Panay na lang ang tingin ko sa relos ko habang nag hahanda na kami sa magiging performance ng banda mamaya. “You okay? May problema ba?” Napatalon ako sa biglang pag sulpot ni Nick sa harapan ko. Nag kibit balikat ako sakanya. “W-wala. Wala naman” Napangisi sya sa sinabi ko na para bang may nalalaman sya sa dahilan ng pag kabalisa ko. Masaya ako dahil okay naman na kami ngayon at hindi naman naging issue samin yung nanyare nung isang gabi. Kahapon din kase sa practice namin ipinaliwanag ko sakanya ang lahat at naintindihan naman nya yon. Ang bait nya diba? “Bakit hindi ka pa mag punta don? Mag i-start na yung performance nila ha? ” Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Ngayon sigurado na talaga ko na may alam nga sya. “Naku. H-hindi na.. Mag pe-perform din naman tayo” “Mamaya pa na

