"Let's go?"
Tumindig ang balahibo ko sa sinabing yon ni Prixon, kaya mabilis akong nag angat ng tingin sakanya. Isang nangungusap na mga mata ang nakita ko sakanya. Mukang gets nya ang kalagayan ko. Kuminang talaga ang mata ko at bahagyang napangisi.
He save me? He really save me? FOR REAL?
Mabilis nyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Parang may kuryenteng gumapang sa buong sistema ko. Pinilit kong mag lakad kahit sobrang nangangatog na ang mga tuhod ko. Ramdam na ramdam ko din ang malakas na pag kabog ng dibdib ko. Uminit lalo ang pisngi ko ng makita ko na halos lahat ng mga babaeng nadaraanan namin ay laglag talaga ang panga na nakatingin kay Prixon. Kitang-kita sakanila ang matinding pag hanga kay Prixon at matinding disappointment pag nababaling na sakin ang mga tingin nila. Parang kinukulam nila ko sa mga tingin nila.
Sa bandang gitna ng dance floor kami huminto. Tahimik lang ako at nakaiwas pa din ng tingin sakanya. Nanginig talaga ang buong kalamnan ko ng dahan-dahan nyang inilagay ang dalawang kamay ko sa balikat nya at tumaas ang mga balahibo ko ng ilagay naman nya ang dalawang kamay nya sa baywang ko.
OH MY GOSH! This is so awkward! Sigurado ako na sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Kasing pula na nag kamatis. Kumpara kase kanina nung nag sayaw kami ni Raiko mas kabado ako ngayon at mas malakas ang kabog ng dibdib ko, mas nangangatog ang tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil pa din ba 'to kay Justin o dahil kay Prixon o baka naman kaya talaga ganito ang nararamdaman ko ngayon kase ang kaaway ni kuya ang kaharap ko hindi dahil sya si Prixon Isaac Evans!
"Madani ka ng utang sakin" pang basag nya sa katahimikan naming dalawa
Mabilis naman akong napalingon sakanya "Huh?"
"Una binalik ko yung necklace mo, pangalawa niligtas kita sa pinag tataguan mo"
Napakunot bigla ang noo ko "Wala akong pinag tataguan no!" inirapan ko pa sya
Umiling naman sya saka ngumisi sakin "Indenial?"
Napamaang na lang ako sakanya. Ito na yata yung first time na makita ko ang ngiti nya ng ganitong kalapit. Pinag masdan ko ang magandang dimple nya sa right chin nya na katulad ng dimple ni 'Lea Salonga' at ang ganda ng ngipin nya na halatang alaga ng dentista.
Nanlambot akong bigla sa ngiting yon. Tumingin na lang ako sa kawalan para mag iwas ng tingin sakanya.
"No. wala talaga kong iniiwasan" sagot ko sa tanong nya kanina
"Siguro ex mo yon no?"
"Of course not!" mataas pa ang tono ng pag kakasabi ko sakanya, at ako pa ang galit huh?
"Wala ka naman palang iniiwasan eh. Edi hindi na pala kita kelangan i-rescue"
Tumaas bigla ang isang kilay ko "Sino bang nag sabi na kelangan ko ng rescue mo!?"
Napataas ding bigla ang kilay nya sa sinabi kong yon "Okay fine!"
Kumalas agad sya sa pag kakahawak sa baywang ko na ikinalaglag ng panga ko. Seryoso na naman ang mga tingin nya. Nakaramdam tuloy ako bigla ng hiya, parang gusto ko na namang kainin na lang ako ng lupa ngayon. Nanginginig kong tinanggal ang mga kamay ko sa balikat nya.
"I have to go" seryosong sabi pa nya sakin
Parang may biglang kumurot sa puso ko ng sabihin nya yon. Nyeta! For the second time maiiwan na naman ako sa ere!
"Huh? S-sige o-"
Hindi na nya ko pinatapos sa pag sasalita tinalikuran na agad nya ko. Laglag na naman ang panga ko dahil sa ginawa nyang yon. Halos mag diwang naman yung mga babaeng naka-saksi sa nanyareng yon.
"Kakahiya iniwan ng date nya"
"Duh! Feeling maganda kase buti nga sayo!"
"Tama! Feelingera!"
Ay wow! Halos kumulo ang dugo ko dahil sa pag iwan nya sakin at dahil na din sa mga bulong-bulungan ng mga mahaharot na babaeng kanina pa nanunuod samin. Bwesit! Makakapatay talaga ko. Ang kapal ng face nyang iwan talaga ko dito!
"May hindi ba magandang nanyare? Kanina ko pa kase napapansin na wala kang kibo"
Pang bungad ni kuya sakin ng makauwi na kami ng bahay. Saktong 10:30 pm kase ay sinundo na din nya ko tulad ng napag kasunduan. Naupo ako sa sofa namin. Nag kibit balikat ako sakanya
"Wala kuya. Napagod lang siguro ko"
"Madami sigurong nag sayaw sayo no?" nakangising biro pa nya sakin
"Hindi naman gano" tamad kong sagot sakanya
"Sino first and last dance mo?"
"Kuya!"
"Oh bakit?" aniya na natatawa pa
Inirapan ko sya "Bakit kase pati yon tinatanong mo pa?"
"Sabi kase nila kung sino daw ang magiging first dance mo yun daw yung tayong iiyak sayo at yung last dance mo naman sya yung taong iiyakan mo"
"Seriously kuya? Naniniwala talaga si William Ken Alcantara sa mga ganon?" humalakhak ako
Grabe nakakatawa talaga! Sumakit talaga ang tyan ko kakatawa sakanya. Ngayon ko lang napag tanto na seryoso din pala si kuya sa mga ganitong bagay? Kaloka!
"Totoo yon no!"
"I don't think so" natatawa pa din
"Remember nung nag JS Prom ka before si Justin yung first dance mo diba?"
Napawi agad ang ngisi ko. Damn! At talagang pinaalala pa nya no? Bweset talaga! Oo sya nga. Sya nga yung first and last dance ko non. At totoo nga na umiyak sya sakin at umiiyak din ako sakanya. But it doesn't mean na totoo yon. NEVER! Imposible naman na iyakan ko si Prixon no! Duh! Baliw lang yata ang maniniwala sa mga ganong kasabihan. At isa na si kuya William sa mga baliw na yon.
Kinusot ko ang mata ko kinabukasan ng magising ako. 6 am pa lang non. Halos 4 hours lang ang naging tulog ko. Nahirapan kase ko matulog kakaisip sa mga nanyare sa lintik na acquaintance na yon.
Una naiisip ko ang cute na smile ni Raiko, pangalawa nung makita ko ulit si Justin at yung pangatlo.... yung si Prixon. Bat ba kasama sya? Kainis!
"Goodmorning mi." pambungad na bati ko ng makababa na si Mommy galing sa kwarto nya
"You don't have classes right? Why you woke up so early?"
"Matutulog naman po ulit ako mamaya"
"Ah. Okay. So let's eat"
Napangisi ako. After a month parang ngayon ko na lang ulit nakasabay sa pag kain si mommy. Sya na kase yata ang pinaka busy'ng tao sa buong mundo. Hihi! Medyo oa. Kahit sunday ngayon may trabaho pa din sya. Nang matapos na kami sa pag kain umalis na agad si mommy kaya ako naman bumalik ulit sa kwarto ko para matulog.
Lunes na. Wala pa din akong kagana-gana para akong lantang gulay na naka-dukdok sa arm chair ko at nag hihintay ng prof. Sila Kath naman ganado sa kwentuhan nila. Hot topic pa din syempre yung mga nakasayaw nila nung acquaintance namin. Ayoko namang makisali pa sa kwentuhan nila. Para san pa? Eh. Wala naman akong magandang maikukwento. Maliban sa dalawang beses akong iniwan ng lalaki sa dance floor at yung nakita ko ulit yung lalaking hindi pa ko ready na makita. Isn't funny?
-Prixon POV-
Napabuntong hininga na lang ako. Topic na naman ng lahat ang walang katapusang acquaintance namin. Wala naman akong magandang experience sa lintik na acquaintance na yon. Isa lang naman kase yung babaeng naisayaw ko tapos napilitan pa ko!
Class dismissed na. Hanggang 4 pm lang naman kase yung klase namin. Pero kelangan ko pang maiwan dito sa classroom namin
kasama yung apat na kagroup ko para sa research na gagawin namin.
4:45 pm ng sa wakas matapos ang boring group meeting namin. Sobrang inantok ako don.
Nag mamadali akong lumabas ng classroom namin para makauwi na ko agad. Kanina pa kase ko uwing-uwi! Sa 4rth floor ang classroom naming mga freshman kaya bago pa ko tuluyang makababa ng 1st floor ay madadaanan ko muna halos lahat ng classroom ng mga COE pati na din yung classroom ng William na yon! Diretso lang ako sa pag lalakad at ngingiti lang ng bahagya sa bawat maririnig kong pag tawag ng mga babae sa pangalan ko o di kaya pag nag hi-hi sila sakin. Nasa first floor na ko. Palabas na sana ko ng COE Building ng mapansin ko sa tapat ng building namin si Wincess na nakaupo sa isang bench. May suot syang ear phones sa tenga nya at may hawak syang gitara. Napangisi ako. Astig pala nyang tignan. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala sya sa music? Sa bagay pano kong malalaman yon eh. Hindi naman kami close, pero anong na naman kayang ginagawa nya dito sa building namin?
Is she's waiting for her boyfriend? Again? Well I don't even care!
Napailing na lang ako saka ko ginulo ang buhok ko. Aalis na sana ko pero halos mapatalon ako ng isang familiar na boses ang narinig kong tumawag sa pangalan nya kaya agad ulit akong napalingon sa side ni Wincess. Laglag ang panga ko ng makita ko na si William Alcantara pala ang lalaking may familiar na boses na yon. Nakatayo sila ni Franco malapit sa inuupuan ni Wincess.
So, they know each other? Really? Kung ganon sila ang pinupuntahan ni Wincess dito sa COE building? Pero bakit?
Dami ko talagang tanong. Curious na curious ako. Bwesit!
"Ang tagal nyo" ani Wincess na na nakanguso pa saka nito kinuha ang bag nya na nakalapag sa bench at nag lakad palapit sa dalawa
"Sorry. Kanina ka pa ba?" sabi ni William na ipinatong pa ang kamay sa ulo ni Wincess
"Oo. Kanina pa! Nagugutom na nga ako,eh!"
"Wag ka ng mainis! tara kain muna tayo"
"Gusto ko sa Japanese restaurant tayo"
"Next time na lang tayo mag Japenese food"
"Ay. Pero gusto kong kumain nung ngayon, sige na please? Please? Please?"
"Oo na sige. Hindi naman kita matitiis eh! Tara na?" sabay akbay pa ito kay Wincess
Ginulo ko ulit ang buhok ko at dumilim ang mukha ko. Sh*t! So hindi lang pala sila basta mag kakilala? Kung ganon si William pa yung boyfriend nya? Coincidence nga lang ba to? Na si William pa pala ang boyfriend nya?
Napatalon ako ng biglang dumating ang nakangising si Paolo.
"Anong tinitignan mo dyan?" aniya na tumingin din sa side kung san ako nakatingin
"Wala!"
"Woah! si William at si Wincess ba yon?" medyo oa pa ang reaksyon nya
Super sweet pa ng dalawa! naka kapit si Wincess sa braso ni William saka sila sabay na nag lakad paalis.
"Oo" matabang kong sagot
"B-Bakit sila mag kasama?"
"Ewan ko! Baka si William yung laging pinupuntahan ni Wincess dito" Hindi ko na maitago ang inis sa tono ko
"S-so boyfriend nya si William?"
"Obviously yes!" Kita naman diba!?
Nag simula na ko sa pag lalakad. Minsan talaga kairita din tong si Paolo!
"Wuy! San ka ba pupunta!?"
"Uuwi na" sagot ko naman sakanya ng hindi man lang sya nililingon
"Hintayin mo ko!" tumakbo pa sya ng bahagya para mahabol ako. Ngumisi pa sya sakin "So, si Wincess na pala ang next target mo? How exciting!" sabi na naman ni Paolo habang naka akbay pa sya sakin at naka todo ngiti
Aba! Ang loko na'to! Mabilis kong tinanggal ang kamay nya sa balikat ko.
"Anong next target ba yang sinasabi mo?" iritado na talaga ko
"Diba, nga yung ex ni William na si Monica jinowa mo para lang ma-bwesit mo si William? Edi ngayon jowain mo ulit si Wincess para lalo mong ma-bwesit yung William na yon"
"Ayoko nga!"
"Bakit naman? Eh. Mukhang kayang-kaya mo naman maagaw si Wincess"
"Ayoko sabi eh! Kung yung Wincess lang na yon wag na lang"
"Bakit ba inis na inis ka sakanya?"
BADTRIP naman talaga oh! Hindi ko nga din alam kung bakit inis na inis ako sakanya eh!
"Dami mong tanong!"
"Okay! Sige. Kung ayaw mo may second choice ka pa naman"
"Second choice?"
"Oo. Yung kapatid ni William"
"What?"
Agad nag salubong ang dalawang kilay ko. Ano bang pinag sasasabi ng loko na'to!? Naka drugs na yata.
"Balita ko super chix daw ang kapatid ni William Alcantara. Tiwala ako na maaakit mo yon"
Binatukan ko agad sya "Siraulo!"
"Sigurado naman ako na ikaw na yung panalo sainyo kapag yung kapatid nya yung naging girlfriend mo" confident pa na sabi nya. Malaki talaga pananalig nito sakin
"At gano ka naman nakaka-sigurado don?"
"Syempre sigurado ko na yung kapatid pa din nyang babae ang pinaka importante sakanya kesa sa mga chix lang nya"
Napaisip akong bigla. Sabagay may point naman talaga si Paolo. Mas gugustuhin ko na yung kapatid ni William kung saka-sakali kesa sa Wincess na yon!
~