Binuksan ko ang f*******: app ko. Nakita ko sa home ko ang page na 'Love advice' Ewan pero dati naman pinag tatawanan ko lang yung mga ganitong page, para sakin mga 'jeje' lang ang pumapansin sa mga ganitong page pero ngayon bigla akong nag ka-interest dito. Ni-click ko agad to at pinag masdan ang wall nito. Sobrang daming nag po-post ng love problem dito at agad naman nag co-comment ang admin nito para mag bigay ng advice sakanila. For the first time of history nag karoon ako ng interest sa mga ganitong bagay. Totoo kayang makakakuha ako ng mga sagot dito? Kaso hindi ko naman alam kung pang love problem nga ba talaga yung gumugulo sakin o baka naman pang enemy problem yon! Hays! Bahala na. Wala naman mawawala kung susubukan. Ni-click ko ang 'post' at nag post ako sa wall ng page na'to.

