“P-Prixon?” Isang malakas na pag kabog ng dibdib ko ang bumalot sa buong sistema ko ng bumungad sa bintanang yon ang galit na mukha ni Prixon. Sobrang nanginig talaga ang tuhod ko ng makita ang nag aapoy na galit sa mga mata nya habang nakatitig sya sakin. Napatalon ako ng bigla nyang buksan ang pintuan at hilahin ang braso ko palabas sa sasakyan na yon ni Nick. “Let's go” walang kabuhay-buhay nyang saad Hindi ako nag pumiglas. Buong puso’t kaluluwa akong sumama sakanya, kahit natatakot ako sa galit na pinapakita nya. Narinig ko naman ang pag labas ni Nick sa kotse nya at ang pag tawag nya sa pangalan ni Prixon. Damn it! Napakagat na lang ako sa labi ko. Galit na bumaling sakanya si Prixon naramdaman ko ang pag higpit ng hawak nya sakin. Ramdam ko din na parang may tumutusok sa kamay ko

