BORING!
Kaninang umaga pa talaga ko wala sa mood. Wala akong ibang ginawa kundi tumingin sa kawalan. Kabaligtaran nitong si Paolo na punong-puno ng energy sa katawan. Nag enervon yata ang isang 'to.
"Ano Prixon? Tara na kaseng mag bar!" aniya habang nag lalakad kami malapit sa court
"Next time na nga lang. Wala talaga ko sa mood ngayon"
"Sigurado ko mamaya pag naka tikim ka na ng alak gaganahan ka na nyan. Tara na!"
"Next time na lang talaga-"
Naputol bigla ang pag sasalita ko ng isang bola sa basketball ang tumama sa braso. Kaya mabilis akong napalingon sa grupo ng mga kalalakihan na nag lalaro sa court. Napangiwi ako ng makita ko ang nakangising si William na isa pala sa mga nag lalaro. Kumulo agad ang dugo ko ng makita sya. Aba! G*go to,ah! Siguradong sinadya nya ang pag hagis ng bola sakin!
"Tao pala. Akala ko puno lang" ani William na nag evil smile pa sakin,habang nasa tatlong hakbang na lang ang layo namin sa isa't-isa. Demonyo talaga ang siraulo
I smirked at him, kahit sobrang gusto ko na syang birahin agad. Kinuha ko ang bola na nasa paanan ko.
"Ito ba yung kelangan mo?" sabi ko pa inihagis na ito sa malayo "Sundan mo na yung bola don, tutal mukha ka namang aso!" dagdag ko pa sakanya
Bumakas agad ang inis sa mukha nyang mukhang tanga "Anong sabi mo?"
Sabagay pikon naman talaga ang lalaking to kahit kelan! Lumapit sya sakin agad nya kong kinwelyuhan. Nakatunganga lang si Paolo pati si Franco at ibang mga kalaro nila sa basketball. Wala sa kanila ang gustong mangialam sa tensyon na nabubuo ngayon samin ni William.
"Masyado ka talagang mayabang! Kung gusto mo, don tayo sa labas dun mo ilabas ang yabang mo!" aniya sabay bitaw sa kwelyo ko at tumalikod na ito sakin
I fake my smile "Bakit hindi pa dito?"
Napahinto sya "Wala ka naman kaseng iniingatang pangalan dito sa university katulad ko. Kaya dun tayo sa labas!"
"Balita ko maganda ang kapatid mo. Naisip ko tuloy imbis na yung girlfriend mo ang agawin at jowain ko, bakit hindi na lang yung kapatid mo diba?"
"Anong sabi mo!"
Mabilis nya akong hinarap gamit ang madilim nyang mukha. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya. Now I know his weakness... HIS SISTER!
Mabilis ang pag matsa nya palapit sakin at muli akong kinwelyuhan mas mahigpit ngayon ang pagkaka-hawak nya sa kwelyo ko.
"Binabantaan kita! Subukan mo lang lapitan ang kapatid ko!" gamit nya ang pinaka galit na tono nya
Ngumisi lang ako sakanya "Talaga? Dahil sa banta mong yan mas gusto ko tuloy subukan"
"F*ck you!" mabilis syang nag makawala ng isang malakas na suntok sa mukha ko na naging dahilan para mapaupo ako sa lapag
Mahapdi ang sundok na yon pero hindi yon dahilan para hindi tapusin ang laban na'to! Mabilis kong pinunasan ang labi kong may dugo. Tangna! Sinugod ko din sya ng isang suntok. Dito na nag simulang tumakbo palapit samin si Paolo at ang mga kasama ni William para awatin kami.
"Bitawan nyo ko! Papatayin ko ang hayop na yan!" Sigaw ni William sakin, habang hawak-hawak ni Franco at ng isang lalaki ang mag kabilang braso nya. Halos lumabas ang mga ugat nya sa ulo at leeg dahil sa galit. Ganito sya ka apektado dahil sa kapatid nya? Dumami na din ang mga taong nanunuod samin halos mag kagulo at mag tilian lahat.
"Tama na yan William. Baka ma-dean's office ka nyan!" ani Franco
"Bitawan mo ko! Walang pwdeng bumastos sa kapatid ko!"
"A-anong sabi mo? Binastos nya si-"
"Yes! I did" ngumisi ulit ako
Dumilim bigla ang mukha ni Franco "Hayop ka!"
Pag kasabi nyang yon ay sinugod na rin nya ko ng isa pang suntok sa mukha. Mabilis naman syang binawian ni Paolo. Mas nataranta ang mga estudyanteng nakakita samin dahil apat na kaming nag susuntukan ngayon.
Ako naman ngayon ang nag kwelyo kay William saka ko sya binigyan ng isang suntok sa mukha, bumawi naman din sya agad ng isang sundok sakin. Mabilis ko din syang binawian ng isang sipa sa kaliwang binti nya kaya bahagya sayang napaatras. At nang susugod na sana ulit sya sakin ay nagulat na lang ako ng bigla na lang humarang si Wincess sa kanya. Hingal na hingal pa ito. Halatang tumakbo sya papunta rito.
"Tama na yan!" pumiyak ang boses nya, habang mahigpit ang hawak nya sa isang braso ni William
"Umalis ka na dito! wag kang makialam" sigaw ni William na bahagya pang itinulak si Wincess palayo
Pero masyadong makulit si Wincess. Hindi ito umalis pilit pa din nyang pinipigilan si William. Dalawang braso na ni William ang hawak nya habang paatras nya itong tinutulak. Napatunganga lang ako sakanila. Nagawa ko pang pasadahan ng tingin ang mukha ni Wincess na ngayon ay may luha na sa pisngi.
"Hayaan mo lang ako. Tuturuan ko lang ng leksyon ang lalaking yan!"
"Tama na nga! Umuwi na tayo!"
"Ayoko!"
"Kuya!" mariing sabi nya
Tumindig ang balahibo ko sa sinabi nya.
KUYA!? Tama ba yung narinig ko 'kuya' ang sabi nya? Kung ganon kapatid sya ni William at hindi girlfriend? Sya ang kapatid ni William? Mag kapatid sila? Hirap na hirap akong iproseso sa isip ko ang mga bagay na nalaman ko ngayon.
"Anong nanyayare dito?"
Boses iyon ng isang professor na hindi familiar sakin. Siguro ibang course ang hawak nya. Napahinto kaming lahat maging si William at Wincess. Hindi pa man ako nakaka-get over sa nalaman ko tapos ito na naman!
2 days suspended kaming apat sa klase bilang first warning. Sabi ng dean namin isang beses pang manyare 'to at maki-kick out na kami. KAINIS! Kami ni Paolo ang unang lumabas ng dean's office, habang si Franco at William ay naiwan pa sa loob. Ako ang unang lumabas ng pintuan kasunod ko si Paolo. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sakin si Wincess na nag hihintay kela William. Nag iwas agad sya ng tingin at yumuko ng makitang ako ang palabas ng pintuan. Namumula ang pisngi nya, at kitang-kita ang pagka taranta sakanya dahil sa pag kutkot na ginagawa nya sa kuko nya.
Nairita na naman akong bigla. DAMN! Napailing na lang ako, at nag diretso na sa pag lakad.
"Andito na po ko"
"Anong nanyare dyan sa mukha mo?"
Bungad agad sakin ni mama. Napansin agad nya ang pasa ko sa mukha. Kainis! Lahat talaga napapansin nya.
"Wala po to"
"Nakipag away ka na naman?"
"Hindi po ma. Akyat na po ko"
"Teka kinakausap pa kita , huh?"
"Hon. Hayaan mo munang makapag pahinga yung anak mo"
"No! Kelangan kong malaman kung anong nanyare at may pasa sya sa mukha"
"Hon. Your son is old enough to look after himself"
"Pero lagi na lang syang nai-involved sa away?"
"Part yon ng growing up nya"
"Kaya lumalaki ang ulo ng batang yan dahil kinu-kunsinti mo!"
Kahit andito na ko sa taas rinig ko pa din ang galit ni mama. Hindi nya talaga pwdeng malaman na 2 days suspended ako. Kundi lagot talaga ko! Sa totoo lang mas istrikto pa talaga si mama kesa kay papa, si papa kase ang kasundo ko sa lahat ng bagay. Lagi din nya kong pinag tatakpan kay mama, sabi nya kase nung kabataan nya parehas lang kami kaya naiintindihan nya ko. Kaya nga sya ang idol ko. At kaya gusto ko din maging isang engineer tulad nya. 2 years old pa lang ako nung iniwan kami ng biological father ko na isang british. Ang sabi ni mama sakin non umuwi lang yung papa ko sa England para dalawin yung mga kamag-anak nya pero hindi na ulit sya bumalik dito sa Pilipinas. 7 years old naman ako ng mag pakasal si mama at ang step father ko ngayon.
Wala akong ganang kumain kaya maaga akong nahiga para sana matulog na pero ayaw naman akong dalawan ng antok. Naiisip ko pa din ang nalaman ko kanina. Kaya pala nakakainis din ang Wincess na yon kase isang dugo lang ang dumadaloy sakanila ni William Alcantara! B*llsh*t!
~