Meeting His Fam

1853 Words
"Renren, di mo na naman ako pinapansin. Sabi ko kumain ka na" di ko napansin na kanina pa ako tinitingnan ni Kev. Super dami kasing gumugulo sa akin ngayon. " ahh. Haha. Sorry. May naalala lan---" naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Angel.. Si Angel! Lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit.. Ngayon niya lang uli ako niyakap ng ganito. "Sorry.." Medyo nanginginig yung boses niya nang sabihin niya iyon. Naramdaman ko rin na nabasa yung balikat ko at mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Umiiyak siya? "Pre.. May sugat p--" naputol yung sasabihin ni Kev nang magsalita si Angel. "Labas.." Ani Angel habang nakayakap pa din sakin at nakapatong yung ulo sa balikat ko. Tinanguan ko nalang si Kev para sundin si Angel at lumabas na nga ito. Nanatili pa ding nakayakap sakin si Angel. Kahit kumikirot yung sugat ko ay tiniis ko nalang. "Angel?" Tawag ko sa kanya habang nakayakap pa din siya. This time, yakap ko na din siya.. Tumigil na siya sa pag-iyak sa balikat ko. Wala siyang sagot pero naramdaman kong pinunasan niya yung mata niya.. "Sorry.." Mahina niyang sabi. Woah! Para saan? "Bakit ka nagso---" "Sorry kase dahil sakin napahamak ka. Wala akong kwentang tao kung nilalagay ko naman sa kapahamakan ang buhay ng taong mahal ko" pagpapaliwag niya pero di ko masyadong narinig yung huli kase hininaan niya yung boses niya. "Ano ka ba? Aksidente yun. Walang may gusto ng nangyari." Sabi ko. Nakayakap pa din siya sakin. "Wala akong kwenta. Wala akong kwenta." At muli na naman siyang umiyak. Ibang-iba siya sa Angel na nakilala ko. "Ano ka ba.. Wala nga iyon" "Rence.." Pagtawag niya sa pangalan ko. Medyo nanginginig ung boses niya dahil na din sa pag-iyak. "Ma.... Mahal mo ba si..... Si Kevin??" Tanong niya na gumulantang sakin.. Sakto namang bumukas yung pinto. "Renren sorry sa abala. Nandito na siya. Yung sinasabi ko sayo. Si Ivan nga pala. Boyfriend ko" pagpapakilala ni Kevin sa kasama niya agad namang lumingon si Angel sa kanila pero nanatili pa din siyang nakayakap sakin. Gulat na gulat siya. "Hi Rence! Ikaw pala ang baby boy ng loves ko. Nice neeting you. Ivan pala." Sabi niya habang lumalapit samin at kinamayan ako. Naupo siya sa gilid katabi ni Kevin. Natulala si Angel sa kanila. Mukhang nasagot yung tinanong niya sa akin kanina kung mahal ko daw si Kevin. Haha. "Salamat pala sa pagpunta. Si Angel nga pala kaibigan ko." Pagpapakilala ko kay Angel. Inabot niya yung kamay niya kay Angel pero si Angel tulala pa din. "Hello. Nice meeting you" sabi niya kay Angel. (Angel's POV) Apat na araw pa ang lumipas bago nakalabas si Rence sa hospital. Nasa kwarto ko siya ngayon dahil gusto ko na ako ang mag-alaga sa kanya. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama ko pero hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang bisexual si Kevin at may syotang lalaki. Grabe naman pala. Mali naman pala yung pinagseselosan ko. Tinawanan lang ako ng tinawanan ni Rence sa nangyari. Nakakatawa daw kasi ako. "Haha. Oy iniisip mo pa din ba si Kevin? Yung pinagseselosan mo ng sobra? Hahaha.." Grabe siya. Tawa lang siya ng tawa. "Kung alam ko lang sana na taken na yun, hindi ka makakatawa ng ganyan. Pasalamat ka mahal kita" sinadya ko talagang hinaan yung bandang dulo para di niya marinig. "Wag kang mag-alala. Hindi ako mawawala sayo." Napatitig ako sa kanya sa sinabi niya. Napatitig din siya sakin. Mukhang pati siya nagulat sa sinabi niya. Umiwas siya ng tingin at kinuha yung twalya sa gilid at bumangon mula sa pagkakahiga. "Ahh.. Ehhh.. Maliligo na ako. May pasok pa tayo." Nauutal na sabi niya. Nginitian ko nalang siya. Nakakamiss talaga siya.. Yung pagiging mahiyain niya. "Tuesday ngayon." Nakangiting sabi ko sa kanya. "So?" "Walang pasok ngayon. Nakalimutan mo na? Haha." Medyo napaisip siya sa sinabi ko at ngumiti. "Ayyy oo nga! Hahaha!!" "Oo nga pala. Pinapasabi ni Kevin na sumama daw tayo sa kanila. Magdedate daw yata sila." Tinext kasi ako ni Kevin kanina. Kahit medyo awkward ay umoo nalang ako. Gusto ko din kasi makasama si Rence. "Date?? Eh bakit kasama tayo?" Painosente niyang tanong. "Simple lang. Magdedate din tayo." Alam kong nagulat siya pero ineexpect ko na iyon.. Dito na ako magseseryoso. Hindi ko na hahayaang mapahamak siya. Hindi ko hahayaang malayo siya sakin. Ayokong makitang umiiyak siya. Sigurado na ako. Liligawan ko na siya. (Rence's POV) Okay huh? Super nababaliw na ako. Hindi ko na kasi alam ang tumatakbo sa utak ni Angel at naisipan niyang sumama sa date nung dalawa. Maraming dahilan para hindi kami sumama. Una sa lahat, date yun nila Kev kaya naman dapat wala kami dun ni Angel. Makakaabala pa kami doon. Ikalawa. Hindi kami ni Angel. Ikatlo, masyado siyang sweet sakin. Baka makasanayan ko na. "Ang lalim naman ng iniisip mo" ang boses na iyon ni Angel ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. "H-ha?? Hi-hindi ah. May naalala lang ako" sabay tingin ko sa labas. Ang hirap talaga magpalusot kay Angel. Alangan nga naman kasing sabihin ko na siya talaga yung iniisip ko. Hello?? Hindi pa ako ganun kabaliw. "Naalala? Ako ba yan? Haha." Bigla akong napalingon sa kanya at.. ngumiti siya sakin! Pang-ilang beses na nga ba ito? Pangalawa? Pangatlo? "Haha. I was right. You're thinking of me." Ahhhhhh! Ayan na naman yung mga ngiti niya! Nakaka--.. Basta. He never fails na pakiligin ako. Eto namang lola niyo todo blush pero siyempre, moderate lang yung shino-show off ko. Haha. Huminto yung kotse sa harap ng isang park. "Akala ko ba may date sila Kev? Nasaan sila? Bakit nasa park tayo?" Sabi ko pagkababa ng kotse. Ang ineexpect ko kasi ay sa resto. Bonggang pagkain, bonggang setting. Ganun kasi si Kev. Tapos dito ako dinala ni Angel sa park. Hahayyy. Gulo. "Sabi mo ayaw mo silang istorbohin. So I just set ours." What da? Ours? Kami? Date? Kami lang? Oh my sht. "H-ha?" Di pa rin kase ako makapaniwala. Date talaga? Kami? Naramdaman ko nalang yung mga kamay niya sa mga kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Napatingin ako bigla sa kanya samantalang nakatingin lang siya sa malayo at nakangiti. Tapos naglakad na siya papunta sa kung saang parte ng park. At dahil hawak niya yung kamay ko, nagpadala nalang ako aa kung saan niya gusto pumunta. Oh sh*t! Pinagtitinginan na kami. Si Angel kasi. May pahawak-hawak pang nalalaman. So sinusubukan kong tanggalin mula sa psgkakahawak niya pero mahigpit ang pagkakahawak nitong loko nato na parang ayaw akong pakawalan. "Angel.." Pagtawag ko sa pangalan niya. Nahihiya na kasi talaga ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya. Baka masira ang image niya dahil sakin. "Subukan mong tanggalin yung kamay mo. Hahalikan kita.." Sabi niya ng hindi man lang ako tinitingnan at nakatingin lang sa malayo. Siyempre, tatahimik ang lola niyo kahit gusto ko rin naman na halikan niya ako. Naramdaman kong mas lalong humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Yung higpit na parang ayaw talaga akong maagaw ng iba. Ewan ko kung iyon yung dahilan o sobrang pilingera lang ako. Haha. "Hayaan mo sila. Wala silang pake kung makita man nila akong kaholding hands ka, kayakap ka o kahit kahalikan ka. Tandaan mo, ikaw ang mahal ko, hindi sila. Hindi naman sila ang gusto kong makasama, kundi ikaw. At lalong hindi sila si Rence Eite Villaflores kaya wala talaga akong pake sa kanila." Bumilis bigla yung t***k ng puso ko sa sinabi niya. Mahal? Ako? Mahal niya daw ako?? Teka, may napakain ba akong kung ano dito sa nilalang nato? Kung ano-ano na ang naiisip ko at di ko namalayang nakaupo na pala kami sa isa sa mga bench dito sa park. Nakaupo na kami pero hawak pa din niya yung kamay ko. Nakatingin lang siya sa malayo na parang may iniisip na kung ano. Doon ko lang ulit napagmasdan yung mukha niya ng ganoong kalapit. Grabe talaga itong nilalang na ito. Yung buhok biyang kastyle nung napanood ko na boyband sa internet. Yung Zayn Malik ba? Tapos yung kulay brown niyang mata. Yung matatangos niyang ilong. Yung mapupula at malalambot niyang labi na parang ang sarap halikan. Parang? Nahalikan ko na nga pala iyon. Naramdaman ko nalang ang mabilis niyang paghalik sa dulo ng ilong ko. "Aray! Bakit mo ako pinalo? Ahh... Ang sakit!" Daing ni Angel habang hawak hawak yung braso niya. Napalakas yata yung palo ko. Nagbago yung ekspresiyon ng mukha niya at medyo namimilipit siya marahil sa sakit. Geeeezzz! Anong nagawa ko? "Angel.. Sorry.. San masakit? Arrrgghhh! Bakit ko ba kasi ginawa yun? Ikaw kasi ehh. Bakit mo ako hinalikan?" Hawak hawak ko yung part na hinampas ko. Haha. "Ahhhh.. Ang sakittt!" Muli niyang daing. "Ha? Pano gagawin natin?" Natataranta na ako. Super!! Baka mamaya mapano si Angel dahil sakin. Sinenyasan niya ako na lumapit which is sinunod ko naman. May ibinulong siya sakin. "Kiss mo ko" ayyy bwiset. Nag-alala ako! Tapos nagbibiro lang siya?? Urrgghhh!!! Ayun nilayasan ko.. Bwiset. Nag-alala ako. Akala ko kung napano na. Paasa.. Nakakatampo. Naririnig kong tinatawag niya ako pero nagderederetso lang ako. So ganun?? Ngayon hahabol siya? Hayyy.. Ewan. Malapit na akong nakalabas ng park nang maramdaman ko ang paghawak ng mga kamay niya sa kamay ko. Hinila niya ako at iniharap sa kanya at niyakap ng mahigpit.. Ayan na naman siya.. Pinaiiyak na naman niya ako. Ilang minuto din kami na nasa ganoong posisyon at biglang bumuhos ang ulan.. Nice! Nananadya ang panahon, para kaming nasa pelikula. Kahit umuulan, nanatili pa rin kami sa ganoong posisyon. Baka magkasakit siya. May pasok pa bukas. Kakalas na sana ako sa paagkakayakap kaso lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sakin. "Sorry" yan ang salitang lumabas sa bibig niya. Hayy.. Eto na naman kami. Haha. "Okay na. Ok lang. Tara na. Basa na tayo oh? May pasok pa tayo bukas.. Baka magkasakit tayo." "Di ka na galit?" Nakaharap na yung mukha niya sakin ngayon this time. "Opo. Di na po ako galit." "Sure ka?" Tanong niya. At this time nakangiti na siya. Ang gwapo talaga nito, bwiset. "Opo. Tara na baka magkasakit pa tayo." "Sure ka di ka na galit?" Hayyyy.. Eto na nga ang sinasabi ko. Napakakulit niya. "Oo nga.. Tara na po. Bitawan mo na po ako." Hanggang ngayon kasi nakayakap pa din siya sakin. "Kung hindi ka na galit kiss mo nga ako sa li-----" di ko na pinatapos yung sasabihin niya kase magtatagal pa kami. Tsaka gusto ko din naman hahaha. "Okay. Tara na po" ngumiti siya at hinawakan yung kamay ko. Dumeretso na kami sa kotse. Sabi na ehhh. Yun lang ang katapat nitong lalaki nato. Ang lamig! Nanginginig ako. Hahaha. Napag-alaman ko na hindi pala sa park na yun yung date namin. Huminto lang daw siya sandali. Ayaw naman niyang sabihin kung saan kami pupunta. Huminto nalang ang sasakyan niya sa isang malaking gate na kulay puti. Huh?! Nasan kami? "Nandito na tayo!" Sabi niya at bumaba ng kotse at pinagbuksan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Tara, papakilala kita kay Mama"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD