Lost

3030 Words
*Airis* "Napakatanga mo talaga! Bilisan mo ang pagdadrive! Baka makita nila yon sa kwarto mo!" sermon sa akin ng kausap ko sa cellphone na hindi ko pa papangalanan. Well, kilala niyo naman na siguro ako di'ba? At let me tell something more about me. Gaya ng alam niyo na, ako ang kumuha ng cellphone ni Rence. Naisip ko kase na magagamit NAMIN iyon para paghiwalayin sila. Yes! Paghiwalayin sila! Walang karapatan ang baklang iyon kay Angel! Akin lang si Angel! Ganyan ko siya kamahal! Ako nga din pala yung nakakatext ni Angel this fast few days. Naisip ko kase na bakit hindi ko siya landiin habang nasakin yung phone ni Rence? Edi parang sa pakikipagflirt ko sa kanya sa text, parang ako talaga yung nilalandi niya kahit ang alam niya ay yung sh*t na bakla nayun yung katext niya. Atleast di'ba napapakinabangan ko yung phone ni bakla. "Hoy Airis, ano ba magsalita ka!" sigaw nung nasa kabilang linya. Sumosobra na to ah! Rinding-rindi na ako sa boses ng BABAE na ito! Pasalamat nga siya pumayag ako sa offer niya na tutulungan niya akong landiin at bawiin si Angel. "Oo na! Eto na nga oh! Malapit na!" sigaw ko din sa kanya. Aba! Wala siyang karapatang sigaw-sigawan ang isang Airis Mae Dela Cruz! "Haaaa! Ewan ko sayo ang tanga mo! Basta kapag nalaman kong nahuli ka nila, kalimutan mo na ang pinag-usapan natin. At kapag ako nadamay at nasira ang plano ko dahil sayo, humanda ka sa kaya kong gawin sayo." sabi niya at binabaan ako ng tawag. Aba at bastos itong *** na to! Grrrrrr! Ang sarap niya kalmutin sa mukha! At last nakarating na ako sa bahay nila Angel. Mabuti at wala sila sa living room kaya madali akong nakapunta sa kwarto ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Remember magkalapit lang ang kwarto namin ni Angel? So iyon, pagpasok ko ay binalikan ko ang study table kung saan ko iniwan yung phone ni Rence. F*ck! Wala dito! Hinalughog ko halos yung buong kwarto. Sa drawer, sa kabinet, sa ilalim ng kama, sa bookshelf, pero wala! Sh*t! Baka nakita na nila yung phone ni Rence! "Hey b***h! Ito ba ang hinahanap mo?" nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Siya si.. Sino nga ba siya? Haaa! Basta siya yung baklang shota nung Bestfriend ni Angel (si Alex po iyon). At hawak niya ang cellphone ni Rence. "Akina yan!" sigaw ko at sinugod ko siya at pilit na inaagaw sa kanya yung cellphone. At super lakas niya. Kahit bakla siya, siyempre katawang lalaki pa din siya. At iyon, nahila niya ako ng malakas sa buhok at napahiga ako sa sahig. Umupo siya sa may bandang tiyan ko para di ako nakalaban. F*ck! "Malandi ka! Ikaw pala yung kumuha ng cellphone ni Rence! Makati kang higad ka! Ito ang bagay sayo higad!" sigaw niya habang pinagsasampal ako sa pinagsasabunutan. Siyempre wala na akong laban pero pinakita ko sa kanya na matapang ako. "Hayup ka! Mga salot! Mga bakla! Ang dapat sa inyo mawala! Mga malalandi kayo! Katawan lang ng mga lalaki ang habol niyo! Bakit? Magkano ba ang ibinayad mo sa Bestfriend ni Angel at patay na patay sayo yun? Siguro p**" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang sinampal niya ako ng malakas sa kanang pisngi ko. *Pakkkkk!!!* "Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan" hinawakan niya yung dalawang kamay ko ng isang kamay lang. Para wala na talaga akong laban. "Dahil hindi ako higad na katulad mo!" sabay sampal niya sa kanang pisngi ko nang super lakas. "Hindi ako desperadang tulad mo!" sampal naman niya sa kabilang pisngi ko. Ang sakit-na ng mukha ko promise. Halimaw kang bakla ka! "At lalong hindi ako makati na tulad mo! At hindi ko binayaran si Kyle para mahalin ako dahil nagmamahalan kami ! Hindi katulad mo na walang nagmamahal sayo!" at hinila niya ng malakas ang buhok ko. Super naiiyak na ako dahil sa sakit ng mga combo niya sa akin. "Tama na yan Alex" mahinahong sabi ni Angel na nakatayo sa pinto katabi si Kyle. Salamat at dumating si Angel kung hindi baka mapatay ako ng bakla nato. "Salamat Angel. Sinugod niya ako kanina tapos pinagsasampal niya ako. Tulunga--" pagpapaawa ko sa kanya at akmang yayakapin siya nang bigla siyang sumigaw. "Pwede ba Airis tama na! Alam ko na ang lahat!" sigaw niya sakin. Doon na ako naiyak ng todo. Alam mo yung feeling na sinigawan ka ng mahal mo dahil galit na galit siya sayo? "Pe-pero Angel.. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto ang mangyari. Pinilit lang ako ni R--" Naiiyak kong sabi na pinutol niya. "Umalis ka na" mahinahon pa niyang sabi sa akin na nagpipigil ng galit. "Sorry Angel. Hindi ko s**" "Sabi ko umalis ka na!" sigaw niya ulit sakin. Wala na akong nagawa kundi umalis ng kwarto. Sobrang sakit para sakin na itinaboy ako ng taong mahal ko. Napakatanga ko kase para makipagsabwatan sa tao nayun. Sumakay ako ng sasakyan at pinaharurot iyon. Tinawagan ko din siya. "Hello?" umiiyak kong sabi sa kanya habang nagmamaneho. "Nalaman nilang ikaw ang kumuha? Napakatanga mo kasi! Magkita tayo mamaya sa park. May plano ako." sabi niya pa. **Alex** Nakooo mabuti nalang talaga at pinigilan ako ni Angel at baka kung ano ang magawa ko sa nyetang Airis nayun. Siya pala ang sumisira sa relasyon nila Angel at Rence. How desperate! Nakakakulo ng dugo. May mga tao pala talagang gaya niya na gagawin ang lahat for love. Siguro kahit ako gagawin ko yun for Kyle. Pero hindi ko ginawa dahil hindi naman ako desperadang palaka na higad na s**o na ahas na hipon na uod. Hindi ako gagawa ng ganon kasama no! At oo nga pala, di na namin iyon sinabi kay Rence dahil ayaw na rin naman ni Angel na magkaroon pa ng gulo. Pinoprotektahan kase ni Angel ang samahan nila lalo na ngayon at dumadami ang tumututol sa kanila. Okay forget about her. Ang importante ay hindi na niya ulit guguluhin sila Angel at Rence. Sana. Change topic na nga! Kailangan maging masaya. Kailangang magcelebrate. Its 11:55 pm at malapit na mag12:00 midnight. So birthday na ni Angel!! Yehey! Nandito kami ngayon sa baba at hinihintay nalang na makumpleto kami bago namin sila puntahan sa taas. Si Kyle yung may hawak ng cake. Bestfriend eh. Si Tita (mama ni Angel) di na namin kasama kase puyat. So kami-kami lang nila Kyle, Kevin, Ivan, Kuya Josh at Kuya Enzo. Sana magustuhan ito ni Angel. Ang hirap kaya magprepare. Haha "Guys, Lets go na. 11:58 na!" masayang sabi ko sa kanila at mabilis pero dahan-dahan kaming umakyat sa kwarto ni Angel. Nag-papakiramdaman pa kami habang hinihintay na mag12. Ako lang ba o parang may naririnig akong umuungol?? Baka guni-guni ko lang yon. So ito na. Nagsenyasan kami kung kelan dapat pumasok. 5.. 4.. 3.. 2.. Binuksan namin yung pinto at.. "Happy bir-----" naputol ang pagbati namin dahil sa nakita namin. OMG! Takte! Akala ko kami yung magsusurprise. Yun pala kami yung masusurprise. Pano ba naman, nakapatong si Angel kay Rence at akmang tatanggalin na ang mga damit nila pero dumating kami at nahinto sila sa ginagawa. Kita ko sa mga mata nila ang pagkadismaya at pagkabitin sa kung anomang ginagawa nila. Hahaha. "Hahahaha" sabay sabay namin tawa dahil sa awkwardness. Yung dalawa naman nag-ayos ng sarili bago humarap sa amin. "Another score for Angel Kiane Lorenzo!" Sigaw ni Kuya Enzo. Right. Right. Another score na naman. Mukhang mas madalad pa sila mag-ano ni Rence kaysa samin eh. Inaaraw-araw? Exercise lang ang peg? Haha. "Nice bro!" Sabi ni Kyle na tawa ng tawa. "Kahit kailan talaga wrong timing kayo. Ikaw Kyle may utang na kayo ni Alex sakin na dalawa. Kumukopo na kayo. Palagi niyo nalang ako binibitin" natatawang sabi ni Angel na tinawanan ulit namin. "Haha. Malay ba namin na may nagaganap na giyera dito. Kaya pala may ungulan akong nadidinig nung nasa labas kami kanina. Akala ko wala lang, yun pala may nangyayari nga." natatawang sabi ko kay Angel. "Haha. Sige guys ulitin niyo nalang ulit. Labas dali." pag-uutos niya samin na tinawanan namin ulit. Baliw talaga si Angel. Kami naman, sinunod namin at lumabas ulit at sinarado yung pinto. Nagsenyasan ulit kami bago tuluyang pumasok. "Happy birthday Angel!" sabay-sabay ulit naming sabi. Para kaming mga tanga neto. Inabutan namin sila Angel at Rence na nakahiga nalang sa kama na parang walang ginawa kanina. Bumangon sila at nagholding hands. "Wow! Salamat guys. Hindi ko ito inaasahan. Salamat sa effort niyo." nag-iiyak-iyakang sabi ni Angel na niyakap ni Rence. Kaya muli na naman kaming nagtawanan. "Happy birthday bro!" sabi ni Kyle at nagbro hug sila. "Happy birthday Angel!" Sabay-sabay naming sabi. "Hoy Rence batiin mo si Angel!" pagpuna ko sa kanya. "Actually guys, binati na niya ako kanina bago kayo dumating" sabi ni Angel na pinulupot ang mga kamay sa bewang ni Rence at hinalikan ito sa pisngi. Ewan ko ba pero feeling ko mas sweet sila samin ni Kyle. "Mukha nga! At mukhang di lang pagbati ang nangyari." natatawang sabi ni Kuya Josh, kapatid ni Rence. "Haha. Okay Angel. Make a wish na before blowing this. O baka gusto mo na ikaw ang i-blow ni Rence?" nakangiting sabi ni Kyle sa bestfriend niya. Binatukan ko si Kyle na dinaing niya. "Aray ko babe! Parang di mo ginagawa sakin yun ah?" at iyon, binatukan ko ulit siya at nagtawanan na naman sila. "Hahaha. Enough guys. First gusto ko magthank you sa surprise niyo. Kaso mukhang kayo yung nasurprise. Pero thank you pa din sa effort niyo at siyempre salamat sayo bestfriend." pagsisimula ni Angel. Nagbro-hug ulit sila ng babe ko bago nagpatuloy si Angel sa pagsasalita. "Second, of course, super thank you sa baby ko na palaging nandito sa tabi ko. Na minahal ako sa araw-araw. Na inaalagaan ako palagi, na pinasasaya ako palagi. Na p---" naputol yung sinasabi niya ng sumabat na naman si Kyle. "Na pinagbibigyan ka pag tinatamaan ka ng libog." ,binatukan kong muli ang babe ko na ikinatuwa nila. Hahaha. "Siyempre isa na iyon. Pero salamat baby ko at tinanggap mo ang lahat ng meron ako at lahat ng mali sa akin. Mahal na mahal kita." Ewan ko ba kung bakit pero naiyak ako sa sinabi niya. Niyakap naman ako ng babe ko. Hihihi. "I love you too baby ko!" nakangiting sabi ni Rence sabay halik kay Angel. At iyon, kinain namin yung cake sa loob ng room ni Angel. In fact, first part palang ito ng celebration ng birthday ni Angel. Marami kaming hinanda, inimbitahan at pinaghandaan para kay Angel na siguradong magugustuhan niya. **Rence** Its been 3:00 in the afternoon at nagsisimula na ring dumating yung mga bisita ni Angel. Usually relatives niya, classmates namin at ilang malalapit na kaibigan. Dito nalang namin naisip magcelebrate sa bahay nila. Hassle kase kung mag-oouting pa kami. New year na bukas at for sure marami na ang nakapagpareserve sa mga magagandang pagdausan ng new year. At si Angel? Ayun, kausap yung mga classmate namin sa isang table. Tumatawa siya. Nakangiti. Masaya. Sana palagi nalang siyang ganun. Ayokong nakikita siyang malungkot, umiiyak, lalo na kung dahil sakin. Nakaupo ako ngayon sa isang table malapit sa gilid na malapit sa mga pagkain para abot kamay ko lang. Haha. Nakita ako ni Angel na mag-isang nakaupo at nagcecellphone kaya mukhang pupuntahan niya ako. Sinensayan ko siya na wag na akong puntahan at asikasuhin nalang yung mga bisita niya, pero makulit siya at pinuntahan pa rin ako. Hinalikan niya ako sa pisngi at umupo sa tabi ko. "By, bat mag-isa ka dito? Tara dun. Pakilala kita sa kanila." Pag-aaya niya sa akin pero tumanggi ako. Party niya ito. Kailangan niya magsaya. "By wag na. Sige na. Bumalik ka na don. Ok lang ako dito. Asikasuhin mo na mga bisita mo." nakangiti kong sabi sa kanya. "By, alam mo namang di ko kayang nakita na mag-isa ka dito habang ako nagpapakasaya doon." mahinahon at puno ng pagmamahal niyang sabi sakin. Haha. Ang sweet ng lolo niyo di'ba? "Haha. Ok lang ako. Tsaka may pinuntahan lang sila Kuya sandali. Mamaya nandito na yun kaya may kasama na ako. Punta ka na doon 'by sige na" pagpipilit ko sa kanya. "Kiss ko muna?" nakangiti niyang sabi. Para-paraan itong lalaki nato ah. Pero no choice hinalikan ko siya sa labi. Smack lang namin. "Mamaya yung regalo ko ah?" makahulugan niyang bulong sa akin bago siya bumalik sa mga kausap niya. Ang totoo niyan, binigay ko na sa kanya yung regalo niya kanina. Pero ibang regalo yung tinutukoy niya. Yung ano? Basta alam niyo na yun. So iyon, kwentuhan, tawanan. Hanggang sa dumating na yung bisita na hinihintay ko. Yung Papa ni Angel. Kasama niya si Tita at palapit sila ngayon kay Angel. Ang totoo niyan ako na ang tumawag sa Papa ni Angel na wag muna pumunta dito noong 28. Plano na kasi ng Papa niya na bisitahin siya noong araw na iyon, pero nang malaman ko na pupunta siya, ako na mismo ang personal na tumawag sa kanya para ipagpaliban muna ang pagbisita kay Angel. Feeling ko kase hindi pa ready si Angel. Remember nung kinausap ako ni Angel na hindi pa niya kayang harapin ang Papa niya? Iyon ang halos inayos naming dalawa nitong mga nagdaang araw. Gift ko na to sa kanya. Nginitian pa ako ni Tito at ni Tita bago sila pumunta sa lugar kung nasaan si Angel. Nakatalikod si Angel sa kanila kaya nakalapit sila nang hindi napapansin ni Angel. Nakita ko ang pagkagulat ni Angel nang makita niya na nasa harapan na niya yung Papa niya. Niyakap siya nito pero si Angel tumingin muna na direction ko. Nginitian ko siya at tumango ako na nagsasabing okay lang. Doon na niya niyakap ang Papa niya. Kita ko ang pagkasabik ni Angel sa Papa niya. Halos mahigit 11 years din sila di nagkita, nagkausap at nagkabalitaan. Nakita kong tumayo sila at pumasok sa loob ng bahay. (Sa garden kase yung venue). Hindi na muna ako makikisalo sa kanila. Family bonding nila. Masaya ako na kahit papano nakagawa ako ng ganun kaimportanteng bagay para kay Angel. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko may umupo sa tabi ko. "Uy." sabi niya kasabay ng mahinang pagtapik sa balikat ko. "Uy Carlo! Buti nakarating ka? Kanina ka pa ba? Ngayon lang kita napansin ah." nakangiti kong sabi sa kanya. Mabuti nga at nakarating si Carlo. Ako kase ang nag-imbita sa kanya pati sa iba pa naming classmates. (Tanda niyo pa ba si Carlo?) "Ah. Oo nga eh. Actually kararating ko lang. Hassle eh. Kakainis traffic. Nga pala si Angel? Eto gift ko sa kanya. Nasaan ba siya at bakit mag-isa ka?" sunod-sunod niyang tanong sa akin na isa-isa ko namang sinagot. Gaya ko, natuwa din siya nang malamang nagkaayos na si Angel at ang Papa niya. Mabuti daw iyon dahil mahirap tumanda ng walang kasama sa buhay. Only child pa naman daw si Angel. Pero siyempre, dadating naman daw yung puntong magkakapamilya, magkakaanak. Doon ako tinamaan ng sobra. Oo nga at kaya kong mahalin, alagaan, pasiyahin at pagsilbiham si Angel pero may isang bagay akong hindi maibibigay sa kanya. Ang pagkakaroon ng mga anak. "Huy! Ok ka lang ba? Wag mo pansinin yung sinabi ko. Ito talaga. Napakahilig mo magpapaniwala. Haha. Joke lang yun." nakangiti niyang sabi sa akin. Medyo nakakalift up yung paraan niya ng pagpapasaya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. So iyon, kwentuhan, kulitan at tawanan kami ni Carlo nang may tumawag sa pangalan ko. "Rence!" sigaw ng Bestfriend kong si Reu. Mabuti naman at umabot ang isang ito. In all fairness, pasabog ang suot niya. Haha. "Hoy babae! Bakit ngayon ka lang?" sigaw ko sa kanya at niyakap siya. Nakakamiss din itong lukaret nato. Tagal na naming walang bonding. "Sorry na! Haha. Traffic kaya! Rush hour na po." sabi niya kasabay ng pag-upo sa harap namin ni Carlo. "Ah, oo nga pala. Carlo, si Reu nga pala. Bestfriend ko. Bes si Carlo, classmate namin ni Angel." pagpapakilala ko sa bawat isa sa kanila. "Teka, natatandaan kita!" biglang sabi ni Carlo. "Ako?" nagtatakang tanong ni Reu. "Ay hindi bes. Ako yun. Ako. Haha." patawa kong sabi. Haha. Tawa kayo dali! "Haha. Loko ka talaga Rence. Pero seriously, bakit mo ako narerecognize?" tanong ni Reu. "Kase diba nung nagkagalit kayo ni Angel?" tanong niya sa akin. "Oh tapos?" tanong ko sa kanya. "Nakita ko siya nun sa mall. Malapit sa lugar kung saan tayo nag-uusap." paliwanag ni Carlo. Nag-iba naman ang expression ng mukha ni Reu.l "Ha? Baka naman kamukha ko lang." natatawang sabi ni Bes na sinang-ayunan ko. "Oo nga Carlo, baka nagkataon lang." pagsang-ayon ko. **Angel** Super saya ko na kinakabahan. Kasama ko na si Papa. Medyo ok na kami. Ok na din sila ni Mama. Thank God at mabubuo na kami. And more thank you to my Baby Rence dahil siya pala ang may pakana ng lahat. Naikwento narin kase ni Papa yung pakikipag-usap ni Rence sa kanya. Super saya ko at super thankful na binigay sakin ni God si Rence. And speaking of Rence, naiwan pala siya sa labas with the guests. So kailangan namin siya puntahan. Baka Na-OOP na yung baby ko. "Papa, Rence's outside. Tara po para mas lalo kayong magkakilala. I know you'd like him for who he was and what he'd done for me." pag-aaya ko kay Papa at Mama sa labas. "I know son. He's the one responsible for this, so I should thank him a lot. And son, i think you've chosen the right person for you. But son, don't be so fool like me huh? Love him like how you are loving me and your mom." mahaba-habang sabi ni Dad. Nginitian ko siya bilang tugon. Naglalakad na kami papunta ng garden nang salubungin kami ni Carlo at Kyle. "Bro! Nawawala si Rence! Magkasama lang sila ni Reu kanina tapos nawala na sila!" pasigaw na sabi ni Kyle na nagpaguho sa sayang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD