Carlo

3427 Words
Nagising ako na may nakayakap sakin. Nakahiga ako sa dibdib niya at dinig ko ang t***k ng puso niya. Speaking of puso, ramdam ko pa din yung hapdi sa dibdib ko. Ewan ko kung anong meron basta nakakaramdam ako ng kirot. "Oh. Gising ka na pala. Nagising ba kita?" gising pala si Angel di ko alam. Nakayakap pa din siya sakin at nilalaro yung bangs ko. Hihi. Pansin ko na wala nang ibang tao sa room ko kundi ako at si Angel. Hihihi. "Hindi po. Ok lang po ako." sagot ko sa kanya ng nakangiti. Ayokong sabihin sa kanya na kumikirot yung dibdib ko. Ayokong mag-alala siya. "Hindi na ba sumasakit dibdib mo?" nagulat ako sa tanong niya. Alam niyang sumasakit ang dibdib ko kahit di ko sabihin sa kanya. "Medyo masakit po. Ano po bang nangyari?" sumeryoso yung mukha niya sa sinabi ko at hinarap ako. "Baby sasabihin ko sayo. Pero promise mo, hindi ka iiyak. Bawal ka maistress. Makakasama sayo yun." mahinahon at seryoso niyang sabi sa akin habang nakangiti. Pero may tumutulo nang luha sa mga mata niya. Bakit anong nangyari? "Yes po. Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Medyo nakakaramdam na naman ako ng pagkirot sa dibdib ko pero di ko masyadong pinahalata sa kanya. "Baby. Ano kase.. Baby kailangan mo ng heart donor. Hu-humina ang puso mo dahil sa pagkakasaksak sayo." mahinahon niyang sabi habang umiiyak. Pati ako naluha sa sinabi niya. Mahina daw yung puso ko? Donor? Kailangan ko magpatransplant? "Baby.. Ayoko mawala. Ayokong magkahiwalay tayo. Ayokong magkalayo tayo" gaya ng sinabi niya, sinubukan kong hindi umiyak pero may pumatak na luha sa mga mata ko. "Hindi. Walang mawawala. Walang maghihiwalay. Magiging okay ka lang. Magiging okay lang ang lahat. Pinapangako ko." naramdaman ko na niyakap niya ako. Hindi pa din nagsisink-in sakin ang lahat. Muli akong nakaramdam ng pagsakit sa dibdib ko. Pero isinawalang bahala ko nalang. Gaya ng sinabi ko, ayoko na mag-alala siya. Mas mabuti na na akuin ko nalang ang sakit kaysa makita sila na kinakaawaan ako. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako ng yakap ko si Angel. **Angel** Ayokong umalis sa tabi niya. Sa tabi ng mahal ko. Ngayon pa na kailangan niya kami. Nakatulog siya na nakaulo sa dibdib ko at nakayakap sakin. Hinayaan ko lang siyang ganon. Napakatapang niyang tao. Nagagawa niyang magdesisyon na para sa ikabubuti ng lahat. Akala niya siguro hindi ko alam at hindi ko napapansin na kinikimkim nalang niya sa sarili niya ang hapdi at sakit na nararamdaman niya. Kung alam niya lang na mas doble pa ang sakit na nararamdaman ko na makita siyang nahihirapan ng ganoon. Pumasok si Mama kasama si Kyle at Kuya Josh tapos may kasamang mga pulis. Yung mukha nila parang nag-aalala na ewan. Bakit? Anong nangyari? "Angel anak wag kang mabibigla." si Mama na seryoso ang mukha. Lalo tuloy ako nakaramdam ng kaba kaya napabangon ako. Si Rence naman ay nanatiling tulog. "Bakit anong nangyari?" nag-aalala kong tanong. "Nakatakas si Elton. Yung may gawa niyan kay Rence" kalmadong sabi ni Kuya Josh n ikinagulat ko. What? Anong nakatakas? Paano? "What?! Paano?" medyo galit kong tanong. This time sa mga pulis na ako nakatingin. "Sir, hindi po namin gusto ang mga nangyari. May natamo din po kasi siyang mga sugat kaya nagpadala kami ng nurse para gamutin iyon. Tapos nung ichecheck namin, wala na siya sa room tapos yung nurse yung nakahiga sa higaan niya. Sorry po sa mga nangyari. Hinahanap na po ng mga tauhan ko si Mr. Capili." mahinahong sabi nung mukhang lider ng pulis. Gustuhin ko mang magalit, wala ring mangyayari. Tsaka kung si Rence ang nasa posisyon ko ganun din ang gagawin niya. Maging kalmado. "Gawin niyo po ang lahat para mahuli siya. Hindi dapat hayaan ang isang tulad niya na gagala gala. I'm so much sure na babalikan niya kami. So we badly need you to secure us from him. Please. Gawin niyo ang lahat. Ayoko nang mapahamak ulit ang kahit na sinuman na malapit sakin lalo na.. Lalong lalo na kay Rence" kinontrol ko muna yung galit ko habang sinasabi sa kanila yon. Pati sila Mama nagulat sa reaksyon ko na pagiging kalmado. Basta ang inaalala ko ngayon ay si Rence. For sure gagawa at gagawa ng paraan si Elton para makaganti kay Papa o kaya sakin. "Don't worry sir. Nagdagdag na kami ng security dito sa hospital. Knowing na this is a private hospital. Kailangan pa din masiguro ang kaligtasan niyo dahil gaya ng sinabi niyo, babalikan niya kayo. We'll assure you na gagawin namin lahat para po masecure kayo." sabi pa ni chief. Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil doon. Pero hindi pa din ako sure kung dapat pa namin sabihin kay Rence ang nangyari. For sure mag-aalala yun. Makakasama pa sa kanya. Kaya minabuti kong wag nalang din sabihin. (***fastforward***) Natutulog pa din si Rence. Kasama ko dito yung kapatid niyang si Kuya Josh. Nagpunta muna ako sa restroom sa loob ng room ni Rence para magbawas ng tubig sa katawan. Pagkatapos ay dumeretso ako sa sink at naghugas ng kamay. Napatingin naman ako sa salamin. Sa sarili ko. "Napakaswerte kong tao at nahanap kita Rence." doon ko na hindi napigil ang mga luha na kanina pa gustong bumuhos sa mga mata ko. Yung mga luha na kanina ko pa hindi mailabas dahil alam kong makikita niya ako na umiiyak. "Maswerte tayo. Pero bakit sayo pa kailangang mangyari ang lahat ng to?" para akong tanga na kinakausap yung sarili ko. Bakit sa dinami-dami ng tao si Rence pa ang nadadamay? Pwede namang ako nalang. Bakit si Rence pa? "Angel! Angel! Tawagin mo si Doc! Angel!" naalerto ako sa sigaw ni Kuya Josh kaya nagmadali akong lumabas restroom. Nakita ko si Rence na madiin na nakahawak sa dibdib niya. "Rence! Anong nangyari?" sigaw ko nang makalapit sa kanila. Naiiyak na naman ako. Sino ba namang hindi maiiyak kapag nakita mo ang mahal mo na nahihirapan? "Ku-ya.. Ang sakit.." namimilipit na siya sa sakit habang madiin pa ding nakahawak sa dibdib niya. "Angel! Tawagin mo si Doc!" sigaw ni Kuya Josh. Naalarma ako at madaling lumabas ng kwarto. Sakto namang papasok si Doc kasama ang ilang nurse. Maya-maya ay kumalma na si Rence. Siguro ay binigyan nila si Rence ng gamot. "Doc ano pong nangyari? Dumadalas po ang pagsakit ng dibdib niya. Ano pong nangyayari sa kapatid ko?" nag-aalalang tanong ni Kuya Josh kay Doc. Ganun din ang gusto kong itanong kay Doc. "Well, base sa findings na isinagawa namin kagabe, mas lumalala ang kundisyon niya. Kailangang-kailangan na niya ng donor, luckily.." putol na sagot ni Doc. Mas lalo akong naiyak nang malaman na mas lalong lumalala ang kundisyon ni Rence. "Luckily ano po?" umiiyak kong tanong. "May donor na si Mr. Villaflores. Base sa naunang test na isinagawa namin, perfect match silang dalawa. Mukhang masuwerte tayo at madali tayong nakahanap ng donor. Pero may ilan pa kaming isasagawang test. May icoconduct kaming muli na test para masigurado na compatible nga. Pero wag kayong mag-alala. Nasisiguro ko na magiging tama ang gagawin naming operasyon kung si Mr. Tim-- I mean si Mr. Tolentino ang magiging donor para kay Rence." medyo nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi niya. Pero parang may mali eh. Parang kilalang kilala ni Doc yung donor. Tapos medyo parang nadulas pa siya sa aplido. Baka nagkataon lang. "Kelan po ba namin siya pwedeng mameet?" tanong ko kay Doc. Kailangang mapasalamatan yung Mr. Tolentino. Di rin biro na idodonate mo yung sarili mong puso para masustain yung buhay ng iba. "Well I'll inform him." sabi ni Doc. "Salamat po Doc. " sabi ni Kuya Josh. Bigla namang pumasok sa loob si Carlo. "Hi Kuya Josh, Angel, Doc. Kamusta si Rence?" pagbungad sa amin ni Carlo nang makapasok sa loob. May dala pa siyang basket ng prutas. "Medyo lumalala ang kundisyon niya. Kailangan na niya maoperahan sa lalong madaling panahon." pagsagot ni Doc. Inilapag naman ni Carlo yung fruit basket sa table malapit kay Rence. "Eh diba may donor na si Rence? Bakit hindi pa niyo simulan ang operation?" tanong niya. Paano niya nalaman na may Donor na si Rence? "Paano mo nalaman na may donor na si Rence?" nagulat siya sa tanong ko at pansin ko na medyo nagkatinginan sila ni Doc. "Ah.. Nauna ko na siyang nasabihan. Kanina kase pinuntahan niya ako para personal na itanong ang about kay Rence." si Doc na ang sumagot. "Ah ganun po ba? Bakit mo naman pala gustong personal na itanong? Nako ha. Baka may gusto ka sa kapatid ko ah? Lagot ka kay Angel." patawang sabi ni Kuya Josh kahit seryoso yung tono niya at mukha. Talagang ayaw niyang ipakita sa kapatid niya na nalulungkot siya. "Ha? Haha. Hindi po Kuya Josh. Naikwento ko din kase sa mga magulang ko yung nangyari kay Rence. Ayun kinukumusta nila." sagot ni Carlo. Bigla namang pumasok si Reu at Airis na hinihingal at mukhang balisa. May benda si Reu sa braso. Si Airis naman may bandaid sa mukha. Bakit? Anong nangyari? "Angel! Si Kyle! " sabi nila nang makalapit samin. Si Kyle? Bakit? Anong nangyari sa bestfriend ko? "Bakit? Anong nangyari?" tanong ko na nag-aalala na din. "Si Kyle. Nabaril ni Elton.! Nakatakas si Elton!." **Angel** Napagdesisyunan namin na pagsamahin nalang sa iisang room si Rence at Kyle. Kasalukuyan silang natutulog ngayon. Nasa Left side si Rence at nasa kabila si Kyle. Hindi pa din nagsisink-in sakin ang nangyari sa bestfriend kong si Kyle. Nakakaawa na pati siya nadamay dito. Since kasi inilipat namin si Kyle ng room hindi pa din siya nagkakamalay. "Kwento niyo nga kung paano ang nangyari? Bakit nabaril si Kyle?" malungkot kong sabi sa kanila. Nandito silang lahat sa room. Si Kuya Josh, Kuya Enzo, Carlo, Kevin, Airis, Alex, Reu, pati si Mama at Papa. "Ano kasi.." umiiyak na sabi ni Reu. Mukhang takot na takot silang dalawa ni Airis. "Bibili dapat kami ng food para sa atin dito. Pabalik na kami sa parking lot nang may lumapit na lalaki samin na nakahood. Narecognize namin agad na si Elton yun kaya tumakbo kami. Tapos ayun, pinaputukan niya kami tapos bigla siyang nawala. Akala namin walang masyadong napuruhan saming tatlo, mabuti daplis lang samin ni Airis tapos nakita namin si Kyle na nakahiga sa sahig. Puno ng dugo.." after niyang sabihin yun napaiyak na siya ng todo. Walang hiya talaga yang Elton nayan! Pati mga taong walang kinalaman dito dinadamay pa. Kahit ako medyo nakaramdam ng takot. Kung si Kyle na Bestfriend ko nadamay nang dahil dito, hindi malabong pati sila Mama madamay dito. Hindi ako papayag na may madamay pang iba dito. Dalawa na sa mga importanteng tao ang nadamay at ayoko nang may madagdagan pa. "Basta kailangan mag-ingat pa din ang bawat isa sa atin ngayong hindi natin alam kung nasaan siya. Pero pwedeng alam na niya kung nasaan tayo." seryosong sabi ni Kuya Josh sa amin na obviously ikinagulat namin. "Anong ibig mong sabihin Kuya Josh?" naguguluhan kong tanong kay Kuya Josh. "Paano kung ginawa niya yun para malaman kung nasaan ka talaga. Think of it Angel. What if hindi pala talaga umalis si Elton after he shot Kyle? What if planado na niya ang lahat? Paano kung naisip na niya na ganun ang mangyayari? Na babalik sila Reu kung nasaan tayo para magsumbong? Hindi naman sa tinatakot ko kayo pero malakas ang kutob ko na alam na niya na nandito tayo." seryoso ang mukha ni Kuya Josh habang nakatingin sa kapatid niyang si Rence. Malaki ang posibilidad na totoo ang sinabi ni Kuya Josh. Kailangan na kailangan naming mag-ingat ng sobra. "Sorry. Dahil samin maaaring malagay kayo sa panganib." humahagulgol na sabi ni Reu habang nakatakip ang mga kamay niya sa mukha niya. "Hindi. Wag niyong sisihin ang sarili niyo. Walang may gusto ng nangyari. Isa lang ang nasisiguro natin. Na malaki ang chance na tama si Kuya Josh. Na alam na niya kung nasaan tayo. Ang masasabi ko lang sa inyo ay mag-ingat. Wag kayo aalis ng mag-isa. Ma, Reu, Ai, hanggat maaari, dito nalang kayo sa loob ng hospital" mga salitang lumabas sa bibig ko. Imbis na takot ay galit ang naramdaman ko. Bakit kailangan pa idamay niya yung wala namang kinalaman? Nakakainis na dahil sa akin nadadamay sila. "Kuya? Anong nangyari? Bakit hindi pwedeng umalis sila Reu dito? Tsaka bakit may benda rin si Kyle? Anong nangyari?" gulat niyang tanong sa amin. Hindi ko napansin na gising na pala siya. Napabangon siya bigla sa kama niya. Lumapit naman ako at inalalayan siyang makaupo ng maayos. Hindi namin alam kung dapat ba naming ikuwento sa kanya o hindi. Siguradong mag-aalala na naman siya. Pero importanteng malaman din niya. Sa huli napagdesisyunan din namin na sabihin sa kanya. Gaya ng inaasahan, natakot siya. "Ok lang yan. Wag kang mag-alala. Wag mong isipin yun. Walang mangyayari sayo. Pinapangako ko." sabi ko habang yakap-yakap ko siya. ----------- So iyon. Halos whole day lang kami dito sa hospital. Wala kami masyado ginagawa kundi kain, laro, selfie, laro. Hindi pa rin kase mawala sa isip namin na baka nga nasundan na kami. "Baby selfie tayo" sabi ko sa kay Rence. Magkatabi kaming nakahiga. "Nose to nose tayo" "Sige." ngumiti siya at dinikit yung ilong niya sa ilong ko. Pero ang ginawa ko mas inidikit ko pa yung mukha ko sa mukha niya at nagdikit ang aming mga labi. Nagdikit lang po talaga promise. Pinalo naman niya ako ng mahina. "Baliw ka talaga! Sabi mo nose to nose lang. Madaya ka." sabi niya ng mahina, yung sapat lang para kami yung makarinig. Mahirap na. Haha. "Baby naman kase, kapag magaling ka na. Pwede na ah? Matagal na po ako nagpipigil" paawa effect kong sabi habang nakapout. "Pervert ka baby! Haha. Subukan mong maghanap ng iba lagot ka sakin. Never mo akong mahahawakan pag nalaman kong meron kang iba. Humanda ka sakin." Pacute niyang sabi sakin habang nakapout. Supercute po ng baby ko. Promise. "Di po ako maghahanap ng iba. Promise po. Basta ba.." ginapang ko yung kamay ko papunta sa dibdib niya na pinalo naman niya ng mabilis. Haha. Shy type po si baby ko. "Pervert ka!" sabi niya sabay palo ulit sakin. Nagiging bayolente na po ang baby ko. Haha. Bigla namang may bumato samin ng grapes. May mga kasama nga pala kami dito. Haha. "Hoy mga pusa! Wag kayo maglampungan dyan. Nakikita ko kayo. Kaw Angel, umaatake ka na naman. Di pa magaling yung kapatid ko. Haha." si Kuya Josh. Haha. Napansin pala niya kami. Binelatan naman ako ng baby ko. Pinagtutulungan nila akong magkapatid. Haha. "Guys punta lang ako kay Doc. May tatanong lang ako" pagpapaalam ni Carlo samin. Huh? Ano naman kailangan nun kay Doc? Ayun. Hindi pa kami nakakareact, lumabas na siya. Wierd. So iyon kami kami lang naiwan dito sa loob. Naghaharutan lang kami ni Rence habang nakahiga habang sila Kuya Josh at Kevin naman, inubos na yung grapes kakabato samin. Si Alex naman binabantayan yung boyfriend niyang si Kyle. I hope na sana magkamalay na ang bestfriend ko. Kasalukuyan kaming binabato ng grapes nang may kumatok sa pinto namin. Ang weird lang dahil hindi ito pumasok at patuloy lang sa pagkatok. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Tumayo si Kuya Josh para buksan yung pinto. Napabangon kami ni Rence nang makita na tinutukan nito ng baril si Kuya Josh. Nakaface mask siya kaya hindi ko kita kung sino siya pero mukhang alam ko na kung sino. Bumangon ako at tinago si Rence sa likuran ko. Tinanggal niya yung face mask niya at tama nga ako na si Elton yun. Sh*t! "Kamusta Angel? Handa ka na bang mamatay?" sarkastiko niyang sabi sabay tawa ng malakas. Sh*t! "Hay*p ka Elton! Wag na wag mo silang idadamay! Ako ang kailangan mo diba? Ako! Ako ang patayin mo! Wag sila! Hay*p ka!" galit na sigaw ko sa kanya. Nagulat nalang ako nang paputukan niya ako. Luckily sa balikat niya lang ako tinamaan. "Ahhhhh!" sigaw ko nang maramdaman ang sakit. "Hahaha! Masakit ba Angel? Wag kang mag-alala. Papahirapan muna kita bago kita burahin sa mundo!" malakas niyang sabi sabay tawa. Sh*t! "Angel! Ano bang kailangan mo ha? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sakin? Bakit pati sila? Bakit?" nagulat ako sa sigaw ni Rence. No! Bakit ka pa nakisali Rence. Napansin kong sumeryoso ang mukha ni Elton, then tumawa ulit. "Buhay ka pa pala? Hahah! Akala ko napatay na kita! T*ng-ina ka di ka pa namatay gago ka!" at tinutok niya yung baril kay Rence. Agad naman akong tumayo at pilit na tinatago siya sa likod ko. "Wag. Wag siya. Ako nalang. Wag mo siyang sasaktan." pinilit kong tumayo at hinarangan si Rence. Please lang. Wag si Rence. "How sweet! Wag kayong mag-alala. Pareho kayong mamamatay" patawang sabi ni Elton. "Subukan mong galawin ang kapatid ko ako ang makakaharap mo!" sigaw ni Kuya Josh. Bigla naman siyang binaril ni Elton sa binti kaya napaluhod siya. "Subukan mong makialam g*go ka at ikaw ang uunahin ko." banta naman ni Elton kay Kuya Josh kaya nanahimik na ito. Sh*t! May nadamay n naman. "Ngayon naman, ikaw na" tinutok niya sakin yung baril. Ito na. Tingin ko hanggang dito nalang ako. Patawad Rence at hindi kita naipagtanggol. Tumulo nalang ang mga luha sa mga mata ko. Nang biglang naramdaman ko na may yumakap sakin. Hindi sa likod kundi sa harap. Nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko na si Rence ang nakayakap sakin. Sh*t hindi! Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi, kasabay ng pagputok ng baril. **Carlo** Nagpaalam ako sa kanila na pupunta lang ako kay Doc. Itatanong ko na din kase kung kelan na maaaring isagawa ang operasyon kay Rence at sa akin. Yes. Tama po kayo ng dinig. Ako po ang donor ni Rence. Ayokong ipaalam sa kanila. Basta. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may mabangga akong lalaking nurse. "Sorry po." mahinahon kong sabi sa nurse. Nginitian lang ako nito at umalis. Parang pamilyar siya sakin na ewan. Nakaface mask kasi siya pero parang pamilyar. Yung mukha. Yung katawan! Yung --. Sh*t! Kinilabutan ako bigla. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Elton yun! Sh*t! Paano siya nakapasok dito! Tumakbo ako papunta sa guard para humingi ng tulong. Ang bagal tumakbo ni Kuyang Guard kaya nagmadali na akong tumakbo. Sh*t! Sh*t! Paano siya nakapasok? Sh*t! Si Rence! Naramdaman kong kumikirot yung ulo ko. Bakit ngayon pa? Tiniis ko yung sakit at pinilit pa ding tumakbo. Nakarating ako sa room ni Rence. Ewan ko at di nakalock! Nakita kong nakatutok yung baril kay Angel. Pero biglang niyakap ni Rence si Angel kaya siya yung mababaril. No! Agad akong tumakbo at humarang sa harap ni Elton kasabay ng pagputok ng baril. Naramdaman ko ang sakit ng pagtama ng bala sa dibdib ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Ramdam ko ang mainit na dugo na dumadaloy mula sa katawan ko. Nakita kong nagulat si Elton. Maging sila Angel ay nagulat. Hanggang doon lang ang naaalala ko at nawalan na ako ng malay. **Angel** Pumutok yung baril at nagulat ako nang maramdamang walang tumama sa amin ni Rence. Sabay kaming napaharap ni Rence at nakitang duguan na nalabulagta si Carlo sa sahig. Sh*t! Pati si Elton ay nagulat. Napansin ko namang sinugod ni Kuya Josh si Elton kahit may tama siya sa binti. Nakipag-agawan siya sa baril. Biglang pumutok yung baril. Luckily walang tinamaan. Napagdesisyunan ko na din na tulungan si Kuya Josh kahit may tama din ako. "Rence dumapa ka." sigaw ko at tinulungan si Kuya Josh. Nakailang putok pa yung baril bago namin naagaw. Pinaulanan ni Kuya Josh ng suntok. Napatingin naman ako kay Rence at nabigla ako nang makita siyang nakabulagta sa sahig at may dugo! Sh*t! Nilapitan ko siya at nakitang may tama siya sa dibdib. s**t! Halos magunaw ang mundo ko sa nakita ko. Muli akong nakadinig ng putok ng baril at nakita ko ang mga gwardya katabi si Doc. "Dalhin na natin siya sa operating room. Dalian niyo!" pagtukoy niya kay Rence at Carlo. Umiiyak ako na sinundan sila. "Doc. Gawin niyo po ang lahat. Please." yun na lamang ang nasabi ko. "Don't worry. We'll do our best. Tsaka we'll do na rin ang transplant. Iyan ang hiling ni Mr. Carlo Timoteo." nagulat ako sa sinabi ni Doc. Si Carlo? Si Carlo ang donor ni Rence?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD