-Prixon’s POV-
Halos hindi ako makagalaw sa pag kakatayo ko ng makaalis na si Wincess, ni hindi din ako makapag salita parang pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
WHAT'S THE BIG DEAL!? DAMN!
Ano nga ba ang big deal don? Tama naman sya, hindi naman to ang first time ko na may nanyare samin ng isang babae. Kung iisipin nga yung nanyare saming dalawa walang kasiguraduhan kase kahit ako mismo walang maalala sa mga nanyare nung gabing yon.
PERO BAKIT? Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, kung na gi-guilty nga lang ba ko, o kung ano. Basta pakiramdam ko may responsibilidad ako sa nanyare, pakiramdam ko kelangan ko syang panindigan. Ni hindi ko 'to naramdaman sa mga babaeng na naka-s*x ko dati. For having fun lang ang s*x sakin dati, pero bakit ngayon pakiramdam ko napaka wala kong kwentang lalaki kung pababayaan ko lang sya? T*ngna naman oh! Hindi ko ‘to dapat nararamdaman, eh! HINDI!
Bahala na kung ano ang gusto nyang isipin pero gagawin ko pa din ang gusto ko, gagawin ko pa din ang makakapag panatag sa loob ko, paninindigan ko sya, kahit alam kong ayaw nya, kahit alam kong naiirita na sya. Gagawin ko pa din.
Halos araw-araw ko na syang pupuntahan sa department nila para dalawin.
“Sabihin mo nga sakin? May nanyare ba sainyo nung gabing yon?” kinabahan ako sa tanong ni Poalo
“Ewan. Hindi ko nga maalala!”
“Eh. Kase 1 week na ang nakakalipas simula non. Tapos simula din non bigla ka na lang nag bago ng pakikitungo sakanya”
“Ano bang sinasabi mo?”
“Kunyare ka pa! Eh. Tatlong araw na natin ginagawa to, huh?”
“Ang alin ba?”
“Ano pa nga ba? Edi ito! Ang pag punta dito sa department nila para dalawin sya”
Ginulo ko ang buhok ko “Basta kase!” inis kong sabi “Oh ayan na sila” dagdag ko pa
Napatayo agad ako sa upuan na inuupuan ko sa cafeteria ng makita ko na paparating na si Wincess kasama si Kath, Leni at Janelle. Kitang-kita ko na naman ang nakakunot nyang noo at nakabusangot nyang mukha ng makita nya ko.
“Andito pala ulit kayo” ani Janelle na naka todo ngiti pa
“Oo. Naisip namin na dito na lang ulit kumain, mas masarap kase yung ulam dito kesa sa cafeteria namin”
“Talaga?”
“O-oo. D-diba Pao?” siniko ko sya ng mahina bilang senyales. Sana magets nya. Slow din 'to minsan
“A-ah. O-oo. Totoo yon!” pilit na pag sang-ayon pa ni Paolo
“Kung ganon tara ng umorder ng pag kain” Janelle na kumapit pa sa braso ko sabay hila nya sakin
Pasimple kong sinulyapan si Wincess na panay na ang pag irap.
Beef steak ang order ko, habang si Wincess naman ay chicken afritada ang ulam na inorder. Si Paolo at Janelle ang katabi ko sa upuan, habang si Wincess naman ay nakaupo sa tapat ko. Halos hindi ako makakain. Pasimple ko syang sinisilayan sa pag kain nya, napansin ko na isa-isa nyang tinatanggang ang carrots sa afritada. Hindi pala sya mahilig sa carrots?
“Oh. Bakit mo tinatanggal yang carrots? Diba kumakain ka naman nyan?” tanong Kath
“Ewan ko ba, parang nag iba yung panlasa ko sa carrots. Ayoko din ng amoy ng carrots-”
Bahagya syang natigilan sa pag sasalita nya saka sya pasimpleng napatingin sakin. Bakit kaya nag iba yung panlasa nya sa carrots? May sakit ba sya?
“C.r lang ako” aniya at mabilis ng tumayo patungong c.r
KAINIS!
Nag palipas muna ko ng ilang sigundo saka ako nag paalam sa kanila, nag panggap pa ko na may kausap sa cellphone para lang makaalis at makasunod kay Wincess.
“Anong ginagawa mo dito?” pag tataray agad nya ng makita nya ko na nag hihintay sa labas ng c.r
“Hinihintay ka”
“Bumalik ka na-”
Mabilis dumapo ang palad ko sa kanyang noo. Nakita ko ang medyo pag laki ng mga mata nya dahil don.
"May sakit ka ba?”
Mabilis din nya hinawi ang kamay ko “Ano bang ginagawa mo? Pwde ba itigil mo na nga to!” galit nyang sabi
“Ang alin? Ang pag hawak sa noo mo?”
“Itong laro mo o kung ano man ang tawag mo dito!”
Tumaas ang isang kilay ko.
“Hindi ‘to laro okay?”
“Basta itigil mo na. Hindi na nakakatuwa! Baka m-mamaya malaman pa ni Janelle to magalit pa sya sakin!”
“Yun lang ba yung iniisip mo? Edi sabihin na natin sakanila na nag da-date na tayo”
Mabilis kong hinawakan ang kamay nya, kumakawala sya pero mas hinigpitan ko pa ang pag hawak dito.
“Anong nag da-date? Bitawan mo nga ako!”
Ngumisi lang ako “Ayoko!”
“Nakakainis-”
“Wincess? Prixon?”
Sabay kaming napatalon dahil sa isang familiar na boses na yon mula sa likuran namin. Laglag ang panga namin ng maaninag namin ang mukha si Janelle. Mabilis binawi ni Wincess ang kamay nya, at wala na akong nagawa.
“J-janelle” nauutal na pa si Wincess
“Anong ginagawa nyo dito?”
“A-ah.. K-kase-”
“Katatapos ko lang makipag usap kay mama tapos mag c.cr sana ko kaya nag kasalubong kami” pag dadahilan ko
“A-ah! O-oo ganon na nga” pag sang ayon pa ni Wincess
“Ah. Ganon ba? Sige teka mag c.cr lang din ako” aniya na pumasok na sa c.r
Napadaing ako ng sapakin ni Wincess ang braso ko.
“Aray!”
“Siraulo ka talaga! Muntik na yon!”
“Mukhang wala naman syang nakita, eh!” ngumisi ako
“Kahit na. Dyan ka na nga!” aniya at nag walkout na
Nang mag uwian na, inabangan ko si Wincess sa labas ng gate ng campus. Alam ko kase na hindi sya maihahatid ng kuya nya pauwi, kase narinig ko na gumagawa ‘to ng research. Nakita ko na sya kasama ang mga kaibigan nya kaya nag tago muna ko sa isang poste. Nang mag hiwahiwalay na sila at ng mag-isa na lang si Wincess ay saka ako nag pakita sakanya.
“Ang tagal mo! 30 mins na kong andito!”
Kumunot na naman ang noo nya “Ikaw na naman? Hanggang kelan mo ba talaga 'to gagawin, huh!?”
“Gusto lang kita ihatid, masama ba yon?”
“Kung ginagawa mo lang ‘to dahil na gi-guilty ka, you don't have to”
Inirapan nya ko, saka mabilis na tinalikuran. Hinawakan ko sya sa braso para pigilan.
“Diba sinabi ko naman sayo na paninindigan ko ang nanyare satin?”
Hinarap nya ko gamit ang galit nyang ekspresyon.
“Pero wala ngang nanyare!”
“Basta gagawin ko pa din”
“So, anong gusto mo? Pano mo yon paninindigan? Magiging girlfriend mo ko ganon ba?”
Bahagyang nag hari ang katahimikan samin'g dalawa, bago ako tumango sakanya na ikinalaglag ng kanyang panga. Halos hindi sya makapag salita kaya hindi na din ako nag salita. Tinitigan ko lang sya, habang nakasalubong ang mga kilay nya at naka half open ang labi nya.
“Pano kung ayoko?”
Kalmado nyang sabi. Hindi ko ma-gets kung bakit ganito nya ko i-trato. Sya lang yata yung babaeng tumatanggi na maging girlfriend ko. Dahil ba sa kapatid sya ni William? Siguro nga yun ang dahilan!
“Hayaan mo lang na ihatid kita”
“No thanks hindi na kai-”
Hindi pa man natatapos ang dapat sasabihin pa nya ay mabilis ko ng hinili ang kamay nya. Pilit syang kumakawala pero masyadong mahigpit ang pag hawak ko, para makawala pa sya kaya kahit sobrang labag sa loob nya ay wala na syang nagawa. Wala syang kibo sa buong byahe namin pauwi. Sa coffee shop na malapit sa subdivision nila sya nag pababa. Baka daw kase makita ako ng kuya nya kung ihahatid ko pa sya sa mismong subdivision, kaya hinaan ko na lang sya.
Halos parehas lang ang schedule ng klase namin dalawa kaya hindi ako nahirapang makahanap ng oras para puntahan sya.
Sa totoo lang hindi ko alam bakit ko ito ginagawa. Pakiramdam ko lang kelangan ko tong gawin. Hays!
~