His POV "Masaya ka na?," nang-uuyam na sabi niya kay Florinda. "Of course, masayang- masaya ako darling, ikaw hindi ka ba masaya? Sa wakas magkakaanak na tayo, hindi ba iyan ang pinapangarap mo sa noon pa? Ang makabuo tayo ng anak? Magiging isang ganap na tayong isang pamilya, Alexis!!!," turan pa nito sa kanya na puno ng kagalakan. "Masaya naman," tipid niyang sagot. "Darling, huwag ka na masyadong mag-isip ng anupaman, me and our coming baby will be fine, ang doktor na rin ang nagsabi na kaya ko pa naman manganak, my ovary is fine at hindi pa naman kumalat sa buo kong katawan ang cancer cells," Florinda assured him but he can't help it not to worry of his wife's health and their coming baby. "You say it so, ano pa ba ang magagawa ko, eh, you plan all things, nandito na to, at isa pa

