2 years ago... Isang taon na siya sa Texas, isang taon na rin ang nakalipas buhat ng mamatay ang Tita Amor niya.Hirap na hirap na siyang tustusan ang sariling pangangailangan kaya nga hindi na siya nakabalik pa sa pag-aaral. Kahit na anong marangal na trabaho ay pinapasukan niya na upang matugunan lang ang mga bayarin at araw-araw na panganailangan.May naiwan pa kasing utang ang Tita Amor niya na patuloy niya pa ring binabayaran. Minsan nga naisip niya ng kumapit sa patalim sa dami ng problema niya at alalahanin.Daig niya pa ang may asawa na may mga anak na binubuhay.Mag-isa nga lang siyang namumuhay ngunit hindi natatapos-tapos ang mga problema niya at intindihin. "Kapit lang day rey," minsan sabi ng katrabaho niya na isang pinay din. Naikuwento niya dito ang problema niya at naging

