Kabanata 11: Let's dance

1664 Words
-Prixon's POV- Nakaalis na si Wincess, napatingin ako sa sahig isang necklace ang agad umagaw sa pansin ko doon. Napakunot ang noo ko saka ko mariing tinitigan ang necklace. Yumuko ako at kinuha ito. "Ano yan?" tanong agad ni Paolo ng mapansin nyang pinulot ako "Necklace" tamad kong sagot "Nino?" "Baka kay Wincess?" "Huh? Panong naging kay Wincess yan?" Nag kibit balikat lang ako sakanya at pinakita ko ang necklace. 'W' kase ang nakalagay sa pendant nito kaya malamang sakanya nga talaga to. "Tara isoli natin sakanya" biglang sambit ni Paolo Napangiwi ako "Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw na lang" "Ikaw na. Tutal ikaw naman nakapulot, eh!" Tumaas ang isang kilay ko "No way!" Iritado ko syang iniwan, naramdaman ko ang pag sunod nya sakin, kaya hindi ko na sya nilingon pa. Nag desisyon akong pumila na lang sa cater para makakuha ng pag kain. Ngumuso si Paolo sakin na parang may tinuturo sya sa dance floor, habang pabalik na kami sa table. Kumunot ang noo ko nang matanaw ko si Wincess na may kasayaw roon sa bandang gilid ng circle, halos ilang hakbang lang ang layo mula samin. Boyfriend nya kaya yung lalaking yun? MALAMANG PRIXON! Ano naman pake mo ngayon? Nakaramdam ako bigla ng pag kairita, ewan ko kung bakit. Nawala tuloy ako bigla sa mood. Naupo na kami ni Paolo sa tatble namin. Naging rock na ang sound kaya mas umingay sa dance floor. Napa-tingin ulit ako pwesto nila Wincess. Naka tayo lang silang dalawa ng 'boyfriend' nya habang nag uusap. Lumiit ang mga mata ko at nabuo ang tanong sa isip ko ng umalis na lang bigla ang lalaki at iniwan nyang mag isa roon. Ngumisi ako at napailing. She's quietly alone on the dance floor. Nag away ba sila ng boyfriend nya? At bakit ba curious ako? Sh*t! I don't care anyways! "What are you looking at?" Halos mapatalon ako sa tanong na yon ni Paolo kaya nilingon ko sya. Nakatingin na din sya roon. F*CK! Sh*t! Nahuli ba nyang nakatingin ako kay Wincess? Pinag pawisan ako ng malamig ng harapin ako ni Paolo at ngumisi sya sakin. Isang nakakalokong ngisi. Mukang alam ko na ang nasa isip nya. Mahina nyang tinapik ang balikat ko, naka-ngising aso pa din ang siraulo "Puntahan mo na. Nang maisoli mo na din yang necklace nya" Kumunot ang noo ko "Ayoko nga!" "Wag ka ng mahiya" nagulat ako ng bahagya nya kong itulak "Ano ba?!" iritado na ko Itinulak nya pa ulit ang likuran ko, hanggang makarating kami sa dance floor. Hinarap ko at tilulak ko rin pabalik, kaya ang ending ay nag katulakan na kami. Natigilan ako, nang may mabangga ako. "S-sorry-" Namutla ako ng makita ang madilim na mukha ni Wincess. Sh*t! Nag katinginan kami. Wala ni isa ang kumibo samin, basta nakatingin lang kami sa mata ng isa't-isa. Naramdaman ko ang dahan-dahang pag hakbang ni Paolo palayo samin, kaya mabilis akong pumihit para lingunin sya. F*ck! Loko talaga tong Paolo na'to! Lagot ka sakin mamaya! Wha- wait! Sa gilid ng mga mata ko ay si Wincess na nag martsa na paalis. -Wincess's POV- "S-sandali" narinig kong sabi ni Prixon kaya huminto ako Sh*t! Lilingon ba ko? Ako ba yung kausap nya? Kainis! Gusto ko na lang mag diretso sa pag lalakad at iwan sya pero bwesit! Kung ako nga yung kausap nya sobrang curious talaga ako ngayon sa kung ano ang sasabihin nya. BAHALA NA! Haharapin ko sya. Dahan-dahan pa ang pag pihit ko para ligunin sya, pero leche! Pag harap ko sakanya bigla na lang syang tumingin sa kawalan. Nag papanggap pa ang mokong na hindi sya nakatingin sakin kanina. Pakiramdam ko para akong bulkan na anytime ay sasabok na. "May kelangan ka?" mataas ang tono ng boses ko Nag sayaw bigla ang mga mata nya. pabalik-balik sa dalawang mata ko "ah... K-kase..." nauutal pa ang loko Problema ng lalaking to? Kairita na. "S-sayo to diba?" Halos lumuwa ang mga mata ko ng makitang hawak nya ang necklace ko kaya mabilis kong kinapa ang leeg ko at dito ko napag tanto na wala na nga ang aking necklace. OO! Sakin nga yung necklace na yon. Pero bakit na sakanya? Ibinalik ko ang mga mata ko sakanya. Tinignan ko sya ng puno ng pag tataka. Nakatingin din sya sakin, tila hinihintay nya ang pag sasalita ko pero hindi ako kumibo kaya sya na ang unang nag salita. "Napulot ko kanina nung nakausap ka namin ni Paolo. Naisip ko na baka sayo to kase 'W' ang nakalagay sa pendant" paliwag pa nya "Oo sakin nga yan" matabang kong sabi Tumindig bigla ang balahibo ko at kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang dahan-dahan syang lumapit sakin gamit ang seryoso nyang ekspresyon. Damn! Ano tong nararamdaman ko ngayon? Sobrang awkward talaga ang mga tingin nya. Tinanggap ko ang necklace na iniabot nya. Hinanap ba talaga nya ko para isoli ang necklace ko? IMPOSIBLE naman yata yon! Ang hinayupak na'to? Hindi sya ganon kabait para gawin pa yon, pero minsan na nga din pala syang naging mabait sakin noon... Okay sige isang beses noon, naging mabait din sya sakin....SA BUS? "Thanks-" natigilan ako ng mapalitan ng love song ang rock music kanina. And as I look into your eyes I see an angel in disguise Sent from god above For me to love To hold and idolize Unang line pa lang ng kantang 'Like a rose' ay nag katinginan agad kaming dalawa. Tumindig talaga ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko ay pinag papawisan ako ng sobrang lamig ngayon. AWKWARD! Sobrang awkward talaga nito. Bullsh*t! Ang seryosong tingin nya sakin na nakakatunaw na sinabayan pa ng nakaka-inlove na love song ang nag papanginig at nag papalambot ngayon sa mga tuhod ko. Damn! Kanina lang irita ako sakanya tapos ngayon nahuhumaling na ko sa kakisigan nyang taglay? STUPID WINCESS! Lumubog ka na lang sa lupa malantod ka! Niyukom ko agad ang naka half open kong bibig. Oo, naiinis ako sakanya, pero babae parin naman ako, tulad ng iba, talagang naga-gwapuhan din naman ako sakanya. Nakakainis yung feeling na yon, yung feeling na hindi ko yon maitanggi sa sarili ko. HE'S DAMN HOT! Kaya hindi nakakapag taka na madaming nag hahabol sakanya. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa mga titig nya, sigurado ko na sobrang pula na nito ngayon. Bumaba ang tingin ko. Kelangan ko na kaseng gumising sa katotoohanan. KATOTOHANAN NA HINDI KO DAPAT NAKIKITAAN NG KAPURI-PURI ANG LALAKING 'TO! "S-salamat ulit" pambasag ko sa katahimikan "alis na ko"di pa din ako makatingin Pumihit ako para talikuran sya. Natigilan din akong bigla ng maaninag ko si Justin. Ang kababata ko na halos isang taon din nanligaw sakin noon. Oh yes! Almost 1 year syang nanligaw sakin DATI. At bakit hindi naging kami? Simple lang, dahil kay kuya William. Hindi na kase nya kinaya ang araw-araw na pag papahirap ni kuya sakanya. One morning, he woke up and realize that he can't even take kuya William's conditions anymore. Kaya sa huli kahit na gusto ko na din sya non. HE GAVE UP! He gave up on me! Nasa 5'8 ang height nya, mistiso, chinito at matangos ang ilong. Lalo akong nanlambot ng makitang papalapit sya sa dance floor kung san kami nakatayo ni Prixon. May maganda at sexy na babae syang kasama, naka palupot pa ang isang kamay nya sa bewang ng babaeng iyon habang nag lalakad sila papalapit. Ewan ba pero sobrang lakas na ngayon ng kabog ng puso ko. At sobrang natataranta talaga ako habang nakatingin ako sakanila. Almost, 2 years na din ng huli ko syang makita at hindi ko talaga in-expect na makikita ko sya ngayon dito. As in hindi talaga! Ngayon ko lang sya nakita kahit nasa iisang university lang pala kami? Nakakatawa! Gusto kong humalakhak ngayon sa katangahan ko. Ilang hakbang na lang ang layo nila samin sh*t! Hindi naman kelangan pero parang gusto ko syang iwasan, gusto ko syang takbuhan, gusto ko syang taguan. Basta ayoko syang makaharap! I'm not ready yet! Pumihit ako at humarap ulit kay Prixon para itago ang mukha ko kay Justin. Nilingon ko si Prixon para tignan ang ekspresyon nya, seryoso pa din ang mukha, naka salubong ang kilay nya na nakatingin sakin at halata ang pag kairita nya. Kitang-kita din ang pag tataka nya dahil sa mga kilos ko. Ganon ba talaga ka obvious na madami akong pinag dadaanan ngayon? Nyeta naman talaga ko! "What?" iritadong tanong nya sakin Kinagat ko lang ang labi ko saka ako yumuko. Hindi ko alam ang idadahilan sakanya. Sobra na kong natataranta. "May problema ba?" Mas mahinahon nyang tanong sakin, Nag angat ako ng tingin sakanya. Mas maaliwalas na din ngayon ang mukha nya na kanina ay sobrang naiirita sakin. Lumunok ako at nag isip ng idadahilan sakanya, pinilit kong mag salita kahit pakiramdam ko ngayon ay may nakabara talaga sa lalamunan ko. "Ah. K-kase! Uhmmm...." napapikit pa ko bago mag patuloy sa pag sasalita "Let's dance?" F*ck! Ano bang sinasabi mo Wincess!? Napaka BOBO mo talaga! Nakakahiya ka!!! "Huh?" Ramdam na ramdam ko talaga ang pag init ng mga pisngi ko. Hindi ko din malaman kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang yon. Mga salitang pwdeng sumira sa buhay ko ngayon! Sh*t!Puro kahihiyan na lang talaga ang nanyare sakin ngayon. Yumuko na lang ako para makaiwas kay Prixon. Alam ko naman na hindi sya papayag sa stupid na alok ko. Please lupa. Lamunin mo na lang ako ngayon! I'm begging you. PLEASE! "Wincess?" Napatalon akong bigla ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon ni Justin. Sobrang tumaas talaga balahibo ko sa malalim na boses nya. "Sh*t!" bulong ko pa pero hindi ko sigurado kung narinig pa yon ni Prixon gayong mag kaharap lang kami ngayon. Lalo tuloy akong nataranta. Lumikot ang mga mata ko at hindi ko magawang lingunin si Justin sa likuran ko. Damn! F*ck! Sh*t! Puro malulutong na mura talaga ang nasabi ko sa isip ko. Mukang ito na ang katapusan ko. "Let's go? ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD