Together

2002 Words
"Baby bilisan mo. Male-late na tayo!" sigaw ng baby ko mula sa baba. Hanggang ngayon wala pa din siyang pinagbago. Bungangero pa din siya. I mean, bungangera. Haha. "Nandyan na po. Bababa na." kinuha ko na yung bag ko at muling tumingin sa salamin bago lumabas ng kwarto. Yes! Gwapo pa din ako! Haha. Nga pala, It's our first day as seniors. Yes! Graduating na kami ng baby ko! Haha. Nagtataka ba kayo kung anong nangyari noon? Heto: **flashback** "Doc kamusta po? Successful po ba? Kamusta po si Rence? Magiging ok po ba siya? Doc sagutin mo mga tanong ko? Magsalita ka Doc!" niyuyugyog ko pa si Doc ng malakas habang umiiyak. Kahit may benda pa ako sa braso ok lang. "Easy Mr. Lorenzo. Successful ang naging operation namin. At mukhang nagrerespond at tinatanggap ng katawan niya ang bagong puso nito. Hintayin nalang natin na magkamalay siya muli. Maswerte kayo at napakabait ni Carlo at ng family niya. At super lucky niyo na si Rence ang napiling tao Carlo. You should be thankful to him." Oo ng pala. Si Carlo ang donor ni Rence. Nung una parang naguguluhan ako, lalo na nung sinabi ni Doc lahat-lahat. Nagulat nga ako nang sabihin niyang si Carlo talaga ang donor ni Rence pero ang mas kinagulat ko ay yung malaman na may gusto pala si Carlo sa baby ko. Gustuhin ko mang magalit, magselos at magtampo ay hindi ko magawa. Siya lang naman kasi ang nagligtas ng buhay ng mahal ko. At tama si Doc. Malaki ang utang na loob ko kay Carlo. "Opo Doc. Salamat po. Salamat." sabi ko kay Doc. Sana after this, bumalik na sa dati ang lahat. Nakakalungkot na nakakatuwa na patay na ang gumawa ng lahat ng nangyari sa amin. Yes po. Nabaril si Elton ng isa sa mga rumespondeng pulis at guard. Mabuti na din yon para maging maayos na ang lahat. "Nga pala Mr. Lorenzo. Nagkamalay na ang bestfriend mo. You should go to see him na. Nandoon na din ang mga parents ni Carlo. Sige na. Puntahan mo na sila" si Doc. "Talaga po may malay na si Kyle? Sige Doc una na ko." masiglang tanong ko kay Doc at nagmamadaling pinuntahan si Kyle. Masayang marinig na nagkamalay na ang bestfriend ko. Inabutan ko na nasa loob ng room ni Kyle si Kuya Josh, Alex Kuya Enzo at si Kevin. Nandoon na din yung mga magulang ni Carlo. "Kyle!" pagbungad ko nang makapasok ako sa room nila. Naabutan ko siyang sinusubuan ng orange ni Alex. Leshe. Kagigising lang ang sweet na nila agad? "Hey bro! Miss me?" sagot naman niya. Namiss ko din ang kabaliwan ng lalaki nato. "Hindi no. Why should I?" patawang sabi ko sa kanya. Binato naman niya ako ng grapes. Sayang. Haha. "Anong hindi? Eh halos mas marami pang luha ang lumabas sayo kaysa sakin. Nako babe. Mag-ingat ka dyan sa Bestfriend mo. Baka may gusto sayo yan. Baka agawin ka niya sakin." sarkastiko na sabi ni Alex habang nakatingin ng masama sakin. "Bwisit ka Alex. Bro wag ka masyado nagdididikit kay Alex at baka maparanoid ka. Haha." sabay tingin ng nakakaasar kay Alex. "Alam mong hindi ko kayang layuan ang babe ko. Iba nalang pagawa mo sakin." shete naman oh. Humuhugot po ang Bestfriend ko. In love po siya. Inlove po siya sa amasonang si Alex. "Kumain ka nalang. Gutom lang yan. Cheesy cheesy eh. Gutom lang yan babe" sabay subo ng madaming orange kay Kyle. Baliw talaga tong si Alex. "Angel?" Rinig kong tawag sa akin ng Mama ni Carlo kaya napalingon ako sa kanya. "Gusto ko pong magpasalamat sa inyo." sabi ko nang makalapit sa kanilang mag-asawa. Gaya ng sinabi ko sa kanina, malaki ang utang na loob ko sa anak nila. "No. Kami ang dapat magpasalamat sayo lalo na kay Rence na pumayag kayo na si Carlo ang maging donor ni Rence. Kung alam mo lang kung paano kami pinipilit ni Carlo para lang maging donor siya ni Rence. Pero choice niya yon. Gusto daw niyang maging mas makabuluhan yung natitirang araw niya dito. Lalo na para sa taong pinakamamahal niya" di na ako nagulat sa sinabi niya. Aware naman na ako that time na may gusto si Carlo sa baby ko. "Ah. Ganun po ba? Ah eh. Haha." Yun nalang nasabi ko. "Hindi naman namin alam na yung pinakamamahal niya na sinasabi niya ay yung boyfriend mo. Pasensya na." Hala. Nagsosorry pa si Tita. "Wag po kayong magsorry. Ok lang po iyon. In fact, napakabuting kaibigan ng anak niyo. Utang po namin sa kanya ang buhay ng baby ko." pagpapasalamat ko kay Tita. "Choice iyon ni Carlo. Sa kanya kayo dapat magpasalamat. Sa kanya tayo dapat magpasalamat." nakangiting sabi ni Tita. Mukhang noong simula pa lang tanggap na talaga ni Carlo maging ng mga parents niya. Nakakatuwa lang isipin na may mga tao pang tulad nila. **end of flashback** "Baby dali na! Late na tayo ng 15 minutes!" muli niyang sigaw. Kaya mabilis akong bumaba para hindi lalong magalit ang baby ko. "Eto na po. Tara na" pagbungad ko sa kanya. Ang cute niyang tingnan sa suot niya. Actually kapag first month ng pasukan, kanya-kanyang suot muna ang mga students. Wala lang. Ewan ko kung bakit. Kaya kami nakasibilyan. Actually nakacouple shirt kami. White na shirt siya na printed. Pinasadya namin to. Hihi. Yung akin printed ng Akin lang si Rence. Yung sa kanya naman printed ng Kay Angel lang ako. Pareho din kami ng suot na pants, shoes at backpack. Alam kong hindi na ito bagay sa age namin lalo na at graduating na kami kaso naisip namin na hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga ay yung kung ano kami. "Sabi ko kasi sayo wag mo na tapusin yung Harry Potter nayan eh. Tingnan mo nalate na tayo. First day of school pa naman. For sure hinihintay na tayo nila Kyle doon sa labas ng sch---" napatigil siyang nang halikan ko siya sa labi. Kase naman eh. Dami pang satsat ng baby ko. Hihi. "Tara na po malelate na tayo" at hinawakan ko na ang kamay niya at pumasok sa kotse. Tahimik lang siya habang nasa biyahe. "Baby bakit ang tahimik mo? Ayaw mo ba ng hinahalikan kita? Nagsasawa ka na ba sakin? May iba ka na bang mahal? Sabihin mo sakin baby para maayos natin. Ayokong ganito tayo." mahina at cold kong sabi habang deretsong nakatingin sa dinadaanan namin. Natahimik siya ng sandali bago sumagot. "Kase baby nabitin ako. I want more than that kiss. You know what I'm thinking right?" at nakita ko siyang ngumiti ng nakakaloko. Ang totoo kase niyan nung magkamalay si Rence, personal na sinabi sa amin ni Doc na NO s*x FOR 10 MONTHS daw muna kami. Well for me that's insane! Nung una tutol ako pero sabi ni Doc para daw iyon sa kapakanan ni Rence. So no choice ako. At simula noong last na anuhan namin hanggang ngayon ay hindi pa din ako nagpapalabas. That's almost 6 months. Ayoko kasing magsarili. Ayokong magsayang. Kaya ko namang maghintay kahit minsan inaatake at tinatablan na ako. Para kay Rence kinakaya ko. "Pwede naman nating ibreak yung utos ni Doc eh. Basta baby lagot ka sakin. Six months kong inipon to. I cant promise na isang putok lang ako. Haha. Be ready baby." Sabi ko sabay ngiti sa kanya ng nakakaloko. Pero binalik ko din sa daan yung tingin ko. Mamaya maaksidente pa kami tapos hindi pa matuloy ang dapat matuloy kung sakaling matutuloy. Haha. "I'm always ready baby." ngumiti siya ng nakakaloko at binuksan yung bag niya. Inilabas niya ang ilang condom at isang bote ng lub. Natawa naman ako ng malakas dahil dun. "Hahahahahaha! Baby bakit may dala kang ganyan?" naluluha na ako katatawa pero sige pa din. "In case of emergency. Baka kase any time tablan ka tapos di mo mapigilan ang sarili mo. Don't worry baby I'm willing to participate" so iyon. Napuno ng tawanan ang loob ng kotse habang binabagtas namin ang daan papuntang school. Puro kami harutan at asaran sa loob ng kotse hanggang makarating kami. At tama nga kami. Hinihintay nila kami sa parking ng school. Sila Kyle, Alex, at Kevin. **Rence** Isa lang ang gusto ko. Ang makita niyang tumatawa at ngumingiti. Yung lang sapat na. Haha. Lagot. Kanina pa yata naghihintay yung tatlo. Pinagbuksan ako ng pinto ni Angel. Sweet! "Ano na namang pakulo yan!" malakas na sabi ni Kevin sa amin sabay tawa ng malakas. He's pertaining sa suot namin. "Haha. Inggit ka lang Kev kase nakacouple kami. Bakit kase di mo nalang pinagtransfer si Ivan dito para may partner ka ulit?" haha. Inaasar ko siya. Alam kasi namin na single na siya at nagbreak na sila ni Ivan few months ago. But they're still BFFs. "He. Maglubay ka Renren. Pag ako nakahanap ng bago, who you ka sakin." Tinawanan lang namin siya ni Angel. Maloko pa din tong kababata ko. "Babe, gusto ko din ng ganun. Magcouple shirt din tayo. Kahit couple brief pa para shut up nalang sila saten." paawa effect ni Alex kay Kyle habang nakapout. Asows! Haha. "Sige sige. Bibili tayo babe. Pagkatapos na pagkatapos nv klase natin." sinakyan naman siya ni Kyle. Para silang mga baliw. Haha. "Tara na nga. Malelate pa tayo. Late na nga yung dalawa dyan oh" Naiirita pero nakangiti pa ding sabi ni Kev. Palibhasa single. Haha. "Sige guys. Kita tayo mamayang lunch" at nagpaalam na sila Kyle at Alex. Magkaklase kasi sila tapos magkaklase naman kami nila Kev at Angel. Hinawakan ni Angel ang kamay ko at magkaholding hands kaming naglakad. Nasa kanan ko si Angel at nasa kaliwa ko si Kevin. Marami nang tao dahil first day of school na naman. Marami ring nakatingin samin. Di lang dahil pareho kami ng suot at accessories. Di lang dahil magkaholding hands kami at naglalandian sa daan. Kundi dahil kalat ang nangyari sa akin at sa amin. Kaya nga mas naging mahigpit na ang school sa pagtanggap ng mga applicant. Mabuti na din yon. Nga pala, super kalat na sa school na magboyfriend kami. Ewan ko kung bakit pero mabuti na din yon para wala na ang magtatangkang umaagaw sa mga pag-aari ko. Wahahaha. "Good morning Maam Melanie" sabay-sabay na bati naming tatlo. Its good to see na siya pa din ang teacher namin sa com arts. Mas mabait pa siya sa mabait, mas masipag sa masipag, at mas maganda next to me. Haha. Pinaupo niya kami sa may bandang gitna. Vacant kase yun eh. So bale ang pwesto namin, Si Angel sa kanan ko, Ako si Kev, at dalawang gwapong nilalang. Oh wait! Dalawang gwapong nilalang nga! Shoots! May bagong students! Ang gwafu pa! Kaso may Angel na po ako. Mas gwapo pa sa inyo. Tama pala ako na new students sila. Kambal pa. Yung nakasalamin na nasa dulo si Calvin, tapos yung katabi naman ni Kevin si Carlo. Shoots! Namimiss ko na si Carlo. Pero chance na ito ni Kevin. Hihihi. Napabaling naman ang atensyon ko sa baby ko na may kausap pala sa phone. Ok lang yun kase wala namang klase kase nga opening pa lang. Plus mabait naman si Maam Melanie. "Yes Papa. Ipili mo ako nung maganda ha? Gaya nung ibinigay mo may Mama nung nagpropose ka" dinig kong sabi ni Angel pero di ko masyado narinig yung huling sinabi niya kase sobrang hina na eh. Pero ano naman kaya yun? Inend na niya yung call at nagulat nang makitang nakatingin ako sa kanya. "Baby kanina ka pa ba nakikinig?" kinakabahang tanong niya. Weird ha. "Hindi po. May nadinig lang akong konti. Yung nagpapapili ka ng maganda na ewan ko kung ano. Ang hina kase ng boses mo eh. Ano ba yun?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Ah. Eh. Nagpapapili kasi ako ng magandang breed ng aso. Mag-aalaga tayo baby." sabi naman niya. "Aso? Mag-aalaga tayo ng aso? Sige baby!" tuwang-tuwa na sabi ko. Napabugtong hininga naman siya sabay ngiti. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD