"Oh, Miss Lacsamana, why are you still here? may kailangan ka?" rinig niyang turan ni Alexis sa kanya ng lumapit siya sa lamesang kinaroonan nito.
Abala ito sa pag-aayos ng mga dokumento sa folder at tangka ng tatayo at aalis na sana.Ngunit napabalik ito sa kinauupuan ng makita siya.
"Ah, eh, Mr.President gusto ko lang sanang magsorry sa inasal ko kanina, hindi ko lang napigilang hangaan ka," deretsa niyang sabi.
Bigla namang nagitla si Alexis sa kaprangkahan ng babaeng nasa harapan niya.Bagama't napakaganda nito ay sa tingin niya'y isa na naman itong bratty girl na nagpapansin sa kanya.
Tumikhim muna siya at pilit na kinalma ang sarili dahil ayaw niyang maging bastos sa harapan nito.
Hindi niya talaga gusto ang mga babaeng flirt at kulang sa pansin at isa pa napakabata pa ng hitsura nito kahit pa nababalutan ang mukha nito ng kolorote.
She hated women with superficial make -up on their faces.Tulad ng dalagang kaharap niya ngayon although he finds her red lips hot and tempting, mas gugustuhin niya pa rin ang simple at natural na ganda.
"Apology accepted, iyon lang ba?you may go now, Miss Lacsamana," pagtataboy niya sa dalaga.
"Teka lang, Mr. President, ahmmm...kasi may gusto sana akong sabihin, ano kasi... ahhhh.. naalala mo pa ba ako? ako iyong tinulungan mo....," hindi niya na pinatapos ang dalaga sa pagsasalita hindi dahil nagmamadali siya dahil iniiwasan niyang matukso dito lalo ng masilayan niya itong kinakagat kagat nito ang hintuturo na pakiwari niya ay inaakit siya nito.
Tila naman natuyo ang lalamunan niya sa simpleng gawi ng dalaga.Tila may hatid na kiliti ang umigting sa kanyang puson.That's a warning sign that he is in danger kaya't kailangan niyang ipakita sa dalaga na hindi siya nadadala sa pang-aakit nito.
Ang totoo ay kilalang-kilala niya na si Aubrey Lacsamana.Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa ganda nito kaya't noong una niya itong makita during enrolment period ay nahuli na nito ang kanyang interest ngunit isang malaking kapahamakan ang susuingin niya kung makikipaglapit siya dito.
Her nearness to him means his downfall.At hindi niya hahayaan na mangyari iyon.Isa pa ay tapat siya sa kanyang long-time girlfriend na si Athena na simula't sapul ay nariyan na para sa kanya.
"Miss Lacsamana, I am on a hurry, you know I am a busy person, if that's not so urgent it can wait, okay, next time na lang okay?" madali niyang sabi at agad ng tumayo bitbit ang mga folders ngunit naharang siya ni Aubrey.
"Wait, wait, Mr.President, ang tagal kung hinintay ang pagkakataon na ito na makalapit sa iyo, why would you shut me up?" may kumpiyansa sa sarili na sabi ni Aubrey.
Napaupo na naman siya sa pabalik sa kinauupuan sa pangangalawang pagkakataon.Umigting ang kanyang panga, ang kaninang pagtitimpi ay gumuho at napalitan ng sarkasmo para sa dalaga.
"What now lady?are you bored or something at ako ang pinagtritripan mo?get out of my way, marami pa akong aasikasuhin, why not scratch your itch to others who are available and easy to mingle, I am not interested," iritable niyang diin sa dalaga.
"Oooops, take it easy Mr.President, hindi naman ako nangangagat, I am just here to thank you and to spare your precious time to me, ang hirap mo kasing masolo and take note sa iyo lang ako magpapakamot," rinig niyang sabi ng dalaga na humalakhak pa na humakbang patungo sa kanyang likuran.
Tila naman siya nanigas ng suwabeng hinilot hilot ng dalaga ang magkabilaan niyang balikat.He felt so relaxed at the same time bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan sa pagkakadikit ng kanilang balat kahit pa may suot siyang t-shirt ay ramdam niya ang init na hatid ng mga kamay nito.
"Ayan, masarap ba Mr.President? loosen up, I know you're tired, paregalo ko na sa iyo iyan at hindi naman ako papayag na walang kapalit," patuloy pa rin ito sa paghagod hagod sa kanyang balikat na hindi niya na napigilan pang mapapikit sa ginhawa at sarap na hatid nito sa bawat himaymay ng kanyang pagod na katawan.
"Hmmmnn," hindi niya mapigilang magpakawala ng ungol sa kanyang labi.
"There you are Mr.President,ako naman!" rinig niyang sabi nito at naramdaman niya na lang na may dumampi sa kanyang labi.
Sa sobrang kasabikan ay ninakawan niya ng halik ang binata sa labi nito habang nakapikit itong ninanamnam ang paghagod ng kanyang mga kamay sa balikat nito.
She planted a lingering and innocent kiss to Alexis' lips.Bagama't kauna unahan niya itong halik ay hindi niya pinahalata sa binata na hindi siya marunong humalik.
Pinanindigan niya na ang mapangahas niyang kilos upang makamit lang ang pagnanasang matikman ang labi ng binata.
At nagtagumpay nga siya.She felt gooose bumps and butterflies moving in her womb.Mas pailalimin niya pa sana ang paghalik dahil hindi naman pumalag ang bintana kung hindi lang biglang bumukas ang pinto na ikahinto niya at agad na napatayo si Alexis.
"Babe, nandito ka lang pala, hindi pa ba tayo aalis?may meeting pa tayo with some student leaders sa ibang college, remember," rinig niyang sabi ng kasintahan nito.
Napatayo din siya ng tuwid at sinipat ang kasintahan ni Alexis.Simple ang hitsura ng dalaga, walang kadating dating sa paningin.Kaya't nagtataka siya kung bakit ito ang nagustuhan ni Alexis na maging syota.
"Oh, hi babe, I am with Miss Aubrey Lacsamana, she is volunteering herself with the coming election day," simpleng turan ni Alexis na parang walang anumang kaganapan ang namagitan sa kanilang dàlawa.
"Hi, Aubrey, nice to meet you, salamat sa pagsuporta sa boyfriend ko," sabi nito na ikinawit pa ang kamay sa baywang ni Alexis.
Bagama't naalibadbaran siya sa pinapakitang possessiveness ng syota ni Alexis ay pikit mata niya na lang binalewala total ay nakuha niya namang halikan si Alexis.For now, its enough for her to get her cravings, to steal a kiss from his ultimate crush.
"Oh, maliit na bagay, basta para kay Mr.President, I'll give what I can do, so, I think I need to go now, thank you Mr.President and to you...," sabi niya pa.
"Just call me kuya na lang, and she's your ate also..," wala sa mood na sabi ni Alexis dahil pakiramdam niya ay nabitin siya at the same time nakonsensiya sa syota niya sa nangyari sa kanila nila ni Aubrey.
Mabuti na lang talaga ay mabilis siyang nakawala sa paghalik ni Aubrey sa kanya at nakatayo siya agad at hindi sila naabutan ni Athena sa nakakagulantang na eksena.
"Ahhhmmm, okay...ate...er...kuya, I'll go ahead,bye!" nakangiting sabi ni Aubrey kahit sa pilit lamang ang pagbigkas niya ng kuya kay Alexis.
Hindi niya matatanggap na bata lang ang tingin nito sa kanya.Papatunayan niyang may ibubuga din siya at kaya niyang makisabayan sa syota nitong walang kaarte arte sa katawan.
She is Aubrey Lacsamana and she craves for Alexis Montemayor kahit pa may syota na ito ay gagawin niya ang lahat upang mabaling lang sa kanya ang atensyon ni Alexis.