"Atty. Alexis Montemayor, meet your benefactor, Ms. Florinda," rinig niya na pagpapkilala sa kanya sa babaeng nasa harapan niya ngayon. Nakabahagyang buka ang kanyang labi na napamaang na lamang sa babaeng hindi niya inakalang makikita niya ngayon. Kamukhang- kamukha ito ng babaeng crush ni Mark na kanyang itinaboy ng gusto nitong ibigay ang sarili nito sa kanya sa gabi ng kanyang thanks giving party bilang nanalong presidente ng university council. "Finally, we personally met, Atty. Alexis Montemayor, by the way, congratulations for passing the bar exam," malamyos nitong sabi pagkatapos ay nakipagkamay sa kanya na kanya namang pinaunlakan. Swabe ang hagod ng kamay nito sa kanyang palad.Hindi naman siya nakaramdam ng kiliti o init gaya ng dating mapadikit lang ang balat ni Aubrey sa kan

