"Huwag na lang kaya, Nes, uuwi na lang ako," nagdadalawang- isip na sabi niya sa katrabaho. Hindi kasi niya masikmura na sa ganito ang kababagsakan niya.Ang tayog tayog ng pangarap niya sa buhay pagkatapos ay magiging isa siyang tagahatid ng aliw at ligaya sa hindi niya kakilalang mga kalalakihan. Kahit sabihin pang sasamahan niya lang bilang kapareha ang magiging kliyente niya sa dadaluhan nitong pagtitipon o party ay hindi pa rin maganda tingnan sa mata ng mga mapanghusgang tao. Dahil gipit na gipit na siya ay wala na siyang choice kung hindi lunukin ang natitirang pride sa sarili.Sa totoo lang ay may choice siya kung ibaba niya ang kanyang pride at humingi ng tulong sa kanyang mommy. Ngunit hanggang ngayon ay nasusuklam pa rin siya sa kanyang ina na naging dahilan ng pagkamatay ng k

