Kabanata 14: Wincess Jane Alcantara

2268 Words
Wala akong balak na ipaalam pa kela mama ang 2 days suspension ko maha-high blood lang yon lalo sakin kaya 4 pm pa lang ay gumayak na ko para maka-alis na agad ako ng bahay namin bago makauwi sila mama. 5pm to 9pm kase ang alam nilang pasok ko ngayon. Sakto! Mag ba-bar ako mag papalipas ng oras mag-isa. Hindi kase pwde si Paolo ngayon, ang g*go kase kung bakit ba naman pinaalam pa sa mama nya yung suspension nya kaya 2 days din syang grounded sa bahay nila. Kulang talaga sa diskarte! Tsk. Saktong 5 pm ng makarating ako sa bar na madalas naming tambayan. Wala pa yung mga makukulay na ilaw kase wala pa namang katao-tao. Kadalasan kase 7 pm to 12 am ang dagsa ng mga tao dito. Humanap ako ng magandang pweste, nanlaki bigla angga mata ko ng isang lalaki ang nakaupo mag isa sa bandang gitna ng bar. Isang familiar na lalaki. Hindi ako sigurado pero mukhang si Minton ang lalaking yon kaya para makasigurado ay dahan-dahan ko syang nilapitan. Napangisi pa ko nang marealize kong sya nga yon. "Minton?" Mabilis naman nya kong nilingon "Prixon?" Hinawakan ko sya sa balikat nya "Bakit parang gulat na gulat ka?" nakangising tanong ko pa sakanya, medyo nanlaki kase ang mga mata nya Sya ang pinsan ni Calvin Barcelo na kaibigan din naman ni Paolo. Hindi kami ganon ka-close nitong si Minton kase naman bihira sya makihalobilo samin pag nag pupunta kami non sa bahay nila pero nag kakausap naman kami minsan pag may kelangan lang itanong mga ganon. Suplado din kase 'to eh. Medyo mag kaugali din kase kaming dalawa. Ngumisi sya sakin "Hindi naman. Maupo ka" "Sinong kasama mo?" saka ako naupo sa tabi nya "Uhmmm. Wala! Ako lang. Eh, ikaw wala ka yatang kasama?" Napakamot ako ng ulo "Busy sila eh. Tapos badtrip pa sa bahay kaya ako na lang!" "Kung ganon tayo na lang uminom" "Aba! Gusto ko yan. Ngayon lang kita makakaharap sa inuman" saka ako ngumisi sakanya "mukang nakarami ka na huh?" "Nakaka tatlo pa lang ako" Nakangisi sya pero halata sa mga mata nya na problemado talaga sya kaya nag usisa agad ako kung babae nga ba yung problema nya base sa hula ko. Minsan talaga tsismoso din ako. "Pano mo naman nasabi yon?" nagulat pa sya sa tanong ko "Basta lang alam ko. Tama ako diba?" saka ko nilagok ang isang basong beer "Medyo ganon na nga" "Naku! Mahirap yan dapat hindi ka nag fo-focus sa isang babae. Kaya nga ako hindi ko siniseryoso yung mga babae, sakit lang sa ulo" Believe me! Sakit lang talaga sila sa ulo! "Tama! Sobrang sakit nga nila sa ulo" Nag patuloy kami sa pag inom habang nag uusap kami. Kung ano-ano lang ang topic. Okay din naman palang kausap tong si Minton. Narealize ko lang bigla. Naagaw naman ng tatlong babaeng pumasok sa bar na'to ang atensyon namin ni Minton. Pag pasok lang kase nila Umalingawngaw na agad ang ingay nila sa buong bar. Lalo na ng maupo sila sa table na nasa tabi lang ng table namin. Mukhang sinadya nila na doon talaga maupo dahil samin. Tsss. Magaganda naman sila at makikinis sa tingin ko schoolmate ko pa sila yung school uniform kase na suot nila school uniform din sa university namin. Di ko lang sure kung anong course. Kapansin pansin pa yung pag papacute na ginagawa nila samin, panay kase bulungan nila tapos bigla silang titingin sa table namin tapos biglang ngingiti. Mga babae talaga! Pareparehas lang. "Girls! Si Prixon yon diba!?" bulong pa ng isang babae na halata namang nilakasan talaga nya para din iparinig samin Pero kilala nila ko huh? Sa bagay sino bang hindi makakakilala sa tulad kong gwapo, sexy and hot? Hahaha! "Prixon? Sounds familiar" sagot naman nung isa "Engineering student sya, sabi ng pinsan ko maliban sa kuya ni Wincess isa din sya sa mga heartthrob sa engineering" Tsk! Anong sabi nya!? Maliban kay William!? Kinakumpara ba nya ko kay William Alcantara!? Halos hindi na ko makainom ngayon. Mariin akong nakikinig sa usapan nila. "Talaga!? Ngayon ko lang sya nakita pero ang gwapo nya, pati nung kasama nya!" "Oo nga! Ang gwapo nila" kinikilig pa yung isa Ngumisi ako kay Minton. Isang napaka laking ngisi. "Kita mo yang mga babae na yan?" "Oo. Sobrang famous mo pala pag dating sa mga babae" aniya na ngumisi pa "Mas famous ka nga eh, bukod sa gwapo ka apo ka pa ng vice president ng university nyo, kaso...." At sakin pa talaga galing yung mga katagang yan huh? Katawa! "Kaso ano?" puno ng kuryosidad ang tanong nya Lumungkot bigla ang mukha ko "Kaso hindi mo yon napapansin kase naka focus ka lang sa iisang babae, tama ba?" Pano ako nakapag salita ng ganito ka-seryoso? San ng galing yung makata na yon? Hindi ko din alam. Dala ba 'to ng suspensyon ko? Pero alam ko na tama ako kase minsan na kong naging ganon. Hindi pa man ulit nakaka pag salita si Minton ay sabay pa kaming napalingon sa dalawang babae na ngayon ay palapit samin. "Hi" nakangising sabi ng isa sa mga babae, pero hindi naman kami kumibo ni Minton sa sinabi nya para bang nag papakiramdaman pa kaming dalawa "Pwde ba kaming maupo?" dagdag pa ng isa Aba! Ayos din talaga huh? Wala pa naman ako sa mood lumandi ngayon. Tssss... "Sure!" mabilis na sagot naman ni Minton Laglag ang panga ko sa biglang sagot ni Minton. Aba! Kasasabi ko lang, nag sisimula na agad sya? Iba din.... Ngising aso naman ang dalawang babae sa sagot ni Minton. "By the way I'm Janelle and this is Kath, my friend!" pakilala pa nila sa sarili nila Walang pakundangang sumagot si Minton "I'm Minton" Ilang sesundo pa bago ko sinundan yon. "I'm Prixon" tamad na sabi ko Nakipag kamay pa sila at naupo sa tabi namin. Napailing ako. Napabaling bigla ang tingin ko sa muling pag bukas ng pintuan ng bar. WHAT THE F*CK! Is that Wincess!? Laglag na naman ang panga ko ng makita ko si Wincess. Pinasadahan ko pa sya ng tingim habang nag lakad sa gawi namin. Naka-uniform din sya tulad ng sa tatlo, naka pony tail ang buhok nya at may black sholder bag syang dala. Napatingin sya sa table namin, halata din ang pag kalaglga ng panga nya ng makita kami. Namutla sya at lumikot ang mga mata nya na mabilis umiwas ng tingin saka sya mabilis na nag lakad, nilagpasan nya ang table namin at nag tungo sa kabilang table. Sa table nila Kath at Janelle? Oh sh*t! So kasama pa pala ni Wincess ang dalawang to!? BADTRIP naman talaga oh! Liit ng mundo. Damn! "Baka gusto nyong mag join samin sa kabilang table?" nag papacute na alok pa nung Kath yata ang pangalan Lumunok ako at mabilis na sumagot "Ah. Sorry but-" "Sige ba!" Tumaas ang isang kilay ko sa pag sang-ayon ni Minton. Tatanggihan ko sana sila Janelle, dahil ayokong makaharap si Wincess. But damn! Sumang-ayon na si Minton. Lasing na ba sya o sobra lang nyang ninanamnam yung advice ko? Nyeta talaga! Tatayo na sana si Minton para lumipat ng table pero hinawakan ko agad sya sa balikat nya para sana pigilan. "Minton?" bahagya pa kong umiling para ipaalam ang di ko pag sang-ayon Naupo ulit sya at bumulong sakin "Sige na pre. Sabi mo nga wag ako mag fo-focus sa iisang babae diba?" Nag salubong ang kilay ko "Pero kase-" "Tara na!" Hindi ko na napigil ang pag tayo nya. T*ng*na naman talaga oh! Kung may tama na siguro ko baka nabira ko na yung Minton na 'to! Inis! -Wincess POV- Nataranta agad ako ng makitang papalapit sila Kath kasama sila Prixon. Damn! Kung hindi lang masamang manakit ng kaibigan kinalbo ko na yung mga 'to! "Girls, this is Prixon and Minton" Tumindig ang balahibo ko sa sinabing yon ni Janelle habang naka tayo sila sa harapan namin. Napatingin ako kay Prixon, matalim ang tingin nya sakin. Lumikot tuloy ang mga mata ko pabalik-balik sa kanilang apat. Damn! Bakit ganon sya makatingin!? Parang gusto nya kong saksakin sa mga tingin nya. "And this is my other friends, Lenie and Wincess" patuloy pa ni Kath "Hi. I'm Leni" mabilis na sabi naman ni Leni na nakipag shake hands pa sa dalawa Habang ako ito nakatunganga lang. Ano gagawin ko? Makikipag shake hands din ako? Kay Prixon? Bakit? Napatalon naman ako ng maramdaman ko ang pag siko ni Lenie sa braso ko ng maupo ulit sya sa tabi ko. "Wincess mag pakilala ka na! Chance na natin 'to" bulong pa nya Chance? What for!? Pwde bang mag walkout na lang? Inis! Punong-puno talaga ko ng inis ngayon pero wala na kong nagawa kundi makisama. MAKISAMA kahit masama sa loob ko! Napapikit pa ko saka ko bahagyang kinagat ang labi ko bago ako tumayo. "Hi. I'm Wincess Jane Alcantara" Kitang-kita ko ang pag igting ng panga ni Prixon sa ginawa kong pag papakilala sa sarili ko. Shock Prixon!? TAMA! Isa nga akong ALCANTARA. Ako nga ang nag iisang kapatid ni William Ken Alcantara na number one enemy mo! Bwesit! Nakaupo na sila. Pa 'U' shape ang upuan namin at may table ito sa. Sa dulo ako naupo katabi ko si Lenie sa bandang gitna naman si Kath at Minton. Mag katabi namang nakaupo si Janelle at Prixon sa kabilang dulo ng 'U' shape na upuan. Damn this awkwardness feels! Kung bakit ba naman sa tapat ko pa kase sya naupo? Kainis! O.P na talaga ko! Ni hindi man lang ako makasabay sa mga biruan nila. Nawala bigla ang sense of humor ko! Awkwardness lang talaga amg meron ako ngayon! Minsan ngimingiti ako, isang pilit na ngiti. Tapos bigla akong mapapatingin kay Prixon kaya mapapawi agad ang ngiting yon. Kainis! Kahit kase ayoko silang tignan ni Janelle ay hindi ko maiwasang mapatingin sakanila. Kitang-kita ko tuloy ang mga harutan nilang dalawa na sobrang nakakairita! Sa bawat harutan nila kumukulo ang dugo ko! Sa bawat kulo ng dugo ko napapa-shot na lang. Grrrr! KAYLALANDI! Kung pwde lang mambato ng baso kanina ko pa sila binato! Eto namang Janelle na'to sarap sampalin! Kung bakit naman nag papauto sya sa lalaking tulad ng Prixon na yan!? LOLOKOHIN, PAAASAHIN AT PAPAIYAKIN ka lang din nyan, TANGA! BOBO! "Sayang talaga! Kung maaga lang sana tayo nag kakilala edi sana madami na tayong nabuong magagandang memories together" nag papacute na sabi pa ni Janelle kay Prixon Nakakunot naman ang noo kong napatingin kay Janelle. Napa evil smile ako at napairap sa kawalan. Ano bang sinasabi ng babaeng to!? Is she's out of her mind!? Nakakahiya sya! Gusto ko sanang hulihin ang mga tingin ni Janelle para sana senyasan sya na wag na nyang ituloy ang kung anong sinasabi nya kaso hindi talaga mawala ang mga tingin nya kay Prixon. Kaya lumipat ang mga tingin ko kay Prixon na nakatingin na pala sakin. Nanlamig bigla ang bupng katawan ko ng mag tagpo na ang mga mata naming dalaw. Sh*t! Nakatingin sya! Nataranta ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag kunwari na lang ako na may katext. "Sayang at mag kaiba tayo ng course no?" dagdag pa ni Janelle "Pwede naman akong mag libot sa department nyo diba?" - Prixon "Of course!" ani Janelle na halatang kinikilig pa ang boses WHAT!? Balak pa nyang bumisita sa faculty namin? So makikita ko na naman sya? Hindi yon pwde! Hindi ako nakatingin sakanila pero nakikinig ako. Kinuha ko ulit ang isang basong beer at walang ano-anong ininom ko ito. Nasa alas syete na siguro ngayon dumadami na kase yung mga tao. Nag simula umingaw at mag sayaw ang ibat-ibang kulay ng ilaw. Dumating na din ang banda na tutugtog ngayong gabi. Nag hiyawan ang lahat ng mag salita na ang malamig na boses ng vocalist. Pinakilala nya ang banda nila. 'Alumni 28' Tumingin agad ako sa stage pag ka-inom ko ng isang basong beer. Tumindig na naman ang balahibo ko at lumuwa ang mga mata ko ng makita ang volicast ng 'Alumni 28' "Justin" bulalas ko ng makita si Justin na nakatayo sa stage Why he's here na naman? So, sya ang vocalist? For real? Umiling pa ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko para magising agad kung panaginip man 'to. Sana nga panaginip na lang! Alam ko na noon na maganda ang boses nya kase minsan na din nya ko naharana pero never ko naman in-expect na magiging vocalist sya ng isang banda. Never talaga! Tumindig ang balahibo ko ng mag simula na ulit syang mag salita. "Good Evening everyone. This song is for my special someone. She's right there" tinuro pa nya ang isang babae na nakatayo sa harapan "I love you so much babe!" Nag tilian ang mga tao. Lahat kinikilig sa banat nya. Except me! Halos manlambot ang buo kong katawan. Parang may ilang parte kase sa puso ko ang gumuho. Langya! Tagal ko ng naka move on pero affected pa din ako hanggang ngayon? Ang sakit palang makita na masaya na sya sa love life nya ngayon, habang ako eto bokya pa din! Namuo ang luha ko sa mata ko kaya kinusot ko agad ito. Nabaling bigla ang tingin ko kay Prixon na nakakunot ang noo, habang nakatingin sakin. Inirapan ko nga! Nag e-emote ako dito tapos ganon sya makatingin? Bwesit! Sarap mong durugin! Sa kalagitnaan ng pag e-emote ko tumayo si Janelle para mag ayang sumayaw. Ayoko sana at wala akong hilig don saka ayokong makita ako ni Justin kaso mukang wala ding plano si Prixom na sumama sa dance floor. Ayoko naman maiwan dito sa table kasama sya. NO WAY! "Okay! Let's go?" ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD