Kabanata 15: Kissable lips

2626 Words
"Okay! Let's go?" excited pa ko kuno kahit hindi Nag punta kaming tatlo sa bandang gitna kasama si Minton para don sumayaw. Medyo madami na din akong nainom kaya makapal na ang mukha kong mag sasayaw dito. Si Kath at Minton ang kasayaw, hindi napilit ni Janelle si Prixon kaya nag hanap sya ng ibang masasayawan. Habang kami ni Lenie ang mag kasayaw. "Wincess?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ang isang familiar na boses sa likuran ko. Damn! Wala na yata akong takas ngayon. Halos mangatog ang tuhod ko. Gusto ko na lang mag pakain sa lupa ngayon! Lilingunin ko ba sya? "Wincess?" pag uulit pa nya DAMN! no choice na talaga ko kaya pumihit ako para harapan sya. "Justin?" Nag kunware pa akong nagulat Ngumisi sya sakin "Long time no see" Ngumisi din ako. Isang plastic na ngisi "Yeah. It's been a year?" "2 years" pag tama pa nya "by the way. Who's with you?" "I'm with my friends. Ikaw?" "I'm with my banda... And my girlfriend" Aray! "Oo nga. Narinig ko kayo kanina. Ang galing ng banda mo saka hindi ko in-expect na magiging vocalist ka ng isang banda. Congrats!" ngumiti ako. Ang plastik ko talaga "Well thanks!" "Babe?" isang babaeng maputi at blond ang buhok ang lumapit at kumapit sa braso ni Justin "Oh. Babe!" "Friend mo?" matabang na tanong pa ng girlfriend nya Taray! Akala mo naman kung sino! Hindi ka maganda, maputi ka lang! Tse. "She's my old friend. Wincess" matabang din na sagot nya Hoy! Niligawan mo kaya ako dati. Patay na patay ka nga noon sakin. Tss! Agad nag lahad ng kamay ang girlfriend nya sakin "Hi. I'm Mellissa, Justin's girlfriend" Inabot ko naman agad ang kamay nya kahit medyo pilit "Wincess" "Well. Kamusta na pala? Yung kuya mo? istrikto pa din ba?" nakangisi sya. Isang nakakairitang ngisi "As usual" Humalakhak sya "So, wala ka pa din boyfriend nyan? Balak yata ng kuya mo na tumandang dalaga ka eh!" Tumaas bigla ang isang kilay ko. Aba! Gago to ah!? Parang biglang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko. Lakas ng loob nyang pag tawanan ako! Pinapahiya ba nya ko!? Sa harapan pa talaga ng girlfriend nya!? Sarap bigwasan! "No. Actually my boyfriend na ko ngayon" I lied Napawi bigla ang pag halakhak nya "Really? Is he's with you?" Patay! "Uhmmm. Actually... Ano... Kase-" "So you're here!" Tumindig ang lahat ng balahibo ko ng marinig ang isa pang familiar na boses na yon. Lalo na nung maramdaman ko ang mapangahas nyang kamay na humawak sa kamay ko. Damn! Tinignan ko muna ang ekpresyon ng dalawa na parehas laglag ang panga bago ako pumihit paharap sa lalaking mapangahas na humawak sakin. "Your boyfriend?" matabang na tanong ni Justin "Huh?" "Yes! I'm her boyfriend-" "Prixon? Prixon Evans!?" oa ang reaksyon ni Mellissa na may pag kislap pa sa mga mata nya Ano meron? Kilala nya si Prixon? Tss. Iba naman talaga ang karisma ng lalaking to. Pati yung may boyfriend na nag lalaway pa din sakanya! "Yes" tamad na sagot ni Prixon "Hi. I'm Mellissa and this is my boyfriend Justin" Tumango lang si Prixon sakanya. Iritado na ang mukha nya. Gusto ko na din umalis. Bakit ba hindi pa kami umalis dito!? "Do you know him?" sabat pa ni justin "Of course! Sikat kaya sya sa-" "Shall we go?" Napatalon ako sa sinabing yon ni Prixon sakin, na pahinto din ang maingay na si Mellissa sa pag sasalita at sabay silang napatingin kay Prixon na seryoso ang mukhang nakatingin sakin. "Huh?" Pumihit sya at nag baling ng tingin sa dalawa "Please excuse us" Hindi na nya hinintay makasagot ang dalawa. Hinila na nya agad ako palayo. Napailing ako. Sh*t! May kung ano talagang kuryente akong nararamdaman na dumataloy dito sa kamay ko. Ang lakas-lakas din ng kabog ng dibdib ko. "So now tell me. Bakit mo ba talaga sya iniiwasan?" biglang tanong nya ng makarating na kami sa table namin Pinilit kong itaas ang isang kilay ko at mag taray sakanya para ipakita na hindi ako apektado sa mga ginawa nya kanina kahit ang totoo ay halos manginig na nag buong katawan ko sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Wala" matipid na sagot ko lang sakanya Nag evil smile sya "Liar! Alam kong tama ako. Sya din yung lalaking iniiwasan mo nung acquaintance diba?" Aba! May pag ka-tsismoso din pala talaga ang siraulong to! KAINIS NA SYA! "Ano naman ngayon sayo!?" sinigawan ko na sya "Ganyan mo lang ba itatrato yung taong dalawang beses ka nang tinulungan?" Napapikit na lang ako sa inis saka ko sya tinignan ng masama "So, ano ba talagang kelangan mo!?" "Gusto ko lang malaman kung bakit. Bakit mo sya iniiwasan?" Tumindig ang balahibo ko. Curious ba sya? Bakit? "What for?" "Just answer my question" Fine! "Nanligaw sya sakin dati. Hindi naging kami kase ayaw ng kuya ko. Okay na!?" mataas ang tono ko sa huling sentence na binanggit ko Humalakhak sya ng malakas "Yun lang yung dahilan ng pag iwas mo sakanya? So Stupid" humalakhak ulit sya Tumaas na naman ang isang kilay ko. Umakyat na naman ang dugo ko sa ulo ko. Anong sabi nya stupid!? Ako!? Ang yabang! "Ano naman ngayon sayo!?" inirapan ko sya saka ako padabog na naubo -Prixon's POV- Natatawa talaga ko. Nakaupo sya ngayon, nakapangalumbaba at naka-simangot. Daig pa pinag sakluban ng langit at lupa. Napaka babaw nya. Iniiwasan nya dahil lang don? Nakakatawa talaga! Naupo na din ako kase bumalik na sila Minton galing sa pag sasayaw sa dance floor. Agad naman nilapitan nila Janelle ang kanina pang badtrip na si Wincess, ginagawa na kase nitong tubig ang alak. "Girls uwi na tayo!?" ani Lenie na halatang lasing na "Mamaya na! Dito lang ako sa tabi ni Minton" nakangisi si Kath habang titig na titig kay Minton Tsk! Nalagot na! Lasing na yung apat na to ah? Pano na to? Anong gagawin namin sa mga babaeng to!? Pinasadahan ko pa ng tingin si Wincess na nakadukdok na sa lamesa. Basa ang naka half open nyang labi. Sh*t! "Anong gagawin natin sa mga to!?" tanong ni Minton na napapakamot pa sa ulo Nag buntong hininga ako "Hindi ko alam. Ikaw tong pumayag na maki-table tayo sakanila eh!" medyo inis ang tono ko "Guys! Tara na. Andito na yung driver namin kelangan ko nang umuwi bago pa makauwi si papa!" ani Janelle na nag mamadali pa sa pag tayo "Oo nga tara na! Sabay na tayo kay Janelle" pag sang-ayon pa ni Leni "Ayoko! Dito lang ako!" Si Kath Laglag bigla ang panga ko sa sinabing yon ni Kath. What!? Bat di pa sila umuwi? Kakainis! Gusto ko na din umuwi at matulog! "Bahala ka dyan!" inis na sabi ni Leni sakanya saka sya bumaling ng tingin kay Wincess na nakadukdok pa din sa lamesa, hinawakan nya si Wincess sa balikat nito at bahagya nyang niyugyog para gisingin "Wincess? Tara na uwi na tayo?" "Ayoko. ayoko pang umuwi!" naka-busangot na sagot pa nito Laglag na naman ang panga ko sa sinabing yon ni Wincess. Anong ayaw pa nyang umuwi!? Nababaliw na ba talaga sya! Bwesit! "Ano!? Hindi pwde! Umuwi na tayo!" "Ayoko sabi!" hinawi pa nya ang kamay ni Leni "Pag umuwi ako nang lasing papatayin ako nang kuya ko!" dagdag pa nya Nag salubong bigla ang mga kilay ko. Ganon ba talaga ka-istriktong kuya si William sakanya. Hays! Ano bang paki ko kung ganon nga si William sakanya!? "Alangan naman samin ka matulog edi mas papatayin kami ng kuya mo!" "Basta! Ayokong umuwi!" pag mamatigas pa nya "Tara na Leni. Iwan na natin yung dalawang yan!" Halos mapatalon ako sa sinabing yon ni Janelle kaya kusang tumayo ang mga paa ko at mabilis ko silang hinarangan sa daraanan nila. "Teka! Teka! Pano tong dalawang kaibigan nyo!?" iritado na ko "Please! kayo nang mag uwi sakanila kelangan ko na talagang umuwi bago makauwi yung papa ko!" - Janelle "Teka! Hin-" Naputol na lang bigla ang dapat sasabihin ko pa ng tuluyan na silang nag lakad paalis. Whaaaaat!? Seriously!? Iniwan talaga nila tong dalawa samin!? "Minton! Ikaw na mag hatid sakin huh?" nag papacute na sabi pa ni Kath sakin "May choice pa ba ko!?" Ginulo ko ang buhok ko sa inis. So pano tong Wincess na'to huh!? KAINIS talaga! Naupo ako at kinuha ang isang basong beer saka ko ito mabilis na ininom. "Pano na Prixon?" medyo nahihiya pa ang boses na sabi ni Minton Kinuha ko ulit ang isang basong beer at ininom ko ulit ito ng mabilis. Bumaling ako ng tingin kay Wincess. Ginulo ko ulit ang buhok ko. F*ck! BADTRIP TALAGA! Pag minamalas ka nga naman! Inis! Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaling ng tingin kay Minton na kanina pa nag hihintay sa sagot ko. "Sige na hatid mo na sya" "Eh. Pano kayo?" "Ako nang bahala kay Wincess, kilala ko yung kuya nya" "Sakto pala eh. Sige ikaw nang bahala sakanya ihahatid ko lang si Kath" Wala naman kase akong ibang choice! At totoo yung sinabi ko kanina, kilala ko nga ang kuya nya. Kilalang-kilala ko! "Tara na!" kumikinang pa ang mga mata na sabi ni Kath sabay kapit pa sya sa braso ni Minton "Okay ingat kayo!" "Sige pre salamat. Ingat din kayo" ani Minton "Sige salamat din" Nang makaalis na sila ay nag baling ulit ako ng tingin kay Wincess na nakadukdok pa din sa lamesa. Kung makatulog sya parang walang problema! Badtrip! Anong gagawin ko ngayon sakanay!? Ihahatid ko ba talaga sya? Pano ko sya ihahatid sa bahay nila? Sa bahay kung nasan si William. Pero.... T*ng*na! Hindi ko din naman sya pwdeng iwan mag isa dito. Mamaya mapano pa sya konsensya ko pa yon! Wala din naman akong kilala na pwdeng kontakin para puntahan sya. Napapikit na lang ako saka ko ulit ginulo ang buhok ko. Haaaaaaa! DAMN THIS LIFE! Bwesit talaga! Bwesit! Halos mabasag ko ang basong hawak ko sa sobrang inis. 1... 2... Nakakadalawang bote na ulit ako ng beer pero ito tulog pa din si Wincess. Lintik naman talaga oh! Ang akala ba nya nasa hotel sya!? Pasado alas onse na. Gustong-gusto ko na ding umuwi! Hindi ko na to kaya! Dahan-dahan akong tumayo at naupo sa tabi ni Wincess saka ko bahagyang niyugyog ang braso nya para gisingin sya. "Hoy! Babae!?" iritado na talaga ko "Oh!?" paungol na sagot nya kaya medyo kinilabutan pa ko "Tara na! Iuuwi na kita" Hinawakan ko ang dalawang braso nya nag tangka akong itayo sya pero nagulat na lang ako ng bigla na lang syang bumangon sa pag kakadukdok nya saka nya bahagyang inilapit ang mukha nya sakin. Uminit ang buong mukha ko ng marealize ang lapit namin sa isa't-isa. Damn! "P-parang familiar ka sakin" aniya na nakangisi pa "H-Ha?" Lumaki bigla ang mga mata nya "Tama! Ikaw nga yon! Ikaw nga sya" "Sino?" "Yung.... Yung mayabang na lalaki! I-ikaw yon diba?" Napangiwi ako. Ano daw? Mayabang na lalaki!? Tss. Aba! Nag lalasing-lasingan lang ba sya para sabihin sakin to!? "Nasan na sila? B-bakit tayo na lang ang andito?" umayos na ang pag sasalita nya "U-umuwi na sila, n-naiwan ako dito para ihatid ka" Sh*t! Nauutal pa ko. Bwesit! Tumaas ang isang kilay nya "Bakit ikaw?" Tumaas din ang isang kilay ko "Bakit ayaw mo ba dahil sa nanyare samin ng kuya mo? Sa tingin mo ba gusto ko na ako pa ang maiwan dito para ihatid ka!?" Hindi ko na talaga napigilan ang inis "Ano ba kase ang matinding dahilan para iturin yung number one enemy ang isa't-isa?" Natigilan akong bigla. Never kong naisip na may taong mag tatanong sakin nito. Damn! At sya pa talaga? Sya na kapatid pa mismo ng William na yon ang nag tatanong ng ganitong bagay sakin. "Tara ihahatid na kita" Pag-iiba ko pa sa usapan sabay hawak ko ulit sa dalawang braso nya pero mabilis naman syang kumawala. "A-ayokong umuwi sa bahay" "B-Bakit? Kase istrikto yung kuya-" Damn this sh*t! Kasasabi ko nga lang pala na ayokong pag usapan! KAINIS naman! Hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko. "No! It's not actually like that. A-ayoko lang ma-disappointment yung kuya ko sakin. Ayokong makita nya ko na ganito itsura ko. Honestly hindi naman talaga sya masamang tao, para nga sakin sya ang pinaka mabait na tao sa buong mundo" Bahagya pa kong napangisi sa sinabi nyang yon "Medyo joke yang sinabi mo ha? Haha!" Ngumiti naman sya sakin isang nakakakilabot na ngiti. First-time ko kase nakita ang ngiting yon sakanya "Hoy. Hindi joke yon no! Alam mo kase 7 years old pa lang ako nung mag hiwalay yung parents namin, simula non sa Singapore na tumira si daddy hanggang sa mag karoon na ulit sya ng sariling pamilya nya don. Si mommy naman lagi lang busy sa work kaya halos si kuya lang talaga ang lagi kong kasama. Sya ang uma-attend noon, pag may meeting o pag may program kami sa school. Sya ang nag aalaga at nag po-protekta sakin. Sya ang kasama ko pag masaya, malungkot o pag badtrip ako. Si kuya ang sandalan ko sa lahat ng oras, sya ang bestfriend at boyfriend ko" Sa kalagitnaan ng pag ku-kwento nya namuo ang mga luha nya pero alam kong pinipigilan lang nyang maiyak sa harapan ko. Umiling ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba talagang pakinggan ang mga drama nya sa buhay. Bakit pakiramdam ko kinukumbinsi nya ko na mabait talaga yung kuya nya!? Tsss... Kalokohan. Pero honestly kumirot ang puso ko sa nalaman ko. Kung ganon iniwan din pala sila ng daddy nila. At kaya naman pala naging ganito din katibay ang relasyon nilang mag kapatid. Maswerte pa din ako kase kahit na iniwan ako ng papa ko, may mama at step father pa din ako na laging andyan. Pero sya? Tanging kuya lang nya ang meron sya. Ang isa't-isa lang ang meron sila. Kitang-kita ko ngayon sa mga mata nya kung gaano kahalaga ang kuya nya para sakanya. Kainis! "Naiyak ka ba sa drama ko?" nakangisi na sabi pa nya ng mapansin nya na tila malalim ang iniisip ko "Hindi no!" "Nakahimik ka kase eh" "Tara na ihahatid na kita" "Hindi pa ko pwdeng umuwi" "So, anong plano mo!? Mag paumaga dito!?" "Bakit hindi?" "Are you stupid!? Kung gusto mo ikaw na lang!" "Bakit!? Sino bang nag sabi na mag stay ka dito kasama ko!?" Inis na bulyaw na nya sakin saka nya kinuha ang isang bote pa ng beer para inumin. Damn! Bakit ba kase nanyayare sakin to eh! Sya ang ayaw umuwi pero ako ang nahihirapan! Sh*t! Kinuha ko din ang isang bote ng beer saka ulit ako nag simula sa pag inom. Wala na talaga kong choice kundi kontakin si Paolo para mag patulong. Kaya yun ang ginawa ko, tinawagan ko si Paolo at pinilit ko syang puntahan ako dito sa bar. Sinabi ko sakanya na wala ng ibang makakatulong sakin kundi sya lang. SYA NA LANG TALAGA. -Wincess POV- Napatingin na lang ako sakanya habang nakakunot ang noo ko. Bwesit talaga tong lalaking to! Pag katapos kong mag kwento sakanya, akala ko magaan na loob ko sakanya hindi pa din pala! Bakit kase hindi pa nya ko iwan dito! Hindi pa talaga ko pwde umuwi. Pero san ako pwdeng mag punta ngayon? Hindi ko din alam kung san nga ba pwde! HELP ME! Lumagok ulit ako ng alak kasabay din ng pag lagok nya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin at mapatitig sakanya habang nilalagok din nya ang bote ng beer. Lalo na sa labi nya na basang-basa na sa beer. Sh*t! Napaka sexy nyang tignan, habang umiinom sya ng beer at napaka kissable lips nya. Napailing naman akong bigla dahil sa inaisip kong yon. Ano ba tong iniisip ko!? Lasing na yata talaga ko! Pinapasok na ng ka-demonyohan tong isip ko! ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD