-Wincess's POV-
Sya na naman? Makita ko pa lang ang anino nya sobrang kumukulo na ang dugo ko! Halos bumaliktad na ang mata ko kakairap ng makita ko si Prixon na nakatayo malapit sa entrance ng building namin. Nakakairita na talaga sya! BWESIT!
Nag dire-deretso lang ako sa pag martsa at hindi sya nilingon. Don't look at me, don't look at- sh*t! Sa gilid ng mga makita ko ay ang pag martsa nya palapit sakin. Mahilig ba sya sa kalabasa at ang linaw ng mata nya?
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa umuwi sila Kath, huh?" aniya ng sumabay pa sya sa pag lalakad ko
"Bakit andito ka na naman? As if naman may pinag usapan tayo?" iritado na naman ko
"Ihahatid ulit kita"
Kumunot ang noo ko. What? Baliw na ba talaga sya? Napahinto sya ng huminto ako sa pag lalakad.
"B-bakit?" Inosente kong tanong
"Almost 1 hour ako nag hintay kaya wag mong sabihin na ayaw mo na naman" aniya
Kinagat ko ang labi ko at humalikipkip sa harapan nya "Ano ba yung hindi malinaw sayo sa mga sinabi ko kahapon, ha?"
Humalakhak lang sya. Lalong kumulo ang dugo ko. Maha-high blood na yata talaga ako!
"Ano din ba ang malabo sa mga sinabi ko na gusto kong maging tayo?"
Tumindig ang balahibo ko sa sinabi nya. Kumabog ang dibdib ko at may kung anong kakaibang dumaloy sa sistema ko. Nakaramdam ako ng panginginig ng tuhod. Sa simpleng sinabi nya ang dami ko na agad naramdaman. sh*t! Ano ba talaga pina-plano nya? Imposible naman na nainlove syang bigla sakin dahil sa nanyare nung gabing yon.
Nag pakawala ulit ako ng malalim na buntong hininga "Are you stupid? Akala mo ba talaga papayag-"
"Wincess?" May kung sinong tumawag sakin
Sabay kaming napalingon dahil sa pamilyar na boses na yon.
Lumiit bigla ang mga mata ko. Teka! Sya s-si... Si Raiko? Pinasadahan ko sya ng tingin. He's wearing his cute uniform. Naka sukbit ang black bag pack nya sa kanang balikat, habang nakapamulsa ang dalawang kamay nya. Nakangisi sya at nakalabas ang maganda nyang dimple. Pinigil ko ang pag hinga ng mag martsa sya palapit sa kinatatayuan namin ni Prixon.
"I-ikaw?" sabi ko
"Remember me?"
Ngumisi ulit sya kaya lalong lumabas ang malalim nyang dimple. Oh sh*t! Gwapo!
"O-of course! Raiko right?" pag kumpirma ko
"Buti naman at naaalala mo pa pala ang pangalan ko. I'm glad"
Ngumisi ako sakanya "Kung ikaw nga natatandaan mo pa yung pangalan ko, eh"
"Syempre naman. Makakalimutan ko ba naman yon-"
"Eheeeeem!" nag taas agad ng kilay si Prixon
Oo nga pala! Muntik ko pang makalimutan na andito nga din pala ang impaktong lalaking to! Bwesit! Panira ng moment!
"May kasama ka pala?" si Raiko
"Uhmmm. No, I don't know him. Nag tatanong lang sya ng dereksyon-"
"What!?" Pag protesta nya pero binaliwala ko lang iyon kaya bumakas ang inis sa ekspresyon nya
"Anyways! When you have time maybe we can go out together like lunch or dinner? Pwde dinymg breakfast" sabay ngisi ulit nya
Oh. Sh*t!
"Sure-"
"No!"
Naagaw agad ni Prixon ang atensyon namin ni Raiko. Tumaas agad ang isang kilay ko. Bakit ba nakiki 'no' sya? Sino ba sya sa akala nya?
"Hindi sya pwdeng sumama sayo!" dagdag pa nya
Na high blood na naman ako "Prixon!"
"Then why not?" kalmadong tanong ni Raiko
"Kase ayoko!" sigaw nya
I swear, literal na nalaglag ang panga ko. Aba! Aba naman, talaga! Saksakin ko na lang kaya 'to ng matahimik na?
Napangisi bigla si Raiko sa sinabing yon ni Prixon "Nanliligaw ka ba sakanya?"
"oo! May problema ka ba don?" mariing sagot nya
Napangiwi ako.
"Prixon tama na nga yan!" sigaw ko sakanya "I'm sorry Raiko, please don't mind him"
"It's okay. Hintayin mo lang ako anytime sa fuculty nyo, pupuntahan na lang kita"
"Anong pupuntahan mo sya? Siraulo ka pala, eh!"
"Prixon!" tumaas lalo ang boses ko
Ngumisi lang ulit si Raiko bago ito tuluyang umalis.
"Ano yung eksena mo na yon, ha?" galit kong sabi sakanya, na hanggang ngayon ay nakasunod parin ang tingin kay Raiko
Inis nyang ginulo ang buhok nya "Mga ganong klase ba ng lalaki ang type mo? Kaya pumayag ka kaagad na makipag dinner sakanya at puntahan ka sa fuculty nyo?"
Kumukulo na talaga ang dugo ko "It's non of your business, wala akong dapat ipaliwanag sayo!"
Ginulo nya ulit ang buhok nya "Kainis naman. Damn it!"
"Bahala ka nga dyan!"
Hindi ko na sya hinintay pang makapag salita ulit, basta umalis na agad ako, ayoko kase na kung san pa pauwi ang usapan na yon. Nakaka badtrip yung mga inaasal nya! Masyado syang feeling. Bwesit!
Pag katapos ng morning classes namin kinabukasan nag mamadali akong nag tungo sa library, hindi ko kase nagawa yung assignment ko sa history ipa-pass na namin yon mamayang 2pm. Ewan ko ba pero maaga akong nakatulog kagabi napapadalas din ang pag ka-antok ko kaya hindi ko nagawa yung assignment ko. Iniwan ko sila Kath na kakain na ng lunch, ang sabi ko sakanila susunod na lang ako sa cafeteria pag natapos ko na 'tong assignment ko. Nanlaki ang mga mata ko ng may biglang mag lapag sa table ko ng isang sandwich at c2 apple. Napakunot bigla ang noo ko at hindi ko na nagawang lumingon dahil sa familiar na boses na nag salita.
"Hindi ka pa kumakain, diba? Kainin mo muna yan"
Naningkit agad ang mga mata ko. Kumulo agad ang dugo ko. Sya na naman? Ano na naman bang ginagawa nya dito? Saka ano tong sandwich at c2 apple na dala nya!
? SUHOL? Sisirain na naman nya ang araw ko!
Nag patuloy lang ako sa pag susulat. Hindi ko sya pinansin. Masyado akong busy para makipag talo na naman sakanya. Hindi ko sya tinitignan pero kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag upo nya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
"Ano bang ginagawa mo dito?"
"Sasamahan kita hanggang sa matapos yang assignment mo"
Pabagsak kong inilapag ang ballpen sa lamesa at nilingon sya.
"Sabihin mo nga sakin, pumapasok ka pa ba sya klase nyo at lagi ka na lang andito?"
"Bakit? Concern ka ba?" Nanunukso nyang usal. Siraulo talaga!
"Hindi!" I looked away "Naiinis lang ako sa twing andito"
Ngumuso sya "Ang sungit mo naman, may mens ka ba?"
Lalong nag init ang ulo ko. Sh*t talaga! Hindi ko na kaya 'to! Papatulan ko na talaga ang siraulong to! Halos bumaliktad ang lamesa dahil sa pag tayo ko.
"Umalis ka na nga!" sigaw ko
Hindi sya kumibo gulat lang syang nakatingin sakin at dun ko lang narealize na nasa library nga pala kami. Sh*t!
"Kayong dalawa dyan. Kung hindi nyo kayang tumahimik dito sa library umalis na kayo dito" sabi ng librarian
Gusto kong lumubog sa kahihiyan. Medyo madami ding estudyante ang andito. Saglit pa kong napapikit. Kinagat ko ang labi ko at mabilis na kinuha ang bag at libro ko. Nag mamadaling akong nag martsa palabas roon sa library. Naramdaman ko din ang pag sunod nya sakin.
"Ayan pinaalis tuloy tayo. Ikaw kase, eh" aniya na natatawa pa
Pumihit ako at tinignan sya ng masama "Kasalanan mo kaya!"
Inirapan ko nga, kainis, eh! Pero ang mas nakakainis ay ang ilan sa mga babaeng nakakasalubong namin. Wagas kase ang mga ito kung makatingin kay Prixon tapos mga kinikilig pa. KAINIS! Kung makatingin kala mong artista ang tinitignan nila! Sige kung gusto nyo sya pwde bang hilahin nyo na sya palayo sakin? Nang may silbi naman kayo! At talagang ningingitian pa nya ang bawat babaeng mag hi-hi sakanya. Malandi din talaga!
"Masarap ba sa feeling na madaming babaeng nag kakagusto sayo?" biglang tanong ko. Sh*t!
"Pano mo yon napansin? Isa ka sakanila, no?" naka ngisi pa ang loko
"Excuse me? Ako? Tsss! Asa ka pa!"
"Dapat alam mo ang sagot dyan"
Kumunot ang noo ko "Huh?"
"Ang dami kayang may gusto sayo sa faculty namin"
Tumindig ang balahibo ko sa sinabi nya, kasabay ng pag init ng pisngi ko. Tsk. At pano naman kaya nya yon nasabi.
"Curious ka kung bakit alam ko yon no?"
"Of course not!" nag cross arms ako
"Basta alam ko yon"
"Prixon?"
Isang hindi familiar na babae ang lumapit sakanya. Maputi, maganda, straight at mahaba ang buhok nito. Agad syang kumapit sa braso ni Prixon. Nag salubong ang dalawa kong kilay. At sino naman tong babaeng to?
"O-oh! Monica? A-anong ginagawa mo dito?" medyo nauutal pa sya
"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasasagot yung tawag ko tapos nakita kita dito"
"Nasa bag kase yung phone ko hindi ko napansin na tumatawag ka pala"
Na high blood na naman ako. At talagang nag kwentuhan pa sila sa harapan ko no! Umirap ako sa kawalan. Ang sarap pag buhulin ng dalawang to. Mga bwesit!
"Sino sya?" tanong pa ng babae
Napabaling pa ng tingin ang kabadong mukha ni Prixon sakin "A-ah s-sya-"
Tumaas ang isang kilay ko "Don't mind me. Eh ikaw sino ka?" matapang na tanong ko
"I'm his girlfriend"
Halos mag pintig ang tenga ko sa sinabi nyang yon! Girlfriend!? Tsss. Tama nga si kuya babaero nga talaga ang Prixon na'to! Pag katapos nyang sabihin na gusto nyang maging girlfriend ako malalaman ko ngayon na may girlfriend pala sya? Bibiktimahin pa talaga ako, huh?
"A-ah. Wincess let me explain" aniya na medyo nanginig pa ang boses
Humalakhak ako ng tawa "You don't have to explain. Mauna na ko. Ayoko namang makaistorbo sainyo ng GIRLFRIEND MO!" may diin ang pag kakasabi ko sa huling dalawang salitang binanggit ko. Umirap ako at pumihit para umalis.
You son of b***h! Kala mo siguro isa ko sa mga babaeng mauuto mo? Halos nakalayo na ko sakanila nang may maramdaman akong mapangahas na humawak sa braso ko.
"Sandali lang" aniya
Pumihit ulit ako at nilingon sya, hindi ko na naaninig ang girlfriend nya. Ang seryosong mukha na lang nya ang nakita ko.
"Bitawan mo nga ako!" hinawi ko agad ang kamay nya
"Makinig ka muna sakin"
"Hindi mo naman kelangan mag explain sakin. Wala namang tayo" sigaw ko sakanya
"Pero-"
"Itigil mo na 'to!" bumaba ang tono ko
Ginulo nya ang buhok nya at inis na tumingin sakin "Yan ka na naman, eh!"
"Wala ka naman mapapala sa ginagawa mong 'to! Kaya tumigil ka na lang!"
"Hindi!" mariin nyang sabi
Napangiwi ako at nag cross arms sa harapan nya "You know what? Uulitin ko na naman sayo 'to. Kung ginagawa mo lang to dahil sa na gi-guilty ka at gusto mong mawala yang guilty mo. You don't have to. Wala kang dapat ika-guilty sakin. Kaya please! PLEASE! Stop bothering me.... It's really annoying!" kalmado kong sabi para mas maintindihan nya
Dumilim bigla ang mukha nya. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Nakaramdam ako bigla ng pag kirot sa puso ko ng makita syang ganon. May biglang namuong luha sa mga mata ko kaya minabuti ko na lang na umalis na bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha'ng yon. Hindi ko na naramdaman ang pag sunod nya sakin.
Nung hapon din yon wala na ngang Prixon na nag aabang sa labas ng classroom at labas ng gate. Mabuti na lang talaga at this time sinunod nya ko! KAINIS SYA! Nag pasundo din ako kay kuya nung hapon na yon.
"Himala at nag pasundo ka ngayon?" sabi ni kuya nang huminto na ang motor nya sa tapat ng kinatatayuan ko
Dati kase pag sinasabi nyang susunduin nya ko ang lagi kong sinasabi wag na at ayokong makaabala sa research nya. Kinakabahan kase ko na baka pag sinundo nya ko mag abot sila ni Prixon.
"Masakit kase ulo ko, kaya ayokong mag bus ngayon" I lied
Mabilis naman hinipo ni kuya ang noo ko "May sakit ka ba?"
Umiling ako "W-wala! Tara na?"
"Sige sakay ka na, ibibili tuloy kita ng gamot sa botika"
Nang gilid agad ang mga luha ko. Kahit anong manyare, gagawin ko ang lahat para lang hindi malaman ni kuya ang nanyareng yon. Ayokong ma-disappoint sya sakin.
~