Third Person POV "Mmmm... ang sarap naman nito Meding, namiss ko talaga itong mga luto mo, eh, kaya nga pinabiyahe agad kita dito," sarap na sarap siyang humihigop ng sinabawang karne ng baboy. "Salamat Madam, sige kain ka pa ng kain, medyo humapis yata ang katawan mo ngayon," turan ni Meding na kasambahay niya sa mansiyon na pinapunta niya dito sa America upang maging tagapag-alaga niya sa kanyang kasalukuyang kalagayan. "Ano ba Meding, Flor na lang parang hindi tayo magkaibigan at magkakabata ah, wala na tayo sa mansiyon para Madam pa rin ang itawag mo sa akin!," nangingiti niyang sabi kay Meding. "Pasensiya na nasanay na kasi akong tawagin kang Madam, ehhhh... Flor!," tugon pa nito sa kanya. "Much better!!! Halika samahan mo akong kumain, ang dami nitong niluto mo, hindi ko yata ma

