Donor

2449 Words
Mag iisang linggo na ako dito sa hospital. Ayaw kase ako palabasin ng gwapong doktor dito eh. Hihihi. I mean, ayaw pa akong palabasin kase di pa tapos yung mga test. Ineexplain sa akin ng poging doktor kung ano yung kalagayan ko. Dito na nga kami nag new year eh. Siyempre, kailangan daw na fully healed na ang mga sugat ko at masiguradong wala na akong major fracture/injury sa katawan. Kasama ko ngayon si Kuya at si Kyle. Wala si Angel. Simula noong gumising ako kanina wala siya. Ewan ko kung bakit. Sabi nila may inasikaso lang. "Kuya Josh anong DATE ngayon?" rinig kong tanong ni Kyle kay Kuya. Magkatabi silang nakaupo sa may gilid. Ewan ko kung nahihibang ako o talagang ipinagdiinan ni Kyle yung salitang date. "Ewan ko Kyle. Bakit? Anong DATE nga ba ngayon?" si Kuya. Pansin ko din na madiin yung pagkakasabi niya. Parang nababaliw na yata sila. Haha. "Ah! January 8 ngayon Kuya Josh! Tingnan mo oh" masiglang sabi ni Kyle kay Kuya habang pinapakita yung calendar sa cp niya. Para silang mga baliw. Haha. January 8 na pala. May pasok na nga kami e. Tapos na ang Christmas break pero nasa ospital pa din ako.. "Ah. January 8 na pala ngayon. Akala ko January 7 palang. January 8 na pala." Si Kuya. Para talaga silang mga baliw. Nagtawanan silang dalawa sa kabaliwan nila at nakitawa na din ako. Haha. "Kuya nasaan si Angel?" Tanong ko sa kanila. Medyo nag-aalala na ako kase hanggang ngayon, wala pa siya. Nakoooo. Lagot siya sakin once na makabalik na siya. Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok sila Reu at Airis. Kasama nila si Carlo at Alex. Pansin ko lang na close na si Alex at Carlo ah. Haha. And about kay Reu at Airis, ok na kami. Back to normal na ang closeness namin. Naikwento na nila sa akin lahat. Kahit super nagalit ako sa kanila, hindi naman ako ganoon kasama para hindi magpatawad. Isa pa Bestfriend ko si Reu. Mahal ko yan. Pero mas mahal ko si Baby ko. Hihihi. At tungkol naman kay Elton, hindi pa kami naghaharap pero kasalukuyan kong hinahanda ang kamao at palad ko :). "Nagkakasayahan yata kayo ah?" nakangiting bungad ni Reu nang makapasok sila ni Airis. Iba dinyung ngiti nila. "Eh kase si Rence, hinahanap yung BABY niya. Eh wala dito. January 8 kase ngayon. May inasikaso yata si Angel ngayon kase nga January 8 ngayon." si Kuya. Luh? Para silang tanga. Parang may nalalaman sila na di ko alam. Pero may inaasikaso si Angel? Baka.. Baka may iba na siya! Lord, wag po sanang maging tama ang iniisip ko. "Ah! Oo nga! January 8 ngayon. " si Airis. Tapos lahat sila nagtawanan. Ako naman medyo natahimik lang na nakahiga. So iyon. Mabilis lumipas ang mga oras. Lunch time na pero wala pa din si Angel. Mas lalo akong kinabahan. Pilit kong iniiba ang iniisip ko at binabaling sa ibang bagay ang atensiyon ko. Pero super bored ako. Pero sila malakas ang tawanan. Tapos titingin sakin. Tapos tatawa at magbubulung-bulungan ulit. Feeling ko tuloy ako pinag-uusapan nila. Well, parang ako naman talaga. Buti nalang dumating si Doc pogi n may kasama pang bonus na nurse pogi. Hihihi. Actually di ko masyadong makita yung mukha nung nurse. Nakamask kase siya, nakahairnet at nakasuot ng eyeglasses. Pero I find him so attractive. Actually, medyo familiar nga yung mukha niya eh. Parang nakita ko na somewhere at sometime. Basta pamilyar siya. Kaso may Angel na ako. Sorry siya. "Nakapaglunch ka ba ng maayos? Mukhang nakakadistract yung mga kasama mo ah." si Doc habang inilalapag papalapit sa akin. Yung assistant nurse naman niya may dalang tray na may isang basong tubig at gamot. "Oo nga doc eh. Para silang mga baliw eh. Kung alam niyo lang po." nginitian lang ako ni Doc. Nasa gilid ko na sila nung assistant nurse niya. Mas lalo kong nakita yung itsura nung nurse. Gwapo niya! Kaso may kamukha talaga siya eh. Lalo na yung mata niya. Ang cute niya! Napansin yata ni Doc na nakatingin ako kay Fafa Nurse kaya nagsalita si Doc. "Ah, oo nga pala. This is Lorenz. Assistant Nurse ko. Para kaseng iba yung tingin mo kaya pinakilala ko na." si Doc na may makahulugan na ngiti. Hala napansin niya pala. Inabot sa akin ni Fafa Lorenz yung gamot "Ahh. Haha. Hindi po. Parang pamilyar lang po kase siya sakin." sagot ko naman. Kahit naka-mask si Fafa Lorenz, napansin ko na ngumiti siya sakin. Hala >\< "Nako Rence ah. Ang kire-kire mo. January 8 pa naman ngayon." sabi ni Kuya sabay tawa. Leshe. Puro sila January 8. Haha. "Oo nga Mr. Villaflores. January 8 ngayon pero napakakire mo. Haha." hala. Pati si Doc nahawa na? Anyare sa earth? Nakingiti nalang kami ni Fafa Lorenz sa kanila. "Oh gosh! Naiwan ko yung phone ko sa car! Lets go Airis. Bye guys. Babalik kami" natatawang sabi ni Reu sa amin. Kahit kelan talaga. Napakaulyanin niya. Haha. "Samahan ko na namin kayo." paalam ni Kuya, Carlo at Alex at lumabas na sila. "Excuse me guys. Someone's calling on me" hawak ni Doc yung phone niya. Wala namang ringtone na tumatawag. Siguro nakasilent. So papalabas na si Doc nang tumayo si Kyle. "Doc, sama po ako. Pupunta po akong restroom." sabi ni Kyle at lumabas na sila. So ang nangyari, naiwan kami ni Fafa Lorenz. Nakaupo siya sa upuan sa gilid ko. Binabasa niya yung nakasulat dun sa parang book na hawak niya. Siguro binabasa yung mga medical etchos eklavu ng mga patients nila. Mahirap siguro yun. Biglang bumukas yung pinto. Kala ko si Angel kaso hindi. "Delivery po for Mr. Rence Villaflores." ani isang lalaki with julalays at nilapag sa mesa malapit sa inupuan nila Kuya kung mga food. Ang dame. Sobra! Pero wait. Para sakin daw?? Bumangon ako mula sa pagkakahiga at siyempre inalalayan ako ni Fafa Lorenz na makabangon. Tapos pinirmahan ko kung kaekekan na diniliver sakin. Don't tell me ako magbabayad nito? Pero pagkapirma ko ay nagpasalamat sila at umalis na. Pagkalabas nila kuyang delivery man ay tiningnan ko mula sa pwesto ko yung food. Andami talaga. Naglalaway tuloy ako. Kaso baka bawal sa akin. Hihihi. Nagulat nalang ako nang may yumakap sa akin mula sa gilid ko. OMG! Niyakap ako ni Fafa Lorenz! May gusto siya sakin? No way, kay Angel lang ako. Pero pagbigyan natin. Hihihi. "Happy first monthsary." OMG! Si Fafa Lorenz? Ay mali! Hindi siya si Fafa Lorenz. Bat di ko napansin? Si Angel si Fafa Lorenz! Sabi na eh!! *Rence* Kain dito, kain doon. Monthsary kase nila eh. Sila yung may monthsary. Haha. Nandito sila ngayon sa room ko. Magkakasabwat pala sila. May pa January 8 January 8 pa silang nalalaman. Di pa dineretso na monthsary namin ni Angel. Ako namang baliw, nakalimutan ko na monthsary namin. Haha. "Baby selfie tayo" Di pa man ako nakakasagot naramdaman ko nalang na nakadikit na yung labi niya sa pisngi ko kasabay ng pagflash ng camera niya. Nubayan! Di man lang ako nakapagpose! Hihi "Patingin nga." sabi ko kay Angel pero di niya binigay sa akin agad. Ngingiti-ngiti lang siya habang nagtatype tapos binigay niya sakin. O-M-G! Pinost niya sa sss yung pic namin! Sa lahat ng pagsubok na hinarap natin. Sa lahat ng balakid sa pagsasama natin. Sa lahat ng humahadlang sa pagmamahalan natin. Nanatili ka sa tabi ko at minahal mo ako. Hindi ka nagpaapekto sa kanila. Hindi mo pinansin ang mga sinasabi nila. I'm so lucky to have you. I'm so blessed I've found you. I love you Rence Eite Villaflores. I love you. I love you. I love you. Awwww.. Medyo naiyak ako. Pero dahil masaya ako. Plus ang cute ng pic namin. Nakakiss siya sa pisngi ko tapos ako nakatingin sa kanya pero nakaface pa rin ako sa harap. Parang nashock ako na cute na ewan. Basta bagay kami. Hihi. "Oh bakit ka umiiyak?" bigla niya akong niyakap mula sa likod at pinatong yung baba niya sa balikat ko. "Ah. Wala to. Masaya lang ako." sagot ko. Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa pisngi. Then may nagflash. Kinuhan kami nila Kyle. "Yiiieehhhhhh! Upload na yan!" sigaw nila. Tinawanan nalang namin sila ni Angel at hinigpitan niya yung yakap niya sakin. Bigla naman akong nakaramdam ng pagsakit ng dibdib ko. Masakit. Parang napupunit tapos di ako makahinga. "Baby ok ka lang?" tanong ni Angel. Naramdaman niya siguro yung madiin kong paghawak sa dibdib ko. Tapos hinarap niya ako. "Rence? Rence?! Bakit? Anong nararamdaman mo?!" rinig kong sigaw ni Angel pero mas nanaig ang sakit na nararamdaman ko. P*tsa ang sakit! "Ma-sakit.. Angel" daing ko sa kanya. Lumapit na samin sila Kuya na alalang-alala. "Rence! Anong nangyari? Doc! Tawagin niyo si Doc!" rinig kong sabi ni Kuya bago ako nawalan ng malay. **Angel** "Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong kay Doc. Nandito kami sa room ni Rence. Kausap namin si Doc at lahat kami nag-aalala kay Rence. Sinabi kasi ni Doc na may complication sa katawan ni Rence. Naluluha na kami ni Kuya Josh dahil sa pag-aalala. Hanggang ngayon wala pa din malay si Rence. "Sorry to say Mr. Lorenzo pero hindi pala naging matagumpay ang surgery namin kay Mr. Villaflores. Inakala namin na okay na siya pero hindi pa pala. Lumaki yung cut sa atrium niya at nageextend papuntang heart niya. Super delikado ng case nato kung hindi maagapan. It can cause to death kapag lalong nagkadamage ang heart niya. Patuloy itong hihina kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Mr. Vilaflores." paliwanag ni Doc. Narinig ko namang umiyak sila Reu at Airis. Pati ako na kanina pa umiiyak ay pinigil ko ang luha ko pero patuloy lang ako sa pag-iyak. "Ano pong dapat gawin? Gawin niyo po ang lahat. Magbabayad po kami kahit gaano kalaki ang gastusin basta po gumaling ang kapatid ko." seryosong sabi ni Kuya Josh. Talagang mahal na mahal niya ang kapatid niya. "I suggest to have a heart transplant." deretsahang sabi ni Doc. Heart transplant? "Doc, sa tingin niyo po ba compatible yung puso ko sa puso ni Rence?" di pa buo yung desisyon ko pero para kay Rence gagawin ko. "Hindi natin masasabi kung compatible kayo. Pero hindi ako papayag. For sure hindi rin papayag ang mga parents mo." seryoso ding sabi ni Doc. "Oo nga Angel. Hindi rin ako papayag na ibuwis mo ang buhay mo para sa kapatid ko." sagot naman ni Kuya Josh. Pero bakit? Para rin naman kay Rence to ah? "Hindi rin ako papayag bro." si Kyle. "Ako rin." sabay na sabi ni Carlo, Alex, Reu at Airis. "Mahal ko si Rence. Ayaw niyo bang mailigtas ko si Rence?" umiiyak kong sabi sa kanila. "Sa tingin mo ba papayag si Rence na gawin mo yan?" deretsong sabi ni Kyle sakin. Nabigla ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo ba magiging masaya si Rence kung gagawin mo yan?" Si Reu. "Sa tingin mo ba magpapatuloy yung pagmamahalan niyo kung wala na ang isa sa inyo? Angel. Hindi mo naman kailangang idonate ang sarili mong puso para patunayan ang pagmamahal mo sa kapatid ko. Ang kailangan lang natin gawin ay maghanap ng donor na compatible sa kapatid ko. Yun lang. Hindi kailangan na ikaw." seryosong sabi ni Kuya Josh sakin. Ayan na naman sila. Wagas kung makapagpayo. Pero may point naman sila. "May point sila Mr. Lorenzo. Kung gusto mo tutulungan ko kayo na makahanap ng perfect donor para kay Mr. Villaflores. But eto lang ang masasabi ko sa inyo, huwag niyong hahayaang makaramdam si Mr. Villaflores ng matinding lungkot, makaramdam ng matinding pagod at maistress ng sobra dahil sobrang makasasama iyon sa kalagayan niya." sabi ni Doc. Ang swerte namin dahil napakasupportive niyang doktor kay Rence. Lumapit ako kay Rence na kasalukuyang natutulog. Tumabi ako sa kanya at pinatong yung ulo niya sa dibdib ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya. Hinalikan ko siya sa ulo at niyakap muli. "Angel, bawal ha? Baka umatake ka na naman. Ang sabi ni Doc bawal daw MAPAGOD si Rence. So kontrol lang ah?" natatawang sabi ni Kuya Josh. Yung mata niya puno ng luha pero nakangiti siya. Tama nga siya. Hindi gugustuhin ni Rence na makita kaming malungkot at lalong ayaw niya na makita kaming umiiyak. So dapat ipakita namin kay Rence na matatag kami. Para sa kanya. "Loko ka talaga Kuya Josh." sagot ko at tinawanan nalang siya. "Doc pwede po ba kayong makausap?" narinig kong sabi ni Carlo kay Doc at lumabas sila ng kwarto. **Carlo** "Pakiulit nga ang sinabi mo Mr. Timoteo? Gusto mong magpaexamine kung compatible ka kay Mr Villaflores? Pero bakit?" nagtatakang tanong sa akin ni Doc Ian. Tama kayo ng dinig. Gustokong ipacheck kung compatible ang puso ko kay Rence. "Yes Doc. Itest niyo po kung compatible ang puso ko kay Rence. Gusto ko pong maging donor niya." deretsahang sabi ko. "No Mr. Timoteo. Kung si Mr. Lorenzo ay di ko pinayagan, lalo na ikaw. Di rin kita papayagan." sagot ni Doc. Mukhang kailangan ko nang ipagtapat kay Doc. "I'm dying Doc." seryosong sabi ko na ikinagulat ni Doc. "What? Bakit? Paano?" gulat na sabi ni Doc. "I was suffering from brain cancer. Stage 4. And I will only last within 2 months from now. Mamamatay nalang din naman ako, gusto kong maging makabuluhan ang magiging pagkamatay ko. Please po Doc. I really want to be Rence's donor." seryoso ko ring sabi kay Doc. "Oh? Is that so? Bakit di ka pumunta ng states? Magpagamot? Malay mo gumaling ka?" tanong ni Doc. Actually ginawa na namin yon. Kaso ang sabi wala na daw silang magagawa. At binigyan na nila ako ng taning. Noong una ay di ko pa tanggap pero lately natanggap ko na din pati ng family ko. Nag-uundergo pa din ako ng therapy and umiinom pa din ng gamot to lessen the pain. Kaya minsan di ko kasama sila Angel. "Hindi na daw po ako magagamot. Pero don't worry doc. Tanggap ko na at ng family ko na mawawala din ako. I'm just enjoying my remaining days " sabi ko. "Nakakalungkot na marinig na you're dying. Pero kung iyan ang choice mo, wala akong magagawa. But first I need your parents approval and kailangan nating malaman kung compatible ka nga for Mr. Villaflores." sabi ni Doc. "Okay po. I'll text them." nakangiti kong sabi. "One more question Mr. Timoteo. Bakit si Mr. Villaflores? I mean masyado mo namang gustong ipush na ikaw nalang ang maging donor niya? Is there anything I need to know Mr.? intrigang tanong ni Doc. "Because I love him. I really love Rence"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD