Kaming dalawa lang ni civ ang naglilibot ngayon, nagpaiwan kasi si aki kay kulas dahil 'di nya talaga trip na sumama sa'ming mag gala. Masama parin ata loob nya sa nangyari tatlong taon na ang nakakalipas.
Binalingan ko ng tingin si civ, gray ang kulay ng mata n'ya at hindi rin gaano kahaba ang buhok nito.
Pansin kong nasa akin parin ang tingin ng karamihan at 'di ko naman sila mangitian dahil baka mas lalo lang nila ako titigan.
"Don't worry, hindi na sila galit sayo" nilingon ko naman si civ na ngayon ay nakangiti sa'kin. Alam ko namang pinapagaan nya lang ang loob ko.
Nasa kalagitnaan kami ng paglilibot ng may biglang nadapa na isang lalaki sa harapan namin.
"Aah! S-stop!" Nakaharang ang dalawang kamay nya sa mukha bilang panangga sa mga batong hinahagis ng mga bata.
Wala naba talagang manners yung mga nakatira dito? They're so mean.
"Stop it, you're hurting him!" Pananaway ko sa tatlong batang patuloy parin sa pagbato, binalingan naman nila ako ng tingin.
"Shut up destroyer!" Natigilan ako ng sabihin 'yun ng isang bata.
Sobra na sila
Napatingin sa'kin si civ, naramdaman n'ya atang nawalan ako ng gana dahil hindi na ako umimik kaya sya na ang nagsaway sa kanila.
"Hoy kayong tatlo! Wala ba talaga kayong balak tumigil!?" Lumapit sya sa mga bata saka lumuhod para magkaharap ang mga mukha nila "or baka gusto n'yong may dumalaw ulit sa inyo mamayang gabi?"
Pinagmasdan ko si civ na nakangisi habang ang tatlo ay biglang natakot kaya nagsitakbuhan na sila papalayo.
"Tinakot mo na naman sila" sabi ko kay civ ng makalapit s'ya sa'kin, nagkibit balikat lang s'ya.
"Aah!" Sabay kaming napatingin sa lalaking nakahandusay ngayon sa baba, nakalimutan na pala namin ang isang 'to.
"Are you ok?" Nilapitan namin sya para tulungang makatayo, pinagpag nya naman ang damit nya saka tumingin sa siko na may sugat.
"I'm ok, t-thank you"
Pinagmasdan ko ang mukha nya, nakasuot sya ng salamin at makapal din ang suot nyang damit dahil sa patong nito, nerd uh?. Kahit ganun ang ayos nya hindi ko mapagkakailang gwapo s'ya, kinakailangan nya lang ng kunting ayos.
"Ngayon lang kita nakita dito" nabaling ang atensyon ko kay civ na ngayon ay nilalapit ang mukha dun sa lalaki para kilalanin.
Bahagya ko naman syang tinapik dahil nakakahiya yung ginagawa nya. Nakaramdam naman sya kaya lumayo ito at pumwesto ulit sa tabi ko.
"I'm k-kirvy.." nilahad n'ya ang isang kamay nya habang inaayos ang salamin na suot, kinamayan naman s'ya ni civ "nanggaling ako sa kingdom of a-arcane"
Kingdom of arcane? Ngayon ko lang narinig ang kingdom na'yun.
"Oh, I'm happy that you arrive here safe!" masayang sabi ni civ.
Magtatanong sana ako about dun sa kingdom na tinutukoy nila ng bigla kong naaninag ang batang elf na babae sa gilid. Hindi naman napansin ng dalawa ang pag-alis ko dahil busy silang nag-uusap.
Nang makalapit ako rito ngayon ko lang napansin na na-stuck ang isang paa nya sa malaking bato kaya nilapitan ko s'ya para tulungan. Nagulat naman sya sa paglapit ko.
"Don't worry.." kumalma naman s'ya matapos kong sabihin 'yun. Sinimulan ko ng buhatin ang bato na grabe ang bigat! Buti nalang at hindi masyadong nadaganan ang paa n'ya, kundi pirat yan.
"Let me check your feet, baka nasugatan ka" tinignan ko naman ang kabuuan ng paa nya, mukha namang wala sugat "masakit ba?" umiling naman s'ya.
Tinulungan ko s'yang makatayo at ayos lang naman ang paglakad nya na s'yang kinatuwa ko. Nagprisinta akong ihatid s'ya at pumayag naman ito, tinuturo nya ang daan patungo sa tahanan nila at habang naglalakad kami hindi ko mapigilang lumingon sa kanya.
"Anong pangalan mo?" bigla naman n'yang inangat ang tingin n'ya sakin. Ang cute n'ya talaga lalo na't magka-holding hands kaming naglalakad.
"Yisha" lalo akong napangiti ng malaman ko ang pangalan n'ya.
Malapit lang ang bahay ng mga Elf kaya agad kaming nakarating 'dun, ihahatid ko sana s'ya sa mismong tirahan nila ng biglang may tumakbo na isang nag aalalang babae na sa tingin ko ay ina ni yisha.
Hinila n'ya ang kamay nito para ilapit sa kanya saka pinagalitan, naawa naman ako kay yisha dahil may namumuo ng luha sa mga mata nito. Magsasalita na sana ako para ipalawanag kung ano ang nangyari, para na rin tumigil s'ya dahil nasasaktan na ang anak n'ya.
"It's none of your business! Hindi mo dapat nilalapitan ang anak ko!"
Bakit parang kasalanan ko pa? Tinulungan ko lang naman si yisha na makauwi. Hinayaan ko lang ang panduduro nito sa'kin dahil maya maya rin naman mapapagod din s'ya. Mas iniintindi ko ngayon ang kalagayan ni yisha dahil baka hindi pa ayos ang pakiramdam n'ya sa nangyari kanina, dapat nagpapahinga s'ya ngayon hindi ko naman alam na ito pala ang bubungad pag-uwi nya.
Sa totoo lang.. sa lahat ng nasasakupan ng starry, mas malaki ang atraso ko sa elf. Hindi sapat sa kanila ang sorry.
Nagulat ako ng bigla silang dumami sa harap at masamang nakatingin sa'kin, bahagya naman akong napa-atras ng batuhin nila ako.
Parang nangyari na'to kanina ang pinagkaiba lang, walang tutulong sa'kin.
"Is that how you treat your guest?"
Minulat ko ang mata ko ng tumigil sila sa pagbato, nakatingin sila sa likod kaya napatingin rin ako. Bumungad sa'kin ang matangkad na lalaki, masyado s'yang seryoso na kahit anong ekspresyon sa mukha ay wala kang makikita. Nakasuot sya ng white na long sleeve at naka-open ang ilang butones, naka tack-in naman ito sa suot nyang brown pants na bumagay sa kanya.
Napatingin ako sa mata n'ya na kulay brown din habang ang kilay n'ya ay natatakpan ng buhok nito. Hindi ko mapagkakaila na ang laki ng pinagbago n'ya dahil lalo s'yang gumwapo.
W-what the? Muntik ko ng makalimutan na galit pala ako sa lalaking 'to!
"P-prince--" napatigil ang lalaking elf ng marinig nila ang pagbuntong hininga ni spencer.
Ayon kay civ ayaw na ayaw n'yang tinatawag s'yang prince mas gusto n'ya raw na tawagin nalang s'ya sa pangalan n'ya. Yun lang ang narinig ko sa lahat ng kwento ni civ kanina dahil pinatigil ko na s'ya, hindi talaga ako interesado kapag tungkol sa kanya ang kwento.
"Umuwi na kayo" agad naman silang nagsibalikan sa kanya kanya nilang tirahan, tumalikod na din ako at nagsimulang maglakad.
"Sila lang ang pinauwi ko" bahagya akong napahinto at nilingon sya saka tinaasan ng kilay.
"Bakit? Kailangan ko pa ba ng permission mo bago umalis?" hindi ko na dapat nilingon ang isang 'to at nagpatuloy nalang sanang maglakad.
Ang seryosong mukha n'ya kanina ay napalitan ng pag-aalala ngayon.
"Are you ok?" hahawakan n'ya sana ang kamay ko ng bigla kong nilayo ito.
"I'm not.." seryoso kong sabi habang nakatitig sa mga mata n'ya.
Sa dami ng pwedeng tumulong sa'kin ba't ikaw pa? Umalis na ako sa harap n'ya at nag umpisang maglakad papalayo.
Ang tagal na nun dex...pero bakit parang kahapon lang nangyari.
Ang daming nagbago, ang daming nagalit sa'kin dahil sa pangyayaring 'yun kahit ilang taon na ang nakakalipas.
---------
"Don't let your power ruin our play.. ok?" tumango tango ang batang lalaki na si spencer.
Lagi s'yang pumupunta sa enchanted forest upang makipaglaro sa kababata n'yang si deixy. Labing dalawang taon sila ng gawin nila ang larong gustong-gusto nila ngunit hindi nila ito magawa dahil pinagbabawalan sila ng kanilang magulang. Nagkataon na hindi nila ito kasama at tanging silang dalawa lang ang magkasama ngayon kaya malaya nilang nagagawa ang gusto nila.
"Make it big! Make it big!" Masayang nanunuod si spencer sa ginagawa ni deixy.
Nasa wild area sila habang gumagawa si deixy ng kahoy na nilalang gamit ang kapangyarihan nito. Masaya 'din s'ya sa kanyang ginagawa dahil gusto n'yang malaman kung hanggang saan aabot ang kapangyarihang taglay n'ya.
Nilingon n'ya ang kalaro n'yang si spencer at saka pinalaki ang ginagawa nya.
"Let's try it!" Sabik na sabi ni deixy habang lumulundag sa tuwa ng matapos n'yang magawa ito.
Lumapit sila dito at lumuhod naman ang nilalang na pinangalanan nilang groot saka sila sumakay sa magkabilang balikat. Masayang masaya ang dalawa habang nililibot ang enchanted forest.
"Look! Andun lang pala yung bola na hinahanap natin" tinuro ni deixy ang bolang nasa silong ng malaking mushrooms.
"Sandali at kukunin ko.." bumaba si spencer at tumakbo sa kinaroroonan nito, agad naman n'yang nakuha ang bola saka tinaas "got it!"
Babalik na sana s'ya ng bigla s'yang matigilan ng makita ang kulay itim na apoy na lumabas mula sa kakahuyan at patungo ito sa dereksyon nila deixy. Nabitawan nito ang bola at nagtakang tumingin sa kanyang mga palad.
"Spencer! Help!" Napatingin sya sa dereksyon ni deixy at laking gulat nito ng makitang nagwawala na si groot habang umaapoy.
"Hang on!" Tumakbo ito patungo sa kanila.
Malapit ng mahulog si deixy dahil sa pagwawala ni groot, bahagya n'yang nabitawan ang pagkakahawak nito kaya nahulog s'ya sa mga kamay ni spencer na agad naman nilang ikinatumba.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito kay deixy, tumango ito bilang sagot.
Nabaling ang atensyon nila kay groot na hanggang ngayon ay nagwawala parin, ang daming hayop ang nadamay na ngayon ay sugatan na habang ang iba sa kanila ay nagwawala nadin dahil sa pag-iwas nila sa mga yapak ni groot sa lupa. Nasunog din ang ilang mga puno at nasira ang mga halaman.
Agad silang napatakbo upang sundan ito na ngayon ay papalabas na sa enchanted forest. Malalaki ang kanyang mga hakbang kaya hindi na nakapagtataka na makakaabot ito sa Starry Kingdom.
Mas lalong nagulat ang dalawa at natakot ng makita nilang sinisira na nito ang mga tahanan na sakop ng starry. Mas nakatuon ito sa bahay ng mga elf na halos walang matira kahit mga archer nila ay nasunog. Madaming kawal ang nagsilapit upang tugisin si groot habang ang mga ibang nilalang ay pinapasok sa palace upang maging ligtas.
Sa bawat sandatang tinatamo ni groot ay lalo lang s'yang nagagalit at mabilis n'yang naiitaboy ang mga kawal gamit lamang ang malaki nitong kamay. Lumabas nadin ang mga magulang nila deixy at spencer at sinubukan gamitin ang kanilang kapangyarihan upang patigilin ito.
"Deixy stop her!" galit na nakatingin ang kanyang ina na si zia.
"What should I do!?" Naiiyak nitong sabi dahil hindi n'ya alam kung ano ang kanyang gagawin.
Tanging si deixy lang ang kayang comontrol kay groot dahil gawa ito sa kanyang kapangyarihan.
"Use your power dex" nilingon nito si spencer na ngayon ay tinutulungan s'yang pakalmahin.
Sinubukang kumalma ni deixy at nag-isip mabuti kung paano patitigilin ang nagwawala paring si groot. Saka nya napagtanto na kaya n'ya palang kausapin ito gamit ang isip, ginawa n'ya ang lahat upang maging konektado ang isip nya sa isip nito at mukhang nagtagumpay naman sya matapos lumingon si groot sa dereksyon ni deixy.
Unti-unti itong naging kalmado at ibinaba ang kanyang mukha upang magkaharap sila.
Hinawakan ni dex ang mukha nito na s'yang ikina-amo nya.
"Take a good rest my friend.." tumulo ang luha ni dex habang pinagmamasdan ang kaibigan n'yang unti-unting lumiliit hanggang sa naging stick na lamang ito.
Kinuha n'ya ito saka pinagmasdan.
"Deixy!" nagulat s'ya ng biglang sumalubong ang kanyang ina at binigyan ito ng mahigpit na yakap "Are you ok!?" nag-aalala nitong tanong habang tinitignan ang buong katawan nito.
"Mom I'm f-fine" bahagya namang napatigil ang kanyang ina at binigyan ito ng disappointed look.
"I-I'm sorry.." napabuntong hininga ang ina saka binaling ang tingin sa paligid.
"Help me clean your mess.." hindi mapigilan ni deixy ang luhang sunod sunod na pumapatak habang sinusundan ang kanyang ina.
Nag-aalalang tinignan ni spencer ang kalaro n'yang naglalakad papalayo, susundan n'ya sana ito ng biglang dumating ang kanyang ama.
"What did you do?" Nilingon n'ya ito na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya.
"Father it's not what you thi--"
"The fire.." tinignan nito ang paligid na nasusunog "I said don't use your power while playing"
Bumagsak ang balikat ni spencer matapos sabihin 'yun ng kanyang ama.
Nagtulong tulong ang lahat sa pag-aayos, andaming nasirang tahanan at andami ring nasugatan. Paulit-ulit na humihingi ng despensa ang ina at ama ni deixy, alam nilang hindi sapat ang paghingi ng sorry sa lahat ng nangyari.
"Kailangan na naming umalis" pagpapaalam ni zia sa kapatid nitong si zari "ikaw ng bahala sa kanya" ngumiti ang kapatid nito saka binigyan s'ya ng yakap.
"San kayo pupunta?" Nilingon nito ang anak n'yang si deixy "iiwan n'yo ba ulit ako?"
Lumuhod ang ina nito at humarap sa kanya.
"Babalik din kami ng daddy mo" bahagya itong nagulat ng bigla s'yang niyakap ng kanyang anak.
"Pakiusap isama n'yo nalang ako" umiiyak ito habang yakap ang kanyang ina, kumalas si zia sa pagkakayakap at tumingin sa kapatid.
Lumapit ang kapatid n'yang si zari sa tabi ni deixy, binigyan ni zia ng halik sa noo ang kanyang anak ganun din ang kanyang ama.
"Be a good girl" sabi ng ama nito saka sila umalis, labag man sa loob nilang iwan ang anak ngunit wala silang magagawa dahil kinakailangan nilang pumunta sa ibang dimension upang tapusin ang kanilang misyon.
Pumasok na sila sa portal at naiwan si deixy sa kanyang auntie zari kasama nya din konehong iniwan ng kanyang ina na si aki.
"Let's go inside.." pag-ayaya nito sa kanyang pamangkin. Nakaluhod parin si deixy habang umiiyak.
"Dex.." inangat n'ya ang kanyang paningin kay spencer at galit itong tinignan.
"Y-you ruin everything!" iyak nitong sabi habang patakbong pumasok sa palasyo.
----------
Dahil sa nangyaring 'yun kinakailangan kong manirahan dito sa Starry, pero hindi rin ako nagtagal dahil pinagtatabuyan ako ng ilang nakatira dito kaya napagpasyahan 'kong ayusin ang enchanted forest upang dun na lamang manirahan.
Naiintindihan ko naman sila kung bakit hindi nila matanggap ang sorry ko.
Dahil ganun din ako kay spencer.