May ngiting tagumpay ang naiguhit niya sa kanyang labi habang papalabas siya ng opisina ng student council.Mission accomplished ang pakiramdam niya ngayong araw na ito dahil naggawa niya ng makalapit kay Alexis.
Parang gusto niyang magtatalon sa kilig at tuwa.Mas daig niya pa ang batang nabigyan ng kendi.
"Oh, Alexis!ang sarap mo talaga!" sabi niya sa sarili habang binabaybay ang daan patungo sa parking lot kung nasaan ang kanyang kotse.
Pasipol sipol at pakanta-kanta
pa siya habang nagmamaneho pauwi sa kanilang mansiyon.Kahit lumaki siyang nakukuha ang gusto ay hindi naman siya lumaking dependent sa kanyang mga magulang na sila Samuel at Leonara Lacsamana.
She lives independently dahil parehong busy sa kanya kanyang propesyon at negosyo ang mga magulang.
Her mother is a busy career woman, isa itong editor-in-chief sa isang sikat na fashion magazine.Habang ang kanyang ama ay abala din sa pagpapatakbo ng kanilang family business.
Halos hindi na nga sila nagkikita sa loob ng mansiyon maliban na lang tuwing linggo dahil itinalaga ng daddy niya na magfamily bonding sila every Sunday.
Ngunit sunod-sunod na linggo na ang nagdaan ay palagi na lang absent sa bonding nila ang mommy niya.
Pagdadahilan pa nito ay may mga commitments ito sa ibang mga models and artists na kailangan nitong tutukan.
Dahil understanding naman ang kanyang daddy Samuel sa propesyon ng mommy niya ay hindi naman ito nagrereklamo at nagpapaubaya na lang sa gusto at desisyon ng ina.
Simula't sapul ay ganito na ang kinagisnan niya sa relasyon ng mga magulang niya.Mahal na mahal kasi ng daddy niya ang mommy kaya ito ang palaging nag-aadjust.
Kaya siguro tumagal ang relasyon ng mga magulang niya dahil sa mahaba ang pasensya ng daddy niya at palaging iniintindi ang kahinaaan at pagkakamali ng mommy niya.
Sa edad niyang labing-walo ay masasabi niyang tahimik at puno naman ng pagmamahal ang pamilya niya.She wished that someday she will find someone like her daddy, the wind beneath the wings of her mommy.
Never niya namang nakitaan na nag-aaway ang mga magulang niya sa harapan niya.At never din na nagsasalita ng masama ang isa man sa kanila sa bawat isa.
Minsan kapag nagtataas na ng boses ang mommy niya ay maagap naman itong niyayakap at hinahalikan ng daddy niya.Kaya nakakatuwang pagmasdan ang ganitong eksena ng mga magulang.She then can say, she has an ideal and loving parents.
Idolo niya ang daddy dahil magaling itong kumarenyo sa mommy niya.Ito namang mommy niya ay agad ding matitikom ang bibig at makikiuyon sa daddy niya.They were sweet couple as it may seems to be.
Masasabi niya ngang masuwerte siya sa mga magulang niya dahil hindi lamang sila mayaman kung hindi ay nagmamahalan at payapa ang buo niyang pamilya.
She felt complete at mas lubos pa ang kanyang kasiyahan dahil kumpleto ang araw niya ngayon dahil sa wakas ay naggawa niya ang inaasam na makalapit kay Alexis at mahalikan pa ito.
Dahil linggo naman bukas ay magsama-sama na naman silang mag-anak.She can't wait to tell the good news to her parents.Alam kasi nila ang tungkol sa pagkagusto niya kay Alexis Montemayor.
Ang daddy pa nga niya ang sobrang excited na sa wakas ay may crush at may napupusuan na siya.
Buhat kasi ng high school niya ay never siya nagkaroon ng boyfriend o manliligaw.Lapitin naman siya ng mga lalake ngunit sa tuwing nilalapitan siya ng mga lalakeng magtatangkang ligawan siya ay pinagdidilatan niya ng mata at tinatakot niya ang mga ito.
Tuloy ay kusa na lang itong aatras at hindi na muling lalapit pa sa kanya.Ayaw niya muna kasing magkaroon ng boyfriend that time.Tingin niya napakabata pa niya upang magkaroon ng kasintahan.
Her parents by her side that time were enough for her.Masaya siya sa mga magulang kaya't hindi na kailangan hanapin pa ang kaligayan sa iba.
Ngunit nagbago ang pananaw niya sa pakikipagrelasyon ng makilala niya si Alexis.Gusto niya ng magkaboyfriend at ang napili niya nga ay si Alexis Montemayor.
Kinantiyawan pa nga siya ng daddy niya sa wakas daw ay nagkagusto na daw siya sa lalake.Akala kasi ng daddy niya ay tomboy siya.Suportado ng mga magulang niya ang pagkahumaling niya kay Alexis.
Sinabihan pa nga siya ng daddy niya na kailan nga daw niya ipakilala sa mga ito si Alexis ng makilatis nila.Ang hindi alam ng mga magulang niya ay may kasintahan na si Alexis.
Ngunit hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na mapapaibig niya si Alexis at mapapakilala din bilang kasintahan niya si Alexis.
"Bilog ang mundo, Alexis!Sige lang kuya pa kita ngayon, but who knows tomorrow boyfriend na kita or baka maging hubbylicious pa kita!" pampalakas ng loob niya sa sarili habang papalapit na siya sa gate ng mansyon nila.
Pinagbuksan naman siya ng guwardiya nila at agad niya pinaarangkada ang kanyang sasakyan patungo sa malapad nilang parking space.
Nakita niya ang sasakyan ng bawat isa ng mga magulang niya.Nagtaka man kung bakit ang aga ng uwi ng mga magulang niya ay mas sumilay ang tuwa sa kanyang labi dahil makakasama niya ng mas maaga ang mga magulang.
Mabilis niyang binagtas ang malawak na espasyo patungo sa kanilang living room.Excited siyang makita ang mga magulang dahil ang mommy niya ay tatlong araw na out of the country at ang daddy niya naman ay nasa Cebu at may tinatapos na business meeting.
"Dammit, Samuel, pinag-usapan na natin ito, I can't be here tomorrow, this project is important that I can't cancel!" rinig na rinig niya ang malakas na sigaw ng mommy niya sa daddy niya na nagpahupa ng ngiti niya sa labi.
Napatigil siya sa paghakbang at nanatiling nakatayo lamang sa pinto na bahagya niya ng binuksan.
"You can just let your assistants to be there, hindi mo na kailangan saluhin lahat ng trabaho, besides your the boss, wala ka na nga ng tatlong araw ay aalis ka na naman, tomorrow's a family day, love, remember?" kalmado pa ring sabi ng daddy niya.
"Your so damn, Samuel, tinuringan ka pa sanang magaling na negosyante pagkatapos hindi ka nag-iisip, you knew that I can't do that and besides Aubrey is big now, hindi na kailangan ng bonding bonding, matanda na tayo para diyan!" mahabang singhal ng mommy s kanyang daddy.
"But love, kaya nga matanda na tayo so dapat mas mahaba na ang family time natin, work is just there but family is more important, sige na love, please just stay," pagpapakumbaba pa ng daddy niya.
"Bullshit, Frederico, tigil tigilan mo nga ako sa lambing lambing mo na iyan, mahiya ka nga sa sarili mo ang tanda tanda muna, hindi na bagay sa atin iyan, I'll be going malalate na ako sa flight ko," dagdag na singhal ng mommy niya.
Bigla naman siyang pumasok sa loob ng living room at nakitang hinihila na ng mommy niya ang maleta nito palabas.
Sinubukan niyang hindi bigyan ng pansin ang mga narinig na usapan ng kanyang mommy at daddy.Nagkunwari siyang masaya at walang alam sa nangyari.
"Hi, mommy, what a surprise!kailan ka pa dumating?oh, don't tell me kararating mo lang, o wow daddy sabay pa kayo ni mommy, yehey!complete na naman ang sunday family bonding natin!" magiliw na sabi niya.
"O rey mabuti at nandito ka na, I have to go, ikaw na bahala sa daddy mo, I have a flight to catch going to Sidney,I am invited for a fashion show to cover in our magazine, I can't turn down that invitation, I hope you understand!bye now," nagmamadaling sabi ng mommy niya at derederetsong lumabas ng pinto dala ang maleta.
"I guess we two will spend sunday bonding again, rey, okay lang di ba!" kalmado pa ring sabi ng daddy niya.
"How did you manage to stay calm and understand mommy all the time dad?" naguguluhan niyang tanong.
"Rey, because I love her, no explanations to make, I love her so I understand her," simpleng sabi ng daddy niya.
"Oh dad,you are the sweetest and the most understanding husband ever," niyakap niya ang kanyang daddy ng matagal at nagpasalamat sa biyaya ng Diyos na magkaroon ng isang amang tulad ng daddy Frederico niya.She will forever be daddy's girl dahil sa ama niya lang naramdaman ang pagmamahal na totoo at dakila.