Kabanata 30: Bawal

2206 Words
Namalayan ko na lang na nakatulog pala ko ng magising akong nakasandal sa balikat ni Prixon habang ang ulo naman nya ay nakasandal din sa ulo ko. Masyado kaming feeling close sa isa't-isa. Nanlaki ang mga mata ko. naka kumot pa kase sakin ang white jacket nya. Nilagay ba nya to kase concern sya? Medyo malakas kase ang aircon sa van na'to. Halos patalon akong bumangon at umayos sa pag kakaupo ko, dahilan para magising din si Prixon. Pinagmasdan ko sya, kinusot nya ang mga mata nya saka sya nag baling ng tingin sakin kaya nag iwas agad ako ng tingin. "I-I'm sorry. H-hindi ko namalayan na nakatulog pala ko" mahinang sabi ko pa sakanya saka ako pumihit at tumingin sakanya. Ngumisi naman sya sakin. Ngising nakakaasar! "It's okay. Pwde kang matulog dito sa balikat ko anytime" tinatapik-tapik pa nya ang balikat nya Hindi ko alam kung ngingitian ko ba sya o iirapan kaya naman tumango na lang ako sakanya saka ako bumaling ng tingin kay Neji na serysong nakikinig sa music habang nakasandal pa sya at may hawak syang chips. "Sakin sya dapat mapapa-sandal inagaw mo lang" Biglang sabi nya kaya napa isip tuloy ako "Kase ako ang nauna" sagot agad ni Prixon sakanya habang kalmado lang syang nakasandal sa upuan "Nauna ka lang pero hindi sayo" "Hindi ka pa dumarating nasakin na" Tumindig bigla ang balahibo ko sa namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nahihilo na ko! pabalik-balik na lang kase ang mga tingin ko sa kanilang dalawa. Pero teka nga! Ano ba yung pinag uusapan ng dalawang to!? Nahihirapan akong iproseso isa-isa sa utak ko yung mga sinabi nila! "T-teka nga! Ano ba yung pinag uusapan nyo?" "Wala" tamad na sagot ni Prixon Pumilig ako kay Neji "May problema ba?" "Wala yon. Don't mind him" ngumisi sya "gusto mo?" Pag alok pa nya sa chips na hawak nya. Ngumisi din ako sakanya. Paborito ko kase ang chips na yon. "Okay lang?" "Oo naman" Kukuha na sana ako ng chips na inaalok ni Neji sakin pero napahinto akong bigla ng mag salita ulit ang epal na nakaupo dito sa kaliwa ko. "Bawal yan sakanya. Hindi maganda yan sa kalagayan nya" What the! Napatunganga ako sa sinabi nya. Inalog ko agad ang ulo ko. Siguro ang ibig-sabihin nya, makakasama itong chips kay baby? May point naman sya don pero bakit kase nakakainis pag sya ang nag sasalita! Pinasadahan ko ulit ng tingin si Neji na nakasalubong na ang dalawang kilay. Nabuo ang tensyon sa pagitan naming tatlo, habang sila Paolo, Kath at Janelle na nakaupo sa harapan namin ay masayang nag ku-kwentuhan. Sumimangot agad ako at muling sumandal. "A-ah. S-salamat na lang pala" nahihiyang sabi ko pa kay Neji. Hindi nga pala ko pwde nyan "Okay lang... Teka may ibibigay ako sayo" "Ha?" May kung ano syang kinuha sa bag nya saka nya iniabot sakin.... Isang siopao. "Asado yan. Siguro naman yan pwde na sayo" Ngumisi ulit sya at pasimple din nyang sinulyapan si Prixon sa tabi ko. Uminit bigla ang pisngi ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Hindi lang sya gwapo, ang bait pa nya talaga! "Thankyou" Kukunin ko na sana ang siopao ng biglang tumapo sa kamay ko ang mapangahas na kamay ni Prixon. Pumihit agad ako at tinignan sya. Nakakunot ang noo nya. Kitang-kita sa mga mata nya ang pag protesta. Tumaas ang isang kilay ko. What his freaking problem? So bawal din to!? "Diba may chicken sandwich din akong dinala para sayo?" biglang untag nya Oo nga pala. May sandwich syang binibigay sakin kanina na tinanggihan ko. Nakaramdam tuloy ako ng konting guilty. Napa-kagat labi pa ko bago mag salita. "A-ah. Ito na lang kakainin ko" patukoy ko pa sa siopao na bigay ni Neji Mas kumunot ang noo nya kaya binawi ko agad ang kamay ko sakanya at nag iwas ako ng tingin. Pumihit ako at muling nag baling ng tingin kay Neji. Pero dinig ko pa ang pag 'tssss.' nya at naramdaman ko pa ang mahinang pag sipa nya sa upuan nasa harapan nya. "Kainis!" Mahinang sabi pa nya. Napailing na lang ako. Hindi ko na sya pinansin, nag panggap na lang ako na wala akong narinig para tapos na! Kainis eh! Nag sikap na lang ako na ibaling kay Neji ang buong atensyon ko. Buti pa ang isang to. Gwapo na, mabait na, gentleman pa. "Pasensya ka na" pabulong kong sabi kay Neji "Galit yata yung boyfriend mo?" Pabulong nya pabalik. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi nya. Boyfriend? Yung lalaking to? Da! Never no! Pinakalma ko agad ang sarili ko. Ayokong maiyak kakatawa dito. "He's not my boyfriend" mahina pa din ang pag kakasabi ko Nag half smile syang bigla "Kung ganon okay lang pala na mag usap tayo?" Napahalakhak na ko ng mahina "O-oo naman!" "So, classmate ka ni Lenie?" "Yes. Actually ngayong college lang kami nag kakilala. Ikaw anong course mo?" "A-ah. A-actually nasa senior high pa lang ako ngayon. Grade 12" Napatunganga akong bigla. Grade 12? Seriously? Senior high pa lang sya? Wow! Kung ganon mas matanda pa pala ko sakanya? "Oh. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" Nagising agad ako sa ulirat ko "Ha!? W-wala! Wala naman. Uhmmm naisip ko lang na ate mo pala ko" saka ko sya binigyan ng isang matipid na ngiti "Ate?" Uminit ang pisngi ko sa pag Halakhak nya. Napakamot ako sa ulo. What's the funny? Di naman ako nag joke ah! "Bakit? Anong problema?" malamig kong tanong Isang malagkit na tingin pa ang ibinigay nya sakin kaya medyo na-awkward ako, lalo na nung pasimple nyang inilapit ang mukha nya sakin kaya napaatras pa ko ng kaonti. Nag half smile sya bago nya inilapit ang mukha nya sa tenga ko at mag salita. Ramdam na ramdam ko ang pag hinga nya sa tenga ko. "Bakit naman kita magiging ate? Ayoko ngang maging ate ang crush ko!" Halos masamid ako dahil sa sinabi nya. Hindi agad ako nakaimik. Damn! Umiinit na naman ang pisngi ko. Kinagat ko agad ang labi ko para pigilan ang pag ngiti ko. "Tsss!" ani Prixon Awtomatiko akong napalingon kay Prixon. Ang buong akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas ay makakaiwas na ko sa nakakapintig balahibong tingin ni Neji, para kase akong nalulusaw ng mga tingin na yon, pero pag lingon ko pala lintik! Mas nakakakilabot pa pala ang mga nanlilisik na tingin ni Prixon. "Know your limits Wincess!" seryosong sabi ni Prixon na inirapan pa ko Napamaang ako at walang ibang nagawa kundi panoorin syang isinandal ang ulo sa sandalan, mabilis din nyang isinuot ulit ang shades nya at pinihit ang ulo papunta sa kabilang side nya. What his f*cking problem? Know my limits, my ass! Sa wakas nakarating din kami ng baler. Hindi ko na kelangan makasama si Prixion sa maliit na ispasyo nitong van! Si Paolo ang nag bukas ng pintuan ng van, suot nya ang bag pack na dala nya, tinulungan pa nya sa pag baba si Janelle. Napangisi agad ako at hindi ko maiwasang mag lagay ng malisya sa kanilang dalawa. Tumayo si Prixon suot ang back pack nya. Hinawakan ko ang bag pack ko kase ako na ang susunod sakanya sa pag baba pero nagulat ako ng bitbitin na rin nya pati ang bag ko palabas. "T-Teka lang-" Hindi ko na nagawa pang pumalag dahil huli na, nakababa na agad sa ng van. Napakurap-kurap ako ng ngumisi sya ng pag kalaki-laki sakin at ng ilahad nya ang kanyang kamay sa harapan ko, para alalayan ako pababa. Napahinto ako, habang nakatingin sya sakin na para bang hinihintay nya talaga ko na tanggapin ang kamay nya kaya napailing na lang ako. Hindi ko tinanggap ang kamay nya pero naramdaman ko pa din ang pag hawak nya sa braso ko nung pababa na ko. Para tuloy akong na kuryente sa ginawa nya. "We're here guys sa safe house ng tita ko!" Masaya pang inilahad ni Leni ang dalawang kamay nya sa antique na safe house nila. Pinasadahan ko agad ito ng tingin, namangha ako dahil halos antique lahat ng gamit. puro mga kahoy at mabibigat na materyales ang ginamit na pang design ng safe house muhkang laging makintab ang mga ito. May magagandang halaman din sa bawat sulok nito at ang mas nag paganda pa dito ay nasa tapat lang ito ng dagat. Namangha ako, habang nililibot ko ng tingin ang mapayapang dagat, asul ang kulay ng dagat. Parang ang sarap mamasyal sa pangpang kaso mamaya na siguro at sobrang tirik pa ang araw. Pasado ala una na kase. "Ma'am Leni, sir Neji andito na po pala kayo" Bungad ng isang may edad ng babae samin, habang pababa sya sa hagdanan. Siguro sya yung care taker dito sa safe house. "Naku. Manang Josie kamusta na po kayo?" ani Leni "Okay naman na po. Pasok na po kayo para makapag hain na ko" "Sige. Salamat po- Guys tara?" Agad nag hain ang care taker ng tanghalian namin. Sa isang mahabang lamesang kahoy kami kakain. Agad tumabi sakin si Prixon, katabi nya si Paolo. Bumusagot ako, napawi din ang pag busagot na yon ng tumabi din sakin si Neji. "Okay lang dito ko?" tanong nya Ngumisi ako sakanya "O-oo naman!" Aaminin ko, medyo lamang si Prixon ng appeal sakanya pero mas kumikinang pa din ang mga mata ko pag sya na ang nakikita ko dahil syempre sa ugali nya. Hindi naman kase ko tulad ng iba na puro mukha lang, alam kong tumingin ng mga gwapo pero mas naa-attract lang talaga ko sa mababait at gentleman. Pumihit ako at nilingon si Prixon na naka taas pa ang isang kilay sakin. Inirapan ko agad sya, nag baling na lang ako ng tingin sa mga pag kain na naka lapag sa lamesa. Halos tumulo ang laway ko habang isa-isa kong pinag mamasdan ang mga ito. May bulalo, lechon'g kawali, inihaw na hito, nilahang okra, repolyo at talong, itlog na maalat, at ginataang kalabasa na may hipon. May fresh buko din na nakalagay pa mismo sa buco nya. Feeling ko talaga tutulo na yung laway ko kaya niyukom ko agad ang bibig ko na naka nganga na pala. "Hungry?" Napatalon ako sa tanong yon ni Neji kaya mabilis akong napatingin sakanya. Nakangisi sya habang nakatingin sakin. Umiling lang ako sakanya at nag iwas agad ng tingin. Nakaramdam ako bigla ng hiya. Shock! "Let's eat?" ani Neji "Okay let's eat" approval pa ni Leni Napangisi agad ako sa isip ko. Ito na! Makakakain na ko. Nagulat pa ko ng iabot ni Neji sakin ang pinggan na may kanin. "Kuha ka na" Ngumisi ako sakanya. Alam nya talagamg gutom na ko "S-salamat!" Ibinalik ko sakanya ang pinggan na nakangisi para sya naman ang makapag sandok. Pumihit ako para harapin ang pag kain. Lumuwa ang mga mata ko ng makita si Prixon na may nilalagay na nilagang okra at talong sa plato ko. Tumaas agad ang isang kilay ko at hinarap sya. "Ayoko nito!" Reklamo ko pa sakanya. Actually kumakain naman talaga ko ng mga to kaso sinabi ko lang na ayoko kase sya ang nag lagay. "Eh. Anong gusto mo? Repolyo?" kalmado nyang tanong "No! Kaya kong kumain mag isa. Just mind your own!" Iritado na naman ako sakanya. Mukang ang siraulo pa na'to ang pinag lilihian ko! Kainis! Bumaling ulit ako sa mga pag kain na nakahain, tinusok ko agad ng tinidor ang lechon'g kawali at inilagay sa plato ko pero mabilis naman ding tinisok ng tinidor ni Prixon ang lechon'g kawali na nasa plato ko at agad inilipat sa plato nya. "Prixon!" iritado na talaga ko "What?" nakangisi pa ang demonyo "Ang dami naman dito bakit yung nasa plato ko pa yung kinukuha mo!?" "This is not good for you, Wincess. Masyadong mamantika, bawal to sayo" Malumanay nyang sabi, habang nag fo-focus pa sya sa pag kuha ng sariling pag kain. Bumusangot lang ako sakanya at isa-isa ko ulit pinag masdan ang mga pag kain sa lamesa. So ano pa lang pwde kong kainin dito? Bawal din ang inihaw sakin. So nilagang gulay lang talaga ganon!? Pinag masdan ko ulit si Prixon na kinuha ang ginataang kalabasa na may hipon, nag lagay sya sa plato nya pati sa plato ko. "Hindi ako kumakain ng hipon" "Why? Allergic ka?" "No! Ayoko lang" "Masarap kaya to" "Ayoko kaseng nag babalat nyan" Humalakhak sya ng mahina at kinuha ang dalawang malalaking hipon na nilagay nya sa plato ko saka nya inilagay sa plato nya. Mabilis nya itong binalatan at ibinalik sa plato ko. Napa tunganga ako sa ginawa nya. Hindi ko tuloy magawang tanggalin ang tingin ko sakanya habang nakangisi sya sakin. "Done! Kain ka na" "Uy. Ang sweet naman! Ako nga din Prixon pa balat ng hipon" Narinig kong sinabi iyon ni kath na nakaupo sa tapat ni Neji. Humalakhak silang lahat habang nakangisi lang sakanila si Prixon. Uminit bigla ang pisngi ko. Kaya ibinalik ko na lang ang mga tingin ko sa plato ko. Bakit ba parang na a-admire ako sa ginagawa nyang pag aasikaso sakin? Wake up Wincess! Hindi sya ganyan kabait at asikaso sayo dahil gusto nya, ginagawa nya yon kase yon ang kelangan para sa baby! Yun lang ang dahilan! Tama! Yun nga lang. Hays! Nag buntong hiniga pa ko bago mag simula sa pag kain. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD