Arrive

2291 Words
Hindi parin tumitigil si civ sa kakasumbat sa'kin, dapat nagpaalam daw ako sa kanya bago umalis kanina kaya nag-alala s'ya sa'kin ng sobra. "Pa'no kung bigla ka nalang kunin ng iba d'yan at may ginawang masama sa'yo?!" Panduduro nito sa'kin "hindi pa ako ready mawalan ng kaibigan!" Binatukan ko naman sya "Buhay pa ako." Ngumiti naman s'ya at nag peace sign saka pinulupot ang kamay n'ya sa kamay ko. Nagkukulitan kami habang naglalakad, buti nalang at kasama ko ngayon si civ. Kahit papano napapawi ang lungkot na dala ko. Tinutukso ko s'ya ngayon dahil sa nakwento n'yang lalaki, napalakas naman ang pag tulak n'ya sakin. "What the heck?!" Agad ko binalingan ang babaeng nasangga ko matapos akong itulak ni civ. "I'm sorry miss, I didn't mean to--" 'di ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla s'yang lumapit sa'kin at tinaasan ako ng kilay. Napabuntong hininga naman ito saka maarteng hinawi ang bangs n'ya. "So ikaw pala yung tinutukoy nila.." Nagtaka naman ako sa sinabi n'ya, tinutukoy na ano? Pinagsasabi nito "Oh c'mon, sino namang hindi makakakilala sa'yo? Halos lahat dito ay usap-usapan ang pagbalik mo" tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa, saka nag-snob aba't "Gusto mo bang dukutin ko 'yang dalawang mata mo!?" Nabaling ang atensyon ko kay civ ng bahagya nyang tinulak yung babae na s'yang kinagulat nito. "H-how dare you!" Lumayo din ang babae at parang nandidiri. Susugudin pa sana s'ya ni civ ng may biglang dumating na lalaki. "Anong nangyayari dito?" Bumungad sa harapan namin ang isang matangkad na lalaki, masyado s'yang mahinahon. "Sila kasi!" Sabay turo nung babae sa'min. "Anong sila ka dyan! nag sorry na nga kami ikaw lang 'tong maarte, nakuu maxim ilayo mo 'yang kaibigan mo kundi magugusot ko talaga 'yang pagmumukha nan" Hindi parin sila nagpapaawat at patuloy parin sa bangayan kaya pumagitna na ako, bahagya naman akong napaatras dahil pumagitna din pala yung maxim. Saglit kaming nagkatitigan at nagulat ako ng kumindat s'ya bago tumalikod. Para saan 'yun? "Let's go trix, aattend pa tayo ng meeting" inirapan naman kami nung babaeng trix pala ang pangalan. Umalis na sila at naiwan kaming dalawa ni civ, pinagmasdan ko naman sya na ngayon ay nanggigigil parin dahil dun sa babae. Mukha talagang hindi sila magkakasundo, well 'di narin ako magtataka dahil yung mga ganung klaseng babae kasi ang pinaka ayaw n'ya. Mga ilang minuto ang lumipas napagpasyahan nadin naming bumalik sa palasyo. "Sino sila?" Nilingon n'ya ako matapos kong tanungin 'yun. "Silang dalawa ba?" Sila nga diba? Tumango naman ako sa kanya "Yung maarteng babae kanina s'ya si trix, well kaya n'yang iclone yung sarili n'ya kahit ga'no kadami" Tumango tango naman ako na parang nakukuha ko ang sinasabi n'ya. "Patay na patay nga 'yun kay spencer eh, kapag s'ya ang kaharap n'ya nagiging mabait sy---" tumigil s'ya ng makita n'ya akong nakatitig sa kanya. "Hehe.. yung lalaki kanina s'ya naman si maxim at isa s'yang crusher" Ilang minuto ang lumipas at nakarating narin kami sa palasyo, dederetso sana ako sa kwarto ng biglang lumihis si civ kaya nasama ako. Bakit ba kasi nakapulupot kamay nito sa'kin. "Andyan na pala kayo, take your seat" binalingan ko ng tingin si tito at ang mga kasama n'ya. Nasa dining table sila kasama sila auntie at sa gilid naman nito si spencer na may katabing kambal na lalaki, andun din yung lalaking tinulungan namin kanina at sa gilid naman nito yung trix at maxim. Anong meron? "Nagpatawag pala si king caleb ng meeting at kasama tayo" sinamaan ko ng tingin si civ matapos n'yang sabihin 'yun. "Kanina ka pa dumadaldal pero 'di mo man lang nabanggit 'to sa'kin?" Lumayo naman s'ya at naunang ng umupo. Loko talaga yung babaeng 'yun ako lang yung walang kamalay-malay sa meeting na sinasabi nila. Tinawag ako ni auntie kaya lumapit ako at uupo na sana sa tabi n'ya- "Aray!" Lumayo ako bigla ng marinig ang boses na'yun saka tumingin sa upuan, talking chair ba 'to? "It's me perry." Lalo akong nagulat ng sabihin n'ya 'yun kaya agad akong humingi ng sorry. Naramdaman kong uminit 'yung pisnge ko dahil sa kahihiyan, patuloy parin ang paghingi ko ng sorry sa kanya dahil naupuan ko s'ya. "It's ok dex.." nilingon ko naman si civ ng tawagin n'ya ako. Nakita kong may bakanteng upuan sa tabi nito kaya dun na ako umupo. "So let's proceed.." Wala talaga akong kaalam-alam sa pag-uusapan nila ngayon kaya pa'no ko sila masasabayan nito? "Marami-rami na ang mga nagagawing lost creatures dito sa palasyo," umayos ng upo si tito at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa saka isa-isa n'ya kaming tinignan "and we all know kung san sila nanggaling." Maliban sa'kin 'di ko alam kung san ba sila nagmula. "Wala parin bang nakakaalam sa nangyari?" Umiling naman si maxim matapos magtanong ang isa sa kambal. "No one" "Helloo? Sino naman ang magkakaroon ng interest na maghagilap ng impormasyon about sa kingdom na'yun? Like uh it's kinda scaryy.." Umiral na naman ang pagka attitude nung trix, nag roll eyes naman si civ habang ako ay napabuntong hininga nalang dahil nacucurious na ako sa pinagsasabi nila. "Me!" Napatingin kaming lahat sa blankong upuan, well.. we all know that it's perry who said that. "I have some information to discuss," "Go ahead perry" Matapos sabihin 'yun ni tito, may narinig kaming mga footsteps at may bigla nalang lumabas na hologram sa kalagitnaan ng lamesa. Maya-maya lamang ay may lumabas na isang larawan dito, ngayon ay parang nasa lugar kaming abandonado at nasa harapan namin ang isang palasyo. Pinagmasdan ko ito ng mabuti, nakakalungkot lang dahil isang tingin mo lang dito ay malalaman mo na kaagad na wala ng namumuno dahil ang palasyong nasa harapan namin ay wala ng kabuhay buhay. "This is The Kingdom of Arcane, many years have passed but no one still knows what really happened" "Bakit hindi nila 'to puntahan para makakuha ng info?" civ asked. "They're all afraid.." I can do nothing but listen, I just wonder why they are afraid? "Because everyone who goes there never comes back." Napatingin ako sa nagsabi nun, While he was staring at me I saw that there's something in his eyes, why do you seem to be begging me? Stop those cute things spencer, I just can't uh! you can't get me easily, lalo lang ako nagagalit sa ginagawa mo. "You.." Nabaling ang atensyon ko kay auntie zari na ngayon ay nakatingin kay kirvy kaya napatingin din sa kanya ang lahat. "Sabi mo nanggaling ka rito, now tell me ano ang mga kaganapan bago ka umalis?" "S-sorry I don't know much" mukhang hindi maganda ang sinapit n'ya "I don’t go out often, the silence is like k-killing me" "This Kingdom is full of mysteries, nababalutan din ito ng mga patibong so you need to be careful" perry said. "No thanks but we have no intention of going to this place" hinawi ni trix ang bangs n'ya at bahagyang tumingin kay tito "are we done?" Asan yung respeto? Supalpalin ko kaya 'to. "Not yet.. because I need all of you to investigate" "Wait wait wait, don't get me wrong but do you want to send us here? As in here!?" Nilahad n'ya ang kanyang dalawang palad sa palasyong nasa harapan namin. "Cool!" nag apir ang kambal matapos nila itong sabihin ng sabay. "Are you serious?" maxim is now asking. "kirvy says even silence there can kill you! and that kingdom is full of traps! Do you want us die?!" "Anong silbi ng kapangyarihan nyo? Get ready for tomorrow, I need all of you to pack all your things. I'll take care of the people who will be with you" Kahit ako nabigla sa sinabi ni tito, but I need to make it clear. Magtatanong na sana ako ng biglang tumingin sakin si auntie at bahagyang tumango. "Including you dex," W-what?! now I'm left speechless, ba't ako nasama sa plano nila? I'm here to take a break not to investigate! ----- "Hindi ko sila maintindihan! Sabihin mo nga sa'kin aki ba't pati ako kailangang sumama!?" "Bakit hindi sila ang tanungin mo," napabuntong hininga naman ako sabay nahiga sa kama. Hindi ko parin mafigure out kung bakit pati ako nadamay sa plano nila, pa'no ko sila matutulungan 'dun? I give nothing but trouble uh! Bigla akong napaupo ng may ideyang pumasok sa isip ko. ** "Sigurado kaba sa gagawin natin dex?" "Wag kang maingay at sundan mo nalang ako" Bitbit namin ang bag na naglalaman ng mga gamit namin habang hinahanap ang daang papalabas ng palasyo, balak na kasi naming bumalik sa enchanted forest. Mas mapapabilis sana ang paglabas namin kung sa balcony ng kwarto kami dadaan, kaso napakadaming kawal ang nagbabantay sa baba kaya imposibleng hindi kami mahuli. "Bakit ba kasi andaming pasikot-sikot dito!?" Hindi ko talaga mapigilang hindi magreklamo, pa'no ba naman kasi napaka daming bantay kaya hindi na namin alam kung san patungo 'to. "Dex mas mabuti pa atang bumalik na tayo sa kwarto?" "No! Ayoko ng bumalik dun, I want to go home." Nagbabangayan kami ngayon ni aki at hindi ko napansin na napapalakas na pala ang boses namin kaya pinagtitinginan na kami ng ilan sa taga silbi ng palasyo. "You so early" Bigla kaming napatigil at sinulyapan ang pinanggalingan ng boses, laking gulat ko ng bumungad sa harapan namin si tito kasama si...spencer?? "Mamayang 6am pa ang alis n'yo" Sa dami-dami ng pwedeng makahuli samin ba't sila pa!? "Nagugutom po kasi si deixy!" Sabay-sabay kaming napatingin kay aki matapos n'yang sabihin 'yun, ako nagugutom? Nakuha ko na naman ang gusto n'yang iparating. "Yes! Nagugutom ako!" Nagulat naman sila sa pagsigaw ko, masyado atang napalakas. "Ah yes nagugutom ako hehe" pag-uulit ko. "Hindi na sana kayo bumaba pa at nagpahatid na lamang ng pagkain sa kwarto n'yo." "A-ayaw na po kasi namin sila abalahin since kaya naman po naming gawin" kailan ba matatapos 'tong usapan "s-sige tito mauna na po kami" Ngumiti naman ako bago tumalikod, maglalakad na sana ako ng muli itong magsalita. "Required ba talagang dalhin ang bag n'yo 'pag kakain?" This time napakagat na ako ng labi at napapikit, what shoud I do now!? Huhu. Pagharap ko sa kanila nakita ko si titong nakakunot ang noo at nasa likod naman nito si spencer na napapangiti habang iniiwas ang tingin samin, sinamaan ko naman ito ng tingin saka binaling ang atensyon ko kay tito. "Andito po kasi yung mga importanteng bagay na hindi pwedeng iwanan basta-basta." I smiled bitterly. Tumango-tango naman s'ya, pretending? Alam ko naman na alam nila kung anong balak namin. Hinuhuli lang nila kami. Bagsak balikat kaming bumalik sa kwarto at ibinaba ang bag saka deretsyong nahiga sa kama. "It's ok dex, kasama mo naman ako bukas" Nilingon ko si aki na kumakain ngayon ng carrot, pinikit ko naman ang mga mata ko. Itutulog ko nalang 'to, it's just a nightmare dex..go to sleep and tomorrow everything will be just fine! ------ "Dex dito kana sakay sa'kin" "Deixyy sorry 'di kita matatabihan" Walang ganang nilingon ko si civ na patuloy sa paglipad habang si auntie naman ay patuloy parin sa pagtawag sa'kin para sumakay kay queto, argh my head hurts! Marami ng nag-aayos ngayon para sa pag alis namin patungo sa kingdom of arcane, handa narin ang mga taong kinuha ni tito na makakasama namin. Lahat ay may kanya-kanya ng sasakyan maliban sakin! Ayoko namang sumakay kay queto dahil hindi 'yan magdadalawang isip na ihulog ako sa taas. Kaya si aki nalang pinasakay ko 'dun at naglibot naman ako upang makahanap ng para sa'kin. Lahat ay mag pinagkakaabalahan, ang iba sa kanila ay big butterfly ang sasakyan at ang iba naman ay dragon fly. Nagawi naman ang atensyon ko kay spencer at sa dalawang dragon na nasa harapan nya, ang isa ay kulay pula habang kulay asul naman ang kasama nito. Lumapit ang isang babae sa kanya, straight ang buhok nito at maputi rin ang kanyang kutis. Nagawi naman ang paningin ko sa ocean eyes n'ya kahit ang kanyang pilik mata ay malantik habang ang suot nya naman ay kulay asul, hindi mapagkakaila ang kagandahang talaga n'ya. Sa kalagitnaan ng paglilibot ko, nakita ko ang isang griffin sa gilid kaya nilapitan ko 'to. Mukha naman s'yang mabait dahil agad n'yang ibinaba ang kanyang katawan upang makasakay ako. Hindi naman ako nag atubiling sumakay rito, pag-akyat ko ay agad akong napayakap sa kanya. I'm still tired, let me sleep for a while. "Excuse me? Ahm miss? Ehem!" Napaupo ako ng marinig ko ang boses na 'yun, nakita ko naman ang isang babaeng nakasuot ng pink na dress. Kulot ang kanyang buhok at nakasuot rin sya ng salamin. "That's my griffin." Bahagya akong natigilan ng malaman kong kanya pala itong sinasakyan ko, stupid dex! ba't ba kasi bigla ka nalang nakiki-ride. "Sh*cks I'm so sorry." "It's ok, you can ride with me if you want!" Binigyan n'ya ako ng angelic smile, maybe she's one of the people na kinuha ni tito. "Are you sure?" Hindi naman s'ya nagdalawang isip na tumango, nginitian ko naman s'ya pabalik. Maya-maya ay napag-isipan narin ng lahat na umalis na, napahawak naman ako kay bia habang pinapalipad nya ang kanyang Griffin. Ilang oras din kaming naglakbay at habang tumatagal hindi nagiging maganda ang salubong ng panahon sa amin dahil unti-unti itong kinakain ng dilim na s'yang ikinatakot ng mga nilalang na sinasakyan namin. Nang makababa kami ramdam namin ang mga matang nakatingin sa aming dereksyon kahit na wala namang taong nakapaligid dito. Ilang minuto rin kaming naglakad sa mapunong gubat.. na puno ng mababangis ng asong lobo, tumalon sa balikat ko si aki dahil sa takot nito. Hinawakan ko naman ang kanyang ulo upang pakalmahin s'ya. "We're here" Sabay-sabay kaming napatingin sa palasyong nasa harapan namin, nabaling ang tingin ko sa malaking gate nito. The Kingdom of Arcane, you're finally arrive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD