Kabanata 31: Worried

2237 Words
Walang ibang ginawa si Prixon kundi asikasuhin ako sa pag kain. Sya ang taga lagay ng ulam at kanin sa plato ko, taga bigay ng sabaw at taga bigay ng tubig. Hindi ko naman inuutos sakanya yon pero kusa nyang ginagawa. Awkward tuloy! Lalo na ang mga pang aasar nila Lenie samin. "You want dessert?" Tanong pa nya sakin habang nakaupo ako sa isang duyan na gawa sa kawayan na nakatali sa dalawang puno ng buko. Nakita kong may hawak syang leche plan na nakalagay sa isang platito. Umiling agad ako sakanya. "Ayoko. Masyadong matamis" "Ha? Di naman ah? Sarap nga eh!" "Ah. Basta ayoko nyan! Gusto ko yung maasim" Nanlaki pa ang mata nya "Maasim?" "Oo. Manggang... Something like that" "Ah. Sige. Sandali lang may mangga akong nakita sa loob. Kukuhanan lang kita" "Ha? No! You don't have-" Hindi pa ko tapos mag salita pero nakaalis na agad sya. Daig pa si Flash my God! Pero kung ano ang kinabilis ng pag alis nya, kinatagal naman ng pag balik nya. 20 mins na yata pero di pa sya nakakabalik. What's taking him so long? Napabuntong hininga na lang ako saka ako nahiga dito sa duyan. Pipikit na sana ako para umiglip muna pero bigla naman syang dumating. "Eto na yung mangga mo" May hawak-hawak syang isang plato na may balat at hiwa ng mangga at isang platito na may bagoong. Napangisi ako ng makita yon pero agad ko din pinalitan ang pag ngisi ko ng pag nguso ko. "Oh bakit ganyan mukha mo? Ito na yung mangga mo oh" "Bat katagal mo!?" Ngisimi sya at napakamot pa sa ulo "Nanungkit pa kase ko ng mangga don sa likod tapos binalatan ko pa saka nag luto din ako ng bagoong" Napatunganga lang ako sa mga sinabi nya. Pinag masdan ko lang ang nakangisi nyang mukha. Tsss. Pamatay talaga ang dimple nito! Parang anghel pa pag nakangiti. At bakit parang umiikli na yung mga sungay nya? Hindi ba parang sobra na yung pag aasikaso na ginagawa nya? Baka maging santo na sya nyan? Ginagawa ba nya lahat ng yon para sakin. Walangya! Umiinit ang pisngi ko. "Oh. Bakit?" Napailing akong bigla "W-wala" Humalakhak sya "Masyado ka bang na touch?" Tumaas ang isang kilay ko. Pumihit ako at pinag masdan ang pag tawa nya. Halos maiyak na sya kakatawa. Umakyat na naman ang dugo ko sa ulo ko. I'm wrong! Mahaba pa din pala talaga ang sungay ng demonyong lalaking to! "Ayoko kase ng bagoong!" biglang sabi ko Napawi agad ang pag halakhak nya sa sinabi ko "Ha? Eh. Anong gusto mo?" "Ah..eh... Asin! Asin na may siling pula!" "Tssss. Ang selan mo naman mag bunti-" "Sshhhhh!" lumingon-lingon pa ko ng parang timang para lang siguraduhing walang tao sa paligid "Ang ingay mo naman! Baka may makarinig sayo!" "Tsss. Nasa kwarto silang lahat nag papahinga" "Kahit na!" "Okay! Sige kukuha lang kita ng asin na may sili. Sayang naman tong bagoong na niluto" pabulong pa at malungkot ang tono ang pag kakasabi nya sa huling pangungusap Inirapan ko lang sya. Gusto ko naman talaga ng bagoong kaso naiinis ako sa pag halakhak nya! 5pm na. Busy ang lahat sa pag luluto ng dinner at pag hahanda sa pag salubong namin sa birthday ni Lenie. Ako ang nakatoka sa pag iihaw ng bbq at isda. "Ako na dyan" ani Prixon na mabilis inagaw ang pamaypay na hawak ko "Ano ba! Wag ka ngang magulo! Ako toka dito eh!" "Ako ng bahala dito. Maupo ka na lang dyan sa duyan" "Ayoko nga! Wag mo nga akong gawing lumpo!" "Masyadong mausok dito. Delekado sainyo" seryosong sabi pa nya "at saka... Baka mamaya hindi mo pa mapigilan kainin ng palihim to. Bawal pa naman sayo yung mga inihaw" Napairap na lang ako sa kawalan "Tssss! Fine! Bahala ka dyan!" Padabog akong umalis at nag lakad papunta ng pangpang. Narinig ko ang pag tawag nya sakin pero hindi ko na sya pinansin. Nakakainis sya! Bakit kung umasta sya para akong baldado! Bwesit! Pinag masdan ko na lang ang buong karagatan baka sakaling mawala ang badtrip ko. Naupo ako sa mga buhangin at tumingin sa araw na mamaya lang ay palibog na. Hays! Ang sarap ng hangin. Pumikit ako habang nakatingala pa ang ulo ko para lasapin ang sariwang hangin. Bukas ng hapon ang uwi namin, may pasok na kase kami sa monday, kung pwde lang sana mag paiwan na lang ako dito. "Bakit andito ka?" Napatalon ako at napadilat bigla ang mga mata ko sa gulat. Naaninag ko agad ang isang lalaki na papalapit sakin. Nakangisi syang nakatitig sakin. "N-Neji? Ikaw pala yan" Naupo sya sa tabi ko "Bakit ka andito?" Napakamot ako bigla ng ulo "A-ah. K-kase... Uhmmm. Gusto ko naman tumulong don kaso kase-" "It's not what I mean. Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo ditong mag isa?" "A-ah. Yun ba? G-gusto ko lang mag pahangin kaya nag punta ko dito" "Hindi mo naman siguro gustong mapag isa diba?" Napa kunot bigla ang noo ko "Ha?" "Okay lang ba kung samahan muna kita dito?" "O-okay lang!" okay na okay, I mean Pinag masdan ko sya habang pinag mamasdan naman nya ang grupo ng mga ibon na lumilipad. Grabe! Ang gwapo nya talaga! Napatalon ako ng bigla nya din akong lingunin kaya nag iwas agad ako ng tingin sakanya. Narinig ko pa ang pag ngisi nya. Uminit tuloy yung pisngi ko. "Naniniwala ka ba sa sinabi ko sayo kanina?" "Ha? S-saan?" "Na crush kita?" Pumihit ako para lingunin sya, bumungad agad sakin ang maganda nyang ngiti. Shock! Uminit lalo ang pisngi ko "E-ewan" "Totoo yon no" "Eh..?" Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Pinag masdan ko sya para sana hintayin pa ang susunod na sasabihin nya pero nagulat na lang ako ng bigla syang tumayo at mag lahad ng kamay sakin. "Tarang mag lakad-lakad?" "A-ah. S-sige" Mabilis kong tinanggap ang kamay nya. Kinikilig ako pero wala akong kuryenteng naramdaman sa kamay ko. Agad din nyang binawi ang kamay nya pag katayo ko. Ilang minuto pag katapos naming mag lakad-lakad pabalik na sana kami sa safe house kase medyo pagabi na din. Nag tatawanan pa kami ni Neji kase may mga kiku-kwento sya na tungkol sa pag kabata nila ni Lenie nang mabaling ang tingin ko sa isang puno kung san may familiar na imahe ang nakasandal don. Napataas agad ang isang kilay ko ng makita syang nakatitig samin gamit ang galit na ekspresyon nya. Napahinto ako sa pag lalakad ganon din si Neji ng mag lakad papalapit si Prixon samin, habang diretso ang tingin nya sakin. Sh*t! Anong tingin yan? Tingin pa lang nya pinapatay na nya ko. Kumabog bigla ang dibdib ko ng makalapit na sya. Nasa isip ko agad na sisigawan nya ko pero wala syang imik na nakatingin lang sakin. Lumikot tuloy ang mga mata ko, nag pabalik-balik ito ng tingin sa dalawang mata nya. Habang sya diretso pa din ang tingin sakin na para bang binabasa nya ang isip ko. Napatalon ako ng sa wakas ay mag salita na sya. "Bakit andito ka pa? Mahamog na ah?" Hindi ako nakasagot, tuyo ang lalamunan ko. Napatunganga lang ako sakanya. Hindi sya galit kase hindi naman galit ang tono nya pero kung titignan mo yung ekspresyon nya halatang galit na galit sya. Grrr! Ang gulo. Nanlaki ang mga mata ko ng hubarin nyang bigla ang white jacket na suot nya saka nya ito isinuot sakin. Hindi ko na sya nagawang lingunin nanigas na kase ang buong katawan ko. Naramdaman ko pa ang pag akbay nya sa balikat ko kaya tumindig ang balahibo ko. "Let's go. Hindi ka dapat nag papahamog" Para akong robot na kusang sumama sakanya. Nakalimutan ko na si Neji na kasama ko nga pala kanina, hindi ko na alam kung naiwan ba sya o sumunod din sya samin. Parang bigla kase akong naging lutang sa pag lapit ni Prixon. Ramdam na ramdam ko ang kuryenteng gumagapang sa buong sistema ko ng isuot nya sakin ang jacket nya, nag kagulo din ang mga paru-paro sa loob ng tyan ko ng akbayan na nya ko. Hindi ko naramdaman ang mga 'to kanina nung si Neji ang kasama ko. Damn it! I hate this! Sana lahat ng nararamdaman ko ay dahil pa din sa inis at galit ko sakanya! Wala kaming kibuang dalawa hanggang sa makabalik kami sa safe house. Naupo ako sa dinning table at tumulong sa pag aayos ng lamesa. Nanibago akong bigla sa kinikilos nya at sa biglang pag tahimik nya. Si Neji at Janelle ang katabi ko ng mag dinner kami, sa tabi ni Janelle si Paolo sa tapat naman nya si Prixon na katabi si Kath, at sila Lenie. Nakaka-panibago talaga. Malayo sya sakin ngayon. Wala ding nangungulit sakin at bumabawal sa mga kakainin ko. Paminsan-minsan sinusulyapan ko sya. Tahimik syang kumakain ni hindi man lang nya ko nagawang sulyapan. Nakakainis! What he's f*cking problem!? Natapos na kaming kumain at mag ligpit ng pinag kainin pero hindi pa din nya ko kinikibo. Gusto ko na sana syang sugurin, bulyawan at tanungin kung ano bang problema nya pero kelangan kong pakalmahin ang sarili ko. Ayokong isipin nya na masyado akong apektado. Kung ayaw nya kong kausapin EDI WAG! 9 pm pa lang. 3 hrs pa bago mag 12 am kaya bawal pa kaming matulog kase kelangan naming salubungin ang birthday ni Lenie. Nag punta muna ko sa kwarto at kinuha sa bag ko ang cellphone ko. Muntik ko ng makalimutan ang bilin ni kuya William na mag update ako sakanya every other time siguradong nag aalala na yon. Pag bukas ko ng cellphone bumungad agad sakin ang 16 missed call kaya mabilis kong tinignan 'to. Napangisi ako, 16 missed call galing kay kuya William sigurado na pa-paranoid na 'to. Hihi. Sunod kong tinignan ang 24 text message. Una kong binuksan ang 2 message galing kay mommy. Mommy: Hi. Anak, kamusta byahe? Nakarating na ba kayo sa Baler? Don't forget to eat your meal okay? Take care! Mabilis ko namang ni-replyan si mommy. Ako: Sorry mi. Ngayon lang ako nakapag text. Don't worry I can forget my phone but not my meal. I love you mi. Take care! Sunod kong binasa ang 14 message ni kuya. Kuya William: Baby, how's your trip? Nakarating na ba kayo? Nakatulog ka ba? Di ka nag re-reply? Mag reply ka pag gising mo. 12 nn na. Kumain ka na dyan. Bakit di ka pa din nag rereply? Di ka din sumasagot sa mga tawag? Did I told you to update me, every other time? Wincess! Nakailang missed call na ko. Just answer my call. I'm worried! Hindi ko na binasa lahat ng message ni kuya kaya ni-text ko na lang agad sya. Ako: Sorry kuya. I'm kinda busy.. masyado madaming ginagawa dito kaya nakalimutan ko ng tignan ang phone ko. I'm okay. Don't worry. Mabilis naman syang nag reply. Kuya William: Kahit busy ka. Just update me! Ako: Okay. Sorry kuya. I Love you! Kuya William: Alright baby. I love you too. Please take care! Ako: Okay kuya. I will Pag ka-reply ko kay kuya ni-back ko agad sa home message at tinignan ko pa ang ilan sa mga message na natira. 2 message galing sa globe, 2 message galing sa unknown number na nakikipag textmate! Tsss.. Muntik ko pang maibato ang cellphone ko dahil sa message na yon. Na high blood agad ako. Sino ba yung jejemon na yon!? Grrrr. Kainis! San ba nya nakuha number ko!? Napairap na lang ako sa kawalan saka ko mabilis na ni-back ang message na yon at tinignan ang iba pang message. Laglag ang panga ko ng makita ang 4 message galing kay Franco. Sh*t! Halos maisubsob ko na ang mukha ko sa screen ng cellphone ko habang tinititigan ang pangalan ni Franco. OMG! Totoo ba to? Nag text si Franco sakin? Halos manginig ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang cellphone. Agad kong binuksan ang text message ni Franco. Franco: William told me, your going to Baler? I'm with him. Are you busy? He's worried. Why you didn't pick up his calls? I'm worried too. "Oh my gosh!" Tinakpan ko agad ng palad ko ang bibig ko. Halos mapatili kase ako dahil sa huling message ni Franco. He's worried? Really? Damn! Kinuha ko pa ang unan para takpan ang mukha ko na siguro ay sobrang pula na ngayon, napa-kagat pa ko sa dulo ng unan para mapigilan ang pag tili ko. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko para akong hinahabol ng sampung kabayo. Ni hindi na ko makahinga ng maayos. Na leche na! Nag mamadali akong nag reply sakanya kahit na sobrang na nginginig pa ang mga kamay ko at kahit na 6 hours na ang nakalipas simula nung huli nyang text. Ako: I'm okay. Don't worry! Sorry kung ngayon lang ako nakapag reply 3 mins bago sya mag reply. Franco: Okay then. Please! take care. F*ck! Hindi ko na talaga mapigilan ang kilig ko napahiga na ko sa kama at nag papapadyak habang kagat-kagat ko ang labi ko na konti na lang ay mapapatili na talaga. Ako: Okay. Thanks! You take care too. Hindi na nag reply si Franco kaya napanguso na lang ako at pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na baka tulog na sya. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 9:20 pa lang. Ayoko naman lumabas ng kwarto at makita si Prixon. Naiinis lang kase ko pag nakikitang ini-snob nya ko! I HATE HIM! ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD