Bloody

3403 Words
Masaya lang kaming tatlo na nag-uusap nang biglang may naalala si Reu. "Ay oo nga pala. Rence naiwanan ko yung gift ni Angel sa kotse. Samahan mo ko" sabi niya na medyo kumakamot pa sa ulo. Napakaulyanin talaga nitong babae na ito. "Tara sasamahan na kita. Bawas-bawasan ang pagiging ulyanin. Haha. Carlo, samahan ko muna siya ah?" paalam ko kay Carlo at naglakad na kami ni Reu palabas papunta sa kotse niya. "Uy Bes ano ba regalo mo kay Angel?" pag-uusisa ko. "Hala, ikaw yung may birthday? Interisado? Haha" patawa niyang sabi na tinawanan ko lang. Sabagay, di naman ako yung may birthday. Nakarating na kami sa kotse niya na medyo may kalayuan ng konti sa bahay nila Angel. Marami-rami kasi silang bisita na may kanya-kanyang dalang sasakyan. Eh medyo late pa naman siyang dumating. So magdusa siya sa parking. Haha. "Bes san ba dito yung regalo mo?" tanong ko nang makalapit kami sa sasakyan. Biglang bumukas yung pinto nung sasakyan kasabay ng paghila sa akin papasok at pagtakip ng panyo sa mukha ko. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo at nawalan ako ng malay. Nagising ako na sobrang dilim. Minulat ko ang mata ko at wala akong makita. Ramdam kong nakatali ang mga kamay at paa ko. Wala naman akong piring sa mata pero hirap akong umaninag kase sobrang dilim. May tape din ang bibig ko. Sobrang sakit pa din ng ulo ko dahil sa pagkahilo. Muli kong naalala ang nangyari kanina. May humila sa akin papasok sa kotse tapos may tumakip sa mukha ko na panyo tapos nawalan na ako ng malay. Nakita ko si Reu na nakatali din, may piring siya pero walang tape yung bibig. "Hmmmmmm.." pinilit ko ang makakaya ko para magising siya. Luckily nagising din siya. "Haaa! Nasaan ako? Bakit nakatali ako? Walangya ka Elton! Bakit pati ako?" malakas na sigaw ni Reu. Parang kilala niya yung gumawa nito. "Hmmm" yun lang ang tangi kong masasabi para malaman niyang kasama niya ako. Kase nga, nakatape yung bibig ko pero wala akong piring sa mata. Si Reu naman may piring sa mata pero walang tape sa bibig. "Rence? Ikaw ba yan? Walangya ka! Bakit pati ako nadamay? Kasalanan mo ito!" malakas na sigaw niya. Nagulat ako sa paraan niya ng pagsasalita sakin. Ako? Kasalanan ko ito? Bakit? "Tingnan mo nga naman." napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Nagulat ako sa nakita ko. Siya yung prof namin noon na nanglalandi kay Angel. Si Sir Elton. Kaya pala pamilyar sa akin yung Elton na sinabi sa akin ni Reu. Pero bakit niya ito ginagawa? "Nakakatuwa naman kayo panonoorin. Magbestfriend. Magkaagaw sa iisang lalaki. Ngayon parehong nakatali. Hahahah" malakas niyang tawa na nagpagulat sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Magkaagaw sa lalaki? May gusto si Reu kay Angel? Naguguluhan ako. Mukhang nabasa ni Sir Elton yung iniisip ko kaya muli siyang nagsalita. "Oh bakit? Hindi mo alam? Hindi mo alam na may gusto iyang bestfriend mo sa boyfriend mo? Hindi mo alam? Nakakaawa ka naman!" nang-aasar niyang sabi. Hindi parin ako makapaniwala. "Tumigil ka na! Traydor ka! Ang napag-usapan natin si Rence ang dudukutin natin. Bakit pati ako?" napaiyak ako sa sinabi ni Reu. So kasabwat siya sa nangyari dito? Pinagkatiwalaan ko siya. Bakit niya ginawa ito? "Bakit kita dinamay? Haha! Hayaan mong ikuwento ko sa iyo. Ikaw rin Rence. Pakinggan mo itong mabuti." naupo siya sa harap namin ni Reu. Gustong gusto ko nang saktan itong bakla nato pero nakatali ako. Pasalamat siya. "G*go ka! Pakawalan mo ako dito!" sabi ni Reu pero isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya. Medyo masakit yon kase kahit papano lalaki pa din si Sir Elton. "T*ng-ina kang p*ta ka! Ikaw itong desperada na gustong makuha si Angel! Wag kang magpakamabuti dahil marami ka nang kasalanan sa kanila. Lalo na sa pinakamamahal mong bestfriend." sabi ni Sir Elton at nginitian ako ng makahulugan. Sobrang naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari at nadidinig ko, plus nakatape pa yung bibig ko. Kaya minabuti kong tumahimik nalang. "Okay. Simulan na natin. Ah Reu, alam mo ba na ikaw ang first crush ni Angel?" nakangiting sabi ni Elton na nakatingin kay Reu. "Wag mo akong paasahin g*go ka! Alam kong simula pa lang, si Rence na ang gusto niya! Mahal na mahal ko non si Angel tapos makikita ko nilalandi siya ng p*tang baklang Rence na yan?" sigaw ni Reu. Doon ako napaluha ng tuluyan. Bawat salitang binitiwan niya parang karayom na tumutusok sa bawat parte ng katawan ko. So totoong may gusto siya kay Angel? Bakit di niya sinabi sa akin noon? "Iyon ang akala mo. Well, bago pa niya makilala si Rence, ikaw ang totoong mahal niya. Almost three years na. Reu, ikaw nga kase ang first crush niya at patay na patay sayo noon si Angel." ngayon sakin na siya nakatingin kahit kay Reu niya sinasabi niyo. Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagkagusto si Angel kay Reu? Bakit hindi man lang niya sinabi sakin? Akala ko ba walang lihiman? Naguguluhan talaga ako at patuloy parin ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. "Bakit ka umiiyak? Hindi mo alam? Hindi sinabi sayo ng magaling mong boyfriend na may gusto siya sa Bestfriend mo? Haha. Nakakaawa ka naman. Haha. Oh! May naalala pala ako." sabi niya at lumapit pa sakin. "Alam mo ba noong una pa lang, wala talaga siyang balak na mahalin ka? Ginamit ka lang niya para mapalapit sa bestfriend mong si Reu. Nagpauto ka naman. Hindi rin naman ineexpect ni Angel na mahuhulog siya sayo. Sadyang tanga namam ang bestfriend mong si Reu. May gusto din pala sa kanya si Angel that time, pero di pa niya sinunggaban." lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi niya. Ginamit lang ako ni Angel para mapalapit kay Reu? Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ang malaman mong ginamit ka lang ng taong mahal mo para mapalapit sa taong mahal niya. "Saan mo nalaman yan?" tanong ni Reu kay Elton. Garalgal na din ang boses niya at sigurado akong naiiyak siya. "Saan ko nalaman? Saan nga ba? Haha! Oo nga pala! Narinig ko mismo kay Angel at sa bestfriend niya noong nasa school sila. Bakit? Hindi ka makapaniwala?" sabi ni Elton na tumatawa pa. (Kung natatandaan niyo pa po iyon, iyon po ay nasa Chapter 8. Yung parang may Third Person's POV). "May sasabihin pa pala ako sayo Rence, alam mo ba na siya yung sumaksak sayo noon noong nasa boarding house ka? Na siya din yung may pakana ng pagkawala ng phone mo? Kinuntsaba niya lang si Airis" doon parang sumabog ang lahat saakin. Magkahalong sakit at galit. Sakit dahil nagawa niya iyon sakin. Galit dahil ginawa niya iyon dahil lang sa mahal niya si Angel. Sana sinabi niya nalang sa akin na mahal niya si Angel at kung alam ko noon na mahal din siya ni Angel edi sana sila nalang para di na umabot sa ganito. "Tinatanong mo kung bakit ko ginagawa ito? Haha! Hindi ko kayang hayaang maging masaya si Angel! Ang Papa niya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang Ate ko! Haha! Naaalala mo ba na dati may Kabit na bakla ang tatay ni Angel? Kapatid ko yon. Lumaki iyon sa States kaya di mukhang pinoy. Ang alam niyo ay hiniwalayan ng kapatid ko ang Papa ni Angel! Pero ang totoo, nagsuicide siya nang malaman niyang mas pinili ng Tatay ni Angel ang pamilya nito! Sila ng dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko!" sabi niya kasabay ng pagsuntok sakin ng malakas. Nalasahan ko ang dugo sa mga labi ko. Mas iniinda ko yung mga sinabi niya na ikinagulat ko kaysa sa pananakit niya sa akin ng pisikal. Para siyang baliw na umiiyak din habang tumatawa. "So ngayon, alam mo na. Mas gusto ka bang sabihin sa pinakamamahal mong Bestfriend? Bago mawala ang isa sa inyo?" Sabi niya at tinanggal ang tape sa bibig ko pero hindi niya tinanggal ang piring ni Reu. "B-bak-it R-reu? B-akit m-mo nag-nagawa sakin y-yun?" umiiyak kong sabi kay Reu. Gusto kong ilabas ang lahat ng saloobin ko at hinanakit. Para akong pinagtaksilan ng dalawa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. "Sorry Rence. H-hindi ko g-gustong gawin ito. Hindi ko din gustong gawin iyon. Patawarin mo ako. Mahal ko lang si Angel. Patawarin mo ko" umiiyak din niyang sabi. Gusto kong magalit pero di ko magawa. Parang kapatid ko na siya. "Galit ka kay Reu di ba? Heto. Saktan mo siya. Patayin mo siya. Ikaw naman Reu. Mahal mo si Angel diba? Ipaglaban mo siya. Heto. Saktan mo si Rence! Patayin mo! Nakakatuwa kung makikita ko kayong nagpapatayan. Ang dalawa sa pinakamamahal na tao ni Angel. Magpatayan kayo! Dali!! Isa lang ang makakaligtas sa inyo. Hindi matatanggal yan hanggang walang namamatay sa inyo! Magpatayan na kayo! Dali!" sigaw niya sa amin pagkatapos iaabot sa amin ang tig-isang kitsilyo. Kitang kita ko kung paano nanginginig ang kamay ni Reu sa paghawak niya sa kutsilyo. "Hi-hindi ko kaya. Ayoko. Ayoko!" sigaw ni Reu. "Subukan mong bitawan yan at isa ang mamatay sa inyo! Wag ka ngang mag-inarte! Nagawa mo na dati yan kay Rence! Patayin mo na siya!" sigaw ni Elton. "Ren-rence.." nanginginig na sabi ni Reu. Doon na nabuo ang isang bagay sa isip ko. Simula pa lang naman talaga sila na ang nagmamahalan at ako lang ang epal. Kailangan kong gawin to. Hindo ko kayang makita silang nasasaktan. "Mahal kita Reu. Bestfriend kita. Mahal ko rin si Angel. Mahal ko kayong dalawa. Ayokong may mangyaring masama sa inyong dalawa. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Sana maging masaya kayong dalawa." sabi ko kay Reu na ikinagulat niya. "Rence anong gagawin mo? Wag mong ituloy yan! Rence!" sabi niya habang itinututok ko ang kutsilyo sa sarili ko. Tama lang itong gagawin ko. Ngumiti muna ako bago ko isinakatuparan ang nais kong mangyari. Rinig ko pa na sumigaw si Reu nang marinig niya na bumagsak ang katawan ko sa simento. Narinig ko pa siyang sumigaw bago ako nawalan ng malay. -------- **Carlo** Hindi ako pwede magkamali. Siya nga yung babaeng nakita ko sa mall. Noong time na nag-away si Angel at Rence? Noong time na nakita ko si Rence na mag-isa sa mall? Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Siyang siya iyon. Pansin ko siya mula sa pwesto namin. Minamasdan niyang mabuti si Rence. Ewan ko kung bakit. At hindi ko siya kilala that time kaya ipinagsawalang bahala ko nalang. Well that is way back then, back to the present. Nandito kami sa party ni Angel. Kasama ko sa iisang table si Rence at si Reu. Magbestfriend pala sila. So naisip ko na baka mali lang yung iniisip ko about her. Basta medyo nawala na sa isip ko yung pagdududa sa kanya. "Ay oo nga pala. Rence naiwanan ko yung gift ni Angel sa kotse. Samahan mo ko" sabi ni Reu na medyo kumakamot pa sa ulo. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang bigla akong nakaramdam ng kaba. "Tara sasamahan na kita. Bawas-bawasan ang pagiging ulyanin. Haha. Carlo, samahan ko muna siya ah?" paalam sakin ni Rence at naglakad na sila ni Reu palabas bago pa man ako makapagsalita. Ewan ko pero ang weird talaga ng nararamdaman ko. Nang may mapansin akong tumunog sa mesa namin. Yung cellphone ni Reu. Parang may kung anong nagtulak sa akin na tingnan yon. At nanlaki ang mga mata sa mga text na nabasa ko. From: Unknown Number: "Bakit ang tagal mo? Parang dadalin mo lang naman sa kotse diba?" "Dalian mo! Baka naman magpahuli ka pa?" "Nabasa mo ba kung saan kayo dadalin ng tauhan ko? Nandyan yung Address" Tinigilan ko ang pagbasa sa text messages at madaling lumabas sa gate. Nakita ko ang isang van na kakaalis lang. RJR0221. Medyo naaninag ko pa yung plaka. s**t! Hindi pwede to! Dali-dali akong bumalik sa loob at naghanap ng tutulong. Una kong nakita si Kyle. "Kyle, si Rence kinidnap!" sigaw ko nang makalapit ako sa kanya. Gulat na gulat siya sa ibinalita ko at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay nila Angel. Ikinuwento ko rin sa kanya ang mga nalaman ko. About kay Reu at sa mga messages. "Bro! Nawawala si Rence! Magkasama lang sila ni Reu kanina tapos nawala na sila!" pasigaw na sabi ni Kyle nang makalapit kami kayla Angel na papalabas naman. Kitang-kita ko kung paano nawala yung ngiti sa mga labi ni Angel. Napalitan iyon ng magkakahalong emosyon. Takot. Pag-aalala. Galit. Nagmadali kaming lumabas ng bahay nila Angel. Naikwento na namin sa kanila ni Kyle ang nangyari. Nag-aalala na rin ang nakatatandang kapatid ni Rence. Pansin kong hindi nagsasalita si Angel at madiin na nakakagat sa ibabang labi niya. Pinipigilan niyang umiyak at ramdam ko kung ano ang nararamdaman niya. "Halos kaaalis lang nila. Di pa yun nakakalayo. Maghiwa-hiwalay tayo." pag-iinstruct ni Kyle. So ganito namin hinati ang group. Si Kyle at Angel. Si Kevin at yung palagi niyang kasama na hindi ko kilala (Si Ivan). Yung kapatid ni Rence (si Josh) at yung pinsan ni Angel (si Enzo). Ako at si Alex. Gusto rin sana tumulong ni Tito at Tita (Mga magulang ni Angel) kaso walang maiiwan dito sa mga bisita kaya sila na ang nagprisinta. Ipinagbigay alam na din namin ito sa mga pulis. So isa-isa na kaming naghiwa-hiwalay ng landas. Pasakay na kami ni Alex sa kotse ko at pilit kong iniisip kung saan kami magsisimulang maghanap. Nabg maalala ko yung phone ni Reu. Kinuha ko ito kanina at inilagay sa bulsa ko. Inabot ko ito kay Alex. "Oh ano to?" tanong niya. Gusto ko sana siyang Pilosopohin at sasabihin ko na cellphone yung hawak niya. Kaso naisip ko na hindi ito ang tamang oras para magbiro. "Kay Reu yan. Naiwan niya knina. Nabasa ko na nakalagay diyan yung lugar kung saan nila dadalin si Rence. Hanapin mo kung saan! Dali!" sabi ko sa kanya habang nagdidrive. Kita ko ang panggigigil niya sa hawak niya. "Punyeta talaga y*ng babae na yan! Pag may nangyaring masama kay Rence humanda siya sakin!" sabi niya habang kinakalikot yung phone. "Eto! Nakita ko na! Eto yung address." at pinakita niya sakin yung text na naglalaman ng address. "Pero pano kung setup lang yan? Pano kung mali lang yung address nayan?" "Hindi naman natin alam kung legit ba yan o hindi pero walang masama kung susubukan natin. Tandaan mo, buhay ng kaibigan mo nakataya dito. So kailangan natin yung risk." mahinahon kong sabi ko sa kanya hababg binabagtas namin yung address na pinakita niya. Ang nakakapagtaka lang ay alam na alam namin kung saan iyon at super lapit lang non sa school namin. "Sabagay may point ka. Pero hindi ba nakakapagtaka na napakalapit lang non sa school? May guard pa dun." sabi niya sakin. Well, napansin niya din pala. "Actually, napansin ko din yan. At di natin alam kung si Reu ng ba talaga ang may pakana nito. At lalong di tayo sure kung doon ng talaga nila dinala si Rence. Kailangan nating maging handa sa kung anong madadatnan natin doon kung mayroon man tayong madadatnan." Seryoso kong pahayag sa kanya. Totoo naman eh. Kung doon nga nila dinala si Rence, kailangan handa kami sa kung anong naghihintay sa amin doon. "Tawagan mo sila Angel. Sabihin mo kung saan yung lugar Pero di pa kamo tayo sure kung doon nga.." Sabi ko kay Alex na sinunod naman niya agad. Dinig na dinig ko ang pag-iyak ni Angel habang magkausap sila sa telepono. Mahal na mahal niya talaga si Rence. Pansin ko na malapit na kami sa lugar kaya sinenyasan ko si Alex. Nagpark kami ng medyo may distansya mula sa bahay kung saan dinala si Rence, kung doon nga siya dinala. Mabuti na medyo may distansya kami para kung sakaling may bantay ay di kami matunugan at/o mabisto. Natutuhan ko yan sa ama ko na isang private investigator. At about sa Papa ko, ininform ko na sa kanya ang nangyari at willing daw siyang tumulong sa amin. Bumaba kami ni Alex sa kotse at matamang nagmasid sa paligid. Masyadong tahimik. Ay mali. Napakatahimik. Napakatahimik sa lugar na ito. Tamang malapit lang ito sa school pero Christmas vacation ngayon kaya walang tao dito. Plus itong kaliwang daan ng school ay halos walang mga bahay na nakatayo kase more on parang parking lot ito ng mga sasakyan at para rin talaga itong isang malawak na park. Dahan-dahan kaming naglakad ni Alex sa lugar na iyon. Napakadilim. Walang kailaw-ilaw. Mapuno. Malayo na ng konti sa school kaya kung may mangyayari nga dito ay walang makakapansin. Magandang place nga ito kung may gagawin kang masama. Nang may mapansin ako sa di kalayuan na may nakatayong lumang bahay na may mahinang ilaw sa loob. Napapaligiran iyon ng malagong halaman at puno kaya parang hindi siya gaanong halata. Sineyasan ko si Alex na lumapit kami doon. Nakapagtataka na walang bantay ang bahay na iyon. Kaya naisip ko na isa iyong abandonadong lugar kaya inaya ko si Alex na umalis na kami. Pero naghintay muna kami sandali. "Hindi ba nakakapagtaka na walang bantay dito sa labas?" napansin din pala ni Alex. "Oo nga eh. Mukhang mali yung lugar na pinuntahan natin. Setup nga lang to. Nakakainis!" naiirita kong sabi. Papaalis na sana kami ni Alex nang may marinig kaming sumisigaw sa loob ng abandonadong bahay. "Subukan mong bitawan yan at isa ang mamatay sa inyo! Wag ka ngang mag-inarte! Nagawa mo na dati yan kay Rence! Patayin mo na siya!" sigaw ng isang lalaki mula sa loob ng bahay. Bigla kaming nagkatinginan ni Alex nang marinig namin yon. Pero ang mas nakakagulat ay yung narinig namin na patayin si Rence. Kaya dali-dali kaming lumapit sa bahay. Narinig namin si Reu na umiiyak. Medyo di namin sila maaninag dahil madilim sa loob. Pero rinig namin ang kanilang mabigat na paghinga. "Sh*t! Pasukin na natin Carlo! Baka kung ano na ang nangyari kay Rence!" pasigaw na pabulong (haha ang gulo diba?) na sabi ni Alex sakin. "Hindi pwede! Ngayon na kung kelang dadalawa lang tayo? Ni hindi natin alam kung ilan sila dyan sa loob!" pasigaw rin na pabulong kong sabi kay Alex. Well, hindi kami dapat basta-basta sumugod ng walang plano at walang alam kung sino-sino at ano ang kakaharapin namin sa loob. "Hintayin natin sila Angel" dagdag ko pa. "Kung ikaw kaya mong hintayin na may mangyaring masama sa kaibigan mo, ako hindi lalo at alam kong may kaya akong gawin gawin at may magagawa ako." sabi niya at tumayo. May dinampot siyang tubo na bakal. Hayyyyyyy! Pasaway talaga. So no choice ako kundi sumunod na din sa kanya. Napansin namin na parang may tatlo na tao lang sa loob. Isang nakatayo at dalawang nakaupo sa sahig na mukhang mga nakatali. Di namin sila makita dahil madilim sa loob pero naaaninag namin sila. At sure kami na isa sa mga nakatali si Rence. Napansin ko na halos nasa likod lang ng pinto yung parang salarin. So may naisip akong plano at sinabi ko iyon kay Alex. "Rence anong gagawin mo? Wag mong ituloy yan! Rence!" naalarma kami ni Alex sa sigaw na iyon ni Reu. Ano na bang nangyayari? Lalo kaming kinabahan nang marinig namin ang pagbagsak ng isang katawan sa sahig kasunod ang muling pagsigaw ni Reu. Nataranta kami ni Alex kaya pwersahan naming tinulak ng malakas ang pinto at luckily nabuksan siya. At gaya ng inaasahan namin, nasa likod nga ng pinto yung salarin kaya napadapa ito sa sahig nang pwersahan naming buksan ang pinto. Dito na kumilos si Alex at hinampas ng tubo sa may batok yung salarin gaya ng napag-usapan namin. Yun kase ang turo sakin ni Papa. Dapat daw sa batok. Ewan ko kung bakit. So ayun, sapul yung salarin. Tulog siya. Ikaw ba naman hampasin ng tubo na bakal sa batok. "Alex yung ilaw" utos ko kay Alex na sinunod niya agad. Bumukas ang Ilaw. At nagulat kami kung sino yung salarin. Isa itong part time na guro sa school namin. Pero ang mas ikinagulat namin ni Alex ay yung lalaking nakabulagta sa sahig. Duguan. As in puno ng dugo. Katabi ang isang kutsiyo na may bahid pa ng dugo. Sh*t! Si Rence! Si Rence yung duguan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD