Worried

2721 Words
(Angel's POV) Nandito kami ngayon ni Rence sa Cafeteria sa loob ng school. Naisipan naming maagang pumasok kase, wala lang. Hahaha. Basta maaga kami ni Rence. Dito na din kami nagbreakfast. "Uy, malapit na magstart klase natin. Tara na! Nakatulala ka na naman! Kung sino sino kase iniisip mo ehh!" Pacute na sabi ni Rence. Oo nga noh? Malapit na magstart klase namin. Puro kasi siya iniisip ko. "Ah? Sige tara na" tapos inakbayan ko siya. Galawang ewan! Dumeretso na kami sa room at umupo sa favorite spot ko sa loob ng room. Yung sa bandang likod, sa kaliwang part. Basta doon. Puro kami daldalan ni Rence na walang pakialam sa mga classmates namin na kanina pa kami pinagtitinginan. Wala pa kasi yung prof namin kaya ayun. Wala kaming magawa. "Rence, tara picture tayo" sabay labas ko ng cellphone at iniharap samin. "Ehh. Nakakahiya oh. Pinagtitinginan na nga tayo ng mga classmate natin oh?" Pabulong na sabi niya sakin kaya naramdaman ko yung hininga niya sa may batok ko. "Eh anong paki nila? Mainggit sila! Kung gusto nila gayahin nila tayo wala akong pake!" Sabi ko na may kasamang dila kaya naman napatawa siya ng mahina. "Haha. Pabebe ka pa. Sige na nga. Dalian mo at baka dumating na si Ma'am" pero bago ko pa maiposisyon yung cellphone ko, pumasok bigla yung prof namin na may kasamang lalaki na naiwan namang nakatayo sa pinto. Matangkad yung lalaki na parang magkaheight kami. Maputi. Chinito. Medyo built ang katawan na siguro ay nagjigym. Naagaw nito ang atensyon ng mga kababaihan at mga nagbababaihan sa room. "Kevin?" Pabulong na sabi ni Rence pero nadinig ko ng malinaw. Kilala niya iyon? "Okay class, I would like you to meet your new classmate. Go on. Introduce yourself.." Pagsisimula ng matabang prof namin na mukhang kamatis ang shape ng katawan. "Umm. Good morning guys. I'm Kevin Louie Montez. I'm 20 years old and I am a transferee and I hope that we al- - - - ............. Renren?" Napatigil siya sa pagpapakilala nang mapatanaw siya sa gawi namin ni Rence. Lahat naman ng classmate namin ay nakilingon din sa direksiyon namin. Pagkatapos ay nginitian niya pa si Rence. "Is there anything wrong Mr. Montez?" Pagsingit ng prof namin kase napansin niyang tumigil sa pagpapakilala yung Kevin. "Nothing Ma'am" mabilis niyang tugon. "Can I take my seat Ma'am?" "Sige iho, mamili ka nalang ng gusto mong upuan.." Dagdag pa ni Ma'am. Nagsialok naman ng vacant seat sa tabi nila yung mga makakati kong classmates pero ngiti lang ang tinugon niya at dumeretso sa amin. Doon ko lang napansin na may bakante palang upuan sa tabi ni Rence at doon nga umupo ang loko.. Pero ang kinagulat ko ay ang yakapin niya si Rence ko. "I miss you, Renren. It's been 9 years." - - - - - Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ako magtitimpi sa sarili ko. Kanina pa ako nagpipigil. First, niyakap niya si Rence kahapon. Second, niyaya niya si Rence nung uwian kaya di kami magkasabay. Third, late na niya hinatid si Rence dito sa boarding house. Paano nalang kung napano si Rence? Humanda talaga siya sakin. Fourth, sinundo niya kanina si Rence para lumabas. Wala kasi kaming pasok ngayon. Hindi ko sana papayagan si Rence kaso naisip ko na hindi naman ako ang dapat na nagdedesisyon para kay Rence kaya hinayaan ko nalang sila. I don't know what's happening to me pero ayokong nakikitang magkasama sila ng ungas na yon. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga lang sa kama ko. Mag-isa akong nag-agahan at nagtanghalian kanina.. Nakakabagot. Pansin ko na malapit-lapit na ring lumubog ang araw pero Wala pa din akong natatanggap na text o call galing sa kanya. Nakakatampo lang. Palagi niya kasi ako iniinform sa lahat ng bagay. Sabagay. Di ko pa rin naman talaga lubusang kilala si Rence. Konti pa lang din naman ang alam ko tungkol sa kanya. Oo may iba akong nararamdaman pag nandyan si Rence pero hindi ako sure kung ano yon. And I don't really mind now about the plan Kyle and I have. Hindi ko na rin ginawa at itinuloy. Sa gitna ng pagmumuni-muni ko, narinig kong bumukas yung kwarto sa kabila. Yung kwarto ni Rence. Baka nandyan na siya. Nagmadali akong bumangon para kumpirmahin kung siya yun.. Bago ko pa man din buksan ang pinto ay may narinig akong nag-uusap kaya minabuti kong manatili muna sa loob. "Renren, thank you sa pagpayag na sumama ka sa akin ngayon. Super saya ko talaga. Salamat talaga." Ani ng lalaki na siguro ay yung Kevin. "Oo, nga Kev, sa halos 10 years nating hindi pagkikita, super namiss kita" boses naman ni Rence. "Haha. Kinikilig naman ako dun. Haha" sabi ni Kevin. Kinikilig? "Haha. Para namang bago na sa atin yon. Eh ikaw nga, palagi mo akong pinakikilig noon ehh" masayang sagot ni Rence. Doon na tumambol ng husto ang puso ko. Paano kung mahal na niya pala si Kevin? Paano kung maging sila? Paano ako? "Sige, mauuna na ako. Gabi na oh?" Ani Kevin. "Sige. Bye Kevin" pagkasabing pagkasabi iyon ni Rence ay agad kong binuksan ang pinto. Laking gulat ko sa nakita ko. Nakita kong hinalikan ni Rence si Kevin sa pisngi. Napalingon naman silang dalawa kaya sa akin na tila nagulat din. "Ahh.. Angel. I-ikaw pala. Nandyan ka na pala" pautal na sabi ni Rence na hindi man lang makatingin sa akin. Wala naman akong nararamdamang galit ng mga oras na iyon. "I'm sorry if I disturb you. Bababa lang ako. Sige." Tanging sinabi ko at tinalikuran ko na sila. Naririnig ko pa na tinatawag niya ako pero di ako lumingon. (Rence's POV) Mag-iisang linggo na akong naninibago sa boarding house. Madalas na mag-isa na akong kumain pag nandoon ako. Hindi na rin kami nagkakausap ni Angel simula nung hinatid ako ni Kevkev sa boarding house. Feeling ko nga iniiwasan niya ako pero paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na baka busy lang siya. Pansin ko na nitong linggo din madalas siyang umabsent sa ilang subject namin. Pagdating ko naman sa board, wala siya. Tinatanong ko din ang ilang boarders pero wala din silang alam. Kaya madalas ay si Kev lang ang kasama ko. "Renren, kanina mo pa di ginagalaw yung food mo. Is something bothers you? Kahapon ka pa ganyan." Pagpuna sakin ni Kev. Kumakain kasi kami ngayon sa isang Resto sa labas ng school. Napansin niya pala ako. "Ha? Hinde. Okay lang ako. Siguro puyat lang ako" pagsisinungaling ko kay Kev. Ngayon ko lang ito ginawa sa kanya. Simula kasi nung bata pa ako ay palagi na siyang nandyan para sa akin at pakinggan lahat ng problema ko basta't magsabi lang daw ako ng totoo sa kanya. "Ummm. Okay." Maikli niyang tugon at muling ibinaling ang atensiyon sa pagkain. Siguro din ay napuna niya na nagsinungaling ako which is ayaw niya. Pinilit ko na lang ang sarili ko na ituon ang atensyon sa pagkain kahit si Angel lang ang nasa isip ko ng mga oras nayon. ---- Alas diyes na ng gabi ngunit wala pa din si Angel. Pinlano ko na sana talaga na hintayin siya at kausapin. Pero wala pa din siya. Naisip ko na magpahangin muna sa labas pero nag-iwan ako ng note sa pinto niya na nasa labas lang ako at nagpapahangin. Lumabas ako ng boarding house at naglakad sa bandang kaliwa. Di pa naman ako masyadong pamilyar dito sa lugar na ito pero ok lang. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang ginagawang pag-iwas sakin ni Angel. Ano bang rason niya para iwasan ako? Wala naman kaming problema ah? Naputol ang pag-iisip ko ng kung ano ano nang mapansin kong sarado na ang daan sa parteng dinadaanan ko. Medyo malayo na din pala ang nilakad ko kaya naisipan kong bumalik na at baka nanduon na si Angel. Ngunit hindi pa man din ako nakakahakbang ay naramdaman ko ang pagyapos ng isang tao mula sa likod kasabay ng pagbaon ng matalim na bagay sa likuran ko. Pagkatapos ay hinugot niya iyon at nagmadaling alis. Doon lang rumehistro sa itak ko ang nangyari. Hinawakan ko ang bahaging nasaksak at nakita ko ang dugo mula dito. Nakaramdam ako ng pagkahilo pero sinubukan ko pa ding maglakad pabalik sa boarding house hanggang sa di na nakayanan ng katawan ko at tuluyan na akong nawalan ng malay sa gitna ng daan. ----- Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Akala ko patay na ako kaso naramdaman ko ang kirot sa aking tagiliran at ulo kaya napagtanto kong buhay pa ako. Nasa ospital ako. Muli kong inilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto at napansin ko ang isang lalaking natutulog sa tabi ko. "Kev?" Pagtawag ko sa pangalan niya na siyang ikinagising niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at medyo natamaan yung sugat ko na ikinangiwi ko. "Renren, mabuti gising ka na. Three days ka nang nakahiga dyan." Pag-uumpisa niya. Umupo siya sa tabi ko at ikinuwento ang nangyari. May nakakita daw sa akin na nakahandusay sa kalsada na nagmagandang loob na itakbo ako sa ospital. Tapos tinawagan nila si Kev kasi siya yung unang nakita sa Contacts ko. Matapos nun, three days na ako dito na puro si Kev lang ang kasama ko at nag-aalaga sa akin. Inexcuse na din niya ako sa mga prof namin at pinaalam ang kalagayan ko sa mga classmates namin. Ewan ko lang kung nalaman iyon ni Angel. Sigurado akong pupunta yun dito. Gusto ko sanang tanungin si Kev tungkol dun kaso nahihiya ako kaya kinimkim ko nalang. -- Kasalukuyan kaming kumakain ni Kev ng pagkaing dala niya. Sinabihan niya akong ikuwento sa kanya ang nangyari kung bakit daw ako nasa lugar na iyon nung mga oras na iyon kaya daw ako nasaksak. Nagdadalawang isip pa nga akong sabihin sa kanya pero sinabi ko na din at mukhang naiintindihan naman niya. "So si Angel pala yung may kasalanan." Sabi niya habang sumusubo ng cake. "Hindi naman sa ganon. Ako talaga ang may kasalanan. Masyado kasi ako lumayo sa boarding house. Hinintay ko lang naman siya. Dapat sa loob nalang ako naghintay." Mahaba-habang paliwanag ko sa kanya. "Ikaw na ang nagsabi. Hinitay mo siya. So siya ang dahilan. Dapat Renren, lumayo ka na sa tao nayon. Remember that your mother told me to protect you whenever or wherever you are." Pagpapaliwanag niya. Pinaalala niya na naman si Mama. Namatay si Mama nung 8 pa lang ako. Matagal na ring patay ang papa ko. Yung kuya ko nasa states kasama yung lola ko kaya mag-isa lang ako. Nung una, nakatira ako sa bahay ng pinsan ko. Mabait naman sila sakin at parang pamilya na ang turing nila sa akin. Kaya lang sa halos ilang taon ko sa kanila, naisip kong bumukod kasi baka nagiging pabigat na ako. May bahay naman ako kaso nasa Pampanga pa. Yun yung iniwanan nila Mama at Papa sa amin ni Kuya. Ayoko naman dun kasi mag-isa lang ako. Kaya nagboard ako dito sa Manila kung saan malapit sa school. Si Kevkev naman, kababata ko. Yung mga Papa namin, ay Business partners at yung Mama niya, ay owner ng isang kilalang resort. Madalas kami ni Kev maglaro noon kase palaging wala ang mga magulang namin. Pero nung mamatay yung Mama ko at kami nalang ni Kuya ang magkasama, isinama ni Tito (Daddy ni Kev) si Kev sa UK para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Tapos yung Mama ni Kev ipinagpatuloy yung business nila ng mama ko. 9 years din kaming nagkahiwalay ni Kevkev, at heto siya ngayon at kaharap ko. "Renren, di mo na naman ako pinapansin. Sabi ko kumain ka na." Pagputol niya sa mga iniisip ko. "Ahh. Haha. Sorry may naalala lan--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal si Angel na hingal na hingal. (Angel's POV) Simula nung nakita ko si Rence na hinalikan si Kevin sa pisngi, parang may libu-libong karayom na paulit-ulit na bumabaon sa katawan ko. Ewan ko ba pero ang sakit-sakit, siguro totoo ngang may gusto na ako kay Rence. Alam kong wala akong karapatang masaktan kasi di naman kami. Pero mapipigil ba niya ako kung ganun ang nararamdaman ko? Halos isang linggo na rin ang pinalipas ko. Kung saan saan ko nalang ibinaling ang atensiyon ko. Well, sa totoo lang ay madalas akong kinakausap ni Reu tungkol kay Rence, siyempre. Nagtataka lang daw siya kung bakit malungkot ang kaibigan niya. Madalas akong yayain ni Reu na puntahan si Rence kaso tumatanggi ako at nagdadahilan ng kung ano-ano. Madalas din akong lumiban sa klase para lang talaga maiwasan sila. Ayokong makitang masaya silang nagtatawanan na siya namang pumupunit sa puso ko. Maaga din ako pumapasok para di kami magkasabay. Tapos late na ako umuuwi at madalas akong nasa bar. Madalas ko naman silang nakikitang magkasama. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Napapanatag ang loob ko dahil kahit di ako kasama ni Rence ay kasama naman niya si Kevin. At syempre selos dahil di ako ang kasama niya. Kaysa sa kung ano-ano ang iniisip ko, pumunta nalang ako sa bar para magpalipas pero di ko napansin ang oras at maghahating gabi na pala kaya umuwi na ako. Di kalayuan sa boarding house ay may nakita akong nagkukumpulang tao pero dahil sa bigat ng pakiramdam, pagod at kalasingan, di ko nalang sila pinansin at dumeretso na ako sa kwarto ko at natulog. Kinabukasan, maaga akong pumasok para siyempre iwasan siya. Pero nakakapagtaka dahil hindi siya pumasok. Pati si Kevin. Pagkauwi ko galing school ay di ko nakita si Rence sa boarding house. At ganon pa din ang nangyari kinabukasan. Wala parin kahit anino ni Rence at dahil masama ang loob ko binalewala ko nalang. Medyo nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko si Kevin sa pintuan ng classroom namin sa pag-asang kasama niya si Rence pero wala si Rence. Nanatili lang ito sa labas habang kinakausap ang prof namin tapos umalis din. At dahil bored ako, nilagay ko nalang ang earphone ko sa tenga ko at nagplay ng music para di ko marinig ang boses ng propesor namin habang may inaannounce ito. Natapos ang araw na wala akong masyadong napala. Maaga akong pumasok kinabukasan at inabangan si Rence kase di ko din siya makita sa boarding house. Nakaupo lang ako sa bandang dulo ng room nang may lumapit sakin na classmate ko. Mica yata name niya. "Hey Angel, ikumusta mo ako kay Rence ahh" sabi niya. Letse naman oh, pinaalala pa. Tinanguan ko nalang siya. "Tsaka pala pakisabi sa kanya magpagaling." Dagdag pa niya. Oh wait, magpagaling? "Magpagaling?" Tanong ko sa kanya. "Ha? Di mo alam? Akala ko ba sa inyo siya nagboboard? Naaksidente siya. Nasaksak. Ang kwento nung prof natin, naghihintay lang daw sa labas ng boarding House mo si Rence tapos may lumapit na lalaki tapos sinaksak siya. Mabuti may nakakita sa kanya kahit magmimidnight na at sinugod siya sa ospital." Mahaba-habang paliwanag ni Mica na nagpakabog sa puso ko. Naghintay si Rence? Hinintay niya ako? Kasalanan ko na naman! "Saang hospital siya dinala?" Muli kong tanong sa kanya. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. "Di ko alam ehh, itanong mo nalang kay Ma'am S---", di ko na siya pinatapos at lumabas na ako ng room at dumeretso sa sasakyan ko. Tinawagan ko ang cellphone ni Rence dahil alam ko kung nakaynino ito. "Hello, nasaang hospital kayo?" Tanong ko sa kanya. Kilala niyo na to. Si Kevin. "Paki mo?" Matigas na sagot niya. Ginagalit ako netong gago nato. "Sumagot ka! Nasaan si Rence!!" "Easy lang brad. Nandito kami sa * Hospital." Pagkasabi niya non ay agad kong binaba yung tawag at pinaharurot yung kotse ko papunta sa hostipal. Maraming gumugulo sa utak ko ngayon. Gusto kong humingi ng tawad kay Rence. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Gusto ko siyang alagaan ngayo't may nangyari sa kanya at ako pa ang dahilan. Wala pang kalahating oras ay narating ko na ang hospital at dali-daling hinanap at tinungo ang room kung nasaan si Rence. Puno ng kaba ang dibdib ko habang palapit ako ng palapit sa kwarto na yun. Pagkabukas ko ng pinto ay siya agad ang nakita ko at binalewala ang presensya ni Kevin sa tabi niya. Pumapatak na ang luha mula sa mga mata ko. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD