Classmates

1543 Words
Katatapos ko lang maglunch at maligo. Wala kasi ako pasok ngayon. Nakahiga ako dito sa kama ko at iniistalk yung f******k ni Reu. Reu De Guzman is with Rence Villaflores. Buti pa siya nakakasama si Reu. How I wish ako nalang si Rence. Pero napaisip ako. Hindi na pala. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Si Kyle. Pinapasok ko siya at pinaupo sa kama ko. Wala nga din pala siya pasok pag Tuesday. "Ohhh" sabay bato ko ng chips sa kanya. "Nasimulan mo na ba ung pinapagawa ko sayo?" Sabi niya sabay bukas ng chips. "Hindi. At ayoko." Madiing sabi ko. Ikaw ba naman ang papuntahin sa kwarto niya tapos, pagkagising na pagkagising niya, halikan mo daw. Sino naman bang matinong tao ang gagawa nun? "Alam kong sasabihin mo yan. Joke lang yung sinabi ko sayo kahapon. Madaling araw na kasi nun tapos sobrang antok na ko. Ngayon ko na sasabihin sayo ang totoong plano.. Akina phone mo" nawiwirduhan na ako sa kaibigan ko nato.. Pasalamat siya mabait ako. "Siguraduhin mong matino yan kung ayaw mong masuntok." Sabay abot ko ng phone ko.. "Ano bang gagawin mo sa phone ko?" Medyo pagalit kong tanong sa kanya. Kahapon pa kasi siya walang maibigay na magandang bagay sakin. Puro kagaguhan.. Haha. "Chill ka lang dyan. May titingnan lang ako. Haha. Ayan. Oh heto." Sabi ni Kyle. Oo nga pala. BS Psych si Kyle. "Teka, ano ba itong pinasa mo?" I-oopen ko na sana yung document kaso pinigilan niya ako. "Wag! Wag mo munang bubuksan yan hanggat di ka pa sigurado at di ka pa ready. Haha. Tsaka you need to pass the first step bago g second gawin ang next step, Bawal mandaya, di matutupad wish mo. Sige, Maiwan na nga kita. May date pa kami ni Alex." Medyo naiilang na sabi niya. Palagi siyang ganun pag binabanggit niya yung pangalan ng girlfriend niya. Di ko pa nga nakikilala yun ehhh. Basta alam ko taken na yung mokong na to. "Sige, makakaalis ka na. Wag ka nang babalik!" Pabiro kong sabi sa kanya at lumabas na siya. Nahiga ako sa kama ko at tiningnan yung document pinasa niya. "20 Steps To Make Someone Fall In Love With You.." yan yung 1st slide. Tinap ko tapos lumipat ng page. "Sigurado akong nasubukan mo nang maging mabait sa kanya pero wala pa din nangyari di ba? Sige tutulungan kita.." yan yung laman nung next page. Ang korni talaga ni Kyle. Tinap ko ulit at lumipat yun ng page. "Ready ka na ba para sa first step?" -fastforward- Siguro baliw na ako dahil heto ko ngayon at sinusundan ni Rence sa pagbaba sa first floor papunta sa salas. Di ko talaga alam kung bakit ko sinusunod yung note na pinasa sakin ni Kyle. for the sake of the word "Love", titiisin ko. Ito na kasi ang pinakamadaling paraan na alam ko. By the way. Eto yung nakalagay sa note. "First: Lapitan mo siya. Be nice to him. Kaibiganin mo siya. Remember that relationships begin at being friends" Ewan ko pero ang sabi ni Kyle, kailangan kong magawa yung first step ek ek ek na yan bago ko gawin yung next pero bakit kasama na yung Second at Third Step. "Second: Ask him questions like 'okay ka lang ba? Iparamdam mo na concern ka sa kanya" "Third: Ihatid mo siya sa room, school or anywhere na gusto niyang puntahan. Be a gentleman" Natawa nalang ako sa note ni Kyle. Feeling ko di na yon makatarungan eh. Nagdududa na nga ako kung eeffect ito. So that's what I did, sinundan ko siya hanggang makababa siya. Daig pa niya ang lasing sa paglalakad. Pansin kong matutumba siya kaya dali-dali akong lumapit sa kanya para saluhin siya. Medyo naghehesitate pa nga ako kung tutulungan ko talaga siya pero ginawa ko pa din. At tagumpay kong nagawa ang Step 1. Nalapitan ko siya plus sinalo pa. "Uy, are you okay?" Sabi ko in the tone of sobrang concern. At nagawa ko yung Second Step ng walang kahirap-hirap. Gagalingan ko na ang pag-acting para matapos na to. At thanks naman dahil mukang naniniwala siya with a bit of nagugulat. Ilang segundo pa kaming nanatili sa ganoong posisyon. Nakatulala lang siya sakin. "Ma-ma-mauna na ko." Pautal niyang sabi at mabilis na naglakad pabalik sa room niya. Gusto ko pa sanang galingan yung pag-arte ko at tutulungan ko na sana siyang makapunta sa kwarto niya kaso ang bilis niyang nawala ng parang bula. Mukha namang effective yung ginawa ko at parang nastarstruck siya sa kagwapuhan ko. Nakangisi akong umaykat sa kwarto ko dahil may naisip ako. The next day, maaga akong gumising para gawin yung naisip ko kahapon. Madali kong pinrepare yung mga isusuot ko sa school at nagpunta na ako sa bathroom para makapaligo. Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng boarding house at kanina ko pa hinihitay yung tao nayun. Okay ah? Ang tagal niya grabe. Daig pa ang babae kung gumayak. Oh wait, may pusong babae nga pala siya. Male-late na kami sa first class namin.. Yeah right. Magkaklase kami. And so after 143 years of fixing himself like a girl, nakita ko siyang palabas na ng boarding house kaya muli kong tiningnan ang sarili ko mula sa side mirror ng kotse ko para icheck kung gwapo pa rin ba ako kahit alam kong OO ang sagot. I just look at him and smile whole-heartedly, yung smile na mafafall ka. Siya naman, tiningnan lang ako ng masama with 'bakit ka nakatingin sakin' look. Pahard to get naman itong isang to. Akalain mo, dinaalan lang niya ako. Balak yatang maglakad. Edi maglakad ka! Paki ko sayo! Pero dahil may kailangan ako sayo, I'm trying to be an angel this time. "And where do you think you were going?" Teka, parang medyo bad yata yung tono nung sinabi ko ah? "I mean, tara sabay ka na sakin. Hatid na kita." Pag-ooffer ko sa kanya. I hope pumayag siya. Well, he just give me an 'are you dead serious' look. "Ayoko, maglalakad nalang ako." At nilagpasan niya lang ako at yung magandang kotse ko. Napakahard to get. "Okay. Oh! Its already 8:14 and our class starts at 8:00. If you don't want to, okay. I have to go." Sasakay na sana ako nang magsalita siya. "Okay. Sasakay na ko." At papasok na sana siya sa back part pero pinigilan ko siya. "No. Not there. Sit here beside me." At binigyan na naman niya ako ng 'are you really dead serious' look. Choosy pa to. Eh ako na nga itong umaapproach. Pero dahil no choice siya, doon na siya umupo sa tabi ko. Pagkadating na pagkadating namin sa school bumaba agad siya at kumaripas ng takbo. Napangiti nalang ako. Ang weird niya talaga. Bababa na sana ako ng kotse ng mapansin ko ang isang bagay sa inupuan niya. Yung handkerchief niya. Medyo naghehesitate pa nga ako kung kukuhanin yon kase baka mamaya may virus yon or somewhat. Pero kinuha ko pa din. I will give it back to him. Pagpasok ko ng room namin, wala yung prof. Mabuti naman. Mukhang di siya papasok. Nilibot ko yung paningin ko sa room pero wala pa si Rence. Oh wait. Nasaan naman kaya yun. Never mind. Naupo nalang ako sa isang vacant seat sa likod at naglaro nalng ako sa ipod ko. Parami na ng parami yung mga classmates ko sa loob ng room pero wala pa din si Rence. "Oyy, bessy. Narinig mo ba yung balita? May napagtripan daw na student sa men's restroom. Ang balita ko, bakla daw yung napagtripan." Sabi nung babae sa kanan ko. Pero parang naging interisado akong makinig. "Ohhh? Talaga ba bessy? Anyare? Kwento mo." Sabi ni girl2. Mga tsismosa talaga. "Ganito. Ang balita ko, nung pumasok daw yung bakla sa rest room, may mga pumasok daw na mga lalaki at nilock yung pinto. Ang chika, hinila nila papasok sa cubicle yung bakla tapos pinagsusuntok daw nung mga lalaki yung bakla habang binabasa ng tubig. Huhubaran na daw sana nila yung student nang biglang may kumatok na prof sa restroom. Pagkabukas nung mga lalaki sa pinto ng rest room, kumaripas daw ng takbo. Pero I think naiwan lang yung student sa cubicle." pag-eexplain ni girl1. Nakakaawa naman yung student nayun. "Huh?? Bakit?? Hindi ba nakita nung prof yung gay?" Sabi ni girl2. "Hindi naman yata. Kase, titingnan lang naman nung prof yung restroom kung bakit nakalock." Sabi ni girl1. "Ahh. Kawawa naman yung student. Kilala mo ba kung sino yun?" Pagtatanong nung girl2. "Hhhmm.. Balita ko, ka-course natin siya. Re-.. Re-. Rence yata yung name.." Automatic akong napatayo sa kinauupuan ko. Hindi naman ako sure kung yung Rence na sinasabi nila ay yung Rence na kilala ko. Hindi ko alam kung bakit pero kusa nang gumalaw ang katawan ko at nagtungo ako sa restroom na sinasabi nung mga babae nayun. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng pag-aalala sa isang tao. Kay Rence pa. Kailangan kong makasiguro kung sino yun.. At sana hindi yun yung Rence na kilala ko. Hindi dahil concerned ako sa kanya kundi dahil isa siya sa mga boarders ko. Siguradong malalagot ako kay Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD