinilit kong hindi ipakita sakanya ang kilig na nararamdaman ko.
"Are you really, okay? You look so tense"
"W-what?" ayan, nautal pa ko
"Are you feeling awkward or something?"
Umiling ako "N-no! O-of course not!" Bumaba ang tingin ko "S-sorry"
"It's okay. No worries" He show his cute smile again!
Gosh! He really has the cute smile. First time kong walang bantay ngayon sa party kaya ito rin ang first time din may nag lakas loob na ayain akong mag sayaw kahit ngayon ko pa lang sya nakita. Kelangan kong sulitin ang gabing ito. Kelangan kong maisayaw lahat ng gwapo dito sa campus!
Hihihi! What a dirty thoughts Wincess!? No! no! no! no! STOP it Wincess! Akala ko ba si Franco ang gusto mo? Natutulad ka na yata sa kuya mo na madaming gusto. Shuck! No way! Bahagya ko pang inalog ang ulo ko. Teka? Gusto ko si Franco? Hays! Ewan.
"What's the matter?"
Tanong nya ulit sakin. Siguro iniisip na nya na nababaliw na ko!? It can't be! Umayos ka Wincess!
"W-Wala!"
Binigyan ko ulit sya ng isang ngiti. Ngayon ko pa lang sana mananamnam ang pag sasayaw namin pero badtrip talaga dahil bigla na lang naging rock ang kanta kaya napahinto kaming dalawa sa pag sasayaw.
"Oh! It's a rock music" dahan-dahan nyang tinanggal ang mga kamay nya sa bewang ko kaya ganon din ang ginawa ko "Sorry Wincess, but let me excuse myself babalikan ko lang yung mga barkada ko"
Naramdam ko ang biglang pag kirot ng dibdib ko. Pinilit kong bigyan sya ng isang ngiti kaso isang pilit na ngiti lang ang nagawa ko.
"Sige. Go ahead"
Ngumisi sya "Nice to meet you again"
"N-nice too meet you too"
"Let's meet again some other time"
"Okay"
Tumango na lang ako. Pumihit sya para talikuran na ako at tuluyan na nga syang umalis. Nakaramdam ako ng sobrang disappointment. Kinagat ko na lang labi ko sa inis. BADTRIP! Moment ko na sana yun eh!
SAYANG!
Bahagya ko pang nilingon yung ibang nag sasayaw sa dance floor. Uminit ang pisngi ko. Wala naman sigurong nakakita sa ginawang yon ni Raiko. Tsss...
Nawala na tuloy ako sa mood sumayaw lalo na ngayon rock pa yung music at mag isa lang naman ako dito ni hindi ko alam kung nasan na ba yung mga kaibigan ko. Sigurado may kasayaw na din yung mga yon.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi ako makagalaw sa mga oras na'to kaya nanatili lang muna ako sa ganong posisyon.
~
Song used:
'I do'
By: 98 Degrees