Starry

2150 Words
Hanggang ngayon ang sakit parin ng katawan ko dahil sa nangyari kahapon at hindi ko din alam kung matutuwa ba ako sa paglipat ko ngayon. "Hindi ka parin tapos?" Napabuntong hininga ako at napatingin kay aki sabay pout. Hanggang ngayon kasi hindi pa ako natatapos mag impake ng gamit na dadalhin ko mamaya habang si aki nakaready na yung mga carrots na dadalhin nya. "Seryoso ka bang ganyan kadami ang dadalhin mo?" Napatingin naman sya sa bitbit nya at 'di nagdalawang isip na tumango. Kahit siguro buong pananim ng carrot kaya nyang dalhin, hindi ko naman sya masisi dahil nung huling punta namin sa starry hindi sya nagdala ng kahit isa nito. Sabi kasi ni auntie zari sagana din daw ang starry sa mga pananim kaya inexpect ni aki na bibigyan sya ng mga ito pero pagdating namin dun ni isang carrot wala syang natanggap. Hindi naman sa madamot yung mga naninirahan dun pero parang ganun na nga, ayaw talaga nila kaming bigyan. Matapos ang ilang oras ay natapos narin akong mag impake at nakapag paalam narin kami sa mga kaibigan namin dito sa forest. "Handa naba kayong umalis?" Binigyan ko ng seryosong tingin si auntie matapos nyang sabihin yun. As if naman may iba kaming choice. "Ok then, let's go!" Excited na sabi nito habang naglalakad na parang bata. Nagkatinginan kami ni aki sabay napabuntong hininga at sumunod sa kanya. "What!? Dyan tayo sasakay??" Tumango naman sya. "you gonna be kidding me" sinabi ko 'yun habang umiiling. Makita ko pa nga lang sarili ko na nakasakay dyan sa queto na'yan para na akong hihimatayin. At isa pa naka white dress ako pano naman ako sasakay dyannn. Bigla akong binigyan ng grrr na tingin nung queto, umay mukhang hindi kami magkakasundo. "I'm waitinggg" sabi ni auntie habang nakatingin sa relo. Ito na naman sa no choice eh! Wala na kaming nagawa ni aki at sumakay nalang. Tagilid ang pagsakay ko dahil nakasuot ako ng dress, hindi ko lang maayos ang pag upo dahil ang gulo nung queto. Nangangasar ba sya!? Osigee hanggang mamaya tayo dito. Nang ayos na lahat inutusan na ni auntie tong tigre na'to na lumipad, ako naman tong mukhang losyang dahil dalawang kamay ko ang nakayakap kay auntie. Buti nalang at di-sabit sa likod yung bag na dala ko, nilingon ko si aki para i-check kung ayos lang ba s'ya at mukha namang ok pa sya sa ok dahil nakahiga pasya sa bag habang kumakain ng carrot. Huwaw sana all chill. Ilang oras din kaming nasa ere bago makarating sa starry at ng makababa na si queto ibinuka nya ang pakpak nya para makababa kami ng maayos. May pagka gentleman din pala ang isang 'to, naunang bumaba si aki sunod naman si auntie at ng ako na ang bumaba nasa pakpak nya ako ng bigla nyang inalis 'to kaya napasubsob ako sa lupa. "Hahaha" nilingon ko s'ya at sinamaan ng tingin, takte naman oh di pa nga nakakaget over yung katawan ko sa sakit kahapon tas meron na naman ngayon patayin nyo nalang kaya ako!? Tawa parin sya ng tawa at nakayakap na ang dalawang kamay nya sa tyan habang nakahiga, ngumisi naman ako saka nilahad ang kamay ko sa ere dahilan para may ugat na pumulupot sa katawan nya. Unti-unti nawala ang ngiti sa mukha ni queto at masamang lumingon sa akin at sa pagkakataong 'to ako naman ang humalakhak at sabay dila sa kanya bilang pang-asar saka s'ya iniwan. Ihulog mo pa ako ha "Oh deixy bat ang tagal mo?" Salubong ni auntie sa'kin ng makalapit ako sa kanila, bigla namang kumunot ang noo nya "sobrang miss mo naba ang starry at pati lupa hinahalikan mo?" Sabay silang natawa ni aki. Nagtaka naman ako at tinaasan sila ng kilay, tinuro naman ni aki yung mukha ko kaya napahawak ako dito. Laking gulat ko ng may lupa akong nakapa, nakuha ko ata 'to sa pagkasubsob ko kanina. Inabot ni auntie ang neckerchief nya para pamunas ko, labag sa loob ko namang kinuha 'to. Nauna na silang naglakad habang mahinang tumatawa, ako naman 'tong walang ganang sumunod sa kanila habang nagpupunas ng mukha. Panget ng araw ngayon. Andito na kami sa Starry Kingdom, ang ganda talaga dito lalo na 'yung mga flying creatures sa itaas. Napansin kong halos lahat nakatingin sa'kin, ganun ba talaga kalaki ang kasalanan ko? Nang makarating na kami sa loob na palasyo biglang bumungad sa'kin ang 10 years old na batang si kulas na anak ni auntie. "Atee dex!" Binigyan nya ako ng mahigpit na yakap, balak ko sanang guluhin ang buhok nya ng bigla syang nagteleport sa tabi ni aki. "I fix my hair for you tas guguluhin mo lang? Not a good idea" sabay kagad ng carrot habang nakapatong sa wall. Sinamaan sya ni aki ng tingin dahil kumuha sya ng carrot n'ya. Natawa nalang ako sa kanila na ngayon ay naghahabulan na. "Welcome home dex" nilingon ko si uncle at luluhod sana bilang paggalang kaso pinigilan nya akong gawin 'yun. "Salamat t-tito" naiilang talaga kapag tinatawag s'yang tito, Like he's the King of Starry and one of the God tas tatawagin ko lang na tito? Ok na sakin na si Queen zari nalang ang tawagin kong auntie dahil sanay na ako. Hinatid kami ng mga taga silbi ng palasyo sa magiging kwarto namin at namangha naman ako sa ganda at laki ng kwarto, bukod sa malaking kama nito meron ding higaan na nakalaan para kay aki at meron ding restroom at ilang magic painting na nakasabit na nag-iiba ng larawan at meron ding malaking bintana na may maliit na balcony sa labas. Agad naman akong napahiga, kunti lang ang nangyari sa araw na'to pero ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. "Matutulog kang ganyan?" Tinagilid ko ang ulo ko para maaninag sya "Look at your dress" umupo naman ako para tignan ito. Hindi na ako nagulat sa nakita ko, kunti nalang kasi at magiging brown na ang kulay ng white dress na suot ko. Sinuot ko lang naman 'to para magmukhang presentable sa mga tao dito pero diko inexpect na ganto ang kakalabasan. Nag shower muna ako bago matulog, hindi pa naman gabi pero gusto ko na talagang matulog para makapagpahinga. Inaayos ko ang buhok ko ng may bigla kumaluskos sa malaking bintana, nagkatinginan kami ni aki saka tumakbo ako sa kanya at pumwesto sa likod. "Tignan mo" tinulak ko s'ya papunta dun, hindi naman sya nagdalawang isip na tignan ito. Nang buksan nya ang bintana, biglang may kung anong pumasok at dumeretso sa'kin kaya sabay kaming natumba sa sahig. "What the!" Inis kong binuksan ang mga mata ko para makita kung sino ang nasa ibabaw ko "Civ??" Nawala ang inis sa mukha ko ng makita ko s'ya. "Oh my godd dexxx!!" Bigla nya naman akong niyakap, nailang naman ako kaya bahagya ko syang tinulak at tumayo. Tama ba namang daganan ako. "Hindi ako nainform na nakauwi kana! Sinalubong sanaa kitaaa" Hindi parin sya nagbabago, sya parin ang maingay na civ na nakilala ko simula nung bata kami. "Hindi naman na kailangan" umupo ako sa gilid ng kama at inunat unat ang likod ko. "Taraa maglibot tayo hihi" excited nitong sabi, umiling naman ako. "I need some rest, kaya bukas nalang siguro tayo maglibot" umagree naman ito sa'kin dahil pansin nya din na hindi maganda ang mood ko ngayon. "Ok then iiwan muna kita, babalikan kitaa bukas ha!?" Tumango naman ako bilang sagot. Papunta sya sa balcony para dun ulit sana lalabas. "Ba't dyan ka pa dadaan eh meron namang pinto!?" Sabay turo ko sa di kalayuang pinto, 'di naman sa natatakot akong mahulog sya dahil nakakalipad naman si civ. Pero kasi baka mahuli s'ya ng guard dahil sa ginagawa nya. "Don't worry, 'di naman ako magpapahuli" sabay ngiti nito "Basta bukas ha? Wag kalimutann" tumango ulit ako sa kanya bago sya makaalis. --- Ilang oras lang ang tulog ko dahil kailangan na naming bumaba para mag dinner, nakakahiya naman kung tatanggi kami. Nauna ng bumaba si aki at sinabi kong may aayusin lang ako saglit pero balak ko talagang i-extend ang tulog ko ng five minutes lang naman. Nang kuntento na ako sa tulog nag ayos lang ako ng kaunti at bumaba na, pababa akong ng makita sila auntie at uncle na seryosong nag-uusap. Nang tapos na sila mag usap naiwan si auntie, nilapitan ko naman sya. "Auntie may problema ba?" Seryosong tanong ko sa kanya, binigyan nya naman ako ng pekeng ngiti. "Malalaman mo din" sabay hawak sa balikat ko "Let's eat?" Tumango nalang ako at sabay kaming pumunta sa dining table. Nagulat ako ng bumungad sa harapan ko ang mahabang mesa as in sobrang haba, kunti lang naman kaming kakain pero bakit naman ganyan yung table nila. Bumagay naman ito sa luwang ng kwarto at napaka aliwalas ng paligid dahil may mga bulaklak na nakasabit sa wall na syang kinatuwa ko. Umupo ako sa tabi ni aki at sa gilid ko si tito na nakapwesto sa gitna habang katapat ko naman si auntie. King of the Starry si tito caleb pero wala syang crown at parang 'di sya tumatanda dahil nangingibabaw parin ang kagwapuhan nya ganun din naman si auntie. "Perry sit down" napatingin ako kay tito at nagtaka kung sino yung tinutukoy nya. "Dun kana sa tabi ni kulas umupo" sinundan naman ito ni auntie, sino ba tinutukoy nila? Sa pagkain lang kasi sila nakatuon at nung lingunin ko naman ang mga star which is yung mga nagsisilbi sa palasyo ni isa naman sa kanila walang gumagalaw. Magsasalita na sana ako para tanungin kung sino yung perry ng biglang may nagsalita. "Kamusta kayo?" Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko at bahagyang napaatras ng biglang gumalaw ang upuan sa tabi ni kulas. "It's ok dex don't be scared" pang kakalma sa akin ni auntie, sino namang di matatakot kung may biglang magsasalita at gagalaw ng upuan kahit wala namang tao? "Perry, why don't you wear your clothes?" Sino ba talaga yung perry, nababaliw naba sila or ako yung nababaliw? "Ow I'm sorry I forgot to bring my clothes, only my sunglasses" bigla namang may lumutang na salamin "ok naba, do I look presentable now?" "Invisible man" ani ni aki nilingon ko naman sya, invisible man? "Yes aki you're right, perry has invisible power and he is also our great founder" unti-unti naman akong naliwanagan matapos sabihin yun ni tito. Napatingin ako dun sa perry na ngayon ay kumakain na, nawewerduhan lang ako sa t'wing susubo sya. Nakikita ko kasi yung pagkain na dumadaloy sa katawan nya at pagdating sa baba na sa tingin ko ay tummy nya 'di na nakikita yung pagkain. Bigla namang may tumawa kaya napatingin ako kay kulas na ngayon ay nakatingin sa'kin. "You're not scared aren't you?" Pang aasar nito. Binigyan naman sya ng seryosong tingin ng mom at dad nya dahilan para tumigil sya, pfft ang cute ng reaksyon nya hahaha. "I'm glad that you came back" bahagya naman akong ngumiti kay tito "Andaming nag hihintay sa pagbalik mo, specially spencer" Hindi ako umimik matapos nyang sabihin yun, bakit nya naman ako hinihintay? Hindi ako bumalik dito para lang makita sya at kung pwede lang na hindi makita ang lalaking yun ipagpapasalamat ko pa. "He lives here, binilin s'ya sa akin ni King Simon." King simon is the great God of Emerald Kingdom, sya ang father ni spencer.. so everyone consider him as their prince. "Ipapasama kita bukas sa kanya para maglibot dito sa Starry" bigla naman akong umiling saka uminom ng tubig para mawala yung mga pagkain sa bibig ko. "No need tito! Si civ po ang kasama ko bukas" bigla naman sila napatingin sa akin. "Nagkita na kayo?" Tumango naman ako bilang sagot kay auntie "Weird, 'di ko naman sya nakita dumaan kanina sa harapan" napapaisip nitong sabi. Umay kay civ mapapahamak pa ata kami dahil sa pa bintana mo! "Wait!" Gulat naman kaming napatingin kay kulas "I saw something at your wind--" "Tita grabee da best 'tong luto mo! Ito ba 'yung turo ni mommy??" Pag-iiba ko ng usapan para mabaling ang atensyon nila sa'kin. Tumango tango naman si aki na parang sarap na sarap din, alam nyang madadamay din s'ya kapag natuloy ni kulas yung sinasabi nya. Bawal kasing dumaan sa bintana at sa big door lang pwedeng dumaan para makapasok ka dito sa palace. Nakuu civ lagot ka sakin bukas akala ko ba hindi ka magpapahuli. "Really!? I told you caleb nakuha kona ang lasa ng recipe ni ate zia hihi" kilig nitong sabi habang sinisiko si tito. Umiling naman si tito at kahit si kulas ay nakisama narin kahit na hindi pa nya natitikman yung luto ni mommy. Sunod-sunod naman ang pagsubo ni auntie kay tito para maconvince na nakuha nya na ang recipe, kawawa naman yung asawa nya nagkalat na ang ulam sa bunganga. Nilingon ko naman si aki na ngayon ay tumatawa narin, napabuntong hininga naman ako saka uminom ng tubig. Muntik na kami dun
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD