"Good Morning my Wincess! I miss you asawa ko!" Yan yung mga message nya na agad nag papangiti sakin pag mulat pa lang ng mga mata ko sa umaga. Lagi syang may oras sa pag te-text sakin, sinisigurado nya na lagi syang updated sakin kahit pareho kaming busy sa school at sa practice. Pinayagan na kase nya ko na mag tuloy sa banda kaso ang usapan namin pag katapos ng performance namin sa school festival kelangan ko na din mag quit sa banda. Pumayag na din ako kesa alam ko naman na hindi naman talaga ako pwde mag tagal sa banda dahil sa sitwasyon ko. 2 days na lang school festival na kaya lalong naging busy ang lahat. Prixon: Tapos na klase nyo? Napapangiti ako lagi sa excitement sa twing mag te-text sya. Itinago ko agad sa ilalim ng arm chair ang cellphone ko para makapag reply agad ako.

