chapter 1

4551 Words
Ibinagsak ni Angge ang katawan sa plush na beige na sofa ng inuupahan nilang bahay. Pagod na pagod siya—tila ba lahat ng bigat ng mundo ay dumapo sa balikat niya mula sa buong maghapon. Galing siya sa isa na namang part-time gig na halos kinain ang natitirang enerhiya niya. Pero kahit anong pagod, isang bagay ang sigurado—masarap pa ring umuwi sa bahay na may naghihintay na tunay na kaibigan. Ang bahay na iyon ay isang Hawaiian bungalow-style na may modernong interiors—malalawak na bintana, minimalist na mga furniture, at isang open-concept kitchen na may granite countertop. Kitang-kita mula sa kusina ang sala kung saan siya ngayon nakahilata, at naamoy rin niya ang amoy ng ginisa mula sa kawali—isang pamilyar na aliw na nagpapagaan ng araw niya. “Bru, saan ka nanaman galing at inabot ka ng araw?” tanong ni Ehm habang hawak ang sandok, nagluluto ng itlog na may kamatis at corned beef, ang paborito ni Angge. Bumangon si Angge, nag-unat ng bahagya, at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. “Yung dati kong kaklase, may in-offer na part-time. Sayang din eh. Pinuntahan ko na.” Napakunot-noo si Lani habang sinisip sip ang kanyang caramel latte sa dining table. Suot nito ang kanyang fluffy pink robe at ang buhok ay nakapusod na parang galing lang sa spa. “Hinay-hinay lang, Angge. Wala kang kapalit kapag na-burnout ka.” “Alam ko. Pero gusto ko lang makapag-ipon. Baka sakaling makapagpadala ako kahit kaunti kay Mama. Sa totoo lang, na-guilty rin ako nung birthday niya, wala man lang akong naibigay,” sagot ni Angge, pilit ngumiti. Umupo na si Ehm sa dining table dala ang breakfast nila. “Ewan ko sa’yo bru, kung ako si Manang Lyn at nalaman kong pinapahirapan mo ang sarili mo, baka sinundo na kita. May pa ‘independent woman’ ka pa kasi!” Nagkatawanan silang tatlo habang sabay-sabay na kumain. Ganito ang umaga nila—punô ng asaran, pero may lambing. Iba talaga kapag kababata mo ang kasama mo sa buhay; kahit gaano ka hirap sa labas, may lugar kang uuwian na parang tahanan. Sina Angge, Ehm, at Lani ay magkakaibigang lumaki sa Silang, Cavite. Kahit may kaya ang pamilya nina Lani at Ehm, ni minsan ay hindi siya pinagdamutan o pinaramdam na iba siya. Kaya mas pinili niyang manatili sa Maynila nang mag-asawa muli ang ina at manirahan sa Isabela. Hindi niya kayang iwan ang mga kababata niya—lalo na’t pangarap niyang maging nurse. Buti na lang at walang problema sa tuition—sagot na iyon ng magulang ni Lani, na parang ikalawang pamilya na rin ang turing sa kanya. Ang kinikita niya sa part-time ay sapat para sa baon, pamasahe, at paminsan-minsang milk tea sa labas. Pagkatapos ng almusal, kanya-kanya na silang nag-ayos. Nasa unang taon pa lang sila sa kolehiyo, pangalawang semester, pero ramdam na ramdam na ang pressure. Lalo na ngayong may community service silang kailangang tapusin. Originally, sa isang barangay dapat ang outreach program nila, pero dahil inabot ng baha ang lugar, inilipat ito sa loob ng campus. Kaya heto sila ngayon sa Grand Hall, busy sa pagdedekorasyon. “Ang galing mo naman mag-layout, Angge!” komento ni Nora, isa niyang kaklase, habang inaayos ang mga banderitas. “Uy hindi ah, team effort ’to. Pero salamat,” sagot niya sabay ngiti. Kahit simpleng papuri, nakakataba pa rin ng puso. Hindi maitatanggi—may natural flair si Angge sa aesthetics. Maraming napapalingon sa ganda ng pagkakaayos nila ng venue. Pati mga adviser nila, aliw na aliw. “Gimeno!” tawag ni Mrs. Capulong, ang adviser nila, mula sa kabilang panig ng hall. “Ma’am?” mabilis siyang lumapit. “Puntahan mo ang engineering department. Kailangan natin ng extension cords at portable sound system. Magpasama ka kay Santos para mabilis.” “Noted po, Ma’am.” saka sinunod ang inuutos ng guro. "Wala akong balak tumakbong presidente ng student council," sabi ni Joaquin nang makapasok silang magkakaibigan sa loob ng kwarto ng engineering club. "Sige na, Joaquin. Ikaw lang ang inaasahan kong papalit sa akin," sabi ni Carlo, ang kaibigan at kaklase sa ibang subject na mag-agradweyt na ngayong taon. "Alam mo, hindi mo mapipilit 'yan. Si Joaquin, parang hindi mo naman kilala 'yang kaibigan natin," sabi ni Rony, na nagsimula nang maglabas ng mga lilinisan na gamit na nirequest ng nursing department. Isa rin siya sa club members at kaklase. "Hay... Kailangan ko kasi ang popularidad mo, Joaqs, kaya kita kinukulit. Landslide na agad 'yan kapag nagpahayag ka ng pagsali," matamlay na sabi ni Carlo. "Kaya sige na..." "Bakit hindi na lang si Kevin? Popular din naman 'yan," sabi ni Joaquin, humila ng upuan at inupo iyon. Gwapo at matangkad din siya, kaya popular sa campus. "Ako, wag n'yo akong isali sa mga ganyan ha," sabi ni Kevin, sabay sabi ng "Ayokong gu—" pero hindi nito naituloy nang may kumatok sa pinto. "Tuloy!" Bumukas ang pinto at dalawang babae ang sumungaw. Nakasuot ang mga ito ng puting-uniform na pang-nursing. "H-hi p-pinapunta po kami ng adviser namin para sunduin ang mga equipment," nauutal na sabi ng isang babae na bahagyang may kababaan sa isa nitong kasamang babae na may katangkaran at parehong balingkinitan ang pangangatawan. "Pasok kayo, lumalabas yung lamig ng aircon," sabi ni Carlo, na isinara ang pinto. "Pinapunta kami ng adviser namin para sunduin ang mga equipment," sabi ng isang babae na mas matangkad. "Nakakatanda naman yung po," natatawang sabi ni Rony. "Maupo muna kayo. Tatapusin lang namin yung kailangan niyo." "Sige po," sabi ng mga ito. "Bata pa ako, wag n'yo ako pinopo," birong sabi ni Rony. Napangiti nalang ang dalawang babae, pero mas nakaagaw ng pansin kay Joaquin ang mas matangkad na babae nang ngumiti ito. "Anong pangalan mo?" biglang tanong ni Joaquin sa isang babae. Napansin niyang napatingin sa kanya ang mga kaibigan. "I mean, isulat n'yo dito yung pangalan n'yo," sabi niya, sabay abot ng ballpen at papel sa kanila. Pagbalik sa inuupuan, naghahagikgikan ang mga kaibigan niya. "Anong pangalan mo?" tawang-tawa na gaya ni Rony sa sinabi niya. Bahagya niyang binatukan ito. "Kaylan ka pa nang-entertain sa mga nanghihiram ng equipment sa atin?" sabi ni Carlo, tuwang-tuwa habang inaasar siya. "Tigilan n'yo nga ako," nahihiyang sabi ni Joaquin, sabay yuko sa lamesa. Tumayo naman ang mga babae at lumapit sa kanila. "Excuse me... Matatagalan pa kaya 'yan?" sabi ng babae habang inilapag ang papel sa mesa. "Okay lang ba kung balikan namin?" sabi ng isang babae, nakangiti. "Oo, ba! Ihahatid na lang namin doon," sabi ni Kevin. "Diba, Joaquin?" Binato naman ni Joaquin ng kinuyumos na papel si Kevin na tumama lang sa buhok nito. Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya. "Ah, sige, salamat ha? Dito na kami," paalam ng dalawang babae habang lumalabas na. Nagpalakpakan naman ang tatlo nang makaalis ang mga babae. "Puro kayo kalokohan," sabi ni Joaquin, hindi din napigilang matawa sa reaksyon niya. Inabot ni Rony ang papel at binasa. “Wait, ako na magbabasa... Del Mundo Sherwin... Pare, lalaki pala," natatawang sabi nito. "Ayusin mo, Rony, ang sama na ng tingin sa'yo. Unang nagsulat kasi doon sa dalawa kanina, hindi doon sa kauna-unahang nag-attendance," natatawa pa rin sabi ni Carlo. "Haha, sige, ito na pare, seryoso na," sabi ni Rony at inayos ang pagbabasa. "Santos Noralyn... 1st year BS Nursing... single, no boyfriend." "Puro ka kalokohan, Rony," sabi ni Carlo. "Dalian n'yo na d'yan para maihatid na natin ito doon, para masilayan ulit ng kaibigan natin si Noralyn." "Isa ka pa," pangiting binato ni Joaquin si Carlo ng maliit na papel na kinuyumos. Nang matapos nila linisin ang mga gamit na gagamitin ng mga nursing students, dinala nila iyon sa grand hall. "Naku, salamat naman at dumating na kayo," sabi ni Mrs. Capulong. "Lapitan n'yo na lang yung mga student leader na sina Angelica at Noralyn para maituro sa inyo kung saan ilalagay ang mga 'yan." "Yes, ma'am," sabi ng apat. Nang makaalis ang guro, in-assemble nila ang mga gamit. Palinga-linga si Joaquin, na napansin naman ng mga kaibigan. "Joaqs, ikaw na lang ang maghanap kay Noralyn para maiayos na ang mga ito," pangbubuyo na sabi ni Carlo. "Oo nga... Kami na bahala dito. Dumiskarte ka na," sabi ni Kevin. Nakangiti namang lumayo si Joaquin sa mga ito para hanapin ang babae. Agad naman niya itong nakita. "Hi," sabi ni Joaquin. "Oh, hi..." nakangiting bati ng babae. "Ano 'yun?" "Ok na yung equipment, magpa-assist lang kami kung saan ilalagay," habang nakatitig naman ito sa babae. "Ai, sorry, hindi na namin nabalikan. Pasensya na kayo," sabi ng babae. "Okay lang." "Sorry talaga ha... Tara?" "Ha?" takang tanong ni Joaquin. "Sa equipment?" natatawang sabi ng babae, saka nila nilapitan ang mga kaibigan nito na busy sa pag-aayos kasama ang kaklase ni Noralyn. "Noralyn, okay na ba 'yung sa entrance?" sabi ni Angge na kasama si Joaquin nang makalapit sila. Napatingin naman si Joaquin nang tawagin ni Noralyn ang sarili nitong pangalan. "Oo, Angge, okay na. Ito na lang mga equipment ang kailangan. Tapos pwede na tayo mag-start," sabi ni Nora. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ni Joaquin, at mabilis na inayos ang mga kailangan ng mga ito. "Diba ikaw si Noralyn?" takang tanong ni Joaquin. "Ha? Hindi..." takang sagot ni Angge. "Siya si Noralyn," turo sa kaibigan. "Yes, that's me... Why?" tanong ni Nora. "Sh*t..." pabulong na mura ni Joaquin. "Ah, you must be Angelica?" "Oo, sa pagkakatanda ko? Haha, pero Angge na lang. Pakiramdam ko kasi galit sa'kin yung tao kapag buong binanggit ang pangalan ko," ngiting sabi ni Angge. "Joaquin," saka inilahad nito ang kamay, at agad din namang kinuha ni Angge. "Angge. Nice to meet you," nagkatitigan pa sila. "Ehem..." sabi ni Carlo. "Paano ba 'yan, mauuna na kami. May klase pa kami." "Ah, sige salamat ha," sabi ni Angge na nakatitig sa mga ito habang palabas ng grand hall. "Mukhang may gusto sa'yo 'yung Joaquin," sabi ni Nora. "Ha? Gusto agad? Baka naman matulungin lang," iwas na sabi ni Angge. "Matulungin din 'yung tatlo, pero isa lang ang tumititig sa'yo ng ganun." "Naku, mga imahinasyon mo, Nora. Baka ganun lang talaga tumingin 'yung tao." "Hindi ka sure, my friend, dahil hindi niya ako tinitignan ng ganun," sabi pa ni Nora. "Ewan ko sa'yo." Tatawa-tawang umalis si Angge sa tabi ni Nora para umpisa na ang community service nila. Maagang natapos ang klase ni Joaquin kaya minabuti niyang dumaan muna sa talyer. Galing iyon sa pinagsikapang ipundar gamit ang ipinamana sa kanya ng lola Auring—ang ina ng kanyang mama. Hindi man kasing yaman ng mga Montecarlo, may sariling kabuhayan si Lola Auring: isang maliit na sakahan at isang malawak na bahay na siyang naging kanlungan ni Joaquin mula noong nagsimula siyang mag-sekundarya. Sa piling ni Lola Auring, doon niya unang natutunan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili—na hindi kailangang itulak ang sarili sa mundong hindi mo ginusto, kahit pa ang mundong iyon ay marangya’t puno ng kapangyarihan. Simula’t sapul, lagi niyang sinasalungat ang mga plano ng kanyang ama para sa kanya. Si Damian Montecarlo, isang kilalang negosyante, ay may konkretong plano para sa anak: mag-aral sa exclusive school, sumunod sa mga yapak ng pamilya, at balang araw, hawakan ang negosyo na pinamana pa raw ng mga ninuno. Ngunit hindi iyon ang gusto ni Joaquin. Isang gabi, dumating ang ama niya. Galit na galit. May hawak itong isang envelope—mga litrato at resibo mula sa isang club na pinuntahan ni Joaquin kasama ang mga kaibigan. Nalaman ng ama na uminom siya. At sa edad na kinse, iyon ay itinuturing niyang malaking kahihiyan. Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisngi. Nanginginig ang kamay ni Damian, ngunit mas lalong nangingibabaw ang apoy sa kanyang mga mata. Si Joaquin naman ay hindi natinag. Hindi siya umiyak. Hindi siya tumalikod. Matigas ang kanyang paninindigan, gaya ng pagkakaturo sa kanya ng lola niya. "Simula ngayon, tatanggalan na kita ng credit card!" galit na sabi ng ama. "At mula bukas, may sundo’t hatid ka na sa eskwelahan. Bahay at paaralan lang ang galaw mo. Wala nang labis, wala nang kulang!" Tahimik lang si Joaquin, pero hindi ang kanyang puso. Para siyang sinasakal sa mga salitang binibitawan ng ama. Pagkatapos ng school year na ito," dagdag ni Damian, "Ibabalik na kita sa poder ko! Hindi ka na puwedeng manatili rito sa lalawigan!" Nagpantig ang tainga ni Joaquin. "Hindi mo pwedeng gawin 'yon, Papa! Hindi ko kayang iwan si Lola!" sigaw niya, hindi na maitago ang sakit. "Wag mong gawing dahilan ang lola mo para sirain ang kinabukasan mo!" singhal ni Damian. "Joaquin, ikaw ang inaasahan kong magpapatuloy ng negosyo na pinaghirapan ng mga Montecarlo sa loob ng maraming henerasyon!" "Pero hindi ko piniling maging Montecarlo! Hindi ko piniling mabuhay sa mundo mo!" sagot ni Joaquin, at sa puntong iyon, kahit si Damian ay bahagyang napaatras. "Hindi ako sasama sa inyo!" mariing giit ng binata. "Kung gano'n..." mariing sabi ni Damian, pinipigilan ang panginginig ng galit. "Simula ngayon, wala kang makukuha sa akin. Hindi isang kusing, hindi isang pirasong papel. Isinulat na kita sa wala." "Rosa, tara na!" utos niya sa kanyang asawa, at sa pag-alis ng mga ito, parang binura nila ang bahagi ng buhay ni Joaquin. Naiwang mag-isa si Joaquin sa harap ng kanyang talyer, habang binabalikan sa isipan ang sakit na dulot ng ama—hindi lang ang sampal kundi ang paulit-ulit na pagkitil sa kanyang kalayaan. Ngunit sa halip na madurog, lalo siyang tumibay. Ginawa ni Joaquin ang lahat ng iyon—ang pagsuway sa ama, ang pagtira sa probinsya, ang pagpili ng sariling landas—hindi lang dahil gusto niyang maging malaya. Ginawa niya iyon dahil minsan na siyang umibig sa isang babaeng salungat sa lahat ng pamantayan ng mga Montecarlo. Si Lea. Isang simpleng dalagang anak ng magtataho. Masayahin, matalino, at may pangarap din sa buhay. Doon niya ito nakilala sa isang community outreach noong siya'y high school pa. Si Lea ang unang nagpakita sa kanya ng mundong walang pangalan, walang yaman—puro totoo. Hindi ito nagustuhan ng kanyang ama. Sa oras na nalaman ni Damian ang tungkol sa dalaga, agad nitong tinuldukan ang relasyon nila. Ginamit ang koneksyon para palayasin si Lea sa paaralang pinapasukan, tinakot ang pamilya nito, at sinabing hindi puwedeng mahalin ng Montecarlo ang isang gaya niya. Sa panahong iyon, wala pang sapat na lakas si Joaquin para ipaglaban ang pag-ibig niya. Pero mula noon, unti-unti siyang nagising sa katotohanan: sa pamilya nilang Montecarlo, hindi pagmamahal ang mahalaga kundi imahe. Hindi katapatan ang sukatan, kundi pedigree. Kaya't nang magkaroon siya ng pagkakataong mamuhay nang malayo sa ama, hindi na siya lumingon pa. Lahat ng ginagawa niya—ang pagpundar ng talyer, ang pag-aaral sa probinsya, ang pagtatanggol sa sariling prinsipyo—ay para patunayan na kahit wala sa ilalim ng anino ng ama, kaya niyang tumayo at magmahal nang totoo. At kahit matagal nang wala si Lea—lumipat na ng probinsya, hindi na muling nagkita—nananatili pa rin ang aral nito sa puso ni Joaquin. Ang tunay na halaga ng isang tao, hindi nasusukat sa apelyido o kayamanan, kundi sa kakayahan niyang magmahal at pumili ng tama, kahit masakit. Alam niyang kung hindi dahil sa kanyang lola, ay baka matagal na siyang nalunod sa anino ng pagiging Montecarlo. Si Lola Auring ang nagturo sa kanya kung paano magmahal sa sarili, kung paano magsimula mula sa wala, at kung paano mangarap para sa sarili—hindi para sa pangalan, hindi para sa yaman, kundi para sa sariling layunin. Ngayon, tuwing naaamoy niya ang langis at bakal sa loob ng talyer, paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili: Hindi siya si Damian. At lalong hindi siya alipin ng apelyido niyang Montecarlo. Mahigit isang taon pa lang ang operasyon ng kanyang talyer pero hindi maikakailang kilala na ito sa buong Banawe. Hindi man kasing laki ng mga kilalang auto shop sa paligid, panalo naman sila sa serbisyo—at sa tiwala ng mga customer. Pagdating ni Joaquin ay naamoy niya agad ang pinaghalong langis, goma, at tinapay mula sa meryenda ng mga tao niya. "Kamusta, Kuya Jess?" bati niya sa supervisor na matagal nang mekaniko at halos tatay-tatayan na rin ng iba niyang empleyado. "Okay naman, boss Joaquin. Pagod pero marami tayong kita ngayon," masayang kwento ni Jess habang nagkakape. "Oo nga bosing, ang laki pa ng tip namin kanina!" singit ni Omar, ang binatang minsang naging palaboy na binigyan ni Joaquin ng pagkakataon. Isa ito sa mga unang tauhan ng talyer. Ipinag-enroll niya sa TESDA gamit ang sariling ipon mula sa pabaon ng lola niya. "Magaling ka kasi, Omar. Hindi ako nagkamaling ipasok ka rito." Tinapik ni Joaquin ang balikat nito, may pagmamalaking halata sa tinig niya. Dumating pa sina Rap at Amboy mula sa likod, may langis pa sa mga kamay pero tuwang-tuwa nang marinig ang balita. "Aba eh, sagot ko ang shot mamaya!" anunsyo ni Joaquin, kaswal na nakangiti. "Yan ang tunay na bosing!" sabay-sabay na bati ng lima, kasunod ang halakhakan. "Tamang-tama, boss, may bagong bukas na pub diyan lang sa kanto ng Kabignayan. Sikat na raw." bulong ni Amboy, parang may sikreto pa. "Sige, pagsara ng talyer, punta tayo. Pero isang kondisyon..." sabay tingin ni Joaquin sa kanila. "Walang lasing bukas. Maaga pa ang booking ni Kuya Jess." "Deal!" sigaw ng lima sabay taas ng kani-kanilang kape o tinapay. Habang pinagmamasdan niya ang mga ito, hindi naiwasan ni Joaquin na mapangiti. Itoang mundo niyang pinili—simple pero totoo. Malayo sa mga mamahaling sapatos, dinner sa hotel, at pilit na ngiti sa social functions. Sa lugar na ito, siya ang gumagawa ng sarili niyang pangalan—hindi dahil Montecarlo siya, kundi dahil Joaquin lang siya. At sa likod ng bawat tagumpay na ito, alam niyang may isang taong inspirasyon niya noon pa—si Lea. Ang babaeng nagmulat sa kanya sa mundong may dignidad kahit wala kang pangalan. Matao ang Korean restaurant na pinagtatrabahuhan ni Angge sa Quezon City. Isang linggo pa lang siya roon bilang pansamantalang kapalit ng kaibigan niyang nagbakasyon. Sanay na siya sa sistema, dahil madalas na rin siyang magsideline doon tuwing may bakanteng oras sa eskwela. Alas-dos ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi ang kanyang shift — sakto lang, dahil hanggang alas-dose lang naman ang klase niya. Hindi kalakihan ang lugar, pero araw-araw itong dinarayo. May kakaibang charm kasi ang restaurant na pagmamay-ari ng isang Filipina-Korean na si Ms. Han. "Angge, pakideliver mo muna 'tong order sa Michelin talyer sa Tatalon. Kanina pa sila tumatawag," tawag ni Ms. Han mula sa cashier. Walang reklamo, tinanggal niya ang apron at agad kinuha ang apat na plastic bag ng order. Hinayaan na lang niyang suot ang hairnet habang naglakad. Ilang kanto lang naman mula sa restaurant ang talyer. Medyo matumal na rin ang trapiko—mag-a-alas sais na rin kasi ng hapon. Pagdating niya sa talyer, nadaanan niya ang ilang mekanikong abala pa sa trabaho. May mga batak na braso, maitim ang mga daliri sa grasa, at may halakhakang masarap pakinggan—senyales ng pagod pero masayang pagtatrabaho. "Good afternoon po," magalang niyang bati. "Nandito na po 'yung order ninyo." Maingat niyang inilapag ang mga supot sa isang mesa. "Boss, may bago na pala tayong suki sa delivery!" biro ng isa sa mga mekaniko. Ngumiti siya. “P1,580 po lahat.” “Boss, bayad daw!” sigaw ng lalaki papasok sa opisina. Bago pa man siya makalayo, isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kanya. Mula sa ilalim ng isang sasakyan, lumabas ang isang lalaking balot ng langis ang mga kamay—matangkad, maporma kahit sa simpleng coverall, at may tinging parang alam kung sino siya. Angge?” Nagulat siya. "Joaquin?" May bahid ng ngiti sa mga labi nito—hindi bastos, hindi rin pa-cute. Banayad lang, pero sapat para kumabog ang dibdib niya. “Akala ko boses mo 'yun. Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Joaquin habang pinupunasan ang mga kamay ng basahan. “Deliver lang ng order. Dito ka pala nagtatrabaho?” sagot niya, nagugulumihanang hindi makapaniwala. "Oo. Dito lang ako madalas. Mekaniko—" pero naputol siya ng isa pang lalaki. “Boss, bayad daw ng isang kliyente,” tawag ng lalaking mukhang alanganin sa presensiya niya. "Boss?" ulit ni Angge, bahagyang nagtaas ng kilay. Ngumiti si Joaquin, parang hindi nababahala. “Oo, 'boss’ ang tawag nila dito. Nakasanayan na. Diba, Rap?” Tumango ang lalaki, kunot-noo ngunit walang imik. “Ah, ganun ba. Saan ko pwedeng kunin ang bayad?” Hinawakan ni Joaquin ang wallet mula sa likod ng pantalon, inilabas ang eksaktong halaga, at iniabot iyon kay Kuya Jess. “Ito na, Jess. Paki-abot na lang.” Lumingon siya kay Angge. “Ako na nag-abono. Bayaran ka na lang sa restaurant.” Nagkibit-balikat siya. “Ayos lang. Sige, mauna na ako.” Pero bago siya makalakad, tinawag siya ulit ni Joaquin. “Angge.” “Hmm?” Lumingon siya. “Anong oras tapos ng shift mo?” “Mga alas-diyes. Bakit?” “Tara, dinner tayo. Gusto kitang ilibre... kung okay lang sa'yo.” Napakagat-labi si Angge, pilit tinatago ang kilig. “Sige. Sunduin mo na lang ako mamaya.” Tumango si Joaquin. “Sige. Ingat ka pabalik.” Sa talyer, bumalik si Joaquin sa loob. Sabay-sabay pa ring kumakain ang mga mekaniko. “O boss, close pala kayo ni Miss Maganda?” tukso ni Jess. “Schoolmate ko siya,” sagot niya, kalmado at walang paligoy. Uminom ng softdrinks at muling umupo sa gilid. “Hindi na namin kaya yayain 'to mag-inom,” biro ni Rap. “May date pala mamaya!” “Bossing, ang lakas mo talaga. Apo ng Montecarlo, may sarili pang negosyo. Panalo.” Napatingin si Joaquin, matalim ngunit hindi galit. “Alam niyo ang usapan natin. Dito, hindi ako Montecarlo. Isa lang akong mekaniko. Walang magbabanggit ng apelyido.” Tahimik ang lahat. “Alam mo, ang swerte ni Miss Angge. Hindi niya alam, bigatin pala ang kausap niya,” sabat ni Berto. “'Wag mong gawing laro ang ganitong bagay, Bert,” malamig na sabi ni Joaquin. “Kung gugustuhin ka ng babae, dapat hindi dahil sa apelyido mo.” Tahimik ang mesa. Wala nang nagtangkang bumira pa ng biro. Wala sa tono si Joaquin — at lahat sila ramdam iyon. Bago mag-alas-diyes, nakaabang na si Joaquin sa tapat ng restaurant. Malinis na ang suot — dark button-down shirt, gray slacks, at leather strap watch. Nasa tabi niya ang itim na SUV, disente pero hindi garapal. Ilang minuto pa, lumabas si Angge. Naka-white shirt, denim jeans, at sneakers. Wavy ang buhok na malayang bumagsak sa balikat. Simple, pero nakakaakit. “Hi,” bati niya, bahagyang nahiya. Ngumiti si Joaquin, agad siyang binuksan ng pinto. “You look beautiful.” “Bakit parang ngayon mo lang napansin?” biro niya. “Ngayon ko lang kasi nakita na hindi ka nakapusod,” sagot niya habang sinasara ang pinto. “Bagay sa’yo.” Sa isang classy na restaurant malapit sa Luneta dinala ni Joaquin si Angge. Bukas ito ng dalawampu’t apat na oras, at kahit disoras na ng gabi ay eleganteng eleganteng pa rin ang ambiance—may soft jazz music sa background at mga dimmed chandeliers na tila kumakaway sa katahimikan ng gabi. "Hoy, baka naman sobrang mahal dito," pigil ni Angge habang nakatingin sa labas ng restaurant. "Okay lang naman ako sa turo-turo. Ayoko naman na ikaw pa ang gumastos ng malaki. Nakahiram ka na nga ng sasakyan, tapos magastos pa ‘to." Napangiti si Joaquin at marahang umiling. "Relax. Kaibigan ko ang may-ari nito, si Kevin. Inimbitahan niya ako para sa small gathering. Hindi ko rin sana balak tumambay, pero sakto naisip ko, baka gusto mong sumama." Medyo napalunok si Angge. Kahit may kaunting kaba, ngumiti na rin siya at tumango. Kasabay sila nitong pumasok sa restaurant na tila isang eksenang hinango sa pelikula. Sa loob, agad nilang nakita ang grupo ng mga kaibigan ni Joaquin na nakaupo sa isang mahaba at maayos na mesa. May mga kasama itong babae, at halatang galing din sa mga pamilyang may sinasabi. Pero kahit sosyal ang ayos, may magaan na aura ang grupo. "Look who finally decided to show up!" salubong ni Carlo na may kasamang malakas na tawa. "Kanina pa ba kayo?" balik ni Joaquin, kaswal at banayad ang tono. "Halos kararating lang din sila," sabat ni Kevin habang may ipinapahandang pagkain sa staff. "Tamang-tama lang." "By the way," kantiyaw ni Kevin, "buti naman napa-oo mo si Noralyn—este, si Angge pala." Napailing si Joaquin at natawa. "Sira. Guys, si Angge—friend ko. Angge, sila naman sina Emma, girlfriend ni Carlo; Jade, girlfriend ni Rony; at Amy, girlfriend ni Kevin." Nginitian siya ng mga babae, at ikinaginhawa ni Angge ang mainit na pagtanggap. Wala ni isa man sa kanila ang nagtangkang sukatin siya mula ulo hanggang paa. "Pasensya ka na sa boyfriend ko ha, madaldal talaga yan," sabi ni Emma na may biro sa tinig. "Okay lang," mahina pero may sinseridad ang sagot ni Angge, sabay tawa ng kaunti. "Huy babe, grabe naman ‘yung madaldal agad," kunwaring reklamo ni Carlo. Nagkatawanan ang buong grupo. Sa totoo lang, hindi akala ni Angge na magiging ganoon ka-welcoming ang gabi. Birthday pala ni Kevin, kaya may konting salu-salo. Habang nagkakainan at nagkukuwentuhan, biglang napatingin si Jade kay Angge. "Teka... parang pamilyar ka sa’kin." Sumingit si Amy, "Oo nga! Siya ba ‘yung ka-holding hands mo sa school kanina, Joaqs?" Namula si Angge. Agad na napatingin sa kanyang pagkain, naiilang. "Yup," simpleng sagot ni Joaquin, sabay ngiti. Walang pag-aalinlangan. "Ay kaya pala ganun ka makatingin kanina," biro pa ni Jade. "Buti nalang tapos na tayong lahat kumain," sabat ni Kevin habang inilalapag ang huling batch ng pagkain. "Baka kung saan pa mapunta ‘yung usapan." Maya-maya, nagyaya ang grupo na maglakad-lakad papunta sa isang café na nasa kabilang kanto lang. Habang naglalakad, napansin ni Joaquin na bahagyang nanginig si Angge. Hindi man ito nagsasalita, halata sa pagtiklop ng braso at sa mas mabilis nitong paglakad. "Wag kang aalis dito," bilin ni Joaquin. Bago pa siya makatanong, tumakbo na ito pabalik sa sasakyan. Ilang minuto lang ay bumalik si Joaquin, dala ang isang campus jacket. "Suotin mo," sabay abot nito. "Salamat," ngiting sabi ni Angge habang inaayos ang jacket sa sarili. "Welcome," sagot ni Joaquin. Simple, pero gentleman ang dating. Pagdating sa café, sa labas na lang naghintay ang mga babae dahil maliit ang loob. Pagdating sa café, sa labas na lang naghintay ang mga babae dahil maliit ang loob. Habang nagkukuwentuhan, napadako ang usapan sa kanilang mga kurso. "Actually, dream ko rin maging nurse," sabi ni Jade. "Kaso bagsak agad utak ko sa science subjects. Kaya nag-tourism na lang ako." "Ako medicine," sabay taas ng kilay ni Amy. "Wow. Ang intense naman niyo," natatawang sabi ni Angge. "Mas intense pa si Emma—accountancy!" dagdag pa ni Amy. "Grabe, panay mga brainy pala kayo," ani Angge, napapailing. Paglabas ng mga lalaki, may dalang kanya-kanyang coffee cup. "Buti hot coffee ang binili mo," sabi ni Angge habang tinatanggap ang cup. "Thank you ha." "Sinabi mo kasing ginawin ka, kaya naalala ko agad." "Ikaw, hindi ka nilalamig?" "Sanay na ako," sagot ni Joaquin, sabay inom ng iced coffee. "Yabang," biro ni Angge. Pero may halong paghanga sa puso niya. Hindi dahil sa kayamanan—na hindi niya pa rin alam—kundi sa klaseng pag-aalaga at respeto na ipinapakita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD